PART 1:The Only Girl of Secti...

By Binibining_Lunaa

1.2M 41.2K 6.7K

UNEDITED Naranasan mo nabang pumasok sa klase na ikaw lang ang nag-iisang babae? Date Started:October 27,202... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:Mall 5
Chapter 17:Mall 6
Chapter 18:Tampo
Chapter 19:Obey
Chapter 20:Share in one Tent
Chapter 21:Frog
Chapter 22:Princess
Chapter 23:First Game
Chapter 24:He Remove
Chapter 25:Ngiti
Chapter 27:They're sweet
Chapter 28:She's so hot
Chapter 29:Meet Drew Lasiri
Chapter 30:Eleven
Chapter 31:Piggy back ride/Sleep in his shoulder
Chapter 32:Fever
Chapter 33:I think i like Her?
Chapter 34:Guilt
Chapter 35:Pagsuyo sa aming Prinsesa
Chapter 36:Takbo
Chapter 37:Amnesia? 1
Chapter 38:Amnesia? 2
Chapter 39:School mate/Choose between Eleven and Twelve
Chapter 40:A Knife Protector
Chapter 41:She Kidnapped
Chapter 42:Save
Chapter 43:Eyan
Chapter 44:Fake
Chapter 45:Fake Girlfriend
Chapter 46:I love you & I love you too
Chapter 47:Sigawan
Chapter 48:Annoucement
Chapter 49: ??
Chapter 50:Clint,practice lang kami

Chapter 26:Hug from Him/Sleep in his arms

14.9K 798 140
By Binibining_Lunaa

HIREIN'S POV

Nagising nalang ako sa di ko malamang dahilan.Tinignan ko ang cellphone ko at alas dose palang ng hating gabi.

Tinignan ko naman yung Katabi ko pero nakatalikod sya sakin.Siguro ang amo ng mukha nya pagtulog.Napangiti nalang ako sa naisip ko at umiling.

Lumabas ako ng tent at umupo sa may troso.Tinignan ko ang cellphone ko at ang wallpaper ko at yung kaming dalawa ni Matt.

Hindi ko alam pero bigla nalang bumagsak ang luha ko.Napatakip ako ng bibig ko para pigilan ang paghagulgol.Ayokong may magising na iba ng dahil lang sa kaOA-yan ko.

Pinupunasan ko ang luha ko pero patuloy lang ito sa pagbagsak.Bakit ba kasi biglang pumasok sa isip ko si Matt?Kainis.

Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka manhid ko para hindi ko mapansin ang pagiging cold nya.

Lumapit ako sa tent kung nasaan ang mga gamit namin.Kumuha ako ng isang Chuckie at ininom iyon.

Mga isang oras na ako dito ng may biglang....

"Okay ka lang ba?" Agad akong napahawak sa dibdib ko at Inis na nilingon si Clint.Bakit ba bigla biglang sumulpot to?

"Ano sa Tingin ko?" Mataray kong sabi sabay punas ng mga luha ko na pumatak sa pisngi ko.

Umupo sya sa katabi ko at tumitig sa apoy.

"Hindi.Hindi ka okay"sabi nya habang nakatingin parin sa apoy.

" Hindi naman pala e.Bakit mo pa tinatanong?"mataray kong sabi.

"Gusto ko kasi na sayo manggaling" seryoso nyang sabi."Bakit Gising kapa?"

"Nagising lang ako"

"Bakit ka umiiyak?"

"Wala kana don"

"Alam mo?Mas nakakagaan ng loob kung may pagsasabihan ka ng nasa loob mo"bigla nalang akong napatingin sa kanya,nakatingin sya sakin ngayon.

" Bakit mo ba to ginagawa? "Nagsisimula nang mangilid uli ang mga luha ko.

"Kasi nahihirapan kana.Sige na,sabihin mo sakin,makikinig ako" bigla nalang akong napahagulgol.

"Yung boyfriend ko na dahilan ng pag-iyak ko,sila pala ng bestfriend ko" nakita ko na nagulat pala sya pero agad din nya iyong binawi."Nung araw na ibinato ko yung cellphone ko sa harapan, nakita ko sa video na naghahalikan sila"sabi ko habang humahagulgol parin.

Hindi sya nagsasalita sa halip ay nakatingin lang sya sakin.

"Yung araw na nasa mall tayo,nakita ko sila ng mga kaibigan nila nagpapakasaya,nagsinungaling pa sila" mahina naman akong natawa.

"Nung araw naman na basang basa ako sa ulan,Tinawagan ko sya.Tinanong ko sya kung mahal nya ako, ang sabi nya mahal nya ako" sabi ko sabay tingin sa cellphone ko na wallpaper kaming Dalawa ni Matt."Sabi nya hindi nya ako iiwan.Sabi nya hindi nya ako lolokohin, pero bakit ngayon?Niloko nya ako at bestfriend kopa.Niloko ako ng boyfriend ko at ng bestfriend ko."sabi ko habang patuloy parin sa pagnagsak ang mga luha ko."Bakit ganon? Minahal ko naman sya.Ibinigay ko ang gusto nya.Pero bakit hindi parin sapat?"tanong ko sabay tingin sa kanya.

Nakita ko naman ang awa sa mga mata nya kahit hindi nya ipakita sa mukha nya.

"Minahal ko naman sya ng sobra e.Pero bakit ganon?Nakuha nya paring magloko" sabi ko habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko.

"Maaaring nagtagpo kayo pero hindi kayo ang itinadhana para sa isa't isa."

"Pero hindi parin sapat ang lokohim nila ako.Pwede naman na makipag break sakin si Matt pero bakit Kailangan nyang magloko?Tatanggapin ko naman kung makikipag hiwalay sya sakin ng maayos e,kaso sa dinami rami ng babae na pwede nyang ipalit sakin,bakit kaibigan kopa?" Nagsimula na uli akong hugulgol."Pinagtaksilan ako ng dalawang importanteng tao sakin"

Nakahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko.

"Mukhang kailangan mo na syang kalimutan"

"Mahirap.Mahirap syang kalimutan dahil hindi biro ang magdadalawang taon.Balak ko nang makipag hiwalay sa 2 anniversary namin" ramdam kong tumingin sya sakin."Mahirap man pero gagawin ko."Ngumiti ako ng mapait habang patuloy parin sa pag-agos ang luha ko.

Tumingin ako kay Clint na ngayon ay Nakatingin sa akin.

"Mukhang Kailangan mong magmahal muli para makalimutan sya"

"Tama ka.Kailangan kong magmahal muli.Pero sisiguraduhin ko na yung lalaking mamahalin ko ay hindi na ako iiwan sa Mali....kaso Mukhang mahirap yon e.Mahal na mahal ko si Matt" sabi ko sabay takip ng dalawang kamay ko sa aking Mukha.

"Mahalin mo ng sobra para hindi ka iwan.Mali.Kung iiwanan ka nya,iiwan ka nya.Kahit na gawin mo ang lahat sa kanya.Kahit mag please ka at magmakaawa na magstay sya sayo.Kung hindi ikaw ang mahal itigil mona" seryoso nyang sabi.Lalo naman akong napahagulgol.Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin.

"Mahal na Mahal ko sya" sabi ko.

"Mahal mo nga pero may mahal syang iba." Lalo naman akong napaiyak.

Ang sakit sakit,sobrang sakit.

"Sana hindi ko nalang sya nakilala para hindi ko sya minahal ng ganito kung iiwan at lolokohin nya ako.Sana hindi nalang kami pinagtagpo para hindi ako nasaktan ng sobra sobra"

"Kailangan mo ng isang tao na mamahalin ka ng tunay at kukumpleto sayo"

"H-hindi kayang m-mawala s-sya."

"Hindi mo kakayanin sa una pero sa huli makakaya mo.Makakaya mo na silang makita na magkasama.Hindi kana mahihirapan sa kanila"

"Paano ko naman gagawin yun.Makipag break nga parang hindi ko kaya yun pa kayang kalimutan sya" sabi ko habang umiiyak parin."H-hindi k-ko k-kaya.M-mahal na m-mahal ko s-sya"

Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at umiyak ako ng umiyak.Naramdaman ko naman ang paghakbang ni Clint papalapit sakin pero hindi ko iyon pinansin.

Naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya.Nang magtama ang aming paningin ay nakikita ko ang sobrang awa sa kanyang mata.

Bigla nalang nya akong niyakap kaya lalong napahagulgol sa dibdib nya.Hawak nya ang ulo ko at ang isa naman nyang kamay ay nakapulupot sakin.Hindi ko alam pero gumaan ang loon ko.

Masarap palang may mapagsabihan ng dinarama mo.

Habang yakap yakap nya ako ay nagtanong ako."Mahirap ba akong mahalin?"

"Hindi.Hindi ka mahirap mahalin lalo na at mabuti kang tao"

"Pero bakit niloko ako?Kung hindi naman pala ako mahirap mahalin"

"Maaaring Ibinigay mona ang lahat pero hindi parin sapat sa kanya.Maaring meron pa syang gusto na wala sayo." Sabi nya habang nakayakap parin sakin.

Naramdaman ko naman ang pagpatong ng ulo nya sa ulo ko pero wala akong pakialam.

Unti-unting bumagsak ang talukap ng mata ko pero bago ako makatulog ay nagwika ako sa isip ko.

Salamat.....Clint

***🌙
Please vote and comment.

Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
74.5K 3.2K 31
Sigurado kayang nahuli na talaga ang kalaban? Pa'no nalang kung ang pinagkakatiwalaan nila ay kalaban pala. Panibagong problema? Kayanin kaya nila? ...