Before Rosa

By hyperever

42.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 26]

769 74 63
By hyperever

Note ---

Sorry for updating late in the day, but I thought I should post it now before I lose my chance. Nag-ooccupy nanaman kasi ako ng personal stuff.

enjoy. this is the longest chapter i've written for BR. hope u like it. uwu.

---

R A F F Y
Before Rosa 26

○○○

Lumalim ang kunot ng noo ko kaiisip kung bakit parang galit si Sia nang lumabas siya sa hospital room. I knew her a little bit more now to notice her mood swings. Natauhan lang ako nang tumayo rin si Jerald.

"Uh... may tatawagan lang ako," aniya. Tapos, lumabas na rin siya sa kuwarto. Naiwan kaming dalawa ni Nanay sa loob.

There was comfortable silence at first. Bumalik ang nurse na nakausap ko kanina, tulak-tulak niya ang isang wheelchair. Pinayagan na ako ni Doc, aniya. At baka bukas nga raw ay i-discharge na 'ko. Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kaniya. Nang umalis siya'y kinuha ko ang phone ko para mag-scroll sa social media.

Nang pumatak ang ala-una, napatanong ako sabay tingin sa pinto. "Nasan na kaya si Sia?"

Umangat ang tingin ni Nanay mula sa sarili niyang cellphone. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at hindi ko na rin naitanong. "Baka pabalik na rin 'yun," aniya sabay balik sa kaniyang phone.

"Malelate na kami sa appointment," dahilan ko kahit ang totoo'y hindi lang talaga ako mapalagay. I want to know if she's mad. "Tawagan ko kaya? Baka kasi i-fill na ni Doc Alex 'yung slot namin."

"Maaga pa. Pumirmi ka nga jan," aniya nang hindi ako tinitingnan.

Sumimangot ako. "Ba't ka galit?" tanong ko sa kaniya. "Nagsasabi lang naman ako."

Inangat ni Nanay ang tingin niya sa 'kin. Naka-eyeglasses siya ngayon dahil hirap na siyang basahin ang maliliit na font sa gadget. May kataasan ang grado ng salamin kaya malaki kung tingnan ang kaniyang mga mata. Idagdag pa na matalas ang tinging tinatapon niya sa 'kin.

"Galit ka parin hanggang ngayon, 'Nay?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. "Parang five years na mula nang last na usapan natin. Since then, kahit pumupunta ako sa Rosalie's ay 'di mo 'ko kinakausap. Huwag ganoon, mother. Bebe mo kaya ako."

Inirapan niya 'ko. Hindi niya sinagot ang pagdadrama ko. Sa halip ay tinanong niya nalang ako ng, "Nag-usap na ba kayo ni Sia?"

Napabuga ako ng hangin. Inilapag ko muna ang phone ko sa side table bago siya sagutin. Walang paligoy-ligoy si Mamá. Ora-orada. "Tinanong ko na si Sia," dahan-dahan kong sagot sa kaniya.

"Anong sabi?"

I pursed my lips and stared at the metal edge of the bed. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin kay Nanay ang pag-uusap namin. But I have to try.

Bumuga ulit ako ng hangin. "Go lang daw siyang magpakasal," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Narinig kong gumalaw si Nanay. Nang tingnan ko siya'y may hopeful glint sa kaniyang mga mata. "Oh, anong sabi mo?"

Tumikhim ako sabay iwas ng aking tingin. "Sabi ko, ayoko."

Saglit na hindi sumagot si Nanay. I had the feeling na minumurder niya na 'ko sa isip niya, kahit pa sa 'ming dalawa ni Sia ay ako ang anak niya.

"Nag-iisip ka pa ba nang maayos, Rafael?" tanong ni Nanay maya-maya. Hindi ako tumitingin sa kaniya pero boses palang niya, pinanaasan na ako ng balahibo. Her voice sounds dangerous.

"'Nay, it's not like I don't like Sia. It's just that --"

"Rason," putol ni Nanay sa sinasabi ko. Nang itaas ko ang aking tingin ay sinalubong ako ng ala-laser niyang mga mata. "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan, Raffy. Magrarason ka nalang lagi?"

Hindi ako sumagot. I know better than to argue. Huminga nalang ako nang malalim.

"Pa'no ang bata?" tanong niya ulit. It's always that, and only that.

Pa'no naman ako? tanong ko. It might sound selfish, but it's true. Paano ang mga gusto kong mangyari kung gagawin ko nalang lagi ang gusto nila?

I think Sia's stubborn attitude is rubbing off on me pero totoo naman eh. She'd agree with me if I tell her my real reasons.

