No Strings Attached

By Coutpotaytou

30.9K 1K 161

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 More

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 5
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 8
NSA: 9
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 23
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
NSA: 36
Epilogue
Note

NSA: 18

416 18 2
By Coutpotaytou

Pagkarating namin sa parking lot ay nandoon na si Kuya Alfred na sinabihan kong dalhin ang sasakyan ko.

"Hi, Kuya Alfred!" Bati ko sa kaniya. Yumuko naman ito saglit saka kami binati.

"Magandang hapon po, Lady Iniko, Lady Hecate, Lady Akiko at Lady Hexane." Magalang na pagbati niya.

"Kuya Alfred talaga, ang pormal lagi masyado." Naiiling na sabi ko. "Hihiramin ko po muna si Aki, ha? Sunduin niyo na lang po sa apartment mamaya. Hatid niyo na lang po sila ni Hexane mamaya pauwi saka pakiayos na lang po 'yong sa hospital. May pupunta pong Earl do'n, pakisabi na lang na hanapan ng I.D. at ako na po may sagot sa magagastos sa kaniya."

"Masusunod po, Lady Iniko."

"Okay, thank you, Kuya!" Masayang sabi ko. Binigay naman nito ang susi sa'kin at saka umalis. Tumingin naman ako sa kanilang tatlo.

"Tara?"

**

Pagkarating namin sa apartment namin ay pinahiram naman namin silang dalawa ng damit pamalit.

Inasikaso naman ni Cat ang kapatid niya at ginamot ang mga sugat nito. Mabuti na lang at naiharang niya ang kamay niya sa mukha niya, kaya lang ay ang braso naman nito ang napuruhan pati ang binti niya. Ang kaninang pasa lang sa hita ay nakaumbok na ngayon.

"Iniko, dalhin kaya natin si Hexane sa hospital? Baka kasi may bali siya e'." Nag-aalalang sabi nito.

"Huwag na, Ate. Okay lang ako." Nahihiyang sabi ng kapatid niya.

"Tama si Hecate, baka mamaya mali ang pagkakabagsak mo kanina. Mabuti nang sigurado tayo." Sabi ko naman.

Tumingin naman siya kay Aki na parang humihingi siya ng tulong dito. "Huwag mo akong tignan ng ganiyan, sang-ayon din ako kay ate Cat." Sabi naman nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Aki.

Kahit hindi niya aminin ay alam kong nag-aalala rin siya kay Hexane.

Wala namang nagawa ang huli kung hindi ang mag-pout. Ang cute-cute talaga ng kapatid ni Cat.

 Ang bilis ng panahon, dati ay bubulul-bulol pa silang dalawa kung mag-usap ngayon ay napagtatanggol na nila ang isa't isa.

Hindi ko rin maintindihan 'tong si Aki, kapag si Hexane ang inaaway ay walang pagdadalawang isip na makipag-basag ulo pero kapag siya naman ang inaaway parang wala lang at hinahayaan lang niya.

"Huwag ka na magpa-cute kay Aki, sis. Ibibili na lang kita ng pizza pagkauwi natin galing hospital." Sabi ni Hecate habang nakatingin sa kapatid niya na parang nanunukso.

"Hindi ako nagpapa-cute kay Aki, 'no! Cute lang talaga ako, Ate." Sabi nito habang namumula.

"Hindi raw pero namula." Pang-aasar pa nito.

Ang kapatid ko naman ay parang walang naririnig at tuloy ang panonood ng paborito niyang cartoons na Adventure Time.

"Meow~"

Natahimik naman kaming lahat dahil parang may narinig kaming pusa, hininaan pa ni Aki ang pinapanood niya para malaman namin kung may pusa nga.

"Pspspspsps." That's me trying to call the cat if meron man.

Naghintay naman kami na sumagot ang pusa pero wala na kaming ingay na narinig. Lalakasan na sana ulit ni Aki ang volume nang nag-meow ulit ito.

Base sa tunog nito ay mukhang sa pintuan nagmumula ang tunog.

Pagbukas ko ng pintuan ay may kahon na bumungad sa'kin at nandoon ang isang kuting, kinuha ko naman iyon at dinala sa loob.

"Free kittens." Basa ni Hexane sa nakasulat sa box. "Can I have her, Ate?" Excited na duktong nito habang nakatingin sa'kin.

"Nope! Iyang sarili mo nga lang hindi mo na maalagaan tapos gusto mo pang mag-alaga ng pusa?" Sermon naman ni Cat sa kapatid niya.

Ngumuso naman ito at umupo sa sofa habang naka-cross arms.

"This kitten is mine." Sabi naman ni Cat at binuhat ang cute na kuting. Kulay black, brown at white ang kuting na iyon, sa tingin ko ay may kumuha na ng mga kapatid niya at siya na lang ang natira. Bakit naman kaya sa tapat ng apartment ko napili ng kung sino ilagay ang pusang 'to?

"Kaya naman pala bawal sa'kin kasi gusto mo si Mingming." Nakasimangot na puna ni Hexane.

"She's not mingming, cookie is her name." Sabi naman ni Cat. "Iniko, let's keep her." Kausap ni Cat sa'kin.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at base sa tono ng pananalita niya ay wala akong choice kung hindi ang sumang-ayon sa sinabi niya.

"Okay." Sagot ko naman at nakinood na lang din sa pinapanood ng kapatid ko.

"Great! Tara na, pupunta pa tayong hospital pero idaan muna natin sa vet si Cookie." Sabi ni Cat at tumayo na habang buhat ang kuting. "And you can visit Cookie here anytime, alright? Hindi ka rin naman papayagan ni Mommy mag-alaga ng pusa." Kausap nito sa kapatid niya.

"I can persuade them using my grades." Katwiran nito. Ayaw pa rin talagang i-give up ni Hexane ang kuting.

"Well, sorry ka na lang. Dito sa apartment namin napadpad si Cookie kaya sa'min siya." Wala naman nang nagawa si Hexane dahil sa sinabi ni Cat.

Ayaw talaga nagpapatalo no'n sa kahit anong bagay.

"Tayo na d'yan, Aki. Pupunta pa tayong hospital." Tahimik namang pinatay ni Aki ang T.V. at sumabay sa'kin lumabas.

Mukhang mainit pa rin ang ulo nito dahil sa nangyari kay Hexane.

Mabilis naman kaming nakarating sa hospital, hindi naman na namin kinailangang maghintay bago matignan si Hexane dahil kami ang may-ari ng hospital na 'to.

Mabuti na lang at nagpunta kami ng hospital kung hindi ay hindi namin malalaman na na-dislocate pala ang siko ni Xane. Pina-check up ko na rin si Aki dahil nandito na rin lang kami at baka may masakit pala sa kaniya, hindi lang siya nagsasabi.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Xane, ang tigas ng ulo." Sabi ni Cat habang hinihilot ang sintido niya. Para siyang magulang na sumasakit ang ulo dahil sa anak niya. Cute.

"Kanino pa ba siya magmamana?" Natatawang tanong ko. Tinignan naman niya ako ng masama dahil do'n.

"For your information, mabait ako no'ng bata ako 'no!" Sabi niya at inirapan ako.

"Exactly! Mabait din naman si Hexane, sadyang napag-trip-an lang." Napabuntong hininga naman siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi mo pa rin pala nakakalimutan 'yon."

"Bakit ko naman kakalimutan? Dahil do'n mas tumibay ang friendship natin. May pagka-chubby ka nga lang dati kaya cute ka." Natatawang sabi ko.

"Kahit hindi na ako chubby, cute pa rin ako 'no! Sexy-ng cute na nga lang." Sabi niya pagkatapos akong hampasin.

Sasagot pa sana ako pero tinawag na kami ni Aki at tapos na raw gamutin si Hexane. Fortunately, wala namang problema sa katawan ng kapatid ko.

Nang makabalik na kami sa kotse saka nagsalita si Cat.

"Kapag naulit 'to sabihin mo agad sa'kin, ha? Kung hindi isusumbong kita kay Mommy, talagang ipapadala ka na no'n sa Iceland." Sermon nito kay Hexane na naka-cast na ang braso.

"Opo." Nakangusong sagot naman nito.

"You're going to Iceland?" Rinig kong tanong ni Aki kay Hexane sa backseat.

"Hindi 'no! Panakot lang nina Mommy 'yon."

"Hindi panakot 'yon! Tototohanin talaga nina Mommy, baka nga ipadala ka na dahil sa nangyari sa'yo ngayon. Bingo ka na talaga sa kanila." Sabi naman ni Cat.

"Oo nga pala! Hala, Ate! Anong gagawin ko?" Problemadong tanong niya. Ang kapatid ko naman ay hindi na sumagot, nang tignan ko sa rear view mirror ay parang malalim ang iniisip niya.

Bumuntong hininga naman si Cat. "Don't worry, I'll talk to them."

"Hindi muna ako uuwi, sasabay na lang ako sa'yo, Ate." Bakas pa rin ang pagkabahala sa tono ng pananalita nito.

"I... I'll come with you to explain." Nahihiyang sabi ni Aki. "I've been part of your problem, especially in our last school. And I don't want you to go." Pagpapatuloy niya nang hindi nag-react si Hexane.

"Sabi ko na nga ba, crush mo ako 'no?" Panunukso naman no'ng isa.

"Hindi kaya! Inaalala ko lang ang Iceland at baka magkakaroon ng pangit sa bansa nila kapag tumira ka do'n" Dipensa naman ng kapatid ko.

"Gano'n pala, ha!"

Bago pa man sila tuluyang mag-away ay inawat ko na sila dahil dumating na kami sa Domino's.

Pinagmunihan pa nila kung doon na lang kami kakain na nauwi rin sa pagpiling iuwi na lang dahil masarap daw kumain habang nanonood.

Habang bumibili ng pizza ang mga kapatid namin ay tinawagan ko na si Kuya Alfred para sabihin kanila Mimi na sa'kin matutulog si Aki ngayon, sinabihan na rin ni Cat ang magulang niya na sa apartment muna matutulog ang kapatid niya.

Nagpalusot na lang ito na na-miss niya ang kapatid niya kaya mag-bo-bonding muna sila at dahil wala namang pasok bukas ay pumayag ang mga ito.


Continue Reading

You'll Also Like

15.4K 193 15
"You always in my heart, no matter what" -Carinna Lots errors ahead. Mature Content 🔞
13.4K 683 60
Sinong mag-aakala na kayang paghaluin ng pagmamahal ang tubig at mantika? Kailangang gawin ni Karina ang nakaatas sa kaniyang trabaho. Ngunit paano n...
3.6M 287K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.4M 61.1K 34
When Sarah Solomon took refuge in an old cottage in the woods, she knew it would only be a matter of time before the monsters came a' calling. Curse...