Chapter 8

50 3 0
                                    

Chapter 8

Habang panay ang usap ni Ayesha at Zarene about nga doon sa nangyari sa akin ay natigilan sila. Sinundan ko ang direksyon kung saan sila nakatingin.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang papalapit na sina Marcus. May mga ngiti sa mga labi nila na hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng ngiting 'yon.

Nagulat ako ng bigla silang lumapit sa pwesto namin kaya halos lahat ata ng tao dito sa cafeteria ay napatingin sa direksyon namin.

"Hey guys." panimulang bati ni Kian samin na mabilis na naupo sa tabi ni Zarene na ngayon ay naka poker face lang na nainom ng juice. "Hindi mo man lang ba papansinin ang napaka gwapong nilalang na katabi mo ha?" Tanong nito kay Zarene.

"Kung ikaw lang din naman 'yung gwapong nilalang eh, wag na lang." ani Zarene na busy sa pag inom ng kanyang juice.

"So? What are you doing here?" panimulang tanong ko na nakatingin kay Marcus. Alam kong nakatingin sa akin si Drake pero hindi ko na lang sya pinansin.

"Makiki join sa inyo, kung okay lang?" sabi ni Drake na tumabi sa akin.

"Tamang-tama tapos na kami, maari nyo ng magamit ang table namin." nakangiting sabi ko na aktong tatayo pero pinigilan ako ni Marcus.

"Do you know the words makiki join?" sarkastikong sabi nya sa akin kaya napa isip ako.

"Hmm... eh tapos na kami e, paano pa kayo makaka join?"

"Edi dyan muna kayo kakain kami." sabi ni Drake.

"Panonoodin namin kayong kumain?" sarkastikang sabi ni Ayesha.

"Oo, edi kain ulit kayo, ako sagot." ani Marcus na nag punta na sa counter upang umorder.

"Kailan nyo pa napag desisyunang maki join samin?" asar na sabi ni Zarene na naiinis na ata sa katabi nyang si Kian.

"Ngayon lang." napalingon ako sa kaliwa ko ng tumabi sa akin si Lienzo, kinindatan ako nito kaya agad akong nag alis ng tingin sa kanya.

"Ako din paki kindatan Lienzo." ani Zarene na nang aasar.

"Ako na lang ang kikindat sa'yo." paepal pang sabi ni Kian kaya agad syang siniko ni Zarene.

Napangiwi ako ng may sumipa sa paa ko kaya nilingon ko iyong ilalim ng lamesa, nakita ko iyong sapatos ni Ayesha na muli akong sisipain kaya nag angat na ako ng tingin sa kanya at pinag kunutan sya ng noo. May nginuso ito sa kanang bahagi ko kaya napalingon ako sa gawi ni Drake at halos magulat ako ng makitang nakatingin sa akin si Drake at tila barino pa ito.

Inaano ko 'to?

Inalis ko na ang tingin sa kanya, hindi ko alam ang problema nya at bakit ganun na lamang sya makatingin sa akin.

"How are you Chanel?" biglang tanong ni Lienzo sa tabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya.

"I'm good, how about you?" balik na tanong ko sa kanya at nagkibit balikat lang sya bago sumagot.

"I'm good too."

"Good. Uh... Last night I want to say sorry, nag-alala pa kayo ng dahil samin."

"Ah yeah! We all worried about you and also Drake. Gusto ko nga sanang sundan kayo ang kaso wala akong sasakyang dala. I'm just trying to contact Drake but he's not answering his phone kaya doon na ako nag alala. And I'm sorry kung nakapag sabi ako ng ganong salita last night." paliwanag nya kaya napangiti naman ako.

"It's okay, I understand,"

Natigilan kami ng marinig namin ang mabilis na pag tayo ni Drake at kita ko ang pag alis nya. What the hell he is? What his problem?

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum