Chapter 19

9.6K 325 68
                                    

Nang sumapit ang birthday ni Allen ay umaga pa lamang ay nagsimula na silang mag-inuman. Present ang lahat ng barkada maliban kay Miguel na mamayang hapon pa raw makakapunta.

Si Damian ang kasabay ko kanina papunta rito kina Allen. This past few days ay mas madalas na akong matulog at tumambay sa bahay nila kaysa sa dorm. Minsan ay kasama ang barkada o di kaya ay si Luke. Ang saya kasi sa bahay nila. Nakakaaliw kasama ang mga magulang niya tapos idagdag pa na sa tuwing naroon ako ay pakiramdam ko ay parte na rin talaga ako ng pamilya nila.

Nang makita ko si Ria na paparating na may dalang alak ay agad kumulo ang dugo ko. Tumalikod ako at naglalakad papasok sa bahay nina Allen para puntahan si Luke. Naabutan ko siyang nakatambay sa living room habang prenteng nakaupo sa sofa at abala sa paglalaro ng kung ano sa kaniyang cellphone.

Nang makita niya akong papalapit ay umayos siya ng upo at malawak na ngumiti sa akin. Umusog siya ng kaunti para bigyan ako ng espasyo. Kami lamang dalawa ang tao rito sa living room dahil ang halos lahat ng mga bisita ay naroon sa likod ng bahay o di kaya'y sa kusina.

"Ayos ka lang ba rito? Hindi ka naiinip?" mahinang tanong ko kay Luke nang makaupo ako sa kaniyang tabi.

"Hindi naman po, ayos lang," he answered.

Isinilid niya sa bulsa ang kaniyang cellphone bago dahan-dahang ipulupot ang mga braso sa akin mula sa gilid. Ipinatong rin niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

"Walang tao sa bahay," he whispered meaningfully.

"Kapag umuwi ka, eh 'di mayroon na," pamimilosopo ko.

His lips twisted as he hugged me tighter. "Kapag umuwi ako, kasama ka."

I chuckled and shook my head. Maging siya ay natawa rin. Masaya kaming nag-aasaran at nagkwe-kwentuhan kung hindi lamang dumating si Ria.

"There you are, Luke!" she exclaimed when she found the man beside me.

Nawala ang malaking ngiti ko sa labi at napaayos ako ng upo. Nakakairita! Kung wala lamang ako sa pamamahay niya ay nasinghalan ko na siya.

Luke glanced at me before giving her a small smile. Tiningala ni Luke si Ria nang tumayo ito sa harapan niya. Ria was smiling from ear to ear. Para bang hindi niya 'ko nakikita.

"Why are you here, Luke? Come with me," Ria uttered.

I automatically arched my brows.

"H-Huh? Why?" Luke asked, confused.

"Duh! Ano pa nga ba? Eh 'di mag-iinom tayo. Bakit kasi kayo nandito? There's no fun here!" aniya at sinubukan pang higitin sa braso si Luke.

Tumikhim ako at tumayo. Bahagya kong itinulak ang balikat niya sa sobrang inis ko na siyang ikinagulat niya. Muntik na siyang ma-out of balance dahil doon. Sayang lang at hindi pa natuluyan!

"W-What's your problem, Rose?" gulat niyang tanong sa akin.

I smirked and shook my head slightly. "Anong problema ko? 'Yang kalandian mo."

"W-What?"

"Matuto kang ilugar 'yang kalandian mo kasi hindi ka nakakatuwa," mariin kong saad at dinampot ang sling bag ko. "Tara na, Luke."

Sinadya kong banggain ang balikat ni Ria nang lampasan ko siya. Umalis kami sa birthday party ni Allen nang hindi nagpapaalam. Tinext ko na lamang siya at humingi ng pasensya. Gusto ko sanang manatili pa roon dahil hinihintay ko pa si Miguel ngunit hindi ko talaga kayang tagalan ang presensya ni Ria. Mabuti pang umiwas na lamang kaysa naman makagawa pa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko pa sa huli.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon