HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 69

3.2M 83.5K 83.1K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Good morningThursday!

Hindi ako gumising ng maaga ngayon, kasi wala akong balak umattend ng practice. Tama si Noona, kailangan ko rin ng pahinga hehehehe. Naligo na ako at nagbihis pagkagising. Dumeretso na rin ako sa baba pagkatapos.

"Oo nga! Hinintay ko! Hinintay ko! Nagpuyat pa ako kakahintay sa tawag mo! Iniisip ko naman ay nasa O.R. ka kaya hindi ka makatawag!"

Hindi pa ako nakakababa sa hagdan ay naririnig ko na si Noona sumisigaw sa loob ng kwarto niya.

'Nag-aaway na naman siguro sila ni Randall. Aga aga. Tsk!'

"Sinong hindi mababadtrip sa iyo? Hininhintay ko ang tawag mo! As if namang bago na sa pandinig mo ang ganon? Alam mo namang tuwing on duty ka at nag-aaral lang ako. Tuwing bago ako matulog hinihintay ko talaga ang tawag mo!"

Nung marinig kong parang naglalakad na si Noona ay bumaba na ako. Pero..

"Ahh you were busy? Kaya pala parang hirap na hirap kang magtext man lang na hindi ka makakatawag! Kasi you were busy? Yeah yeah yeah! If you think I am 'that' stupid then you're wrong! I tried to ring your phone! The line is busy!--Ahh yeah. I forgot, 'you are busy' and so as your line! Bye!"

Dali dali akong naglakad papasok sa kusina.

"Good morning Manang!" nakangiting bati ko kay Manang.

"Ohh, hindi ka ba manonood ng practice ngayon?"

"Hindi Manang, napasarap ang tulog ko e. Hehehe!"

"Ganon ba? Oh sige na magbreakfast ka na, tatawagin ko si Dein."

"Sige po Manang."

Syempre hindi ko pwede sabihing paparating na rin si Noona, baka malamang narinig ko yung sigaw niyang napakahina.

'Kahit kelan talaga si Dein.'

Nagtuloy na lang ako sa pagkain ko at hinintay rin sila.

"Eh baka naman busy ngang talaga? Kumain ka na muna." si Manang. Kasunod si Noona. Hindi naman ako kumibo at kumain pa rin.

"Nakakainis! Imagine how long I stayed up last night?! Maski isang text wala? God!"

"E baka nga kasi busy." si Manang.

"Nandon na ako sa busy siya Manang e. Kaso sa sobrang pagkabusy niya, pati line niya busy na?"

"Baka may kausap na ibang doctor."

"Ha! I tried to ring his phone every 10 minutes."

"Oh?"

"Still busy. At exactly 1:00am, don lang nagring. My God! Walang doctor yata ang makikipaghuntahan sa kanya ng isang oras dahil alam ng mga doctor na 12midnight ang tinatawag na lunch break ng mga intern!"

Kita ko sa mukha niya ang talagang pagkainis. Kaya naman sumingit na ako.

"Ngayon lang naman yata hindi nakatawag sa iyo si Randall di ba?" tanong ko.

"Oo. Kasi tuwing on duty siya, ginagawa namin ang ganito. I mean, right after kong mag-aral, tatawag siya. Paulit ulit lang. Every Monday-Wednesday ang duty niya. Ako naman ay Thursday to Saturday. Kapag ako ang nasa duty, ako naman ang tumatawag sa kanya ng 12midnight."

"E ngayon lang naman pala e. Baka ngayon tatawagan ka niya ng matagal."

"Malamang, nagalit na ako sa kanya e! Tatawag talaga yun!"

"Noona." tumingin ako sa kanya at ibinaba ang spoon and fork. "Kapag sinabi ng lalaki'ng busy sila. Busy sila. Wag ka munang magalit. Baka naman importante talaga yun ginagawa niya e? Kung hindi importante sa kanya yun, sa tingin mo ba e mas pipiliin niya yun kesa sa iyo?"

"I know and I get your point Deib.. Okay lang sa akin na hindi siya tumawag e, ang hindi ko maintindihan bakit pati line niya busy! Tapos kung hindi ko pa siya tawagan kanina hindi pa siya tatawag!"

"You mean tinawagan mo siya para awayin?" gulat na tanong ko.

"Y-Yes." nakangusong sagot niya. Napailing naman ako.

"Tch! This early? Hahahaha! You're being possessive."

"What? Possessive? Ha! That was the first time he did that to me! That was the first time I yelled at him this early! And now I'm being possessive?" sigaw niya sa akin.

"Ano ba kayong dalawa? Baka kayo naman ang mag-away? Sa harap na naman ng pagkain," si Manang.

"Hindi niyo lang kasi naiintindihan dahil pareho kayong lalaki!"

"Ayan ka na naman sa lalaki babae e! E paano kung busy talaga si Randall? Kung doctor talaga ang kausap niya? Ha? Sige nga? Paano kung ganon? Edi pahiya ka?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Hindi ko alam e. I have this feeling na, nagsisinungaling siya."

"What? You know what I've noticed with you girls? Ang hilig niyong magconclude! Hindi lang natawagan or natext---"

"Kasi malakas ang pakiramdam namin."

'Nararamdaman ba yun?'

Napatingin naman ako kay Manang at sa kanya.

"Hayaan mo na muna ang Ate mo Deib. Tapusin mo na ang pagkain mo at baka ma-late ka niyan."

"S-Sige po."

Binilisan ko na lang kumain at saka umalis papasok.

DEIN'S POV

Pagkaalis ni Deib ay dumeretso ulit ako sa laptop ko, may kailangang tapusin na case study. Wala pang limang minuto akong nakaharap sa laptop ko.

"Aish! I can't focus damn it!" inis na sigaw ko.

Tinignan ko ang mga libro at ganon na rin ang laptop ko.

'Sana pala natulog na lang ako!'

Hindi talaga mawala ang badtrip ko at hanggang ngayon naiisip ko pa rin. Imagine? I stayed late waiting for his call tapos hindi siya tumawag?! Tapos maski isang text wala? Super busy? At ang mas nakakabadtrip ang busy pa ang line niya. Hindi pa ginawa sa akin ni Randall 'to sa buong relationship namin. This is the first time!

"Oh Dein iha?" si Manang, may dalang juice at inilagay sa table ko.

"Manang." baling ko sa kanya at nagbuntong-hininga pa.

"Ano ba ang nangyari? Ang aga aga ay mainit ang ulo mo?"

"Hindi ko kasi maintindihan si Randall."

"Hindi ka lang tinawagan iha, hindi mo na maintindihan? Ano ba naman yun?"

"H-Hindi naman sa ganon Manang. Ang weird! Hindi niya pa kasi ginawa sa akin yun."

"Ang hindi ka tawagan?"

"Ang paghintayin ako ng tawag na hindi siya tumawag or nagtext man lang..."

"Makakasama naman ba sa relasyon niyo ang unang beses na yan?"

"H-Hindi nga po Manang pero kasi."

Ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit ganon na lang ang galit ko. Nagagalit ako at hindi ko maexplain ang side ko, nakakainis!

"Iha." baling sa akin ni Manang, seryoso siya. "Ang sabi mo ay wala ka namang pinagseselosang babae hindi ba?"

"O-Opo Manang."

"E anong ikinagaganyan mo?"

"Nakakapanibago lang kasi Manang."

"Kasi natatakot kang baka may bago?"

"Po?"

Bahagyang natawa si Manang sa reaksyon ko, napapahiya naman akong napasandal sa swivel chair ko.

"Dein iha. Kung ganyan ang pakiramdam mo, mas maigi ang kausapin mo ng maayos si Randall kaysa ang maghurumintado ka sa kanya. Aba e kinakailangang malinaw sa kanya ang nararamdaman mo."

'Huhuhu.'

"Eh paano ko sasabihin sa kanya Manang? Baka naman sabihin niya ay gumagawa ako ng dahilan para mag-away kami?"

"Edi wag mo siya bigyan ng dahilan para isipin yon. Iha maging kalmado ka kasi kapag kausap mo siya. Wag mo ipakitang ikaw agad yung galit dahil hindi talaga maganda ang iisipin ng lalaki sa ganon at ayaw nila ng ganoon. Kausapin mo siya ng masinsinan, yun bang kayong dalawa lang. Hintayin mo muna siyang makapagpaliwanag."

"O-Opo Manang."

"Ang mangyari kasi'y hindi pa kayo nagsama sa iisang eskwelahan."

"E-Eh Manang kahit naman magkasama kami hindi rin yata kami magkikita dahil magkaiba kami ng year."

"Pero mas malapit. Hindi naman rin problema sa mga magulang mo kung doon ka sa eskwela ni Randall."

"Hindi ko po mababantayan si Deib. "

"Ayun lang, hindi mo mababantayan ang kalokohan ni bunso."

"Hays ang hirap."

"Iha wag mo sabihin yan. Nasa unang hakbang pa lamang kayo ganyan ka na? Aba e paano na lamang kung mag-asawa na kayo?"

"At least yun Manang, magkasama na kami sa iisang bahay."

"Oo nga pero baka kaunting alis lang nung tao e panay na ang tawag mo?"

"Hindi naman Manang, kaya lang naman kasi ako ganito kasi hindi nga kami madalas magkita. Tuwing magkikita pa kami ay kakaunti ang time namin sa isa't isa dahil pareho kaming busy sa pag-aaral namin. Sacrifice talaga Manang. Kaya nga sa text at tawag na lang ako umaasa e. Tapos pumalya pa siya."

"Kaya nga kausapin mo muna siya, unang beses pa lang naman."

"Yun nga Manang e. Unang beses pa lang kaya mas lalo po akong kinakabahan."

Hindi na ako sinagot ni Manang, nginitian niya na lamang ako at saka siya tumayo at umalis.

'Siguro nga mali ako, kasi lahat sila ay hindi sang-ayon sa sinasabi ko. Hays'

Hindi ko na muna inisip at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

MAX'S POV

Pagkatapos ng practice namin ng billiards ay nagpaalam ako kay Naih na pupunta muna ng parking lot.

"Anong gagawin mo dun?" si Naih.

"May kukunin lang."

"Sasamahan na kita."

"Ako na---"

"Sasamahan na kita. Baka pagbalik mo kung anu-anong bali na ang meron ka sa katawan! Sasamahan na kita."

Wala na akong choice dahil alam kong nag-aalala lang naman siya, at pumunta na nga kami sa parking lot. Dumeretso kami pareho sa motor namin.

"Naiwan ko yung wallet ko." sabi ko.

"Hindi mo pa kasi ilagay sa bag."

"Kaya nga kinuha ko di ba?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sana sa bahay pa lang inilalagay mo na sa bag---"

"Bukas ha? Bukas, gagawin ko yan bukas." biro ko.

"Woooh! Kahit kelan ka---"

"Ate Taguro!"

'WTF??'

Napalingon kami pareho ni Naih sa pinanggalingan ng boses.

"Ate Taguro?" si Naih. "Akalain mong pati pulubi dito, bully rin?"

Natawa naman ako sa reaksyon ni Naih.

"Oh?" baling ko don sa bata. Lumapit naman siya sa akin.

"Kilala mo?" gulat na tanong ni Naih.

"Mmm. Tropa yan." sabi ko at saka nakangiting bumaling don sa bata. "Kumusta?"

"Eto, hinihintay yung gwapong masungit na may ari nang school niyo. Ate! Bagay na bagay pala sa iyo ang uniform niyo ano?"

"Ano ba 'tong bata'ng 'to? Hoy bata! Wag mo ugaliing magsinungaling ah? Masama yan." si Naih.

"Haha ikaw Ate bagay na bagay rin sa iyo." sabi niya kay Naih.

"Oo alam ko hehehe. Anong pangalan mo?"

"Bree po."

"Bree?"

"Opo."

"Nice name." sabi ko.

"Thank you po. Ikaw Ate anong pangalan mo?" tanong nya kay Naih.

"Ako? Ako si Parrot.

"P-Parrot? Pang-ibon naman yung pangalan mo Ate."

"Hahahaha! Oo! Ganon talaga! Isang napakagandang ibon hindi ba? Hahahhaha!"

"Ang wirdo naman po ng pangalan niyo. Taguro at Parrot hehe."

"Kasi wirdo rin ang nagbansag sa amin nun."

"Bakit naman po?"

"Kasi abnormal siya hehe.."

"E hindi naman po yata yun ang tunay niyong pangalan e." natatawang sabi niya sa amin.

"Hindi nga haha!"

"Hala! E bakit hindi niyo po sabihin sa akin tunay niyong pangalan?"

Umupo ako at humarap sa kanya.

"Gusto mong malaman kung bakit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit po?"

"Kasi kahit matanda na kami, hindi kami nagbibigay ng pangalan sa mga tao'ng hindi naman namin kilala." seryosong sabi ko.

"Po?"

"Hoy wag mo namang takutin yung bata."

"Wala namang nakakatakot sa sinabi ko diba?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Parang natakot kasi si Bree sa iyo hehe. Bigyan mo nga ako ng sampung piso'ng kendi."

"A-Anong kendi po?"

"Yung Maxx para cool hahaha!" biro sakin ni Naih.

Tinitigan kong maigi si Bree.

~BROOM!~

Ang bilib ako kay Deib, ay ang lupet niyang magpark.

'Kung paano niya gusto, ganon na lang.'

"Oh, ayan na pala yung hinihintay mo e." sabi ko kay Bree.

"Ayy ayan na siya! Kuya na masungit!" sigaw niya kay Deib. Liningon naman siya nito at saka napatingin sa amin.

"I-Ikaw na naman?"

"Opo Kuya hehehe. Bebentahan ko po sana kayo ulit ng kendi e."

"Hindi nga ako kumakain ng candy! Ang kulit mo! Wag ka na ngang tumambay dito! Maraming sasakyan ang mabilis dito! Baka tatanga tanga ka e mabundol ka!"

'Pati bata pinapatulan.'

"Sige na po Kuya. kahit pangkain lang---"

"Ano? Sana binago mo man lang yung dahilan mo ngayon dahil nung nakaraan ay yan rin ang dahilan mo!"

"E kasi po---"

"Bigyan mo na mapera ka naman e." nakangiting sabi ko.

"W-What? At anong akala mo sa akin? May puno na namumunga ng pera? inis na sabi niya. Natawa naman ako ng bahagya at parang nagulat siya. Naglabas ng wallet at saka nag-abot sa bata. "Sa susunod na humingi ka pa sakin ipapapulis na kita! Alam mo bang ako may ari nitong school na 'to?"

"Alam ko po!"

"A-Alam mo? Eh teka? Bakit mo ko sinisigawan? Paano mo nalaman ha?" napapahiyang tanong ni Deib.

"Kasi sinabi sa akin ni Ate Taguro."

"Ate Tag---siya?" tanong ni Deib habang nakaturo sa akin.

"Opo! Edi mayaman ka nga Kuya?"

"Wag ka ngang maraming tanong! Umalis ka na! Alis! Wag ka nang babalik dito ah!? Delikado dito!"

'Tss..'

"Ang sungit mo talaga Kuya!"

"Tch!" sabi ni Deib at saka tumalikod. Humabol naman si Bree sa kanya.

"Kuya!"