Huminga ako nang malalim. Inipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob. "'Nay, hindi naman kasalan ng bata na illegitimate siya," I said quietly. "It's not something to be ashamed of, not really. Please don't make me do something I don't want to do."

Hindi sumagot si Nanay. Pero ramdam ko parin na hindi siya masaya sa sinabi ko.

Maya-maya, tumayo siya kaya napatingin ako sa kaniya. She walked towards the door saying, "tatawagin ko na si Sia." And without another word, she ent out.

Napahawak nalang ako sa bridge ng ilong ko. I really hate being misunderstood. Haay.

○●○

Kinaumagahan nga'y na-discharge na 'ko. Hinatid kami nina Nanay sa apartment. Hindi niya parin ako kinakausap pero hindi niya naman pinapahalata kay Sia na may hindi kami pagkakaunawaan.

I'm thankful for that. Ayokong isipin ni Sia na nagkakatampuhan kaming mag-anak dahil sa kasal na gusto nilang mangyari. Ayoko na siyang i-stress sa topic na 'yun.

Nang umalis sina Nanay ay tulong kami ni Sia na ayusin ang mga gamit na dinala sa ospital.

After, Sia scanned the kitchen for something to cook. Naeenjoy niya na siguro ang pagluluto dahil lagi na siyang nagvovolunteer. Come to think of it, matagal-tagal na rin mula nang huli akong nagluto. Lagi kasing siya.

Maya-maya ay tinawag niya na ako para kumain. Magana akong sumusubo ng niluto niya nang bigla niyang in-open ang topic tungkol sa kaniyang apartment. Our conversation turned a serious corner.

"Hindi ba't 'yun naman ang plano natin? We're not getting married, so after giving birth, babalik na 'ko sa apartment," aniya.

Parang nabingi ako. I whispered, "No. Hindi pwede." Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan dahil sa sinabi niya. Bigla nalang, parang sinapian ako ng dragona. Suddenly, gusto kong bumuga ng apoy.

Ayoko siyang bumalik sa apartment niya.

Sia's brows stitched together. "Ang labo mo," aniya. "I asked you if you want us to live together, you said you can't kasi bakla ka--"

"Kasal 'yun, Sia. Iba 'to. Don't confuse them."

She blinked. "Anong pinagkaiba?"

"Last time, ang pinag-usapan natin ay kasal. I don't want to get married just because we have a kid together. Statistically speaking, that's bound to fail." Inusog ko ang plato ko palayo sa 'kin. Wala na 'kong ganang kumain. Inabot ko nalang ang baso at uminom ng tubig. After drinking, I continued what I was saying. "This time, we're talking about living together. Hindi kailangan ng kasal sa live-in."

Nanlaki ang mga mata ni Sia. I don't know why but she seemed agitated. Parang malakas ang naging impact sa kaniya ng sinabi ko. Ilang beses niyang binuksan ang kaniyang bibig, na parang sasagot na siya pero maya-maya rin ay isasara niya, na parang may pumipigil sa kaniya.

Lalo tuloy akong kinabahan. Looking at her, I realized I said something wrong. Hindi ko lang mafigure out kung alin doon.

"You're unbelievable," she said at last. "Ine-expect mo na mag-sstay ako kahit hindi ako sigurado sa 'yo?"

Napakurap ako. I was taken aback. Her voice sounded pained. Too pained. I almost took back everything I said.

"H-hindi ko maintindihan," sabi ko nalang.

Huminga siya ng malalim. Mukhang pinapakalma niya ang kaniyang sarili, nag-alala tuloy ako. I want to ask her if she's hurting somewhere. Pero bago ko pa man magawa ay nagsalita na siyang muli.

"Ganito, ha? Prankahan na Raffy. Alam mo namang walang filter ang bibig ko minsan."

Napalunok ako. Wala akong ibang naisagot kundi ang isang tango. Her eyes were so serious, they speak business. Nakinig nalang ako sa sasabihin niya.

"I'm giving you two options: one, to marry me -- raise our kid together, build a family; ikaw, ako, at si baby."

Tumango ako. Habang nagsasalita si Sia, natulala ako. 'Yung boses niya, nagsasabing importante 'to sa kaniya. Ang desisyon ko ang magdidikta ng kinabukasan naming dalawa.

Pero sa seryosong moment na 'to, lumilipad ang utak ko. My eyes went hyperactive, noticing every gesture she made while explaining. Napansin ko kung paano niya maya't mayang iniipit ang ilang strand ng buhok na nahuhulog sa mukha niya. The strands were stubborn, just like her. Hindi iyon matigil sa pagbalik sa mukha niya. Napansin ko rin kung paano simingkit ang bilugan niyang mga mata kapag nag-iisip siya.

Then, she asked me. "What's your choice?" At na-realize ko na hindi na nag-sink in sa akin ang option number 2.

"Ano nga ulit 'yung pangalawa?"

She sighed and rolled her eyes. "Option two: to live separately. May apartment ako, kung nakakalimutan mo. We can co-parent, have a schedule sa kung anong araw si baby sa 'yo at anong araw sa 'kin."

I was stunned. Naisip ko, she's thought of this?

Ayoko siyang nasstress sa bagay na 'to pero siya pala mismo, hindi mapigilang isipin. I feel partly guilty because I haven't cleared things up with her soon enough. But I also feel thankful kasi si Sia 'yung tipong pag-uusapan ang mga bagay, hindi pababayaan nalang. It saves us from more problems in the future.

Natagalan na siguro ako bago sumagot kasi nagpatuloy si Sia sa sinasabi niya. "You'll still have your claim sa bata, Raf, don't worry. Sabi mo naman, may paraan si Jhe."

I tilted my head to the side. Bakit parang ang bitter niya? I'm not really sure but her tone suggests it.

Napalunok ako. "Ikaw," balik ko sa kaniya. "Kung ikaw ang papipiliin ko, alin ang pipiliin mo?"

Sia averted her gaze. I noticed how her hands immediately found the hem of her black shirt. Agad, pinaglalaruan na niya 'yun, like how she used to when she's thinking deeply. "Alam mo na ang sagot ko," aniya sa maliit na boses.

I nodded grimly. S'yempre, number 2. Tinatanong pa ba 'yun?

But... what do I want?

Then I realized, "Kailangan ko na ba talagang sumagot ngayon?"

Natigilan si Sia. Gulat siyang lumingon sa akin. Binuksan niya ang kaniyang bibig pero walang salitang lumabas.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Look, I appreciate that you opened it up, See. Nakikita ko kung saan nanggagaling. You don't want further complications. But... hindi kaya'y nagpapadalos-dalos tayo?" dahan-dahan kong sabi. "Can we slow down a bit and think this through? Baka naman may option three?"

Sumimangot si Sia. She didn't like what I said, I can feel it. "Ayoko sa dilim, Raffy," bulong niya.

"Edi dadalhan kita ng flashlight. Problema ba 'yun?"

She glared at me.

Sumimangot din ako. "Hindi ako nagjojoke," dispensa ko. "Metaphor 'yun. Inis 'to."

Kinuha ko ang pitsel ng tubig at pinaglagyan ang aking baso, tapos nilagyan ko rin ang kay Sia. "Inom," utos ko sa kaniya sabay tulak ng baso niya. "Bago ka mag-overthink, uminom ka muna."

She reluctantly took it. Nang uminom na siya'y uminom rin ako. A small smile made its way to my lips, kaya tumingin ako sa side para hindi niya mapansin.

I felt good being able to make Sia drink. Kailangan niyang kumalma kasi minsan, sa kakaisip niya, nasstress siya lalo.

"Ganito," kalmado kong sabi. "Bago tayo magpabugso-bugso, mag-isip muna tayo."

Hindi sumagot si Sia. Binaba niya lang ang kaniyang baso nang hindi ako tinitingnan.

"See," tawag ko sa kaniya. I nudged her foot under the table to make her look at me. When she did, I held her gaze and asked, "Do you think we're both ready to get married? Like... now? Sa sitwasyon natin ngayon?"

Sia averted her gaze again. Sa tingin ko'y kino-consider niya ang sinasabi ko. But knowing Sia, she'll just think of something to say back.

And just as I thought, she cleared her throat. "So, you don't want to get married," she half-asked and half-said.

Natawa ako kasabay ng pagtalbog ng puso ko. Kung alam mo lang, I thought.

"Bakit ba 'yan ang solusyon mo sa sitwasyon natin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Atat ka mameh? Kinausap ka ba ni Mother dear? Goodness, gracious. Pagsasabihan ko talaga 'yun."

"Hindi," kunot-noong sabi niya. She picked up her fork and poked a small piece of meat on her plate. "It just made the most sense to me."

"Paanong it made the most sense? Enlighten me."

Sinubo niya ang karne at nginuya iyon habang nag-iisip ng sagot. I waited.

"'Yung sabi mo," sagot niya habang ginagalaw-galaw ang pagkain sa plato niya gamit ang tinidor. "Legitimacy of the child. Tapos, kung kasal tayo, walang kwestyon ang pagtira natin sa isang bubong. I struggled deciding what to call you, but if we're married, I can call you 'husband' ..."

