Is There a Lifetime? (Olivero...

By BonitaLei

4.1K 370 666

Oliveros Series #1 Kierre, a college Tourism student who only thinks about her studies, she just wanted to g... More

[Prologue]
[01]
[02]
[03]
[04]
[05]
[06]
[07]
[08]
[09]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[Epilogue]
[Author's Note]
[Special Chapter]
[Plug]

[19]

65 8 8
By BonitaLei

I immediately explained because he misinterpreted it! He also looks upset. He was crossing his arms while looking outside. His jaw is clenching and his eyes were cold.

"It's not what it looks like! I swear! He went here to gave me some things, telling me he'll court me again but I didn't let him! I asked him to stop because I'll never come back to him. After a few moments, he said he'll stop showing up to me but he asked a favor. That's why you saw us hugging but it doesn't mean anything." I softly caressed his arms until he slowly gave his full attention to me.

His hard expression awhile ago was replaced by a new one. He stopped clenching his jaw and his eyes were not cold anymore.

"Akala ko nagkabalikan kayo," mahinang bulong niya ngunit narinig ko pa rin naman.

I shook my head in disbelief. Did he really think I will come back to my ex-boyfriend? I've learned from my mistakes.

"Akala mo lang." Tumawa ako ngunit napatigil din noong tapunan niya ako nang seryosong tingin. Napairap na lang ako sa huli.

A silly smile formed into my lips when I realized why he's been acting like that! I started to tease him.

"You're not jealous anymore then?" Gulat siyang tumingin sa akin ngunit hindi nagsalita. Kumunot lang ang noo niya.

Tinusok-tusok ko ang braso niya at patuloy pang kinulit. "Ano? Hindi na? O ganoon pa rin?" Humalakhak ako.

"Stop it, Ely." Pakiramdam ko nauubusan na siya ng pasensiya ngunit pilit lang siyang nagtitimpi sa akin.

Hindi pa rin ako tumigil dahil nag-eenjoy akong asarin siya. Bumilis ang pintig ng puso ko noong bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya. Nakahilig na ako sa dibdib niya habang hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay.

Nasulyapan ko ang isang matagumpay na ngiti sa labi ni Skyllen. Lumayo ako nang mapagtanto ang pwesto namin. Nakakahiya! Paano na lang kung may makakita sa amin? Baka anong isipin nila!

"What the hell?! Why did you do that?" Inis na tanong ko habang inaayos ang uniporme kong nagusot.

"So you'll stop teasing me." I almost jumped in my seat when he suddenly leaned forward. Our bodies are mere inches away from each other. I felt his hot breath on my neck.

My eyes widened when I felt a tingling sensation. My throat dried. "Nagseselos ako, Kierre." He heaved a deep sigh before shifting to his seat.

Napagtanto kong kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. "P-pero wala naman talagang ibig sabihin 'yung nakita mo." Tahimik siyang tumango habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"I trust you but I don't trust that man." I bit my lower lip.

"Dapat lumapit ka na lang kahapon. I was... Also waiting for you." Humina ang boses ko sa huling sinabi ko.

"H'wag mo na akong iwan, ha?" Para akong bata habang sinasabi 'yon. He licked his lower lip and nodded.

Niyaya ko na siyang lumabas upang makapasok na kami. Ihahatid niya raw ako sa classroom namin at hinayaan ko na lang siya.

"Malapit na pala 'yung tour namin."

"Sa Biyernes na, 'di ba? Nakapag-ayos ka na ng mga gamit mo?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako at alanganing ngumiti.

"Tinatamad pa ako, e'. Saka may ilang araw pa naman, a'!" Agap ko.

"Mamimiss kita." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Pero dapat mag-enjoy ka roon kahit wala ako, a'." Dagdag niya pa. Hinuli ko ang kamay niya at tinampal iyon.

Kakailanganin ko na namang ayusin itong buhok ko mamaya! Kung bakit ba naman kasi trip na trip niyang guluhin.

"Ang kapal naman." Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.

"But you should really enjoy. I guess, we'll just text and call each other then?" Tumigil kami sa harap ng room ko.

"And you should focus on your studies. Malapit na ang end ng first sem." Paalala ko rin sa kaniya. May idadagdag pa sana ako ngunit naunahan niya na ako.

"And you shouldn't call me if you're busy." He even imitated the usual tone of my voice!

"That's my line!" He laughed and just shrugged.

"I'll go now, see you later. Let's eat lunch together if it's alright with you." I think about our schedule and nodded at him.

"Okay! Then, where?"

"The usual, the fast food chain where there's a fat bee whose colors were red and yellow." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.

Bakit hindi na lang niya sabihin 'yung mismong pangalan ng kainan na 'yon? Pinapahaba niya pa talaga.

"Silly! That's Jollibee!" I slightly slapped his shoulder.

"Jollibee, red and yellow bee, they're the same." Giit niya pa.

Hinintay ko na lang siyang makaalis bago ako tumuloy sa loob ng silid-aralan namin. Natatanaw ko na agad si Zierra na may mapanuksong tingin. Pagkaupong-pagkaupo ko ay inayos ko ang nagulo kong buhok.

Pangisi-ngisi lang sa gilid si Zie. "Mapagkakamalan kang baliw kapag hindi ka pa tumigil." Tinapunan niya ako nang masamang tingin dahil sa sinabi ko sa kaniya.

"Kakain kami mamayang break, sumama ka." Pag-aaya ko dahil naalala kong busy pa rin ang boyfriend niya kaya't wala siyang kasamang maglunch.

"Sige! Third wheel muna ako! Saan tayo kakain?" She looks excited, huh. I wonder what's going on inside her mind.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata ngunit tinaasan niya lang ako ng isang kilay kaya naman umiling na lang ako.

"Jollibee lang." Tugon ko.

"Favorite mo talaga 'yung bubuyog na 'yon, ano?" Parang tamad na tamad siyang humalumbaba sa desk niya.

Mas gusto ko kasing kumain sa mga fast food chains kaysa sa mga mamahaling restaurant. Biruin mo 'yung isang dish, kakarampot lang pero grabe na 'yung presyo! Saka gusto ko ring makatipid para may maipon.

"Yup and I really love their chicken joy! Ah! So yummy!" Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng pagkagutom.

"Hay, nako! Puro ka talaga manok, bukas makalawa, may pakpak ka na." Ang overreacting talaga nitong babaeng 'to.

"Libre mo ako, ha?"

"Oo na lang." Sumang-ayon na lang ako at naglabas ng isang yellow pad, notebook at ballpen.

"For the first time in forever! Sinapian ka ba? Bago 'yan, a'!" Hinipo niya pa ang leeg ko at sinuri ang buong mukha ko.

Bigla niya akong niyugyog. "Kung sino man ang nasa loob ng katawan ng babaeng ito, parang awa mo na, h'wag kang lalabas!" Bumulaslas siya ng tawa at binitiwan ako.

"Para kang baliw, Zierra. Tumigil ka nga." Suway ko.

Noong magbreak time ay sabay kaming lumabas ni Zierra. Naghihintay na si Skyllen doon, nakapamulsa siya habang pinagmamasdan akong papalapit sa pwesto niya.

"Sasama siya sa atin," tumingin ako kay Zie.

"Hi! Third wheel muna ako, a'! Ayos lang?" Pilyang sabi ng kaibigan ko. Napahimas ako ng sentido. I just gave Sky an apologetic look. He lightly smiled, a sign that it was okay for him.

Nilakad lang namin ang fast food chain na kakainan namin dahil malapit lang naman 'yon sa ASU. Nakahanap agad kami ng upuan pagkapasok dahil wala pang masiyadong tao at mabuti na rin 'yon. Nakapag-order na rin kami at hinihintay na lang itong dumating. Magkatabi kami ni Zie habang nasa tapat naman namin si Sky.

