Chapter 7

49 3 0
                                    

Chapter 7

Nang makarating kami sa school ni Rj ay tila wala ng katao tao miski man lang teacher ay wala na.

"Teacher ba sya? Bakit dito tayo nag punta?" takang tanong ni Drake na kasalukuyang pinag mamasdan ang paligid, hindi ko ito pinansin at nag hanap na lamang kay Rj

"Rj!... Rj!!" sigaw ko sa pangalan nya.

"Rj ka dyan ng Rj kung tinatawagan mo kaya? Mapapaos ka lang nyan sa ginagawa mo eh!" sabi ni Drake na mabilis na ibinigay ang kanyang cellphone sakin kaya tiningnan ko lang 'yon at nag angat ng tingin upang tingnan din sya.

"Hindi ko kailangan nyan." seryosong sabi ko at iginala na lang ulit ang mga mata.

"Tawagan mo na lang para mapadali ano ba! Hindi 'yung tawag ka dyan ng tawag akala mo bata 'yung nawawala."

Muntik na akong matawa sa kanya, kanina ko pa din iniisip kung anong iniisip nya at ngayon ay nalaman ko na, hindi nya alam na si Rj ay isang munting bata lamang.

"Anong tinatawa mo dyan? Tawagan mo na!" binibigay nya pa ulit 'yung phone nya pero inirapan k ona lang sya.

"Ewan sa'yo!" natatawang sabi ko.

"Nuna?"

Agad kaming napatingin ng may marinig kaming boses at nakita ko nga sa hindi kalayuan si Rj na hawak-hawak ang kanyang bag at patingin-tingin sa paligid.

Agad akong nakaramdam ng awa sa kanya, hindi man lang sya talagang nagawang sunduin ng magulang nya? Paano kung tuluyan ko na lang talagang nakalimutan? Malamang ay nandito parin sya hanggang mamaya.

Mabilis ko syang pinuntahan at ng makita nya ako ay agad lumaki ang ngiti nya.

"Nuna!!" sigaw nya at patakbo ding lumapit sa akin.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, tuwa dahil okay lang sya, at awa dahil hinayaan ko lang syang mag hintay sa akin, ngunit sinuklian nya parin ako ng magandang ngiti.

"Akala ko kinalimutan mo na ako Nuna." doon ko naramdaman ang takot sa boses niya kaya mahigpit ko syang niyakap at umalis din upang halikan sya sa malambot niyang pisngi.

"Hindi gagawin 'yon ni Nuna sa'yo. Importante ka kaya sa akin kaya paano ka kakalimutan ni Nuna? Pasensya kana kung late na dumating si Nuna ha? May nangyari kasi eh." paliwanag ko sa kanya.

"Okay lang 'yun Nuna at least nandito kana. Matagal man akong nag antay. Sinunod lang kita na mag antay ako sa'yo dito, kaya ginawa ko."

Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko kaya napahawak ulit ako sa dibdib ko. Naluluha ako, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko sa batang ito. Tila para syang nakababata kong kapatid dahil sa pakiramdam na ito. Lumaki akong mag isa at wala akong kapatid kaya siguro ganito na lamang ang pakiramdam na nararamdaman ko.

"Sa susunod aagahan na ni Nuna para masundo ka na nya sa tamang oras. Sorry Rj... Sorry..."

"It's okay Nuna..."

"Rj?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko roon si Drake na taka kaming pinag mamasdang dalawa ni Rj.

"Who is he, Nuna?" takang tanong ni Rj. "Who are you?" tanong ni Rj kay Drake.

"Uhm... Rj sya si Kuya Drake." pakilala ko kaya nilapitan naman ito ni Drake.

"Boyfriend mo po Nuna?" takang tanong ni Rj.

Nanlaki ang aking mata at sunod-sunod na umiling. "No! He's not my boyfriend, he's my friend actually my cousin friend." mabilis kong sabi at nilapitan sila.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن