PART 1:The Only Girl of Secti...

By Binibining_Lunaa

1.2M 41.2K 6.7K

UNEDITED Naranasan mo nabang pumasok sa klase na ikaw lang ang nag-iisang babae? Date Started:October 27,202... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15:
Chapter 16:Mall 5
Chapter 17:Mall 6
Chapter 18:Tampo
Chapter 19:Obey
Chapter 20:Share in one Tent
Chapter 21:Frog
Chapter 22:Princess
Chapter 23:First Game
Chapter 24:He Remove
Chapter 25:Ngiti
Chapter 26:Hug from Him/Sleep in his arms
Chapter 27:They're sweet
Chapter 28:She's so hot
Chapter 29:Meet Drew Lasiri
Chapter 30:Eleven
Chapter 31:Piggy back ride/Sleep in his shoulder
Chapter 32:Fever
Chapter 33:I think i like Her?
Chapter 34:Guilt
Chapter 35:Pagsuyo sa aming Prinsesa
Chapter 36:Takbo
Chapter 37:Amnesia? 1
Chapter 38:Amnesia? 2
Chapter 39:School mate/Choose between Eleven and Twelve
Chapter 40:A Knife Protector
Chapter 41:She Kidnapped
Chapter 42:Save
Chapter 43:Eyan
Chapter 44:Fake
Chapter 45:Fake Girlfriend
Chapter 46:I love you & I love you too
Chapter 47:Sigawan
Chapter 48:Annoucement
Chapter 49: ??
Chapter 50:Clint,practice lang kami

Chapter 14

16.9K 853 113
By Binibining_Lunaa

James Pogi POv

Kanina ko pa napapansin na tahimik at tulala si Hirein simula nang lumabas siya sa mall. Ano kayang nangyari?

Kanina pa kami dito kumakain pero hindi nIya pa nagagalaw ang pagkain na nasa harapan niya. Nakatulala lamang siya sa cellphone niya.

Nagtataka na rin ang mga kasama namin dito kung bakit biglang tumahimik si Hirein. Napansin ko rin kanina na ang higpit ng hawak niya sa manibela habang nagdadrive siya kaya hindi ako nakasigaw kanina.

Actually ay kanina pa ako nagtataka sa ikinikilos niya. Nagtaka rin ako kanina kung bakit nakiusap pa siya na umalis na lang kami sa mall at babalik na lang kami mamaya. Nacurious tuloy ako.

Lahat kami ay nakatingin na kay Hirein dahil sIya na lang ang may pagkain sa harapan niya.

Dumighay na lahat-lahat kami pero hindi niya pa rin kami pinapansin, tulala talaga siya. Ano bang nangyayari sa 'yo?

Nag-iingay na nga kami lahat-lahat dito pero wala pa rin siyang pakialam. Gaano ba kasi kalalim ang iniisip niya ng masisid ko.

Sa sobrang kaingayan namin dito ay pinagtitinginan na kami. Para kaming mga naka takas sa mental dahil sa sobrang lalakas nang tawa namin pero wala paring epekto.

"Ehem!" Napatingin kami kay Clint ng mag 'Ehem' ito. Medyo napalakas rin ang pag 'Ehem' niya kaya napatingin si Hirein sa kaniya habang nakakunot ang noo.

Kanina mukha kaming tanga sa pinaggagagawa namin dito para lang mapansin niya. Pero si Clint, isang 'Ehem' lang bumalik agad siya sa realidad. 'Yong totoo? binabaliw ba kami ni Hirein?

"Tapos na kayong kumain?" Tanong ni Hirein, agad naman na nagpigil ng tawa 'yung iba dahil sa tanong n'ya. Hindi ko magawang tumawa ngayon dahil kay Hirein.

"Eh, ikaw? Tapos ka na bang kumain?" Tanong ko.

"Huh?" Kunot noong tanong n'ya.

"Tapos na kaming lahat kumain, ikaw na lang ang hinihintay." Agad s-yang napatingin sa kan'yang pagkain.

"Kumain ka na." Sabi ni Cris.

"Nawalan na ako ng gana," Sabi niya. Kanina sabi n'ya gutom s'ya. "Sa inyo na lang ang pagkain ko, ayoko nang kumain." Sabi niya ay tinulak sa amin ang kan'yang pagkain.

"Bakit ba nawalan ka ng gana?" Tanong ko.

"Wala, basta," Sabi n'ya sabay pangalumbaba habang nakatingin sa kan'yang cellphone.

"Kumain ka."

"Ayaw." Parang batang sabi n'ya sabay nguso. Ang cute niya.

"Pag hindi ka kumain mag-iingay kami dito," Agad na napatingin si Hirein kay JinJin nang magsalita iyon.

"OO NGA!" Sigaw naming lahat maliban lang kay Clint.

"Eh 'di, mag-ingay kayo." Sabi n'ya.

"Hirein," Napatingin kami kay Cris, ang seryoso ng boses n'ya pati na rin ang mukha n'ya.

"Oo na. Oo na. Kakain na." Sabi ni Hirein sabay nguso. Agad naman kaming napa 'Yes' dahil napapayag siya ni Cris.

Wala pang ginagawa si Cris, pumayag na si Hirein.

Habang kumakain s'ya ay nakatingin lang kaming lahat sa kan'ya. Ewan ko ba kung bakit hindi s'ya naiilang samin na pinapanood namin s'yang kumain.

Habang kumakain s'ya ay nalagyan ng sauce 'yong gilid ng labi n'ya. Hindi n'ya siguro napansin na nalagyan ang gilid ng labi n'ya dahil hindi niya ito pinupunasan.

Nagulat na lang kami nang tumayo at itinuon ni Clint ang isang kamay n'ya at ang isang kamay naman n'ya ay pinangpunas sa gilid ng labi ni Hirein.

Nakakunot naman ang noo ni Hirein ng ginawa ni Clint iyon.

"Ang tanda mo na ang amos mo pang kumain. Tss!" Sabi ni Clint pagkaupo. Nakakunot naman ang noo ni Hirein bago umiling-iling.

Bigla na lamang kaming napatingin sa cellphone ni Hirein ng magvibrate ito. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya at tinignan iyon. Bigla na lang nangunot ang noo n'ya at inilapag na lang muli sa mesa ang cellphone n'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Habang kumakain s'ya ay napansin n'ya na nakatingin kami sa kan'ya. Dahilan para alukin  niya kami.

"Gusto n'yo? Bibilihan ko kayo," Sabi n'ya. Umiling lang kami. "Sigurado kayo? Baka nagugutom uli kayo?"

"Okay lang, sige, kumain ka na." Sabi ni Kyle. Tumango lang si Hirein at nagpatuloy lang sa pagkain.

---
Mall

Nandito uli kami sa mall. At gaya nga ng sinabi ni Hirein ay bumalik kami dito sa mall para bumili ng gusto namin. Ang bait n'ya.

Habang nag-iikot ako ay bigla na lang sumulpot si Eyan, JinJin at Kyle sa tabi ko.

"Ang bait ni Hirein, 'no?" Sabi ni Kyle.

"Oo nga, biruin n'yo nilibre n'ya tayong lahat." Sabi naman ni JinJin.

"Hulog s'ya ng langit." Sabi naman ni Eyan.

"Pansin n'yo ba 'yong pananahimik ni Hirein?" Agad naman silang napatingin sa 'kin.

"Oo." Sabi nilang tatlo.

"Bigla na lang s'yang tumahimik paglabas n'ya ng mall kanina, eh."

"Ano kayang nangyari?"

"Tsaka ang lungkot niya kanina. Tapos Tulala pa."

"Nasaan ba s'ya ngayon? Bakit hindi ko s'ya nakita na pumasok dito sa mall?" Tanong ko.

"Grr, nagpaiwan s'ya do'n sa van. Ang sabi n'ya tawagin na lang daw natin s'ya kapag magbabayad na tayo." Sagot ni Eyan.

"Nauna ka kasing pumunta dito kaya hindi mo namalayan na nagpaiwan s'ya." Sabi naman ni Kyle habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Ano kayang puwede nating gawin para mapasaya natin s'ya?" Agad kaming napalingon kay JinJin ng sabihin n'ya 'yon. Pero nakatingin lang s'ya sa kawalan.

Agad naman kaming nagkatinginan na apat at sabay-sabay na ngumiti. Iisa lang ang nasa isip naming apat.

---

"One hundred seventy five thousand po ma'am." Agad na nanlaki ang mata naming lahat.

"One hundred seventy five thousand!?" Gulat naming lahat na tanong. Maliban lang kay Clint na nakapoker face at kay Hirein na Nakakunot ang noo habang nakatingin samin.

Mahihimatay na 'ata ako nito.

"Cash po ba? Oh, credit card?" Tanong nung cashier.

"Credit." Sabi ni Hirein at kumuha sa shoulder bag n'ya ng isang credit card at ibinigay do'n sa babae.

"Thank you, ma'am." Sabi noong babae at pasimple na tumingin sa akin. Naks, guwapo ko talaga.

"Thank you," Sabi ni Hirein."Dalihin n'yo na 'yang mga pinamili n'yo." Binuhat na nila iyong mga pinamili namin at ako naman ay hinawakan si Hirein sa kamay. "Bakit?" Takang tanong n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya at hinila s'ya. Hindi naman s'ya nagpumiglas kaya hindi ako nahirapan sa kan'ya.

Nang makarating kami sa pinuntahan namin ay agad na nagsalita si Hirein.

"Teka, baggage counter 'to, ah. Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya.

"Ipalagay n'yo muna d'yan iyong mga pinamili natin." Sabi ko. Agad naman nilang inilagay sa harapan iyong mga pinamili namin. Inabutan ako nung lalaki na nagbabantay sa baggage counter ng number.

Number 25.

Kinuha ko ang kamay ni Hirein at ipinatong ko sa kamay n'ya iyong number na ibinigay nung lalaki.

"Aanhin ko 'to?"

"Kainin mo—este itago mo. 'Pag nawala 'yan hindi na natin makukuha 'yong mga pinamili natin."

"Akala ko ba uuwi na tayo?" Agad akong umiling.

"Hindi pa tayo uuwi."

"Bakit?"

"Kasi... basta sumunod ka sa 'kin." sabi ko at hinila s'ya. Nagpunta kami sa mga laruan dito sa mall.

"Anong gagawin natin dito?" Bakit parang ang bobo ngayon ni Hirein? 'Yan ba ang epekto ng kaguwapuhan ko?

"Maglalaro, siyempre."

"Pero hindi ako naglalaro." Sabi n'ya at ngumuso. Bakit ang cute n'ya?

"Eh 'di, kami ang maglalaro," Inilahad ko ang aking kamay sa kan'yang harapan. "Pahingi pambili token." Pacute kong sabi. Agad naman s'yang ngumisi na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit naka ngisi ka?" Tanong ni Kyle, lalo naman na lumaki ang ngisi ni Hirein.

Tignan mo 'to, kanina malungkot tapos ngayon ngingisi-ngisi.

Unti-unti s'yang umatras na ikinakunot ng noo namin. Nakangisi s'ya habang umaatras. At nang makalabas s'ya ng arcade ay may kinuha s'ya sa bag n'ya.

Agad na nanlaki ang mata namin dahil hawak n'ya ang mga wallet namin. Sa pagkakaalam ko ang wallet na hawak n'ya ay sa akin.

Patay.

Binuklat n'ya ang wallet ko at agad s'yang napangisi.

"Walang pera, huh?" Nakangisi n'yang sabi habang nakatingin sa akin.

Agad naman s'yang kumuha ng panibagong wallet.

"Teka, akin 'yan, ah!" Sabi ni Kyle. Ngumisi lamang s'ya at binuklat ang wallet.

"Wala pala, huh?" Nakangisi n'ya muling sabi. Habang tumitingin s'ya sa mga wallet namin ay agad na may cellphone na nagring.

Nagkapaan kami ng mga bulsa pero agad akong nagtaka ng wala akong maramdaman na cellphone sa bulsa ko.

"Nawawala 'yong cellphone ko." Dinig kong sabi ni Vincent.

"Ako din."

"Lagot ako."

"Hala! Nando'n pa naman 'yong contact nung nililigawan ko."

"Hala! Iyong  cellphone ko!"

Hindi pa rin tumigil 'yung pagring nung cellphone. Nagpalinga-linga kami pero wala naman na sa ibang tao. Bigla na lang napunta ang mga paningin namin kay Hirein na ngayon ay may hawak na IPhone na cellphone habang nakangisi.

"Maria my Loves." May hawak na cellphone si Hirein at 'yun 'yung nagriring. Napatingin kami kay Eyan na magsalita s'ya.

"Akin 'yan, ah? Paano napunta sa 'yo 'yan?" Ngumisi si Hirein.

"Talent." Sabi n'ya. Bigla na lang s'yang tumakbo at mabilis na nawala dahil sa dami ng tao.

Nagkatinginan kaming lahat at napangisi. Mabilis kaming lumabas ng arcade at hinahanap si Hirein.

Taguan at habulan pala, ah.

***🌙

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
61.9K 3.9K 80
Inspired by; Teen Clash by IDangs He's Into Her by Maxinejiji My Husband Is A Mafia Boss by Yanalovesyouu Avah Maldita by Simplychummy The Four Bad B...
178K 5.8K 88
Sad Quotes that will make you cry. © 2018