"Alam mo ba si Kierre..." Panimula ni Zie. Taka ko naman siyang tiningnan.

Sabi ko na nga ba at may binabalak ito. Ano naman ang sasabihin niya?

"Ano 'yun?" Naging interesado bigla si Skyllen sa biglaang pagsasalita ng kaibigan ko. Sumulyap siya sa akin ngunit ibinaling ko ang atensiyon ko sa ibang bagay.

Unti-unti nang dumarami ang mga tao sa loob. Siguro ay break time din nila. May mga magkakaibigan na pumwesto sa bandang gilid. Tumingin ang isa sa pwesto namin. Nagsisunuran din ang iba sa naunang tumingin. Napagtanto kong si Skyllen lang pala ang tinititigan at pinagbubulungan nila.

"Kasi noong hindi na kayo nag---" Tumigil sa pagsasalita si Zie noong siniko ko siya.

"Kapag hindi ka tumigil, makikita mo." Banta ko. Kunwari niyang zinip ang bibig niya at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

Si Skyllen naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa. Nagtataka siya sa mga inaasal namin.

"Wala 'yon, h'wag mong pansinin 'to." Kahit hindi niya sinasabi, alam kong gusto niya pa ring tanungin si Zierra ngunit pinili niya na lang ding manahimik.

Inilapag ng waiter ang mga inorder namin kanina. Tahimik lang kaming kumakain at kung minsan ay dumadaldal ang kaibigan ko. Buti na lang at wala na siyang ibang sinabi tungkol sa akin.

"Ay, may kilala kang Ivan? From Medicine Department?" That's her boyfriend and I met him last month. We just had a short conversation but he's actually nice.

Sky frowned. "I only know one. Ivan Buenavista." My best friend clapped her hands and nodded repeatedly.

"That's my boyfriend!" She proudly exclaimed. I just smiled because of that.

"Oh, really? He's my friend and he's great. Puro pag-aaral lang din ang inaatupag niyon kaya h'wag kang mag-alala." What a small world, sa bagay, sa ASU rin naman nag-aaral kaya hindi malabong kilala niya nga at kaibigan pa.

Our conversation went on. We went back to our University before our break time ends.

Uwian na naman at kalalabas lang namin ng ASU. Binuksan ko ang player ng sasakyan at nagpatugtog ng ilang kanta.

He stopped when the traffic light turned red. The vehicles from the other directions are now passing by. I grabbed that opportunity to inform him that I'll be sleeping on Zie's house on Thursday.

"Skyllen," he eyed me.

"Hmm?"

"Sa Thursday, h'wag mo na akong ihatid. Sasabay ako kay Zierra at makikitulog ako sa kanila para kinabukasan sabay na kaming pupunta ng ASU." Paliwanag ko.

Pinaglaruan niya ang mga labi niya. "Sige, basta mag-ingat ka." Pinaandar niya na uli ang sasakyan noong maging berde ang kulay ng traffic light.

"May gagawin ka ba?" Tanong ko. Nakahinto na kami sa harap ng bahay namin ngunit hindi pa rin bumababa.

Tinanaw ko ang loob at nakitang bukas na ang mga ilaw. Siguradong nakauwi na sina Mama at Alice. Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Sky na mayroong nagtatanong na mga mata.

"Bakit? Wala naman, kaunting review lang." Aniya.

Tumikhim ako bago magsalita. "Dito ka na magdinner kung gusto mo." Hinintay ko ang magiging desisyon niya.

Parang hindi pa siya makapaniwalang nakatingin sa akin ngunit unti-unti ring sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Sige, kahit dito pa ako lagi, e'."

"Ang kapal." Nginiwian ko siya.

Lumabas na kami ng kotse niya. Binuksan ko ang gate at sabay kaming naglakad papalapit sa main door.
Naabutan namin sina Mama at Alice na nanonood lang ng tv. Napatayo sila noong mapansin kami.

Sinundan ko lang ng tingin si Skyllen noong lumapit siya kay Mama at marahang kinuha ang isang kamay nito upang makapagmano. "Good evening po, Tita Estelle." Natuwa sa kaniya si Mama at binati rin siya.

Palihim akong binibigyan nang mapanuksong ngiti ng kapatid ko.

"Niyaya ko siyang magdinner dito, Ma." Imporma ko sa kanila. Lalo pang lumawak ang ngiti ni Alice.

"Ganoon ba? Tamang-tama at marami akong niluto. Maghahanda na muna ako, maupo ka muna, hijo." Sabi ni Mama.

"Magbibihis muna ako." Paalam ko at umakyat ng kwarto ko. Una ko munang tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko at sinuklay iyon.

Tinanggal ko rin ang makeup ko. Hinubad ko na rin ang uniporme ko at nagpalit ng pambahay. Nakasuot na lang ako ng maong shorts at puting t-shirt at itinuck-in iyon.

Kahapon pala ay nakapagpaalam na ako kay Mama tungkol sa plano namin ni Zie. Pumayag naman siya dahil nga matagal na kaming magkaibigan ni Zie at palagi rin siyang nandito sa bahay noong high school pa lang kami. Dito siya laging tumatambay.

Iniwan ko ang phone ko sa kwarto at bumaba. Wala na si Alice sa sala, baka nasa hapag-kainan na. Si Sky na lang ang naabutan kong nakaupo sa sofa.

Tumayo siya noong makita niyang nakababa na ako. Para siyang tensyunado na hindi ko malaman. May mga butil pa ng pawis sa noo niya na agad naman niyang pinunasan gamit ang panyong kulay itim niya.

"Bakit parang kinakabahan ka?" Natatawang tanong ko. H'wag niyang sabihing dahil sa ina ko. Nakayanan niya ngang magpaalam na manligaw at pinayagan naman siya.

"Nakakahiya." Bulong niya, sinadya niyang ako lang talaga ang makakarinig.

Lalong lumakas ang tawa ko at pinamaywangan siya. "Akala ko ba kahit dito ka pa lagi?"

"Biro lang 'yon."

"Tara na nga." Hinawakan ko ang pulsuhan niya patungo sa hapag-kainan namin.

Sabay na bumaba ang mga tingin ng ina at kapatid ko sa kamay kong nakahawak sa kaniya.

"Kayo na ba?" Seryosong tanong ni Mama. Nabitawan ko ang pulsuhan ni Sky dahil bigla rin akong nakaramdam ng kaba. Pati si Alice napatigil sa ginagawa niya.

Sasagot na sana ako pero naunang magsalita si Sky. "Hindi pa po, Tita."
Pare-pareho kaming nagulat noong humalakhak si Mama.

"Ano ba kayo, ayos lang 'yon! Basta ba't alam niyo ang limitasyon ninyong dalawa at h'wag niyong sasaktan ang isa't-isa. Alam kong parte ng pag-ibig ang masaktan ngunit hindi dapat parati, masama na iyon." Pinaupo kami ni Mama habang nagkukwento siya tungkol sa mga karanasan niya.

Kinuha ni Sky ang baso sa harapan niya at ininuman iyon. Pinunasan niya ang natirang basa sa gilid ng bibig niya pagkatapos.

"Opo, Tita." Tugon niya sa mga sinasabi ni Mama. Nagsimula na rin kaming kumain habang nagkukwentuhan pa rin.

"Ganiyan din kami ng Papa niyo noon. Mas maaga nga lang naging kami. Eighteen pa lang yata ako noon at twenty-two naman ang Papa niyo." Gulat na nagtama ang mga mata naming dalawa ni Alice.

"Hala ka, Ma!" Natawa si Mama sa reaksiyon ni Alice.

"Pero legal age naman na pero h'wag mo pa rin akong tutularan, Alice. Bawal ka pa." Naging istrikta ang tono ng boses niya ngunit ngumiti rin naman siya sa huli.

"Wala naman akong plano, Ma." Sabi ng kapatid ko. "I'm focusing on my studies," she added.

Mabilis lang na natapos ang mga araw at ngayon ay Huwebes na rin! Kararating lang namin ni Zierra sa bahay. Nakapag-impake na nga pala ako kagabi, kukuhain ko na lang ang maleta ko.

Tuloy-tuloy lang na pumasok ang kaibigan ko sa aming bahay, ultimo siya ang may-ari nito. "Hi, Tita!" Humalik siya sa pisngi ni Mama.

"Oh, nandiyan na pala kayo! Gusto niyo bang kumain muna bago umalis?" Alok ni Mama ngunit tumanggi si Zie.

"H'wag na po, Tita." Iniwanan ko muna sila upang magpalit at kuhain ang maleta ko.

Hirap na hirap akong bitbitin iyon pababa! Dapat pala tinawag ko si Zie para matulungan ako.

"Nasaan si Zierra?" Takang tanong ko kay Alice noong hindi nahagip ng paningin ko ang kaibigan ko.

Ngumuso si Alice at tumingin sa kusina. "Pumasok sa kusina si Ate Lindsey." Nadatnan kong nakatayo si Zierra sa harapan ng refrigerator namin at umiinom ng juice. Kumuha rin siya ng red velvet cake at ipinatong sa lamesa. Naghila siya ng upuan at doon nagpatuloy sa pagkain.

"Nagpaalam ako kay Tita!" Agap niya.
Akala ko ba ayaw niyang kumain? Baliktad din ang utak.

"Ubusin mo na 'yan para makapunta na tayo sa inyo."

"Oo, pakainin mo muna ang driver, aba!" Hinugasan niya ang mga platong ginamit niya noong matapos siyang lumamon.

"Tulungan mo ako, ang bigat!" Nasa harap ako ng nakabukas na compartment ng sasakyan niya.

Pinagtulungan naming buhatin ang maleta ko upang maipasok 'yon.

"Bakit ba kasi ang dami mong dala? Ano ba nasa loob niyan? Hello? Tatlong araw lang tayo roon, Kierre, kung hindi mo natatandaan. Parang magbabakasyon ka ng isang linggo, e'." Sermon niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa shotgun seat at nagsuot ng seat belt.

Pumikit ako noong maramdamang umaandar na ang kotse. Kanina pa lumubog ang araw kaya naman madilim na. Ang mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa daan. Pati na rin pala ang mga nakabukas na ilaw mula sa mga nagtataasang gusali.

Nagitla at napamulat ako noong hampasin ni Zie ang manibela at sumigaw. "Ah! Traffic! Kainis!"

Isang oras pa yata ang lumipas bago kami makarating sa subdivision nina Zie. Dapat ay kalahating oras lang ang gugugulin namin ngunit traffic nga kanina.

Pinagbuksan kami ng gate ng kasambahay nila, si Ate Linda. Nakilala ko na ang mga kasambahay nila dahil madalas din naman ako rito.

Hila-hila ko ang maleta habang papasok ng malaking bahay nila.

"Ako na po, Ma'am." Wika ni Ate Linda. Tumanggi naman ako dahil nakakahiya. Nahihirapan ako pero hindi ko dapat iasa ito sa kanila.

"Kaya ko na ho." I gave her a reassuring smile but she still insisted. In the end, I gave it to her and let her carry it.

"Let's eat first." I followed my best friend to their dinning room. There are different dishes already served.

Zie and I were the only ones sitting because her parents are not here.

"Ate! Kain po kayo!" Pagtawag niya sa mga kasambahay nila.

"Ay, mamaya na po kami, Ma'am." Pinilit pa namin sila ngunit paulit-ulit lang din naman silang tumatanggi kaya't kami rin ang sumuko.

Umakyat kami sa kwarto ni Zie noong matapos. Hindi muna ako humilata sa kama niya dahil kailangan ko pang maglinis ng katawan.

Binuksan ko ang maleta ko at naglabas ng pantulog.

"Mauna ka na, Kierre." Naghalf-bath lang ako dahil ayaw kong mabasa ang ulo ko. Pumasok agad si Zie ng banyo pagkalabas ko.

Humiga ako sa kama niya. Hihintayin ko pa sana siyang matapos ngunit dinalaw na ako ng antok.

"Hoy! Gising na!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko habang may kung sinong nambubulabog sa masarap kong tulog.

"Kierre! Gusto mo ba talagang malate tayo?" Bigla kong naalalang may tour nga pala kami. Dali-dali akong bumangon at naghalungkat ng damit.

Isang faded jeans at itim na t-shirt ang nadampot ko. Binuksan ko agad ang shower at hindi na inalintana ang malamig na tubig na tumatama sa balat ko.

"Ayan kasi! Tulog-tulog ka pa." Naririnig kong panenermon ni Zierra, ang nanay ko.

Nagtoothbrush ako bago lumabas at pinatuyo ang aking buhok. Mabilisan lang ang ginawa kong pagsusuklay at isinuot ang ID ko.

Nakaayos na si Zie at ako na lang talaga ang hinihintay niya.

"Shit! Sorry! I'm still sleepy!" I yawned.

"I know, let's just go." She pulled my arms and opened the door of her bedroom.

Hinatid kami ng driver nila patungong ASU. Natanaw ko na ang dalawang bus na maghahatid sa amin sa NAIA. Ang isang bus ay para sa mga first year. Pumasok kami sa bus kung saan namin nakita ang mga ka-block namin. Noong makumpleto na kami ay umandar na ito. Mabilis lang kaming nakarating doon.

Bumili muna kami ng makakain ni Zierra habang hinihintay na magboard. Hindi na kasi kami nakakain sa bahay nila. Hindi ko na rin nacheck ang phone ko. Mamaya ko na lang siguro itetext sina Mama kapag nakarating na.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tinawag na ang flight namin.

Ipinakita ko sa cabin rew na nasa pintuan ng eroplano ang boarding pass ko. Sinuri niya 'yon at sinulatan bago ako payagang makapasok.

Magkatabi kami ni Zie ng seat. Maswerte ako dahil sa tabi ako ng bintana.

The flight attendants did safety briefing before departing. I unbuckled my seat belt when we're already in the air.

"I'll just continue my sleep, Zie. Wake me up when we're already there."

"Alright!" She evilly smiled.

"Do not take pictures of me while I'm sleeping!" I reminded her but she just laughed.

I immediately fell asleep. Gaya ng sinabi ko, ginising nga ako ni Zie noong makarating kami ng Mactan-Cebu International Airport.

"Karera tayo, Zie!" Pag-aaya ko at sinakyan ang maleta ko.

"Hoy, Kierre! Tumigil ka nga!" Natatawang suway niya kaya naman napanguso ako at inirapan siya bago tumayo.

"Wait lang!"

"Bakit?"

"Itetext ko lang sina Mama."

"Sige."

Nakita kong may tatlong messages doon. Binasa ko ang kay Mama at nagreply. Sinabi kong nandito na ako. Mayroon din kay Alice at ganoon din ang sinabi ko. Panghuli kong binuksan ang kay Skyllen. Marami iyon simula pa kagabi. Ang huli ay ang...

From: Langit

You're already there? Take care.

I typed a message. I have the urge again to tease him. What if I call him the endearment he always uses to call me? That's a brilliant idea, right?

I smiled while typing it.

To: Langit

Yes. We're already here, love.

What am I even typing?! Natauhan ako sa pinaggagawa ko. Napagpasiyahan kong burahin na lang iyon. Pipindutin ko na sana ang erase button ngunit iba ang napindot ko!

I accidentally hit the send button for Pete's sake!

Continue Reading

You'll Also Like

376K 17.5K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
8.8K 1.4K 63
"I am willing to take the pleasure in pain, even his thorns dig painfully to my soul." Roseen Victorino has feelings for Greigh Stefano Veriamore. Ad...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
38.4K 972 54
COMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Um...