She went on, rambling about the million reasons why marriage is the best choice. Hindi ko maiwasang mag-wonder kung ilang beses nang pinag-isipan ni Sia ang tungkol dito. And judging from her reasons, she's thought about it a lot.

I sighed. Bago pa siya maubusan ng hininga ay pinigilan ko na siya. "Sia," tawag ko. Her eyes searched for mine and when our eyes met, I saw that hers are turning red.

"Naiiyak ka ba?" tanong ko.

Mabilis siyang umiwas ng tingin. Kumurap siya nang ilang beses, as if maaalis ang pamumula noon kapag wala siyang nakikita.

She cleared her throat. "No. Now, tell me. Hindi ba't tama ako?"

"Yeah," bothered kong sagot. I really think she's about to cry. "Pero... tingin mo ba'y magiging masaya tayo?"

Tumikhim siyang muli. Pinaglagyan ko ulit siya ng tubig dahil mukhang hindi maalis ang bara sa kaniyang lalamunan. Pagkatapos niyang uminom, tinanong niya 'ko pabalik. "Tingin mo ba, hindi ka magiging masaya sa 'kin?"

Hindi ako sumagot. It's a trick question.

Iisa lang naman kasi ang sagot ko, no. No kasi alam kong magiging masaya ako sa kaniya. The way she made me feel warmth again after months of not feeling anything is enough proof. Iniisip ko palang ay parang gusto ko na siyang hilahin papalapit sa 'kin at yakapin nang mahigpit.

Pero mga mamang, I can't just say that. Kapag sinabi ko 'yun, kasalan na agad. Ni hindi nga ako sigurado sa nararamdaman niya sa 'kin eh.

Bakit ba kami magpapakasal? Looking back at her reasons, she's got millions but none of them were because of me. Lahat for convenience. Kesyo hindi na magiging anak sa labas ang baby namin, o hindi na magiging issue ang pagtira namin sa iisang bubong. Nasaan doon 'yung, "kasi gusto kitang makasama habang buhay"?

Napabuga nalang ako ng hangin. Pakiramdam ko kasi'y may kumuyom sa puso ko dahil sa huli kong naisip. I don't like it one bit.

"Hindi ko sinasabing hindi ako magiging masaya," sagot ko kay Sia. "Pero kung magpapakasal tayo, gusto ko'y gusto natin ang isa't isa, hindi lang dahil 'yun ang convenient," sabi ko bago ko pa mapigilan ang aking sarili. As soon as I said it, I regretted it. Ang bitter ko kasing pakinggan, ang petty lang. Urgh.

"Anong gusto mong mangyari?" tanong ni Sia. Tumatapang nanaman ang boses niya, na parang tinatapatan ang bitter kong tono.

Lumakas ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Hindi ko alam pero parang na-excite ito sa tanong ni Sia. May binubulong 'to sa 'kin na hindi ko mapigilang pakinggan. "Let's date," sagot ko. I'm breathing heavily and my voice just sounded so weird in my ears pero inulit ko ang sinabi ko, just in case na hindi niya narinig.

"Sia, let's date. If you want to, that is. Kasi See, hindi ako magpapakasal sa 'yo nang wala kang nararamdaman sa 'kin. I'm a counselor, I've met a lot people with relationship problems rooting from the lack of love in marriage. Ayokong gumaya sa kanila."

To be continued...

Question: How do you feel about reading a story with bxb and/or gxg theme/plot?

You guys know that I've been representing such relationships in my stories but haven't really written one that's entirely that. If I write one, will you read it? 🤔

Just askin'. It's okay if you won't but it would be really nice if you will.

xoxo,
-A. 💜

P.S. i'm posting an extra chapter after this. draft ko 'yun para dito sa chap 26 but i didn't think it fits the narrative so extra chap nalang. hohoho. swipe left (or down sa naka-scroll mode).

Also, listen to Reese Lansangan's new EP called Playing Pretend in the Interim. Tell me your fave song. I can't decide mine lol. They're all goood.

Continue Reading

You'll Also Like

169K 5.8K 33
Si Miss Minchin na sawi sa lovelife, iniwan ng mapapangasawa, walang trabaho, walang pera, palamunin ng nanay at pinagkakalulon ng kaibigan kahit kan...
1.3K 81 75
Sienna Ada Laurette Valerio, a daughter from the south, unfortunately, was dragged by the faith to the Capital and was been deprived to live her life...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson