Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 43

37 3 0
By Emcentllain

Chapter 43

Panay ako doorbell sa harapan ng bahay nila Drake. Panay din ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang ginagawa ko iyon. Sabi nya ay tawagan ko sya kapag may nangyaring hindi maganda, ngunit nasaan sya? Bakit hindi pa sya lumalabas ng bahay? Bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko?

"Chanel?" Nagulat si Manang Arlinda ng pagbuksan nya ako ng pinto. "Jussko anak, anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala nyang sinabi at nilapitan ako.

Mabilis akong yumakap sa kanya, niyakap nya din ako.

"Anong nangyari sa iyo hija?" Tanong nya muling nag aalala ang tinig.

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lamang na yumakap sa kanya. Hinaplos nito ang buhok at likod ko, ikinakalma nya ang sarili ko.

"Chanel?"

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Drake sa may bungad ng pinto sa kanila. Tumakbo ito at mabilis kaming nilapitan, kumalas si Manang Arlinda sa akin.

Si Drake ay nakatayo lamang sa tapat ko, nag aalala ang mga mata. Hindi ko na pinatagal pa ang pagtitig sa kanya. Yumakap ako dito, niyakap nya din ako.

"What happened?" Tanong niya.

Iyak lamang ang naging sagot ko sa mga tanong nya.

"Sa loob tayo." Inilayo nya ako sa kanya at hinila sa kamay. "Manang pahanda po ng gatas at paakyat sa kwarto ko." Sabi ni Drake bago ako hinila papalayo sa bungad ng bahay nila.

Umakyat kami sa hagdan at pumasok sa kanyang kwarto, iniupo nya ako sa kamay at kumuha ng upuan na nasa study area nya bago inilagay sa tapat ko. Naupo sya doon at tiningnan ako.

"I'm sorry, I didn't pick the call. I was in the shower taking a bath." Aniya.

Tumango lamang ako kahit walang humpay ang pagpatak ng luha ko.

"Look at me please." Utos nyang tila nag mamakaawa. "I want to know what happened."

"Niloko ako ng pamilya ko, Drake..." sabi kong gumagaralgal ang boses.

Pinaglaruan ko lamang ang mga kuko sa daliri ng kamay ko. Doon lamang ako nakatingin.

"Niloko ka?"

Tumango ako sunod sunod. "Itinago nilang lahat sa akin ang Papa ko." Pinalis ko ang luha sa aking mata. "Ilang taon kong hiniling na sana makita ko ang Papa ko, kasi gusto ko makasama na muli, ilang taon kong binuo ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya kapag nag kita kami, ilang taon akong nagbaka sakaling babalik sya..."

"Bumalik sya Chanel. Binalikan ka nya." aniya sa malamyos na boses.

Umiling ako. "Matagal na syang bumalik, matagal na panahon na. Tinago lamang nya ang sarili nya sa akin, itinago lamang sya ng pamilya ko."

"What do you mean?"

Iniangat ko ang tingin sa kanya.

"Matagal na nila akong niloloko, matagal na simula ng makita nila si Papa. At matagal na nilang itinatago sa akin ang Papa ko! Ginawa lamang daw nila iyon dahil sa rason! Eh letcheng rason 'yan! Napaka dami naman!"

Nakatingin ito sa akin, seryoso lamang syang tinititigan ang bawat reaksyon ko.

"Drake... anong kasalanan ko para gaguhin ako ng mundong 'to? Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito? Bakit ganito ang naging kapalaran ng buhay ko?" Umiyak muli ako, itinaklob ko ang kamay ko sa aking mukha. "Sobrang sakit para sa akin, na sarili kong pamilya ay ginagago ako."

"Nalaman mo ba kung anong rason nila? Kung bakit nila ginawa iyon? You should try to ask them, why did they do that to you."

"Ang papangit ng rason nila,"

Bumuntong hininga ito, tila hindi napagaan ang loob ko. Natigilan kami ng may kumatok. Iniangat ko ang aking ulo at natanaw ko si Manang Arlinda na may dalang gatas.

Tumayo si Drake upang puntahan si Manang Arlinda na hindi tumuloy sa pagpasok. Kinuha niya ang gatas, tiningnan ako ni Manang Arlinda bago nag pasyang umalis. Sinarado ni Drake ang pintuan at nilapitan ako.

Inilapag niya ang gatas sa tabi ng kama nya.

"Did you eat?" tanong nya.

Hindi ako sumagot, huminga siya ng malalim tila alam nya na ang sagot.

"Wait for me here, I'm gonna cook. I'll just give you a minute to think." aniya at hinalikan ako sa noo. "I'm here, please... don't pressure yourself. Think in a calm way. Hmm?"

Tumingin ako sa kanya, tumango ako. Kitang kita ko sa mga mata nya na gusto nya pa akong kausapin ngunit mas pinili nyang hayaan muna ako para makapag isip ng maayos.

"Drink the milk. I'll be back." kinuha nya iyong gatas na pinatong nya sa side ng kama nya at iniabot sa akin.

Nag paalam na din naman ito kaya naiwan akong mag isa sa kwarto nya. Tinitigan ko lamang ang gatas, ipinatong ko iyon muli sa lamesa na nasa gilid ng kama ni Drake, wala pa akong gana sa lahat.

Natigilan ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng suot kong uniform at nakita ko nga doon ang pangalan ni Marcus, tumatawag ito sa akin. Hindi ko iyon sinagot.

Hindi ko inakala na pati sya, pati sya na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ay kasali sa mga nangyayaring ito. Akala ko ay iba sya sa lahat ngunit pare-parehas lamang sila. Kaya siguro magkakilala sila ni Ryan, noon palang ay alam nya ng kapatid ko si Ryan. Akala ko ay kakampi ko sya. Pinag kaisahan nila akong lahat.

May text si Ryan at Marcus sa akin ngunit hindi ko iyon nireplyan. Parehas lamang nila akong hinahanap, at wala akong balak na sabihin kung nasaan ako. Ayoko silang makita! Ayoko silang makausap. Ang mapag panggap na tao na katulad nila ay dapat hinahayaan.

Hindi ko kailangan ng pagmamalasakit nila. Hindi ko kailanman kakailanganin iyon. Dahil mga mapagpanggap lamang sila. Hindi ko na alam kung anong totoo sa mga sinasabi nila.

Ginago nila ako, ilang beses. Pinagkaitan nila ako sa kagustuhan ko, hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin!

Napahilamos ako sa mukha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko sobrang pagod na ang isip ko sa mga nangyayaring 'to. Hindi pa ako nakakabawi sa pag iisip na kapatid ko si Ryan at Rj, at ngayon ay may bago na naman akong iisipin.

Ilang minuto akong nakaupo sa kama, ilang minuto akong nag isip ng mga bagay-bagay. Gusto ko munang lumayo sa kanila, ayoko silang makita.

Natigilan ako ng may kumatok sa pintuan. Inakala kong si Drake iyon kaya tumayo ako, ngunit natigilan lamang ako ng bumungad sa akin si Marcus at si Ryan.

"Anong ginagawa nyo dito?! Papaano nyo nalamang nandito ako?!" sigaw ko sa dalawa.

Napatingin ako sa likod nila at nakita ko si Drake, malalim ang kanyang iniisip na nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko ngunit umiwas lamang ito ng tingin.

Sinabi nya sa dalawa? Akala ko ba nandyan lang sya para sakin? Bakit parang pinag kaisahan nya din ako?

"Ano 'to Drake?" natatawa ngunit nangangarag ang boses na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry, they called looking for you. I told them you're here with me." aniya.

Bumaba ang balikat ko at nilingon ang dalawa na nasa harapan ko. Kitang kita ko ang awa sa mata ni Marcus.

"Ano bang kailangan nyo?" kalmado kong tanong sa dalawa, pinipigilan ang namumuong galit.

"Can we talk, Chanel?" tanong ni Marcus.

Umiling ako. "Malinaw na sa akin ang lahat, Marcus. Malinaw ng sinabi sa akin ni Wayne ang lahat. I can't believe that even you, Marcus, even you deceived me. I trusted that you would always be on my side. You were always there when our cousins bullied me, but why do you also have to hide things from me?"

Lumapit sya sa akin, kita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mukha.

"Please, magpapaliwanag ako."

Umatras ako at lumayo sa kanya. "Ayoko!" umiyak ako. "Ayokong marinig pa ang mga kasinungalingan nyong sasabihin sa akin. Tama na ang mga nalaman ko, kasi sasabog na 'yung isip at puso ko! Hindi ko na kayang alamin pa ang lahat!"

"Chanel, can you fucking calm down?!" sigaw ni Ryan. "Pwede bang tama na ang pag iyak at hayaan mo muna kaming mag paliwanag sa'yo–"

"Shut up! Reason boy! Rinding rindi na ako sa mga rason mo! Hindi na ako bata para bilug-biligun nyo. Wala ka sa posisyon ko para patahimikin ako at wala ka sa posisyon ko para sabihing itigil ko na ang pag iyak ko!" sigaw ko dito na kinaputol ng kanyang sinasabi.

Nagulat sila sa malakas na sigaw kong iyon, kaya nanahimik sila.

"Hindi mo alam kung papaano ko pagkakasyahin sa isipan ko lahat ng mga nalaman ko! At para sabihin ko sa'yo Ryan! Kayo ang may kasalanan ng lahat kung bakit ako ganito! Kaya wala kang karapatang sigawan ako para tumahimik sa pag iyak!" inis kong pinalis ang luha sa aking mata at tinitigan sya ng masama. "Kahit anong paliwanag pa ang sabihin nyo, wala na akong paniniwalaan pa. Wala na akong ibang nakikita sa inyo, kundi masasamang tao kayo. Habang may batang umiiyak gabi-gabi, pinapanalangin na makita at makasama nya ang ama nya, may mga taong katulad nyo na tinatago sa sa batang iyon ang totoo. Wala kayong kasing sama. Hinding hindi din kita matatanggap bilang kapatid ko! Dahil walang kapatid ang magtatago ng sikreto." nilingon ko si Marcus. "At wala din akong pinsang kayang gaguhin ako."

Nakita ko ang panglulumo sa dalawa. Naglabas sila ng hangin na tila tapos na at hindi na sila makakapag paliwanag pa sa akin.

"Marami ka pang hindi alam, I hope you don't regret in the end." Si Ryan na iniwan na kami.

Sumunod si Marcus sa kanya, tinapik pa nito ang balikat ni Drake na nasa may pintuan lang. Nag paalam ang dalawa sa kanya. Nang tuluyan na silang umalis ay tiningnan ako ni Drake, seryoso ang mga mata nya, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sya makatingin sa akin. Parang kasalanan ko pa ang nangyari sa mga titig niyang iyon.

"Dadalhin ko dito ang pagkain mo." aniya at lumabas na.

Naiwan akong mag isa. Napaupo ako sa sahig dahil naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Muli ko na namang naramdaman ang paninikip noon, na tila kinakapos ako ng hininga. Kinalma ko ang sarili ko ngunit masakit na ang naging daloy ng paghinga kong iyon.

Hindi ako pwedeng bumulagta na lang basta dito. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

Tinapik tapik ko ang dibdib ko, ngunit talagang nangingirot na iyon sa sakit.

Ilang minuto akong ganon hanggang sa dumating si Drake. Nang namataan nya ako ay agad nyang ibinaba ang pagkain at dinaluhan ako.

"Anong nangyayari?" nag-aalala niyang tanong. "Nanakit ba ulit?"

Tumango ako. Tumayo sya at kinuha iyong tubig na kasama sa pagkaing dala nya. Pinainom nya sa akin iyon. Binuhat nya ako at inihiga sa kama niya.

