Just Your Liability (Accounti...

Per xxialej

464K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... Més

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 14

9.4K 409 91
Per xxialej

Without proper closure, our relationship just ended like that. Since that day, I couldn't avoid the feeling of emptiness. Just like the dark sky lit up with lightning, everything that surrounds me, even my heart, was gloomy.

It was inevitable to cross our parts again since we've been in same universities. But then, we weren't even had a chance to talk or either, he wasn't like talking to me after all that happened. Para saan pa, hindi ba? Matapos ng lahat ng nakita niya at nangyari, sigurado akong wala na talaga siyang balak pang makita o kausapin man lang ako.

Kaya naman upang kahit papaano'y mabawasan ang sakit, pilit kong iniwasan ang mga lugar na kung saan alam kong magkru-krus ang landas namin sa loob ng campus. Hindi madali ngunit hindi na bago sa akin ang magpanggap na matapang, na walang pakialam, na hindi na naaapektuhan.

That's what I did. As the days and months passed by, I lived in pretending and that was the reason why my friends were calling me: Rosemarie, the great pretender.

He had overcome his weakness. He had been joining pageants for Mr. and Ms. LSPU-SCC, and surprisingly, he won the title. Natuto siyang makisama at makibagay sa iba't ibang tao sa kaniyang paligid. Napapansin ko rin na dumami ang circle of friends niya and I also heard that mayroon na rin siyang naging mga girlfriend pa at nililigawan ngayon kahit na wala pa yatang dalawang buwan simula nang maghiwalay kaming dalawa.

Minsan ay hindi ko maiwasang masaktan dahil tangina, bakit gano'n? Bakit parang napakadali lamang sa kaniya ang makalimutan ako? Bakit napakadali para sa mga tao sa paligid ko na bitawan na lamang ako nang gano'n? Na kaya nilang mabuhay kahit wala ako. Na kaya nilang ipagpatuloy ang lahat ng bagay na para bang hindi ako kakulangan para sa kanila. Habang ako'y heto, miserable, nasasaktan, nahihirapan, at walang araw na hindi sila inisip.

Ang daya. . . pero ayos lang. Ayos lang dahil nakikita ko naman siyang masaya. Nawala man ako sa buhay niya, marami naman siyang nakilala na tiyak kong mas labis pang makakapagpasaya sa kaniya.

"Anong plano mo sa darating na sembreak?" tanong ni Bluie sa 'kin.

Natigilan ako sa pagkain at pinagtaasan siya nang kilay.

"Hindi ko sasabihin sa 'yo. Baka mamaya gayahin mo pa ako," I joked.

She just answered me with a frown and shook her head afterwards.

Wala talaga 'to kwenta kausap! Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit at paano tinamaan si Miguel sa babaeng ito. May pagkukunwari pang nabangga itong kaibigan kong lalaki para lang makapagpapansin. Mabuti na lamang at mukhang hindi interesado sa kaniya itong si Bluie.

"So ano ngang plano mo sa sembreak? Mag-open ka naman sa'min." Pangungulit pa ni Thanika.

Bumuntonghininga ako at hinilot ang sentido. Madalang na lamang kaming magkasama-sama dahil abala na kami sa mga kaniya-kaniyang gawain. Kagaya ko, I am having a hard time with some of my course subjects like; Financial Management, Strategic Management and even in Market Research. At first, I was really fascinated with my course since I really want to be my own boss, but as the time goes by, I am slowly losing my interest in it.

"Oo nga. Huwag mong sabihin sa amin na magpapakababad ka na naman sa pagtra-trabaho? Naku, Rose!" Joana's gaze at me using her hawk eyes.

Ngumiwi ako at tinagilid ang aking ulo. "Uuwi akong Paete," pagsisinungaling ko.

Tila mayroong dumaang anghel sa sobrang tahimik. Maging sina Miguel na abala sa paglalaro ng playstation ay natigilan din at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Na para bang isang napakalaking himala na nagbigay liwanag sa buhay nila iyong tatlong katagang binitawan ko. Ganoon ka-OA ang reaksyon nila. Ni kailan man ay hindi ako nagsabi kahit kanino sa kung anong estado ng buhay mayroon ako. Ni isa sa kanila ay wala akong pinagsabihan na wala na akong pamilyang inuuwian.

Ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala akong tiwala sa kanila. Ayaw ko lang na malaman ng iba ang aking kahinaan dahil natatakot akong dumating ang araw na gagamitin nila iyon laban sa akin.

"Ano?" irita kong untag sa kanila.

"U-Uuwi kang Paete?" hindi makapaniwalang pag-uulit ni Allen kaya binato ko siya ng mansanas na hawak ko, ngunit naiwasan niya iyon at sa kasamaang palad ay tumama kay Damian na nananahimik sa isang tabi.

Napatingin ito sa akin habang sapo ang noo na tinamaan ng mansanas. I just pursed my lips and rolled my eyes at him.

Josh let out a fake laugh as he noticed the awkward atmosphere between me and Damian.

"Ako? Mag-wo-work ako sa buong sembreak tapos uuwi kami sa Bicol sa Pasko!" saad niya kahit wala namang interesado.

"Mamatay na nagtanong," pamimilosopo ko.

"Tss, mamatay na pilosopo!" he fired back.

Akmang babatuhin ko ulit siya ng pitsel nang ituro niya si Damian na nakatingin pa rin sa akin. I pursed my lips once again and averted my gaze at him. Obviously, we were not on good terms since the kiss happened.

Buo na rin talaga ang desisyon kong umuwi sa Paete. Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan nila roon simula noong mawalan ng trabaho ang tatay ko. Kaya nang sumapit ang unang araw ng sembreak ay hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako sa dorm. Hindi na ako nakapagpaalam pa kila Bluie dahil tulog pa sila at ayaw ko namang abalahin pa.

Isang oras din ang tinagal ng biyahe papuntang Paete. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang papalapit ako nang papalapit sa aming bahay. Panay ang kaway at pagbati ko sa mga kilalang kapitbahay pati na rin sa mga batang pinipikon ko dati.

Abot tainga ang ngiti ko sa labi kahit na hindi ko alam ang salitang ibubungad sa akin ni Tatay at ng magaling niyang asawa kapag nakita nila ako. Nakasalubong ko pa si Aling Vicky na nakatira sa katabing bahay lamang namin. Naniningkit ang mga mata nito na para bang kinikilala ako.

"Marie? Ikaw ba 'yan?" Tumigil siya sa harapan ko at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

Si Aling Vicky ay nasa 50's na. Siya ang madalas mag-alaga sa akin noon kapag umaalis ang mga magulang ko para magtrabaho. Mabait siya, maalaga at sinasabayan ang mga trip ko sa buhay. Sa totoo nga ay pangalawang ina na ang turing ko sa kaniya.

I laughed and nodded my head in response. "What's up, Aling Vicky?! Iyong anak niyo po nahulog sa kanal!" I said coolly.

"Loka-loka ka pa rin talaga!" She cackled and hit my arms lightly. "Ano nga palang ginagawa mo rito? Ang tagal kitang hindi nakita, ah!"

I shrugged my shoulders. "Busy ho sa pagpapayaman, eh. Ngayon ko lang ho ulit naisipang umuwi para bisitahin sina Papa. Nandiyan po ba siya sa bahay?" masayang tanong ko.

Ang kaninang maaliwalas nitong mukha maging ang malaking ngiti sa labi ay unti-unting naglaho. Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang bibig na tila ba mayroon siyang gustong sabihin ngunit hindi niya magawa at bakas ang pagdadalawang-isip mula sa kaniya.

Unti-unting nabura ang ngiti sa aking labi at agad sumibol ang matinding kaba. "Aling Vicky, bakit po? May problema ho ba?"

I tried to act calm kahit na kumakalabog ang aking dibdib na sinabayan pa ng mga negatibong pag-iisip. What if something happened to my father? Hindi ko 'yon kakayanin! Oo nga't nagtatampo ako sa kanila pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na sila mahal at hindi na ako nag-aalala. Kahit siya pa ang maging pinakamasamang ama sa mundo, hinding-hindi ko pa rin hihilingin ang masasamang bagay tungo sa kaniya.

"K-Kasi a-ano. . ." Beads of sweat were slowly forming on her forehead, making myself more confused. "Mahigit isang buwan na rin magmula noong umalis sila riyan ng bago niyang pamilya. Ang balita ko ay roon na sila maninirahan sa probinsya kung saan talaga naninirahan iyong kaniyang asawa."

My world fell apart after hearing those words.

Nakaawang lamang ang labi ko habang nakatitig sa kawalan. Marami pang sinabi si Aling Vicky ngunit hindi ko na iyon nasundan pa. Blangko ang utak ko habang nakatitig sa dati naming masayang tahanan na ngayo'y mayroon na palang ibang pamilyang nakatira.

Habang nasa biyahe pabalik sa Sta. Cruz ay hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng dibdib, maging ang pagbabadya ng aking luha. Para bang ngayon lang napro-proseso sa aking utak ang lahat ng bagay.

Wala na talaga akong pamilya. Wala na rin si Luke.

Pinaghalo-halong lungkot, sakit at pagod ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maiwasang maitanong, pinaglihi ba ako sa kamalasan?

O di kaya'y masama ang ugali ko noong past life ko?

Hindi ko na talaga alam. Wala akong ideya kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito.

Naguguluhan ako. Nasasaktan. Nahihirapan. Ngunit kahit kailan I wouldn't ask God why this is happening. Instead, pinagdasal ko na sana ay bigyan niya ako ng lakas upang harapin ang lahat ng mga pinagdadaanan at pagdadaanan ko.

I trust Him. I trust whatever His plan is.

Alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko ito at sinisiguro kong walang problema na hindi ko kakayanin. Kahit magsabay-sabay pa kayong mga kingina niyo, haharapin ko kayong lahat with open arms.

Nang makabalik sa Sta. Cruz ay bigla ko na lamang naisip na sumama kay Bluie pauwi ng Lucban. Mabuti na lamang ay mas nauna pa akong makarating sa kaniya sa terminal. Medyo naiilang pa nga ako kasi hindi ko ine-expect na ihahatid pala siya ni Markcus. Hindi ako makatingin nang maayos sa kaniya pero nagawa kong umaktong natural kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang tanungin tungkol kay Luke.

He was Luke's cousin. Mother side, I guess.

May pagdududa at pagtataka ang mga mata ni Bluie habang nakatingin sa 'kin. I was expecting her to bombard me with thousands of questions but she didn't. Nakikita kong marami siyang gustong itanong ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. Knowing her, never siyang magtatanong. Hihintayin niya akong magsabi at buong puso naman siyang makikinig sa akin.

She respects everyone's privacy so much or maybe she doesn't really care at all.

At totoo nga ang kasabihang, 'There's a rainbow always after the rain.' dahil nang makilala ko ang mga magulang ni Bluie ay nabigyan ako ng panibagog pag-asa. They accepted me wholeheartedly. Trinato nila ako na parang tunay na anak. Hinayaan nila akong magtrabaho sa kanilang souvenir shop sa Kamay Ni Hesus. . . and exactly at Christmas Day, sinabi sa akin ng mga magulang ni Bluie na willing silang pag-aralin ako hanggang sa matapos ko ang kolehiyo. Na simula noong araw na iyon ay parte na ako ng kanilang pamilya.

And of course, who wouldn't I to say no? Iyon na yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa taong iyon.

I know Bluie was envious of the thought of me having tons of friends but she didn't know that I also envy her for having a complete and happy family.

Gusto ko na sana ay magkaroon din ako ng pamilyang kagaya ng sa kanila. Inggit na inggit ako sa tuwing may nakikita akong masaya at buong pamilya. Iniisip ko. . . ano kayang pakiramdam na mayroon akong nanay na mag-aalaga sa akin at mayroong tatay na pro-protekta at gagabay?

In spite of that fact, I realized that it was truly indeed that God does not give you what you want but God always gives you what you need.

Hindi lamang pala sa pamilya mararamdaman iyong ganoong klaseng saya, puwede mo rin iyong maramdaman sa mga tao sa paligid ko. Those people who love me, care for me, and protect me, I could consider them as my family..

"Merry Christmas sa inyo mga anak! Magpahinga na kayo," Nanay Minerva said.

Humikab ako at tumango. Alas tres na ng madaling araw kaya inaantok na talaga ako. Niligpit muna namin ni Bluie ang mga kalat at pinggang pinagkainan bago pumasok sa kwarto. Nauna nang maligo si Bluie at habang hinihintay siyang matapos ay saglit muna akong umupo sa kama.

Biglang pumasok sa isip ko si Luke. Ano kayang ginagawa niya? Paano niya kaya ipinagdiwang ang Pasko? Sino kayang kasama niya? Masaya kaya siya ngayon?

Pinilig ko ang aking ulo at mariing pinikit ang aking mga mata upang pigilan ang sarili.

"Tapos na 'ko." Bluie entered the room again.

Tiningnan ko lamang siya at tamad na tumango. Akmang lalabas na ako ng kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe.

I took it out of my pocket. I was expecting texts from my friends or schoolmates, but my forehead knotted when an unfamiliar number appeared on the screen.

"Merry Christmas!"

Babalewalain ko na sana iyon dahil hindi ko naman kilala nang muli akong makatanggap ng kasunod pang mensahe.

Nang mabasa ko iyon ay naging mas lalo pang lumalim ang gatla sa aking noo.

"9x – 7i > 3 (3x – 7u)

9x -7i > 9x -21u

- 7i > 21u

7i < 21u

I <3 u."

Ilang saglit ko pang tinitigan iyon at pilit inintindi ngunit kahit anong pilit ang gawin ko ay hindi ko talaga iyon ma-gets. Kaya naman sa labis na inis ay nanggigigil akong nagtipa ng reply.

"Tangina sinasabi mo riyan? Gago!"

Umuusok ang ilong kong pinindot ang 'send' button bago tuluyang b-li-nock ang numero. 

Continua llegint

You'll Also Like

waves series #3: change Per louev

Literatura romàntica

5K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino
Serenity Per zaaaxy

Literatura romàntica

679K 30.6K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
WENT VIRAL Per her

Literatura romàntica

298K 4.2K 12
Anonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in...
83K 3.3K 30
Accounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aims to transfer all the temporary accounts...