The Forgotten Queen: The Curs...

By suneowara

726K 38.4K 5.8K

GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde h... More

Author's Note
Self Pub
Prologue
1. The Start
2. Friends
3. Tragedy
4. The queen
5. Forgotten
6. New life
7. The Friend
8. Wedding
9. Familiar
10. Academies
11. Lunar Academy
12. The promise
13. Nephew
14. Farewell
15. Goodbye, first love
16. New Generation
18. Future
19. Choice
20. The kid she saw
21. Heir of Cronus
22. The Guild
23. The masters
24. The smart kid
25. The rookies
26. I'm here
27. Her point of views
28. In another life
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
Fanarts

17. Dark guild

17.1K 1K 59
By suneowara

Walang gana akong umiinom ng tsaa habang nakikinig sa mga sinasabi ng sekritarya ko. Pinapanood ko siyang basahin ang mga papeles na hawak-hawak niya.

"B-Bu-Bukas ay magki-ki-kita po kayo ng o-opisyales s-sa-sa Solar A-A-Academy," ani ni Cora.

Nakasalumbaba ako sa kanan kong kamay habang hawak-hawak ang tasa sa isa. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Mamaya ay babasahin ko na lang ang mga notes na naisulat niya kanina.

Pareho kaming nakasakay sa kalesa at pabalik na kami sa Lunar Academy.

Galing kami sa meeting ng mga opisyales ng tatlong paaralan. Hindi naman ako nakinig sa kanila dahil hindi ako interesado.

Patatakbuhin ko ang Academy sa paraan na gusto ko. Ayokong matali ang mga estudyante ko sa mga rules na gustong ipatupad ng mga officials.

What's the point of having rules?

Rules are made to be broken.

Mas gugustuhin ko na lang na may sariling paniniwala at may sariling mga sinusunod ang mga estudyante ko.

Alam kong ayaw lang ipahalata sa akin ng ibang mga opisyales pero natatakot sila na baka hindi ko makontrol ang mga estudyante ko.

For pete's sake, I've been recruiting criminals to join my Academy for decades.

'Wag nila 'kong tinuturuan dahil hindi hamak na mas may alam ako sa kanila. I treat each one of students as my kid. Ayokong maramdaman nilang nakatali sila sa akin na parang aso dahil sa mga krimen na ginawa nila rati.

They are all free to do whatever they want as long as they finish their missions.

Napasulyap ako sa bintana at nakita kong papasok na kami sa tunnel.

Muli akong humigop sa tasa nang may biglang pumasok sa isip ko.

A scenario.

Sa oras na lumabas kami sa dulo ng tunnel ay may mga nag-aabang sa amin.

50-

No—hundreds of Gifteds are waiting on the other side.

They're planning to take me somewhere.

Muli akong bumalik sa kasalukuyan. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Napansin ni Cora ang biglaang pagbago ng ekspresyon ko.

"M-M-May problema p-po-po ba? P-Principal?" nauutal na tanong niya.

Naging matalim ang tingin ko at pinakiramdaman ang pagtakbo ng kalesa.

"No matter what happens. Don't go outside," ma-awtoridad na sagot ko.

Napalunok nang malalim ang babaeng kaharap ko.

Alam kong naguguluhan at kinakabahan si Cora sa sinabi ko, pero mas pinili na lamang niyang manahimik at sumunod.

Unti-unti ko ng nakikita ang liwanag sa kabilang dulo ng tunnel hudyat na malapit na kaming makalabas.

Nang masilayan ko na ang liwanag ay agad na nagbago ang mga mata ko.

Suddenly, time stopped.

Holding a cup of tea, I casually opened the door and went outside.

Humigop pa ako ng tsaa habang walang eskpresyon kong tinitignan ang mga taong nag-aabang sa amin.

Pare-pareho silang natigilan at bakas sa mukha ang pagkabigla.

Unang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga tattoo nila sa iba't ibang parte ng katawan.

A tattoo that symbolizes that they're from the Trejon Guild.

A dark Guild.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaking pinakamalapit sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya na para bang kating-kati na akong patayin.

"I'm giving you 30 seconds. State your purpose," walang kaemo-emosyon ngunit ma-awtoridad na sambit ko.

I snapped my fingers. Muling umandar ang oras ng lalaking kaharap ko.

Habol-habol niya ang hininga niya para bang kanina niya pa 'to pinipigilan. Hinintay ko ang magiging sagot niya sa akin.

Pero imbis na magsalita ay nakita ko ang pagbabago ng mga mata niya.

"Imbecile," mahinang sambit ko.

