The Forgotten Queen: The Curs...

By suneowara

725K 38.4K 5.8K

GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde h... More

Author's Note
Self Pub
Prologue
1. The Start
2. Friends
3. Tragedy
4. The queen
5. Forgotten
6. New life
7. The Friend
8. Wedding
9. Familiar
10. Academies
12. The promise
13. Nephew
14. Farewell
15. Goodbye, first love
16. New Generation
17. Dark guild
18. Future
19. Choice
20. The kid she saw
21. Heir of Cronus
22. The Guild
23. The masters
24. The smart kid
25. The rookies
26. I'm here
27. Her point of views
28. In another life
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
Fanarts

11. Lunar Academy

17.6K 1.1K 120
By suneowara

That's when the three academies were made. Si Scarlet ang nag-isip ng mga pangalan. She took the names from a favorite book of hers.

Nocturne Academy.

Lunar Academy.

Solar Academy.

She led Solar Academy while Evan led Nocturne Academy. Of course, sa akin napunta ang Lunar Academy.

Nakakatawa lang isipin na walang ibig sabihin para kay Scarlet ang mga pangalan ng mga academies, pero meron sa akin.

Scarlet led the Solar, which is related to the sun. While I led Lunar, which resembles the moon. It really suits us well. We are the total opposite. For me, she shines like the sun while I'm a gloomy person like the moon.

Pero ang mas nakakatawa ay ang meaning ng Nocturne, the Academy that Evan leads. It's a romantic or dreamy character suggestive of night, which secretly shows my feelings for him—before.

"Principal Helena, ano po ang mga qualifications na kailangan ng mga magiging estudyante ng Academy?" biglaang tanong ng kasama ko.

Natauhan ako at napunta ang tingin ko kay Crimson. He's one of the officials of the Academies. Kabilang siya sa Guild namin. Siya ang pinili ni Scarlet na maging secretary ko.

"A-Ah, kailangan pa n'on?" walang ganang sambit ko.

Napabuntong-hininga si Crimson sa akin at tumango. "Of course, you're already a Principal. Kailangan mong seryosohin ito, Helena."

Pasimple akong umismid at tumango. "Fine, pag-iisipan ko."

Iniwan ko sa silid ang lalaking kasama ko at walang gana akong bumuntong-hininga. Para saan ba 'yon?

Hindi ko naman ginusto maging Principal. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng eskwelahan.

Umalis ako sa Academy at napagpasyahan kong pumunta sa Guild namin. Mas nasanay akong nandito kaysa sa loob ng Principal's office.

"Oh, Helena! Kumusta na?" nakangiting bugad sa akin ng mga myembro ng Guild.

"Mukhang mahirap magpatakbo ng paaralan ah. Hindi na kayo nakakapunta rito," natatawang dagdag nila.

Tawa ang sinagot ko sa kanila bago lumapit sa tapat ng information board. It really feels like home here. Mararanasan ko kaya ito sa Academy?

Tumingin ako ng mga missions sa quest board. Gusto ko munang ituon sa iba ang atensyon ko.

Sa dinami-rami ng mga missions na pwedeng kunin ay napako ang tingin ko sa isa.

'Catch a group of bandits. Prize: 10,000 drennies'

Hindi ang premyo ang nakakuha ng pansin ko. Bagkus ay ang impormasyon na binigay. It's a group of bandits that is consist of young Gifteds.

Wala sa sarili kong kinuha ang papel. I just found myself taking the job.

Mag-isa kong kinuha ang mission. Hindi ako pamilyar sa town na Resoir ang pangalan pero mag-isa akong pumunta rito. Hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Walang tigil ang pag-ulan.

Hindi ko alam kung pa paano at bakit ay bigla na lang may pumasok sa isip ko.

It's a scenario. I'm in a middle of the forest and a group of people are surrounding me.

No... It's not a group of people.

Red eyes with fangs and pale skins...

It's a group of vampires.

Napahawak ako sa ulo ko at naningkit ang mga mata ko. Ano... 'yong nakita ko?

Gawa-gawa lang ba 'yon ng utak ko? O mangyayari talaga 'yon?

Napatingin ako sa mga palad ko. Habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng kakayahan na hindi ko pala alam na kaya ko. Mas lalo ko ng nagagamit ang gift ko.

Dahil sa nakita ko sa hinaharap ay napagdesisyonan kong lumayo sa gubat. Hindi pa ako gano'n kalakas para harapin sila. Kaswal lang akong naglalakad sa gitna ng ulan. Hawak-hawak ko ang payong na pinapamigay sa bungad ng tunnel.

Alerto ako sa paligid. Hindi nagtagal ay nakuha ng atensyon ko ang babaeng naglalakad sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko.

Doon ko pinabagal ang oras na ako lamang ang nakapapansin.

Then... I saw it.

A Gifted took the woman's wallet without her noticing it. Sobrang bilis niyang tumakbo. Sa tingin ko ay gift niya iyon.

Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Hindi ko pwedeng sugurin siya ngayon dahil baka may sibilyan na madamay.

Sobrang bilis niyang tumakbo, kahit pinapabagal ko na ang pagtakbo ng oras ay malabo pa rin siyang mahabol ng mga mata ko. Napaismid ako nang tumakbo siya papunta sa gubat.

Naningkit ang mga mata ko. It looks like I can't easily change the future...

Kahit nag-aalinlangan ako ay sinundan ko pa rin siya. Patuloy lang ako sa paghabol nang mapansin kong may sumusunod na rin sa akin.

Natigilan ako sa pagtakbo. Dahil do'n ay hindi na nahabol ng tingin ko ang Gifted na hinahabol ko.

Napunta ang atensyon ko sa paligid ko. Parang isang iglap lang ang nangyari at natagpuan ko na lang ang sarili kong pinalilibutan ng isang grupo.

Red eyes with fangs and pale skins... Vampires.

Kagaya ng nakita ko sa hinaharap. Hindi ko nga talagang maiiwasan ang mga magaganap.

"What do have here, a little lady?" natatawang sambit ng isa sa mga bampira.

Matalim ko silang tinignan. "I don't have business with you. Paraanin ninyo 'ko," taas noo kong sagot.

Nagsitawanan sila sa sinabi ko. May isang lalaking bampira ang lumapit sa akin.

"Ikaw ang nasa teritoryo namin. Ayus-ayusin mo ang pananalita mo."

Napaismid ako sa sinabi niya. Muli kong naramdaman ang pagbabago ng mga mata ko. Sabay-sabay silang nagsiatrasan.

"A-An heiress of Cronus," hindi makapaniwalang sambit ng lalaking kaharap ko.

"Ayoko ng gulo. Paraanin ninyo 'ko," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Bago may makasagot sa akin ay pare-parehong nakuha ang atensyon namin nang may isang bampirang biglang sumulpot.

"Regon! Ang anak mo! Kinuha ng mga tulisan na Gifteds!" ani nito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaking kaharap ko—ang tinawag na Regon. Nakuha ng sinabi ng bagong dating ang mga atensyon namin. Hindi nag-aksaya ng oras si Regon at mabilis itong nawala sa harapan ko.

Naningkit ang mga mata ko. Tulisan...

They're the bandits that I'm after.

Nabigla ang mga bampira na naiwan nang sumunod ako sa lalaking umalis.

Magkasunod kaming tumatakbo hanggang sa nakalabas kami sa gubat. Doon bumungad sa amin ang lugar na bakante at parang walang nakatira. Parang bundok ang patong-patong na mga basura.

Medyo nag-alinlangan ang bampirang kasama ko na tumuloy pero pumunta pa rin ito. Kagaya niya ay nagpatuloy rin ako sa pagtakbo.

Hindi nagtagal ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng kabataan. Ang isa sa kanila ay may hawak-hawak na babaeng bampira. Mukhang ito ang anak ng bampira na kasama ko.

"Hoy tandang may pangil! Hindi ba matagal na kayong nabubuhay? Saan ang alam niyong may gintong nakatago?" maangas na sambit ng isa sa mga tulisan na karahap namin.

Ang Gifted na may hawak sa babaeng bampira ay nagbago ang mga mata. It turned blue. Hinawakan nito ang kamay ng bampira at unti-unti itong naging yelo.

"Aerin!" nag-aalalang sambit ng bampirang kasama ko.

"Sagot, tanda!" muling sambit ng tulisan.

Nanginginig ang bampirang kasama ko at hindi makapagsalita. "W-Wala akong alam! Bitawan niyo ang anak ko!"

Napaismid na lamang ako. Wala siyang magagawa kung gaganiyan lang siya... mga Gifteds ang kaharap niya. Hindi ko masisikmura ang pagnood lang sa kanila.

Wala akong kaemo-emosyong humakbang papalapit sa tulisan na kaharap namin. Napunta ang mga atensyon nila sa akin.

"H-Hoy, bata! Anong ginagawa mo?!"

Natigilan ako sa sinabi ng isa sa kanila. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng pag-init ng ulo ko.

"Hey, brat. Anong sinabi mo?" may tonong tanong ko.

Kumunot din ang mga noo nila. "A-Ang sabi ko, Hoy bata-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang matigilan. Tuluyan ng nagbago ang mga mata ko at tumigil ang oras. Sunod-sunod na umawang ang mga bibig nila.

Kinuha na ni Aerin ang chansa na iyon at mabilis siyang pumunta sa ama niya. Sinundan siya ng mga mata ko.

"P-Pa!" Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

"T-Thank you." Nangungusap ang mga mata ng bampirang nagpasalamat sa akin.

Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya bago muling tapunan ng tingin ang grupo ng kabataan na Gifteds. They're really in trouble right now.

Magkakrus ang mga braso ko habang nakaharap sa kanila—parang isang ina na pinapagalitan ang mga anak niya.

"Brats, you said something you shouldn't have... that's why you should pay for it."

They look so confused and dumbfounded. But they can't say a word because of my gift.

"From now on, you'll study at Lunar Academy. You'll join a Guild and catch your fellow criminals. I'll be your Principal."

I smirked. "I don't accept refusals."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Kinabukasan ay bumalik ako sa Lunar Academy kung saan bumungad sa akin si Crimson. Alam ko na ang sasabihin niya kaya mabilis ko na siyang inunahan.

"I've decided... the qualifications for joining the Lunar Academy," pangunguna ko.

"First, you gotta be a criminal."





Continue Reading

You'll Also Like

70.1K 6.2K 53
Seven teenagers travelled down to the underworld for a wish to bring back the life of their loved ones. Unknown to them, there are strange creatures...
474K 18.6K 61
【Team Alpha: Second Generation】 Book 1 | Complete "They were angels embracing the darkness"
1.7M 75.4K 53
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING | "Lives in exchange of one life." Every year, the Olympus Gates opens for mortals who dreams to become a Semideus...
146K 8.8K 16
COMPLETED | After all, the storm was only a reminder of death. A Thieves of Harmony short sequel about death and storm. [THE OLYMPIAN WORLD] Thank yo...