Is There a Lifetime? (Olivero...

Von BonitaLei

3.9K 370 666

Oliveros Series #1 Kierre, a college Tourism student who only thinks about her studies, she just wanted to g... Mehr

[Prologue]
[01]
[02]
[03]
[04]
[05]
[06]
[07]
[08]
[09]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[Epilogue]
[Author's Note]
[Special Chapter]
[Plug]

[17]

58 8 12
Von BonitaLei

His lips automatically formed into a smile while closing the distance between us. I frowned and took a step backwards.

His expression changed. "Why, Kierre?" He asked like nothing really happened.

"I should be the one asking that, right? Why? Why are you here?" My voice was calm but deep inside, I was bewildered.

What is he doing here? For what? For closure? For me, I don't need that anymore. Maybe before I was seeking for that but years already passed. My perspective already changed. I'm not that same girl anymore.

The girl who dearly loved him. The girl who's willing to do anything for her love one. The girl who waited but got her heart broken because of too much hoping. She relied on someone who is not really sure about her.

I'm not like that anymore and I will never be like that again.

I've read a quote saying 'Sometimes, not having a closure is already a closure.' and I would definitely agree on that.

But it really confuses me the reason why he's here. I don't understand him. He didn't do what he promised. He just left me hanging and found another woman, right?

"Come on, Kierre! Don't you miss me?" He playfully teased. One of my eyebrows raised by his question.

I really wonder, why do some people have thick faces?

"Is there a reason for me to miss you?" I sarcastically smiled. Nakita ko namang natigilan siya roon at ngayon ay nagseryoso na.

"I'm here to clear things up. We need to talk and I want you back." My lips literally formed an 'o' because of that.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa at hinding-hindi na ako papayag na makipagbalikan sa'yo," pinagkrus ko ang mga braso pagkatapos sabihin iyon.

Natawa siya na parang hindi siya naniniwala sa mga salitang namutawi sa aking bibig.

"Alam kong mahal mo pa rin ako, Kierre. H'wag na tayong maglokohan, tayong dalawa lang naman ang nandito," his confidence was really high.

Luminga-linga pa siya sa paligid upang siguraduhing wala talagang ibang tao bukod sa aming dalawa.

"Sa ating dalawa, ikaw lang naman ang manloloko, Bryzon." Lihim akong napangiti nang makita ang kaniyang naging reaksiyon. Nagsalubong na ang mga kilay niya at napansin ko pa ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao.

Oops, I think I hit the spot. Sorry not sorry.

"Magpapaliwanag ako." Nakita ko pa ang paglunok niya.

"Hindi na kailangan. Ayos na ako, Bryzon. Bakit bigla ka na lang susulpot na parang kabute? Pagkalipas ng ilang taon, ngayon pa talaga?" Unti-unti na akong nakakaramdam ng inis dahil sa kaniya.

"Please, Kierre. Mag-usap tayo, sasabihin ko sa 'yo lahat. Mahal pa rin kita." Kung ako siguro 'yung dating Kierre, malamang sa malamang, kanina pa ako bumigay.
Pero hindi ko na hahayaang maloko na naman ako.

"Kalokohan. Do you think I will believe you?" Pagak akong natawa. Lalo pang lumungkot ang ekspresyon niya ngunit wala akong naramdaman para doon. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

Before he could utter a word, I heard a deep and serious voice behind me.

"Ely." That's already enough to make my heart raced.

Sinalubong ko ang madilim niyang mukha habang nakatitig kay Bryzon. Nakipagtagisan din ng tingin si Bryzon sa kaniya. Pakiramdam ko, ano mang oras mula ngayon ay susugurin na nila ang isa't-isa.

"Who are you?" Matapang na tanong ni Bryzon kay Skyllen. Magaspang ang tono ng pananalita niya, tila naghahamon pa ng away.

"I should be the one asking that. Who are you?" Skyllen's voice was cold but deadly. He put emphasis on his question.

"I'm Kierre's boyfriend." Bryzon's voice was full of confidence. I glared at him because of what he said but I didn't mutter anything.

My lips parted when I felt Skyllen's arm snaking around my waist. He slowly pulled me closer to him. I saw how Bryzon's eyes slowly examined that.

"You sure about that, man? Let me just correct you, you're her ex-boyfriend." Sky smirked but his eyes says otherwise.

I could feel the tension between these two. Bryzon was ready to throw a fit but I screamed before he could do that.

"Stop!" They both looked at me.

"You don't fucking know our story." Bryzon growled.

Sky just shook his head before muttering. "I may not know it but I'm sure of one thing," he paused for awhile before continuing. "You're already in the past, expired."

"Gago ka!" Nakataas na ang mga kamao ni Bryzon at handa nang umatake ngunit agad akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Tumigil na kayong dalawa!" Parehas ko silang tinapunan nang masasamang tingin.

Lumamlam ang mga mata ni Skyllen habang nakikipaglabanan ng mga titig sa akin.

Napailing na ko't lahat at napabuntong-hininga habang iniisip kung anong gagawin ko sa dalawang ito. Napahilot pa ako sa aking sentido.

Hinawakan ko ang braso ni Skyllen at inilayo siya sa pwesto ni Bryzon. Nangunguwestiyon ang kaniyang mga tingin ngunit hindi naman siya nagtanong.

I put my hand on my waist and sighed before speaking.

"Sky, you should go home now. I will talk to him and you don't have to worry about me. I can handle it." Nakitaan ko ng pagprotesta ang kaniyang mukha.

His jaw moved but he remained calm. "Is that him?" He added something when I refused to answer. "The one you told me about."

I silently nodded and bit my lower lip.

"Hmm, alright. Talk to him, I'll wait for you." I immediately shook his head.

"Do not wait for me. I promise, I'll be safe." I assured him.

"But---" Before he could finish his words, I put my pointing finger on his lips.

Bumuntong-hininga siya at tinanggal ko naman na ang daliri ko.

"I'll just text you when I get home." Nginitian ko siya at wala naman na siyang magawa.

Ayaw kong paghintayin siya kaya naman pinapauwi ko na siya. Kaya ko naman na ring umuwi mag-isa.

Pinagmasdan ko siyang maglakad habang lumalapit sa sasakyan niyang katabi ng akin. Napatampal na lang ako sa aking noo nang mapansing nagtatapunan na naman sila ng tingin ni Bryzon.

Nang tuluyan nang makaalis si Sky ay naglakad na ako sa kinaroroonan ni Bryzon.

"So what do you want to say?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Let's talk somewhere else, Kierre. Do you want to go to a coffee shop? Marami akong alam." Ngumiti siya ngunit hindi ko sinuklian 'yon.

"Sa kotse mo na lang." Tugon ko at tumango na lang siya habang nakangiti pa rin.

Sinundan ko lang siya hanggang makarating sa kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Pagbubuksan niya pa sana ako ng pinto ngunit inunahan ko na siya.

Pumasok na rin siya ngunit namayani lamang ang katahimikan sa amin. Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas singko na. Naramdaman ko ring tumingin siya roon.

He cleared his throat. "First of all, I'm sorry. I'm sorry for everything I've done to you. I'm sorry because---" I cut him off.

"Enough with that. I have forgiven you for a long time. Kilala mo ako, Bry. Hindi ako nagtatanim ng galit." Sabi ko sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

"Pero gusto kong malaman kung bakit, Bry. Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nangako kung sa huli hindi mo rin pala tutuparin? Kasi naghintay ako gaya ng sinabi mo pero malalaman ko na lang na... Nakahanap ka na pala ng iba. Nagmukha akong tanga kaiisip kung anong mali sa akin, kung hindi pa ba ako sapat. Ang tanging ginawa ko lang naman talaga kasi ay ang maghintay nang maghintay kahit alam kong wala ng kasiguraduhan. Nawalan tayo ng komunikasyon, 'di ba? Pero inalala ko 'yung sinabi mo na kahit anong mangyari mamahalin mo pa rin ako. Kaya bakit, Bry? Anong nangyari? Sabi mo babalik ka pagkatapos kong grumaduate ng senior high school pero..." Pinutol ko na lang ang sasabihin ko at huminga nang malalim.

Nagsimulang bumalik ang mga pinagdaanan ko dati.

I thought I don't need closure anymore but I didn't expect I would still need the answers to my questions.

Yumuko siya at hinuli ang kamay ko ngunit agad ko ring binawi iyon.

"Nawalan tayo ng koneksyon dahil sa pag-aaral ko pero may balak naman talaga akong bisitahin ka kapag hindi na ako abala. Sakto namang may isang taong pumasok sa buhay ko. Kaklase ko siya sa isang subject. Nagkasundo kami agad at kalaunan naging kami." Mataman lamang akong nakikinig habang nagsasalita siya. "N-nakalimutan kong mayroon pala akong ikaw. Alam kong bobo ako. Inabot kami ng ilang taon bago ko napagtantong hindi ko talaga siya mahal. Na nakikita lang kita sa kaniya kaya't akala ko mahal ko talaga siya." Pagak akong tumawa at umiling-iling kaya't napatigil siya sa pagsasalita.

"Bryzon, hindi kayo aabot ng ilang taon kung hindi mo talaga siya mahal. Sabi mo nakalimutan mo ako noong makilala mo siya ngunit sinabi mo ring nakikita mo lang pala ako sa kaniya. Dapat noong una palang, napagtanto mo na iyon."

Namangha ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. Hindi katulad dati na kaunting pagbanggit lang sa pangalan niya, mag-uunahan na sa pagtulo ang mga taksil kong luha. Sinabi ko lamang ang mga katanungang bumabagabag na sa akin simula pa noon.

Ganoon naman kasi talaga. Kahit matagal mo nang napatawad ang isang tao, hindi mo pa rin maiiwasang kuwestiyonin ang sarili mo kung anong mali sa 'yo at kung saan ka nagkulang.

Kaya ngayong nasagot na ang mga katanungan ko, tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. Nawala na ang mga bumabagabag sa akin. Tuluyan ko nang napakawalan.

"Pero h'wag kang mag-alala. Maayos naman na ako, lalo na ngayong nalaman ko na ang mga nangyari." Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Hindi pa naman huli ang lahat para sa atin, hindi ba, Kierre?" Naramdaman kong umaasa siyang positibo ang magiging sagot ko.

Ngumiti pa siya habang hinihintay akong magsalita. Hindi nawala ang ngiti ko noong dahan-dahan akong umiling.

"Mahal pa rin kita, Kierre. Please, bumalik ka na sa akin, oh. Hindi ko na uulitin ang mga nagawa ko noon. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo basta pumayag ka lang na bigyan ako ng isa pang pagkakataon." Nagsusumamong aniya. Nagsimula na ring umagos ang mga luha sa pisngi niya.

"Bakit, Kierre? Siya ba? 'Yung kanina, siya na?" Alam naming pareho kung sino ang tinutukoy niya. "Gusto mo na siya?"

"Kahit gusto ko siya o hindi, nakilala ko man siya o hindi, hindi pa rin ako papayag na makipagbalikan, Bry. Kahit wala siya sa buhay ko ngayon, hinding-hindi pa rin magbabago ang desisyon ko." Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya at tinapik iyon.

"No, no. I won't stop until I win you back, Kierre. Give me a chance, please?" He still pleaded.

To be honest, I don't know what to say anymore.

"I already heard your side and that's enough for me. Thank you, I'll go now. Take care, Bryzon." He couldn't do anything when I opened the door beside me and went out of his car.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at ipinasak ang susi at pinaandar na iyon. Lumulubog na ang araw kaya naman mas lalo kong pinabilis ang pagmamaneho pauwi sa amin.

After parking my car, I finally went inside of our house. I first saw Alice leaning on the sofa while reading something. I think it's her school book. She noticed me and smiled. I gave it back to her but she frowned.

"That's not your usual smile so what happened?" I couldn't believe she still noticed it.

"Wala, a', pagod lang. Marami kaming ginawa kanina, e'." I really hate lying but I don't want to tell her right now what exactly happened awhile ago. Maybe some other time.

"Alice! Kierre! Our dinner is ready! Come here!" We heard our mother's scream from the kitchen.

Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at sabay na kaming nagtungo roon ng kapatid ko.

I saw Mama putting utensils above the table. The food and rice are already there

She's still wearing her uniform, I guess she just arrived like me. Our mother is a Certified Public Accountant, she's working on one of the biggest companies here in Manila so we don't worry that much about our financial. Besides, marami rin ang naiwan sa aming ari-arian ni Papa.

"Bakit hindi ka muna nagpalit, Ma?" Tanong ko pagkatapos na pagkatapos naming magdasal.

Natawa naman siya. "Nagluto kasi agad ako pagkauwi ko. Oo nga pala, bukas wala akong pasok pero may pupuntahan ako." Nagkatinginan kami ni Alice at sabay na nagtanong.

"Saan po?"

"Titingin ng kotse para sa 'yo." Nagtaka agad ako sa sinabi niya.

Mayroon naman akong ginagamit na kotse at maayos naman.

"Huh? Para saan, Ma? Nagagamit ko naman 'yung kay Papa, a'." Si Alice ay tahimik lamang na nakikinig habang nag-uusap kami ni Mama.

"Ang balak ko kasi, titingin ako ng bago at iyon ang ibibigay ko sa 'yo. Tapos mapupunta sa akin 'yung sa Papa mo. Nahihirapan na rin kasi akong magcommute, anak. Saka marunong naman akong magmaneho, 'di ba?" Napatango-tango ako sa kaniya.

Sabay kaming tinuruan ni Papa dati. Ayaw magpaturo ni Alice dati kaya kaming dalawa lang ni Mama ang naturuan ngunit may balak naman akong turuan si Alice ngayon kung gugustuhin niya.

"Ayos lang naman sa akin pero sa Sabado ka na tumingin, Ma. Para makasama kami ni Alice." Pumayag siya at nagpatuloy pa ang pag-uusap namin.

Noong nasa kuwarto na ako at handa nang matulog, bigla kong naalala ang sinabi ko kay Skyllen kanina.

Mabilis kong kinuha ko ang phone ko upang magtipa ng mensahe sa kaniya.
Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapagtype noong makita kong tadtad ng missed calls. Napalunok ako at kinabahan. Kung bakit ko ba naman kasi nakalimutan.

Napasigaw ako at sinabunutan ang sariling buhok.

Imbis na magtext, tinawagan ko na lang siya at agad niya itong sinagot.

[Elysium Kierre.] Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang kaniyang boses mula sa kabilang linya.

"I'm sorry, ngayon lang nakatawag. Kanina pa ako nakauwi, Sky. Nagising ba kita?" Kinakabahan akong tumawa at napakagat pa sa daliri ko.

[Hmm, is that so?]

"Oo nga!" Umirap pa ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita.

[I could almost imagine you rolling your eyes at me.] Tumawa siya. Napanguso naman ako.

"Bakit alam mo?"

[And you're pouting.] Napapabilib na naman ako dahil alam niya kung anong mga ginagawa ko ngayon.

"Nagising ba kita?" Ulit ko sa tanong na hindi naman niya sinagot kanina. Mahahalata rin ang pag-aalala ko.

Baka mamaya mahimbing na siyang natutulog tapos nabulabog ko pa siya ng ganitong oras.

[No, I'm actually waiting for your text. I called you because I was starting to get worried but you didn't pick it up.] Naririnig ko ang pagsinghap niya.

"Sorry talaga." Humingi na naman ako ng pasensya.

[It's fine, Ely. May tinatapos din akong pinapagawa sa amin kanina kaya gising pa rin ako.] Bigla kong naisip ang mukha niyang may suot na specs katulad noong araw na pumunta kaming Tagaytay. Mas gusto kong nakaganoon siya.

"Sige, matutulog na ako. Matulog ka na rin agad pagkatapos mo, ha?" Lumambot ang boses ko at napahikab pa ako. Narinig ko na naman ang mahina niyang munting tawa sa kabilang linya.

[Okay, see you tomorrow. Goodnight, my love.]

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

493K 7.9K 53
Eligible Heiress Series Book 3 [Completed] Even the strongest of saints have their days. Can their timid hearts overcome troubling times? This story...
5.5K 256 37
When two people decides to hide their Relationship from the Public for the benefit of their own love teams. How long can they hide their relationshi...
302K 11.3K 60
De la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to m...
7.2K 281 21
Broken-hearted, miserable and hurt. Sa mundong kasuko-suko na ay pinilit pa rin ni Destiny na maging matatag. Kahit na nandoon na sa kaniya ang katan...