Bago niya magawang gamitin ang gift niya ay bigla na lamang siyang natigilan. Ang tea cup na hawak-hawak ko ay unti-unting bumaon sa dibdib niya.

Napaismid na lamang ako nang matuluan ng dugo ang kamay ko. Tsk, I hate getting dirty.

Walang kaemo-emosyon kong hinugot ang tasa. Namilog ang mga mata ng mga kasama niya na hindi man lang mailabas ang mga reaksyon o makapagsalita.

It's not my fault that he died. I gave him a chance to live, but he chose to end his life instead by making me mad.

Sunod kong tinapunan ng tingin ang lalaking sumunod sa kaniya. Punong-puno ang mga mata niya ng takot habang nakatingin sa akin.

"20 seconds. State your purpose," tipid kong sambit.

Once again, I snapped my fingers and his time started moving again.

Wala gana ko itong tinignan habang nanginging ang mga kamay niya. "17 seconds, kung wala ka pa ring sasabihin ay sa'yo na babaon itong tasang hawak ko."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaking kaharap ko.

"N-Nandito kami para kunin ka-" nauutal niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. "Kunin ako? Para saan?"

Nagdadalawang isip pa ito kung sasagutin ang tanong ko. Napaismid na lamang ako bago itapat sa kaniya ang tasa.

"Believe me or not, I can kill all of you with just using this tea cup," pananakot ko.

Napalunok siya nang malalim bago naiiyak na sumagot. "W-Wala po kaming alam. P-Pinapunta lang po kami rito para kunin k-ka," sagot niya.

Tinapunan ko siya ng tingin at pinagtaasan ng kilay. Binuwelo ko ang hawak kong tasa dahilan ng pagluhod niya.

"P-Please! W-Wala po talaga kaming alam. T-Tanging mga nakatataas lang p-po. N-Nandito lang po kami para kunin ka," pagmamakaawa sa akin ng lalaki.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Inilibot ko ang tingin ko sa natitirang 98 na katao sa paligid.

"Listen, tell this to your Guild's Master," panimula ko. Nanatili silang hindi makagalaw sa mga pwesto nila.

Sa kabila ng paghampas ng hangin, paglipad ng mga dahon at maliliit na tangkay, at ang paghahampasan ng mga puno, sila ang mga natatanging nahinto ang oras.

"If he wants to take me, bring five hundred. Iyong mga masters sana at hindi rookie. Kasi kung kayo-kayo lang, sayang ang mamahaling tasa ko," walang kaemo-emosyon kong sambit.

Pare-parehong bumakas ang takot sa mga mukha nila.

"Meteor." Sumabay sa hangin ang boses ko.

Mas dumoble ang takot ng mga taga-Trejon nang sumulpot sa harapan nila ang malaking nilalang na familiar ko.

"5 seconds. Kapag hindi kayo nawala sa paningin ko, pasensyahan na lang."

Namilog ang mga mata ng lalaking kaharap ko. "L-Limang segundo?" hindi makapaniwala niyang sambit.

Again, it's not my fault. Kung hindi sana sinayang ng lalaki kanina ang 30 seconds na binigay ko eh 'di mahaba-haba sana ang oras na maibibigay ko sa kanila.

Time is Gold.

Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko nang talikuran ko sila—hudyat na simula na ang limang segundo.

Naglakad ako pabalik sa kalesa habang nakatalikod sa kanila.

Nang nakagalaw na ulit sila ay agad silang nagsitakbuhan papunta sa tunnel upang lumabas. Tila bumabagal ang oras habang binibilang ko ang limang segundo at ang pagtakbo nila. Unti-unti nila akong dinaanan.

5.

4.

3.

2.

"One," mahinang sambit ko.

Muli kong naramdaman ang pagbabago ng mga mata ko at ang paghinto ng oras. Ang tanging nakagagalaw na lang ay walang iba kung hindi ang familiar ko na isa-isa silang nilalapa.

Hindi ko sila nilingon o tapunan man lang ng tingin. Kaswal lang ako naglalakad na para bang walang nangyayari.

I threw my broken teacup as I walk. Iwinawasiwas ko rin ang madumi kong kamay na may dugo.

Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa harap—malalim ang iniisip.

I don't know why their Guild's master wants to take me and I don't care.

Pero alamin niya kung sino ang sinasangga niya.

Just like what I've said, Time is Gold.

At bilang na ang mga oras niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 484 13
The trickster who loves money, the number one trader in the world of the demigods, the only child of God Quetzalcoatl--the infamous merchant, Quetzal...
29.1K 1.3K 40
Warning: SPG/R-18 (Slight lang) KOLEHIYALA 3 And she just found herself married to the black sheep of the Montecillo's, Kendrick.
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
172K 8.9K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...