Arts of Heart (Compilation of...

By buwanglila

492 10 0

This is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagi... More

WORK OF FICTION
ART 1
ART 2
ART 3
ART 4
ART 5
ART 6
ART 7
ART 8
ART 9
ART 10
ART 11
ART 12
ART 13
ART 14
ART 15
ART 16
ART 17
ART 18
ART 19
ART 20
ART 21
ART 22
ART 23
ART 24
ART 25
ART 26
ART 27
ART 28
ART 29
ART 30
ART 31
ART 32
ART 33
ART 34
ART 35
ART 36
ART 37
ART 38
ART 39
ART 40
ART 41
ART 42
ART 43
ART 44
ART 45
ART 46
ART 47
ART 48
ART 49
ART 50
ART 51
ART 52
ART 53
ART 54
ART 55
ART 56
ART 57
ART 58
ART 59
ART 60
ART 61
ART 62
ART 63 (I)
ART 63 (II)
ART 63 (III)
ART 64
ART 65
ART 66
ART 67
ART 68
ART 69
ART 70
ART 71
ART 72
ART 73
ART 74
ART 75
ART 76
ART 77
ART 78
ART 79
ART 80
ART 81
ART 82
ART 83
ART 84
ART 85
ART 86
ART 87
ART 88
ART 89
ART 90
ART 91
ART 92
ART 93
ART 94
ART 95
ART 96
ART 97
ART 98
ART 99
ART 100
ART 101
ART 102
ART 103 (II)
ART 104
ART 105
ART 106
ART 107
ART 108
ART 109
ART 110
ART 111
PART 112
ART 113
ART 114
ART 115
ART 116
ART 117
ART 118
ART 119

ART 103 (I)

2 0 0
By buwanglila

ANG DATI KONG PAHINGA AY HAWAK NA NG IBA

"Napakasipag mo talagang bata ka," nakangiting puna sa akin ni Aling Mia. Pagod na ngumiti lamang ako sa kaniya.

Tatlong taon na akong naglilinis sa bahay niya. Ang mga anak niya'y nasa abroad kaya siya na lamang ang natira sa bahay.

"Okay ka lang, hija?" Tumango ako sa matanda bago huminga ng malalim. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko kaya siguro bigla rin akong nahilo.

"Ayos lang po ako. Magpapahinga lang po ako  pagkatapos dito," magalang kong sagot.

Ito ang pangatlong bahay na pinuntahan ko para maglinis. Kailangan ko kasing kumayod dahil sa marami akong bayarin.

Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Nathan, boyfriend ko. Parang nawala lahat ng pagod ko nang maalalang dadalawin ko siya bukas sa condo niya.

-
"Goodmorning, baby!" nakangiting bati ko sa kaniya pagkabukas niya ng pinto. Halata ang gulat sa kaniya dahil mukhang kagigising lang.

Nang makapag-adjust ay ngumiti siya ng malapad at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Akala ko mamaya ka pa. I missed you so much, baby," bulong niya dahilan para kiligin ako. Sa tagal na namin, hindi pa rin siya pumapalya na pakiligin ako.

"How's your school?" tanong ko habang inilalabas ang mga pagkain na dala ko.

Hindi niya marahil ako narinig dahil may kausap siya sa phone. Nakakunot ito at halatang inis sa kausap.

"I told you, Jess. I can't come," sagot niya sa kausap bago sumulyap sa akin kaya binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Sa matagal na relasyon na mayroon kami kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng rason para magselos. Hindi niya ako hinahayaan magtanong dahil siya na mismo ang nagkukusang magsabi. May babae man na nagkakagusto sa kaniya ngunit hanggang sulyap na lamang ang mga iyon. Palagi niya kasing sinasabi na may girlfriend na siya kapag may lumalapit sa kaniya.

And I'm so happy because he's faithful to me.

"Si Jess, ka-blockmate ko. Nagyaya kasi ang barkada na mag-inom, alam mo naman ako hindi ako interesado sa mga gan'on," paliwanag niya pagkalapit sa akin. Napatawa naman ako dahil talagang ganoon nga siya.

"Let's eat. Tayo na lang mag-inom."

He glared at me. Nagpeace sign naman ako dahil halatang hindi siya natuwa sa biro ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming manood ng TV. Magkatabi kami habang nakahilig ang aking ulo sa dibdib niya. Dahan-dahan kong inilabas ang sobre na nasa bulsa bago iyon inabot sa kaniya.

"Kabibigay mo lang sa akin last week, baby. I still have my allowance." I immediately gave him a quick kissed on his lips.

"Don't worry, nagpadala na rin ako sa parents mo. I know you need that, baby. Madami kang gastos dito sa condo mo," saad ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"I promise, when I finished my study and become an engineer, ikaw naman ang pag-aaralin ko. I will give all the things you want, baby," bulong niya bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"I know. That's why I am doing it. Kasi alam kong hindi mo ako papabayaan."

Tinitigan niya ako 'saka ako hinalikan. Palalim nang palalim ang kaniyang halik at nag-uumpisa na akong mawala sa wisyo. Naramdaman ko ang pagsuot ng kaniyang kamay sa aking damit. Napaungot ako nang pisilin niya ang aking dibdib. Tuluyan na akong nawala sa katinuan nang maramdaman ko ang kaniyang mapaglarong daliri sa aking maselang parte.

N'ong araw na iyon ay may nangyari sa amin. I gave my virginity to Nathan and I won't regret it. Mahal ko naman siya at alam kong siya rin ang mapapangasawa ko.

-
"Uy Ash, nagpapahinga ka pa ba?" tanong sa akin ni Lea, bestfriend ko. Magkasama kami ngayon na nagtatrabaho sa isang fastfood chain.

Napatawa naman ako. "Oo naman, konti nga lang," pabiro kong sabi pero inirapan niya lang ako.

"Hindi ko alam kung tanga ka ba o sadyang martyr lang, gaga. Hindi mo naman kasi kailangan na pag-aralin si Nathan. Ni hindi ka nga sigurado na kapag napapagtapos mo 'yon ay ikaw naman ang pag-aaralin niya."

Naisip ko na rin 'yon dati pero dahil mahal ko si Nathan at kilala ko kung anong klaseng tao siya ay malabong mangyari iyon.

"Kilala ko siya, Lea. Sa bait niyang 'yon. Tsaka magiging asawa ko na rin naman siya. Konti na lang at makakapagtapos na siya," nakangiti kong sagot.

Ang isiping titira na kami sa iisang bubong bilang mag-asawa at buong pamilya ay ang siyang nakakapagpawala ng pagod ko.

"Ewan ko sa 'yo. Baka mamatay ka niyan sa ginagawa mo. Daig mo pa ang may pamilyang binubuhay. Maglilinis ng bahay, tutor, crew, labandera, may hindi pa ba alam 'yang jowa mo sa ginagawa mo?" Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.

Tama siya, walang alam si Nathan sa ginagawa ko. Ang alam niya ay isa akong call center agent. Ayoko namang ipaalam iyon sa kaniya dahil alam kong mag-aalala pa siya.

"Wala 'yon sa akin. Para rin naman sa amin ang ginagawa ko," buntong hiningang tugon ko sa kaniya.

"Para kamo sa kaniya. Masyado ka kasing kampante na kayo na sa huli." Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

Halos hindi ako mapakali sa excitement na nararamdaman nang maalalang makikita ko na naman siya. Two months na ang nakaraan n'ong muli kaming magkita kaya sobra-sobrang saya nararamdaman ko at isa pa ay birthday niya na.

Naisip ko na roon na matulog sa condo niya para sabay naming masalubong ang birthday niya.

Saglit kong ibinaba ang mga dala 'saka inilabas ang spare key na ibinigay niya sa akin noon. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang tuwa.

Kapag talaga nakita ko siya yayakapin ko siya ng mahigpit.

Nakangiti kong binuksan ang pinto pero hindi agad ako pumasok dahil pinulot ko pa ang aking mga dala. Saktong pag-angat ng tingin ko ay siyang panlalaki ng mata ko.

Agad ding nagbagsakan ang cake at regalong hawak ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Kita ko kung paano makipaghalikan si Nathan sa magandang babae habang ang kamay ay nasa loob ng damit nito. Nakakatuwa't nasaksihan ko pa ang ganoong posisyon nila. Nakaupo ang aking boyfriend sa sofa habang  nakapatong ang babae sa kaniya.

Para akong kinakapos sa paghinga. Gusto kong magmura dahil hindi man lang nila agad naramdaman ang presensya ko at ang tunog ng pagbagsak ng dala ko.

"A-ash..."

Pareho silang napatigil sa ginagawa. Saglit akong napatitig sa babae. 'Saka ako unti-unting nanliit. She looks more educated, classy and sophisticated than me. Walang-wala ako sa kaniya. No wonder.

"I-I'm sorry, naistorbo ko pa kayo. Nakakahiya nagkalat pa ako. Kayo kasi hindi pa sa kwarto, ayan tuloy nagulat ako," pabiro kong saad habang pigil-pigil ang luha.

"Who is she, hon?" takang tanong ng babae na nakaturo pa sa akin ang daliri.

"I-I'm Ash, N-nathan's sister." Hindi ko na malunok ang sariling laway dahil sa hirap.

Gustong-gusto kong sabihin na boyfriend ko ang katabi niya ngayon pero wala na akong lakas. Konting-konti na lang ay bibigay na ako.

Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ng babae. Pumatak ang isang luha pero agad ko iyong pinunasan habang nakatingin sa mga mata ni Nathan. Kita ko ang awa at sakit d'on. Sakit para sa akin.

"Nice to meet you. You're supposed to surprise him, right? I'm sorry, naabutan mo pa kaming ganoon. By the way, I'm Jess, your brother's girlfriend," nakangiti niyang wika.

Sinulyapan ko si Nathan. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin pero ang tingin ay nasa akin lamang. Para akong sinasaksak sa tingin niya. Mga tingin na humihingi ng patawad.

Why saying sorry instead of fighting? Bakit mo ako binibigyan ng ganyang tingin sa halip na pigilan ako sa lahat ng aking sinasabi?

"I think I need to give you time. D'on muna ako sa kusina so I can prepare foods for us," singit ni Jess.

Si Jess na sinabi niyang ka-blockmate niya lang.

Pagtalikod niya ay hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na luha. Kitang-kita iyon ni Nathan.

Hindi ko inaasahan ang pagluhod niya at pagyakap sa mga tuhod ko.

"I'm sorry, Ash. I'm so sorry," paulit-ulit niyang sambit at naririnig ko ang kaniyang mga hikbi. Napakapit ako sa balikat niya bilang supprta dahil hindi na ko na kinakaya ang sakit nararamdaman.

He used to call me baby and now he called me Ash. Fuck!

"The d-dmage was done, Nathan. You chose to hurt me when all I did is to love you."

Dahan-dahan ko siyang kinalas sa akin. Nakatingala lamang siya sa akin kaya pinilit kong magpantay kami kahit nanghihina.

"I g-gave you my all but w-why you r-returned pain? B-Binigay ko sa 'yo lahat, ganoon kita kamahal pero bakit s-sobrang sakit n-naman ng ibinalik mo?" humikhikbi kong tanong sa kaniya pero iyak lang siya ng iyak.

"Oh, bakit kayo nakaluhod d'yan?" sabat ni Jess kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko at pagak na tumawa.

"Si Kuya kasi ang drama. By the way, Jess ikaw na bahala kay kuya. A-alagaaan mo siya lagi ah. K-Kailangan ko na kasi umalis, may trabaho pa ako." Tumango naman siya.

Hinarap ko muli si Nathan bago niyakap nang mahigpit. Hinalikan ko siya sa noo. "Happy Birthday, baby. I love so much. Hanggang sa muli," bulong ko bago lumabas.

Matapos isarado ang pinto ay tuluyan nang bumigay ang mga binti ko. Napahagulhol na lamang ako sa sakit.

Ang taong akala ko'y sa akin, ay hindi ko na pala pagmamay-ari.

Ang sakit makita na ang lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay ay hawak na ng iba.

Sobrang sakit. Bakit ganoon? Binigay ko naman lahat pero bakit hindi pa rin sapat?

Ang taong naging pahinga at inspirasyon ko sa bawat laban ay tinalikuran na ako. May iba ng nagpapahinga sa kaniya.

Inubos ko lang ang sarili ko sa taong sasaktan lang pala ako.

Continue Reading

You'll Also Like

53.3M 378K 66
Stay connected to all things Wattpad by adding this story to your library. We will be posting announcements, updates, and much more!
267K 7.8K 133
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
22.1K 1.3K 33
Y/N is reincarnated in HI3rd as her/his favorite character, Houraiji Kyuushou. She finds herself in Nagazora, and starts to explore it, trying to fin...