"Tatawagan ko ang doctor mo." aniya at umalis.

Ipinikit ko ang mata ko, baka kailangan ko ng pahinga dahil kanina pa din ako umiiyak.

Hindi nga ako nagkamali dahil nagising na lamang ako ay umaga na. Tiningnan ko ang paligid at wala akong nakitang Drake. Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha, malinaw na malinaw parin sa akin ang lahat. At hindi ko kayang pumasok sa paaralan lalo na't pupwede kong makita si Marcus at Ryan doon.

Bumaba ako ng kama. Nakigamit na ako ng banyo ni Drake, at doon nga ay nag hilamos ng mukha. Napansin ko ang pugto ng mga mata ko, magdamag ba namang umiyak. Sinong hindi mamumugtog ang mata.

Bumuntong hininga ako, tila kahit papaano ay napawi ang kirot ng dibdib ko. Pero hindi parin noon maaalis ang galit sa puso ko.

Nanatili ako sa banyo ng ilang minuto, natigilan ako ng may mag ring sa kwarto ni Drake kaya naman tinuyo ko lang ang mukha ko at lumabas na ako.

Nakita ko iyong cellphone ni Drake na nasa couch, umiilaw iyon at tumutunog. Nilapitan ko iyon, natigilan ako ng makita ang pangalan ni Brianna. Takang kinuha ko iyon at sinagot.

"Oh my god! Sinagot mo din! I was calling you last week and you didn't even pick your phone?" bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Anyway, hindi ko na patatagalin pa. We need to talk, Dad wants us to proceed with the wedding. I'm pregnant, so you need to take responsibility for me."

Halos maibagsak ko iyong cellphone sa narinig ko. Napaupo ako sa couch at natulala.

"My god! Sinagot mo nga ang tawag ko but you didn't talk. Gosh! I'll be there. And let's talk." ibinaba niya ang tawag.

Ibinababa ko din iyong cellphone ni Drake, naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at pangangatal ng kamay ko. Binuksan ko ang phone nya, inopen ko ang social media nya, tiningnan ko ang mga messages nito at nakita ko ang chat ni Marcus sa kanya, ilang months na ang chat nya iyon kaya tiningnan ko.

Mas lalong sumabog ang kirot sa dibdib ko ng makita ang usapan nilang dalawa.

Drake Cuales Mendez

Sorry...

Marcus Valeria Lee

Don't fucking sorry at me. Ihanda mo na lang ang sarili

mo kapag nakita ni Chanel iyong litrato ninyo ni Brianna.

Drake Cuales Mendez

I didn't cheat. Kilala mo ako Marcus,

mahal ko si Chanel.

Marcus Valeria Lee

Hindi ka magpapahalik kung totoong mahal

mo si Chanel! Gago ka!

Drake Cuales Mendez

Dude, hinalikan lamang ako ni Brianna.

I didn't kiss her!

Marcus Valeria Lee

Sana pinigilan mo! At ngayon naka post kayo

sa social media na dalawa. Alam mong galing kayo

sa mayamang angkan na dalawa, at kahit saan pupwedeng

may reporter ang syang mag masid sa inyo!

Marcus Valeria Lee

Sa ngayon matutulungan pa kita. Pero kapag nakita ni

Chanel ang litrato ninyo ni Brianna, sorry. Hindi na ako

pupwede pang sumali sa mangyayari.

Marcus Valeria Lee

Sinubukan kong iblock ang post na iyon sa acc nya.

Hinanap ko na din iyong pupwede pang mag post noon

para ma hide sa kanya at hindi na lumabas sa acc nya.

Pagsisisi ko ito kapag nalaman nya na tinulungan kita.

Marcus Valeria Lee

Ayoko lamang masira ang bagong taon ni Chanel, hindi

ko sya kayang muling umiyak at masaktan dahil sa lalaki.

Nasaktan na sya noon, nang iwan sya ng Papa nya.

At hindi ko hahayaang masaktan sya muli.

Pumapatak na ang luha sa aking mata habang nag ba-back sa message nilang iyon ni Marcus. Agad akong nag search ng about sa kanila ni Brianna noong new year, at tumambad nga sa akin ang mga litratong kuha sa isang restaurant. Nandoon ang pamilya nila parehas. Nag scroll pa ako at halos manlumo ako sa kinauupuan ko ng may isang picture na naka focus sa dalawa at magkalapat ang mga labi nila. Tiningnan ko ang mga komento at nakita kong ang mga comment na nagkabalikan na ang dalawa. May nakita rin ako na comment na bakit hindi ako ang kasama ni Drake sa Chicago.

Ipinikit ko ang mata ko, dinama ang hapdi ng nararamdaman ng puso ko. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan problemado pa ako sa pamilya ko? Bakit?

Iniangat ko ang ulo ko ng may pumasok sa kwarto. Tumambad si Drake na may dala-dalang pagkain at nakasuot na ng kanyang uniporme.

Natigilan ito ng makita nyang umiiyak muli ako. Ibinaba niya ang pagkain sa center table sa tabi ng kanyang couch at nilapitan ako.

Tinitigan ko sya sa mga mata, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon. Buntis si Brianna at sya ang ama, he cheated on me. Habang problemado ako sa pamilya ko, sya naman ay nakikipag landian sa ex nya. Ano bang kalokohan na itong nangyayari sa akin at parang pinag ti-tripan na ako ng mundo.

Lumuhod siya sa harapan ko para mag pantay kaming dalawa. Tinitigan nya ako, pinalis ng magaspang niyang kamay ang luhang lumandas sa pisngi ko.

Iniiwas ko ang mukha ko. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko ngunit tumayo na ako at naglakad, papalabas na sana ako ng pintuan ng kwarto nya ngunit hinila niya ako sa kamay at iniharap sa kanya.

"Galit ka ba sakin kasi pinapunta ko dito ang pinsan mo?" Tanong niya.

Hinila ko ang kamay ko.

"Huwag mo akong hahawakan!" Sigaw ko dito, nagulat sya.

"Chanel..."

"Isa ka pang manloloko ka!" Dinuro ko sya sa panggigil ko.

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil ayokong sumabog na lang basta, ngunit hindi na kinakaya ng puso ko, na pati sya ay nagawang magtago sa akin.

"Katulad ka lang nila! Niloloko mo lang din ako!"

"Baby... please..." iniangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ako ngunit tinabig ko iyon.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan! Nandidiri ako sa'yo!"

Natigilan ito. Nagtataka ang mga mata.

"What are you talking about?" Tanong niya na naramdaman ang galit sa kanyang boses.

"What am I talking about, huh?" tumawa ako at binuksan ang cellphone niya.

Hinanap ko doon ang post na picture nilang dalawa ni Brianna na magkahalikan at ipinakita sa kanya.

Nangangatal ang kamay ko habang hawak ang cellphone na ipinapakita sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya, mabilis nya akong nilapitan at sinakop ng katawan nya.

"Bitawan mo ako!" Sigaw kong pilit syang tinutulak papalayo.

"Please.... Please Chanel! Fuck! I'll explain everything–"

"Ayoko!" Sigaw ko at buong lakas syang tinulak.

Namumula ang kanyang leeg, maging ang kanyang mata. Kitang kita ko kung papaano mag makaawa ang titig niya.

"Pare-pareho kayo! Pinagkakaisahan ninyo akong lahat! Wala kayong kasing sama!"

"She kissed me! I didn't kiss her." aniyang nagsusumamo. "Please Chanel, let me explain." His voice was begging.

Nanigas na ang puso ko, hindi na ako makaiyak dahil galit na ang nararamdaman ko.

"Explain? How can you explain that post huh?"

"Please..."

"Ano bang ginawa ko para gaguhin nyo ako ng ganito?" Lumambot ang boses kong kanina'y galit na galit. "Bakit nyo ako sinasaktan ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa inyo?" pinalis ko ang luha sa pisngi ko. "Nag sinungaling ka sakin, ni hindi mo nagawa man lang sabihin sa akin na nandoon si Brianna sa Chicago at kasama mo." Umiyak ako.

"Nandoon sila para sa isang business..."

"And you didn't even tell me?" Tanong ko dito.

"I have plan to tell you–"

"Pero hindi mo nagawa." pagpuputol ko dito habang walang humpay ang pagpatak ng luha ko.

"I'm working out there, I'm busy and I didn't remember to tell you that."

"Kahit gaano ka busy ang isang tao, pag mahal mo, you will update them. Pero hindi mo nagawa."

"Nag plano akong sabihin sa'yo pag uwi ko."

"Hindi mo sinabi."

"Dahil na post iyong picture naming dalawa na magkahalikan. Nawalan ako ng lakas ng loob dahil baka iwan mo ako. Chanel I love you. And I can't see you letting go."

"Mas inisip mo pa ang kapakanan mo, kesa sa magiging kapakanan ko?" Nangatal ang labi ko. "Makasarili ka! Habang nagsisinungaling ka sakin, ako panay ang paniniwala sa'yo!"

"Please... hindi ko sya hinalikan..."

"Pero hinalikan ka nya! At tinago mo sakin! Kahit sabihin mong hindi ka nya hinalikan nandoon parin iyong kasalanan mong nag sinungaling ka sakin!"

"Chanel..." namumula na ang mata nya at hindi na sya mapakali sa pag angat ng kamay nya para hawakan ako.

"Pagod na ako Drake... pagod na pagod na ako."

"Then rest with me... please don't leave me." Hinawakan ako nito sa kamay. "Please... I will do everything you want, just please stay with me."

Umiling ako at inalis ang kamay nya sa kamay ko.

"Niloko mo ako. Nag sinungaling ka sakin. Sapat na iyon para itigil na 'to. Sa ngayon mas gusto kong unahin ang sarili ko." Sinabi ko iyon ng buong tapang, kahit unti-unti ng nadudurog ang puso ko.

Tinalikudan ko na sya, akala ko ay pipigilan nya pa ako ngunit hinayaan nya na akong lumabas ng kwarto nya. Pinigilan kong umiyak ng husto dahil nandito parin ako sa bahay nya.

Bumaba ako ng hagdan, nakita ko nga si Manang Arlinda. Nagulat pa sya sa akin.

"Uuwi kana ba?" Tanong nya sa akin.

Tumango ako. "Opo Manang, maraming salamat po. Masyado na po ako nakakaabala kay Drake."

"Naku. Wala iyon, tuwang tuwa pa iyon at magkasama kayong dalawa."

Ngumiti ako, para itago ang lungkot ng mukha ko. Hindi naman nya iyon nahalata.

"Ihahatid ka ba ni Drake?"

Umiling ako. "Hindi po."

"Ay kay Danoy na kita ipapahatid. Sandali–"

"Manang huwag na po." Pigil ko dito. "Huwag na po kayong mag abala pa. Mag ta-taxi na lamang po ako. Masyado na po akong nakakaabala sa inyo."

Nagtaka ang kanyang mukha. "Sigurado ka ba, hija?"

Tumango ako. Kalaunan ay hinayaan na din naman nya ako sa gustong gawin.

Pagkalabas ko ng subdivision nila ay pumara na ako ng taxi. Hindi ko alam kung uuwi ba ako sa bahay o maghahanap ng pupwedeng tambayan. Gusto ko munang magpakalayo-layo sa lahat. Masyadong nadudurog ng husto ang puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 142 27
Whoever said that we don't live just once but every day and die only once is a legend. Sovereign might have a boring life, as she believes, but who c...
341 92 21
"There will be sunshine after the rain." #MissBitterSeries no. 1
Heaven By wacky

Teen Fiction

34.2K 603 22
Ang plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago...
100K 2.4K 26
A love story that started with a kiss.