Impius Academy 2: The Truism...

Por Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. Mais

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 20

2.4K 107 41
Por Missloorh

Blaire POV

Agad akong napalingon sa kaliwa at nakita ko ang mga lalaking kaibigan ko na may dalang mga platong may takip. Papalapit sila samin ni Four na may ngiti sa mga labi. Ang mga babae naman ay nakatayo lang sa unahan na may hawak na mga letrang I LOVE YOU at may mga lights din sa bawat gilid nito.

Napangiti ako sa aking isipan, ang ganda ng samahan nila. Kahit napakalamig ni Four sa kanila ay sinusuportahan parin nila ito. Dahil ang totoong magkakaibigan ay nagsusuportahan sa isa't isa. 

Di ko akalaing ganito ang klaseng panliligaw ang mararanasan ko. Siguro nga'y normal lang ito sa kanila dahil di ko naman alam kung papaano manligaw ang mga lalaki.

Nilapag nila ang mga plato sa lamesa at agad nila itong binuksan. Tumambad samin ang klase-klaseng putahe. Para akong nagugutom dahil sa murshroom na kaharap ko ngayon. May adodong karne, hotdog, isda at mga prutas din.

Umalis naman kaagad sila at napatingin naman ako kay Four. Nakasalubong ko naman ang malagkit niyang titig kaya nagbaba ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

May sumagi naman sa isip ko kaya matapang kung sinalubong muli ang mga mata niya.

"Bakit dito pa?" takang tanong ko. Marami namang lugar ang pwede ngunit bakit dito pa? Napakamot naman siya sa batok kaya tumaas nalang ang isa kong kilay.

"Si Scarllet ay may pasimuno Threes, wala din naman akong ideya. So, I decided to ask for help to them" napakagat pa siya sa mga labi niya habang sinabi ang mga salitang iyun kaya napalunok nalang ako. Bakit ang sarap naman kasi niyang tingnan, dagdagan pa ng mapupula niyang mga labi na parang pinaglihi ng mansanas.

"Let's eat" nabalik ako sa reyalidad at agad tumango. Nakita ko naman ang kanyang ngiti habang kagat parin ang labi at umiling-iling pa ito kaya nakaramdam naman ako ng hiya. Siguro'y nahahalata niya ang pagtitig ko sa mga labi niya. Nakakahiya.

Nagsimula kaming kumain at naging tahimik lang ako.

"Can I ask?" agad akong napabaling ng tingin sa kanya.

"Oo, ano iyun?" balik kong tanong.

"Where are your parents? Di naman pwedeng hindi ko sila makilala" napalunok ako sa sanabi niya. Bakit niya pa tinanong iyun?

"Ahmm" napakagat ako ng iibang labi at nakatuon lang din ang atensyon niya sakin.

"Ahm, nagkamuwang ako ng walang mga magulang. At si auntie lang ang nagaalaga sakin hanggang sa paglaki ko, di ko na din tinatanong kung saan sila dahil alam kung di niya sasagutin ang aking katanungan" nalulungkot kong salaysay. Siguro'y tamang sinabi ko ang katutuhanang ito, ngunit may mga bagay parin na dapat kong itago. Katulad ng mga natutuklasan ko saking sarili. 

Dumaan naman sa kanyang mga mata ang awa kaya ngumiti nalang ako para ipakita sa kanya na okay lang ako.

"I'm sorry" nangunot naman ang noo ko.

"Para saan?" taka kong tanong.

"Dahil naitanong ko, and I feel sorry that you haven't yet meet your parents even just once in your life" taos niyang sabi sakin kaya napangiti nalang ako. Naging okay naman ako kahit hindi ko sila nakakasama at nakikita.

"Okay lang, wag kang mag-sorry dahil wala ka namang kasalanan" kalmadong sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bago ngumiti.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa natapos.

Sinuot namin muli ang mga kapa namin at lumitaw naman sa aming harapin silang Scarllet.

"Kumusta? Napasagot naba? Yieee" panunukso ni Aubrey samin. Sinipatan ko naman siya pero ayaw parin itong magpatinag at ngumiti parin ng nakaloloko.

"Ayiee, leader dalhin muna si Blaire kung saan mo gusto. Kami na ang bahala dito" saad naman ni Scarllet at kinindatan pa niya si Four kaya napataas nalang ang kilay ko.

May binabalik na naman ba sila? Gusto ko ng matulog.

Nahugot ko ang aking hininga nang agad akong niyapos ni Four at bumangad naman samin ang malamig at may kadilimang lugar. Agad akong humiwalay sa pag kayakap niya. Ano ba ang lalaking ito? Mahilig sa mga surpresa. Nilibot ko naman ang aking paningin.

Nasa isang bangin kami ngayon at sa likod namin ay gubat. Napapikit ako dahil sa hanging dumampi saking mukha. Parang gumaan ang pakiramdam ko, na parang tinangay ang mga mabibigat kong iniisip.

Binuksan ko ang mga mata at tiningnan si Four na ngayon ay nakatingala lang sa kalangitan kaya napatingala nalang din ako.

Namangha nalang ako dahil sa ganda ng kalangitan. Maraming mga bituin at napaka ganda din ng buwan.

"Threes, look down" agad akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatingin narin siya sa baba kaya sinundan ko ang kanyang tingin.

Napa-awang ang bibig ko dahil sa ganda ng aking nakita. May mga Alitaptap sa baba, may mga kakaibang uri ng paru-paro na nag-iilaw ng kung ano-anong kulay. May tubig sa baba ng bangin na ito, ang tubig na iyun ay kumikinang dahil din sa repleksyon ng buwan ngunit ang mas nakaagawa sakin na atensyon ay ang lumalangoy sa ilalim. Para silang malalaking isda ngunit ang haba ng mga palikpik nila't buntot, kumikinang sila at napakaganda iyung tingnan.

Napakaganda ng lugar na ito. Manghang nilingon ko si Four at nasilayan ko naman ang matatamis niyang ngiti, ngunit hindi ko iyun lubos makita.

"Ang ganda, salamat dahil dinala mo ako rito" taos kong pasasalamat. Di ako makakakita ng ganito kagandang lugar kung di niya ako dinala dito. Oo, maganda din naman ang lahat ng lugar sa mundong ito ngunit mas nagagandahan lang talaga ako sa nakikita ko ngayon.

"Wala yun Threes, basta para sayo. Gagawin ko ang lahat mapapasaya ka lang"  masuyo niyang sabi kaya napalunok nalang ako. Agad kong binalik ang tingin sa baba dahil parang wala sa oras ay matutumba na ako. Sa matamis niyang ngiti at sa masuyo niyang boses ay manghihina talaga ang tuhod mo.

Napasinghap ako nang may yumakap sakin mula sa likod. Bumilis narin ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang mainit na katawan ni Four. Oo si Four, sino paba? Kundi siya lang.

Tatanggalin ko sana ang mga braso niya sa aking beywang ngunit agad naman niya akong napigilan.

"Please don't, kahit nitong gabi lang babe" mahinang usal niya at humigpit narin ang pagkayakap niya sakin. Kinalma ko naman ang sarili ko bago tumango. Yakap lang naman ito. Inaamin kong namiss ko rin ang ganitong posisyon.

Naramdaman kong tinanggal niya ang balabal ko sa aking ulo. Wala lang akong naging komento doon.

"I wish I could hug you in every minute babe" paos niyang usal sa aking likuran. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.

Nakatingin lang ako sa baba ngunit di ko mawala-wala ang aking atensyon sa kanyang mainit na katawan. Para ako nitong dinala sa isang mainit na sensasyon. Ang lakas ng epekto iyun sakin.

Nanlaki ang mga mata ko nang may naramdaman akong tumubo saking puwetan. Wala sa oras akong napalingon sa kanya at nakasalubong ko naman ang mga labi niya. Agad niyang inangkin ang mga labi ko ng walang pag-aatubili. Nagulat ako doon kaya hindi ko nagawang pumalag.

Nabalik ang sa reyalidad nang nagsimulang naging malikot ang mga labi niya. Naitulak ko siya at nagawa ko iyun.

Di makapaniwala ko siyang tiningnan. Alam kong di niya iyun nakikita pero mararamdaman niya iyun. Ano ba ang lalaking ito? May kamag-anak ba itong magnanakaw?

"I'm sorry babe" taranta niyang sabi at lalapit na sana ito sakin ay agad ko naman siyang hinarangan gamit ang aking mga kamay.

"Wag kang lalapit Four" malamig ko sabi.

"No please, Threes I'm sorry. Please babe" nataranta ako nang akmang luluhod siya sa aking harapan. Agad kong hinawakan ang mga balikat niya para tigilan siya.

"Wag Four" agad kong sabi. Inalalayan ko siyang tumayo ng matuwid at nakisama naman siya.

"I'm sorry Threes, I wasn't control myself" taos niyang sabi. Bumuga nalang ako ng hininga at tumango. Wala naman akong mapagpilian pa kundi patawarin siya.

Ang malungkot at nag-alala niyang mukha ay napalitan naman ng galak kaya agad niya akong dinakma ng yakap.

"Thank you so much Threes" masayang sabi niya kaya napangiti nalang ako.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at parang bumagal naman ang takbo ng mundo. Dahil naaninagan ang kanyang mukha sa sinag ng buwan. Kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti. Nailapat niya ang kanyang mga labi at kitang-kita ko kung paano din iyun humiwalay ng kaunti. Para akong nanghihina sa mga labi niya.

Nawala ako sa sarili at agad siyang sinunggaban ng halik. Para naman siyang natuod sa ginawa ko. Masuyo ko siyang hinalikan at nabalik ako sa katinuan nang tumagon siya. Ngunit hindi ko na nagawa pang makapalag dahil nalulunod na ako sa matatamis niyang halik.

Hinayaan kong makapasok ang kanyang dila sa bibig ko. Para akong mawalan ng hininga dahil mas naging masuyo pa ang kanyang halik.

Ako itong umayaw kanina ngunit ako naman itong gumawa ng rason para gawin ito sa akin. Sa buhay di talaga natin maiwasan na tayo mismo ang gumagawa sa kapahamakan sa ating sarili. Gaya ng sinabi ni HM, na ang ating mga sarili ay isa sa ating katunggali sa buhay. Ngunit pwede mo itong labanan kung maging mautak at determinado ka lang. Pero ang nangyari sakin ngayon ay di ko matatawag na kapahamakan, di naman siguro masama kung papasayahin mo din ang sarili mo kahit pa minsan-minsan. Wag lang malunod sa kasiyahan. Tama lahat ang sinabi ni HM ngunit may nakaligtaan siya doon.

The unexamined life is not worth living. Pag ang isang tao'y hindi nakaranas ng mga problema ay walang halaga para mabuhay. Dahil ang mga problema ay ang asin para maging masarap at maging excitement ang ating pamumuhay. Di natin makokompleto ang ating iba't ibang emosyon kung wala ang problema. Ang kasiyahan ay samahan ng lungkot, galit, at takot. Nakakayamot kung wala ang mga emosyong iyun, kung walang problema. Sa madaling salita, ang problema ay kabilang sa pampasarap sating buhay. Di makokompleto ang isang putahe kung walang pampaalat.

"I love you Threes" usal niya at napangiti nalang ako doon.

@Missloorh

Continuar a ler

Também vai Gostar

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...