"W-What? What? What?" inis na baling ni Deib sa kanya.

"Hahahaha! Ang aga aga high blood si paltek." si Naih.

"Abnoy nga e." sabi ko.

"Anong pangalan mo po?"

"What!? Hindi mo ako kilala?" inis na tanong ni Deib kay Bree.

'Stupid...'

"H-Hindi po e."

"E bakit hindi mo tinanong sa kanya?" sabi niyang nakaturo ulit sa kin.

"E kasi po---"

"Sensui. Sensui ang pangalan niya.." sabi ko.

"Sens--What the hell!?" baling sa akin ni Deib.

"Alam mo ang aga aga ang high blood mo." biro ni Naih sa kanya. "Bree, halika na dito bumubuga ng apoy yan! Hehehe!"

"S-Siguro kapatid mo 'to noh?" tanong ni Deib sa akin.

"Ang gandang bata naman niyan kung kapatid ko." biro ko. "Sige na pumasok ka na, parang aatakihin ka na e."

"Aish!---"

"Oh hi Deib!"

May babaeng biglang sumulpot sa likod niya.

"Liel." gulat namang sabi ni Deib.

"What are you doing here?" tanong nung babaeng nagpalinga linga pa at napatingin bigla sa amin. "Oh, the trashes are here.Good morning---What is 'that'?" tanong niya habang nakaturo kay Bree.

"Ang arte naman nito." si Naih.

"Ano pang aasahan mo hahahaha.." bulong ko.

"You're talking to a---"

"Miss!" si Naih.

"Yes?"

"I don't need your attention. You may leave."

"What?"

"Ay nyont nyid nyor atenyon nyu mey nyib!" nagsalitang ngongo si Naih habang nakaturo pa sa gate ng school.

"What?"

"Hahaha!" natawa ako ng sobra sa lakas ng trip ni Naih! "Gago." bulong ko sa kanya.

"Tch." si Deib at saka iniwan yung babae na sumunod rin naman agad sa kanya.

"Daming arte ang king ina! Oh. At ikaw naman." baling ni Naih kay Bree. "Wag kang magpakalat kalat dito dahil tama si Sensui, parking lot ng mga hambog at maarte 'to maraming sasakyan ang mabibilis dito at mahirap na baka matsambahan ka pa!"

"Opo Ate Parrot."

"Sige na. Umuwi ka na. Tama na siguro yang kinita mo ngayon."

"Tu tawsand nga po binigay sa akin e." sabi ni Bree.

'Bigtime talaga amp!'

"Kaya nga. Sige na umuwi ka na."

"Salamat sa inyo ah?"

"Oo na. Oo na! Sa iba ka naman magsulisit sa susunod ah? Wag na dito."

"Sige po. Salamat po ulit Ate Taguro. Kinagagalak kong makilala ka Ate Parrot."

"Sige ingat ka pag-uwi."

"Ingat." sabi ko at sabay namin siyang pinanood habang papalayo.

"Grabe ang bigtime talaga ni Sensui noh? 2k!? Wew." si Naih.

"Barya lang yata sa kanya yun e." sabi ko.

"Bakit naman Taguro ang binigay mong pangalan don? Ang sagwa! Pein na lang sana."

"Nag-iingat lang, hindi naman niya kailangan ang tunay na pangalan ko." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Nag-iingat naman saan?" tanong nya habang sumunod sa akin.

"Malay ko ba kung pinag-utusan lang dito yun? Bukod sa kanya may nakikita ka bang ibang pulubi dito? Ako wala na."

Luminga linga pa siya sa labas.

"Wala nga ano?"

"Mmm. Kaya ayokong ibigay pangalan ko dun, malay ko ba kung sino yun."

"E bakit ang bait mo pa sa kanya? Engot ka rin e."

"Di naman porket nag-iingat ako sa kanya e pakikisamahan ko ng hindi tama yun? Bata pa rin yun tuleg. Baka nga isang pitik ko lang tumalsik yun." sabi ko.

"Sabagay."

At naglakad na kami papunta sa room.

DEIB'S POV

'What? Sensui? Ang ganda ganda ng pangalan ko at Sensui pa ang ibinigay niya dun sa madungis na bata'ng yun! At bakit sila magkakasama? Pare-parehong basurera!'

Nagmadali akong maglakad papunta sa building.

"Deib wait!"

Humabol sakin si Liel at humawak na naman sa braso ko.

"Pwede ba Liel?" inis kong inalis yung kamay niya sa akin. "Sabi nang wag kang dikit nang dikit sa akin! Yang matapang na amoy nang pabango mo dumidikit sa uniform at balat ko. Hindi ko gusto ang amoy mo."

"You're so mean!"

"Mean talaga ako sa mga taong hindi ko gusto! Kaya kung pwede? Lumayo layo ka nga sa akin. Parati kang nakadikit sa akin. Hindi kita trip okay?"

"Bwahahaha!"

Napalingon naman ako sa pinanggalingan naming.

'Taguro Brothers!'

"What's funny?" inis na baling ni Liel sa kanila.

"Nyu! Nyor panyi!"

"Y-You! And you! You're both pathetic----Eeeerrr!!!" inis na sabi ni Liel at saka naglakad mag-isa paalis!

"Hahahahaha nabawasan tuloy ang fans mo!" sabi sa akin ni Parrot.

"Who cares?" inis na sabi ko sa kanya.

"No one cares." nakakainis na sabi niya sa akin.

"Tch!" inis akong tumalikod sa kanila.

'Nakakainis! Ang aga aga ganyan na agad ang bungad sa akin ng mga 'to! Paano pa gaganda ang araw ko?'

Padabog akong umalis. Hindi ko na tinignan si Max kanina, para kasing matutunaw ako tuwing magkakatinginan kami. Tuwing tinititigan niya ako, para akong hinihigop nung mga mata niya. Mga mata niyang walang kwenta tulad ng pagkatao niya! Sumasakit ang sugat ko tuwing maiisip ko siya.

'Buti nga at nakatulog ako kapipilit maitindihan yung note na iniwan niya!'

Classroom.

"Oh? Bakit nakasimangot ka?" natatawang tanong sa akin ni Tob.

"Nakasalubong ko ang malas!" sabi ko sa kanya.

"Hahahaha! Sino?"

Hindi ko na siya sinagot dahil nakatingin rin sa akin si Lee. Malamang magpapakabida na naman yan ay tataliwas sa sasabihin ko.

Sakto namang pumasok na ang Lec at nagdiscuss.

Discuss.

Discuss.

Biology Class.

Nagdiscuss si Miss at nagquiz rin kami pero maikli lang. After nyang magdismiss ay tinawag niya ako.

"Mr. Enrile."

"Yes Miss?"

Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya kaya naman lumabas ako ng room. Umakyat kaming pareho sa hagdan.

"Do you have any problems with my subject?"

"Miss? No Miss."

"Do you have problems dealing with me?"

"No Miss."

Nagbuntong-hininga si Miss bago magsalita.

"Mr. Enrile, wala ka pang naipapasa sa mga quiz ko. Paano ang magiging performance mo sa exam na ibibigay ko? Every month ay may major exam tayo. Paano ka makakapasa sa mga yun kung ang quiz ko lang ay hindi mo maipasa?"

Napapahiya naman akong napatungko.

"E-Eh Miss, pinipilit ko naman po e. Gabi gabi po mas matagal akong nag-aaral sa Bio kumpara sa ibang mga subjects. Binabasa ko rin po ang mga notes niyo at nakikinig ako sa discussion niyo, pero hindi ko po maintindihan kung bakit nahihirapan talaga ako sa subject na 'to, parang parating hindi ko alam."

"Hindi kita pwedeng palusutin dahil lang kayo pa rin ang may ari nang school na 'to Mr. Enrile. May kasulatan kaming mga Lecturers mo na pinirmahan na, kapag nasa labas ng school ay kayo ang may ari ng school na ito. Pero kapag nasa loob ng school ay estudyante ka at mas lalo nang kapag nasa loob ka ng classroom ko ay hindi kita kilala. You're aware of that di ba?"

"Y-Yes Miss."

"Try to focus more, may oras ka pa para humabol. Okay?"

"Yes Miss."

"Kinausap kita para sa sarili mong kapakanan Mr. Enrile. Kung gusto mong turuan kitang mag-isa, sige. Papayag ako. Kapag may free time ka ay pumunta ka sa faculty ko at tuturuan kita. Dahil kapag hindi mo natutunan ang mga itinuturo ko ay lalabas ring hind ako effective teacher. Ayaw ko rin ng ganon."

"S-Sorry Miss."

"No need to say sorry. May mga students talagang ganyan, but in your case, sa subject ko lang ikaw ganyan."

Hindi na ako sumagot at tumungo na lang ako. Nahihiya rin kasi ako kay Miss.

"Sa susunod ay wag ka nang magdedaydream sa klase ko okay? Hindi ko nagugustuhan ang bigla biglaang pagsigaw mo sa loob ng klase ko, lahat ay nagugulat mo at walang makarelate sa iyo. Kaya kung pwede, magfocus ka pang maigi. Tutulungan kita. Understood?"

"Yes Miss. Thank you."

"Hindi ko na ipararating ito sa Lolo mo, basta ipangako mong makikipagcooperate ka sa akin. Hindi ko 'to kakayanin mag-isa kung hindi ka makikisama."

"Opo Miss."

"Mmm sige. You may take your lunch."

"Thanks Miss." paalam ko sa kanya at saka tinignan siyang paalis.

Nanlulumo naman akong napasandal sa pader at napapikit.

'Nakakainis. Nakakahiya naman kay Miss. Buti na lang talaga at kahit na ganyan ang ugali ni Miss ay may naitatago pa rin siyang bait. Professional.' sabi ko sa isip ko habang nasa ganoon pa ring posisyon.

Naisip ko na naman ang note na iniwan ni Taguro.

'Tch! Pati ba siya napansing wala akong focus?'

Nung maramdaman kong gutom na ako ay saka ko dahandahang iminulat ang mata ko.

'WTF???'

"A-Anong ginagawa mo diyan?"

SI TAGURO!

Nasa taas ko siya at nakatanghod siya sa akin.

"Bumagsak ka sa quiz mo sa Bio?" tanong niya.

"Oh e ano naman sa iyo!"

"Tss, panay ka kasi tulog e."

"Ano? Hoy! Hindi ako natulog! Nakatulog ako!"

"Tss. Anong pinagkaiba nun?"

"Kapag natulog ay sinadya! Kapag nakatulog ay hindi sinasadya!"

"Ha.." bigla pa siyang natawa. Dahan dahan siyang bumaba sa hagdan. "Hindi ka daw kasi kumakain ng candy kaya parati kang inaantok. Subukan mong kumain ng candy." nasa harap ko na siya.

"Anong candy? Yung X.O? Para may coffee?" asar na tanong ko.

"Yung Maxx."

*LUNOK!*

"Yung candy na Maxx ang kainin mo." sabi niya at bumaba pa sa hagdan at huminto sa harap ko. "Yung menthol ang piliin mo, para may hagod." ngingisi ngising sabi niya pa at saka deretso nang lumampas sa akin.

'Abnormal kahit kelan!'

Sinilip ko muna kung wala na siya saka ako bumaba na nang tuluyan at dumeretso sa Canteen.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
26.9K 3.3K 101
Sa mundong ang pagtataglay ng malakas na aura ay ang nagsasabi ng lakas, isang walang aura at walang kapangyarihang nilalang ang magiging pinakamalak...
2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...