Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40

Wakas

180 15 1
By aseener

This is Hide Series #1: Damn Good Friends' Epilogue! I hope you had fun reading! See you sa next story!

Wakas

Luhence Vio Sperbund

"I'm breaking up with you..." sinabi niya 'yon ng diretso, walang alinlangan. Hindi ako makapaniwala, paano niya nagagawa sa'kin 'to.

"I'm sorry, Lulu. Ayoko na," she said.

Kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin sa kaniya, pasimple kong pinunasan ang mga mata ko, saka muling tumingin sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niya saka 'yon hinalikan. "You are joking right?"

Hindi siya sumagot kaya hinapit ko siya payakap sa'kin. "Sachie naman, 'wag ganito. Don't do this, hindi ako papayag."

Hindi ko siya hinayaan na makawala sa yakap ko kahit panay ang pagtulak niya sa'kin. "Luhence ano ba! Let me go, ayoko na!"

Inilayo ko siya sa'kin saka siya mariing tinitigan. "Tell me first, what's the reason? Bakit ganito, okay naman tayo hindi ba?"

"Okay? We're not okay! Ayoko na, nagsasawa na'ko sa'yo!"

Kahit masakit hinayaan ko siya, hindi ko tinanggap ang reason niya. Sa huli umamin din siya, ayaw niya sa ugali ko, masyado daw akong isip bata.

I get it, hindi ako katulad nang mga lalaking tipo niya. Masyado daw akong malambot, dahil doon ginusto kong baguhin ang sarili ko. Tinry kong maging maangas, cold at kung anu-ano pang katangian ng mga tipo niyang lalaki. Ginawa ko lahat, para sa kaniya.

"I'm sorry, nakaalis na siya. Hindi na namin siya napigilan, dahil buo na ang desisyon niya na sa America na mag-aral," her Mom said.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo akong wala sa sarili ko, hindi ako makapaniwala, na ang dalawang taon naming relasyon ay mauuwi lang dito.

"Puwede ba tumabi ka?"

Hindi ko pinansin ang babaeng kumakausap sa'kin. Wala ako sa sarili sa mga oras na 'yon, itinupi ko ang mga tuhod ko saka doon sumubsob.

"Santisma, hindi naman kasi 'to tulugan. Library 'to!" rinig kong usal ng babae, hindi ko siya tinignan at nanatili lang sa may puwesto ko.

Ilang minuto pa ang nagdaan, akala ko ay umalis na siya pero nagkamali ako. Nanatili siya sa tabi ko, mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang paningin ko, saktong tumama sa babaeng nasa harap ko.

Natawa ako sa itsura niya, kanina lang ay pinaparinggan niya ako. Pero siya etong tulog, hindi ako gumalaw at gumawa ng ingay upang hindi siya magising. Isinandal ko ang ulo sa may bookshelf saka siya tinitigan.

Maganda, sobrang ganda niya. Mahahaba ang pilikmata, almond eyes, her hair is combination of brown and black. I think her height is 5'7. Bumaba ang tingin ko sa kaniya at napakagat labi, she's sexy.

Mula noong araw na 'yon ay lagi na kaming nagkikita, dahil sa kaniya muli kong ibinalik ang ugali ko. Pinaramdam niya sa'kin, na hindi ko kailangan baguhin ang ugali ko, para lang magustuhan ng kung sino. Ang tamang tao ay matatanggap kung ano at sino ako.

Bago ko makilala si Marga, naniniwala akong wala ng babae na magtatali sa sarili ko, dahil hinding-hindi ako magpapatali kung hindi rin lang naman si Sachie.

Pero bigla nalang nag-iba 'yon ng makilala ko siya. Ang tanging babae na tumanggap sa kung sino ako. Ang babaeng hinayaan ako na guluhin ang buhay niya. At ang tanging babaeng hindi yata kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

"Marga!" tawag ko sa kaniya saka siya nilapitan, nakaupo siya sa paborito niyang puwesto dito sa may library.

"Jusko naman Vio, 'yung boses mo! Ano feeling mo, nasa concert ka?"

Imbis na mainis, ay mas natutuwa pa ako kapag sinesermunan niya 'ko. Kahit lagi siyang galit at madalas naiinis sa'kin ay hindi pa rin niya ako iniiwan.

"Kumain ka ng madami, ang payat mo para kang poste!"

Nangiti ako doon saka mas lalong ginanahan sa pagkain, nasa cafeteria kami at kaming dalawa lang ang nasa table. Mayroon akong iba pang mga kaibigan pero hindi ko sila madalas kasama, laging kaming dalawa lang. Ganoon rin naman siya, hindi ko siya kailanman nakitang nagkaroon ng kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam, feeling ko sapat na sa'min ang isa't isa.

"Ano ba kasing kinain mo?" Marga asked when she went beside me.

"Wala naman," I pouted, caressing my stomach.

"Masakit pa ba?" Marahang sabi n'ya at sumulyap. Hindi ko alam kung bakit ganito ako pagdating sa kaniya

"Medyo," I groaned. "S-Sobra pa pala, Marga. Dito oh, aray!" I pointed my stomach.

Dumating 'yung point na hindi ko na alam kung ano ba 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Nagsimula akong maguluhan, noong unang beses ko siyang makitang malapit sa ibang lalaki, bukod sa'kin. Hindi maaari, hindi kahit kanino, hindi sa pinsan ko.

Hindi naman talaga kami magkalayo ng loob ni Harvey, pero nagbago 'yon ng magsimula siyang dumikit-dikit kay Marga. Sobranf badtrip talaga ako noong makita ko silang dalawa, na sobrang lapit sa isa't isa.

"Stay away from her," malamig kong sabi, hindi niya ako sineryoso at mahina siyang natawa.

"Why? Hindi naman kayo 'di ba?" ngumisi siya ng nakakaloko, na mas lalong nakapag painit sa ulo ko.

Hindi ko na namalayan na nasapak ko siya. "Gago! ayusin mo ang desisyon mo sa buhay. 'Wag mong hayaan, na makalimutan kong pinsan kita!"

Ayon ang kauna-unahang beses na nanakit ako ng kamag-anak ko. Gulat din siya sa sa inasta ko, hindi naman kasi ako ganito. Napaka pasensiyoso ko sa lahat ng pagkakataon, pero ang daling maubos ng pasensiya ko kapag si Marga na ang usapan.

Hindi pa rin doon natapos ang init ng ulo ko, napakalaki kong gago na inaya ko siyang lumabas kasama namin ni Mina. Hindi naman talaga sana ako papayag sa gusto ni Mina, pero dahil sa tukso ng tropa at tampo ko kay Marga, kaya napasubo ako.

Nang makarating ako sa meeting place namin ni Mina, saka lang ako natauhan. Bakit ko ba ginagawa 'to? Hindi ako ganito, bakit ko siya sinasaktan. Kaya naman nag message ako sa kaniya, na 'wag na lang siyang pumunta. At pagkatapos namin ni Mina saka ako magsosorry sa kaniya. Pero hindi ganoon ang nangyari, pumunta pa rin siya.

Ganoon na lang ang gulat ko, nang makita siya sa labas ng resto, Nakatayo siya sa may puno habang may hawak na frappe. Ilang beses ko pa siyang kinulit na umuwi na lang, pero hindi siya pumayag. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya, kung hindi man ako diretsong nakatingin, sinisiguro kong makikita ko pa rin siya sa gilid ng mga mata.

Gusto kong murahin ang sarili ko nang atakihin siya ng migraine, buti na lang ay nakita siya agad ni Harvey. Dahil hindi agad ako nakalabas ng resto. Sa hospital ay panay sorry ko sa kaniya, hindi ko ginusto na mangyari 'yon sa kaniya. Fuck my self, dahil ako ang dahilan noon.

"Sabi mo layuan ko siya, pero ano 'yang ginagawa mo? Pinapahamak mo siya!"

Hindi ako nakasagot kay Harvey, alam ko ang mali ko. Nararapat lang na pagsabihan niya ako.

"You know, noong unang beses ko siyang nakita. Sinabi ko sa isip ko, iba siya. Kakaiba siya, unang beses pa lang, alam ko na hindi siya katulad ng iba," lumapit siya sa akin saka ako kinuwelyuhan.

"Kaya umayos ka, kung ayaw mong agawin ko siya—"

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko siyang tinulak, isinandal ko siya sa may pader saka ako ang kumwelyo sa kaniya. "Gago! Hindi siya laruan para agawin mo," nangigigil na sabi ko.

Ngumisi siya na ikinait ng ulo ko. "Hindi pala e, bakit pinaglalaruan mo?"

Sa inis ko ay malakas ko siyang sinuntok sa mukha, hindi lang isang beses. "Wala kang alam!"

Muli niya akong tinulak, saka niya marahas na tinuyo ang gilid ng labi na nagdudugo. "Wala akong alam? Fuck you! Sa ginagawa mo na 'yan, binibigyan mo lang ako ng rason para hindi siya ibigay sa'yo,"

Nakakaloko akong tumawa saka umiling. "Hindi mo siya kailangan ibigay, dahil unang-una walang sa'yo! Sa'kin siya, naiintindihan mo? She's mine, so back off!"

Saka ko siya tinalikuran, pumasok ako sa hospital room ni Marga, saka doon naghintay hanggang magising siya. Noong magising siya ay para akong nanlambot, wala akong lakas na maglakad palapit sa kaniya. Hindi ko kayang ipakita sa kaniy ang mukha ko dahil nahihiya ako sa kaniya.

Nag sorry siya sa'kin dahil akala niya ay galit ako, pero hindi. Galit ako sa sarili ko, mahigpit akong yumakap sa kaniya saka huminga ng tawad. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kung mas naging malala pa dito ang  nangyari sa kaniya.

Sa unang beses, kusang lumabas sa bibig ko ang 'I love you' hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Naguguluhan pa din ako sa nararamdaman ko. Oo, mahal ko siya, pero hindi ko alam kung bilang kaibigan ba o babae.

Kaya sa sumunod na araw ay naging normal lang ang kilos ko, hindi ko inopen sa kaniya ang tungkol doon. Gusto ko munang malaman kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko, gusto kong makasigurado.

Noong birthday ko ay sobrang saya ko, lalo na sa mga gift na ibinigay niya. Hindi ako nag expect ng ganito, although lagi naman niyang ginagawa 'to. Pero para sa'kin, 'eto ang susunod na pinakamagandang regalo sa'kin bukod sa kaniya.

But I didn't know na panandaliang saya lang 'yon. Nawala lang siya saglit sa'kin, ilang minuto lang. Galit na galit ako, hindi ko gustong makita na may kahalikan siyang iba, kahit na aksidente lang 'yon o kung ano pa. Hindi puwede, hindi maaari.

Gustong-gusto ko na suntukin ang lalaking 'yon, pero wala akong nagawa, kusang gumalaw ang mga paa ko paalis don. Doon ko nakita si Mina, I didn't know na invite pala siya. Sinubukan niya akong iseduce pero walang talab, wala akong gana. Nanghihina ako sa nakita ko, hinahayaan ko lang siya magsalita sa harap ko, pero ang isip ko ay naglalakbay sa kung saan.

Ginawa ko, ginusto kong iparamdam sa kaniya ang pait sa puso ko, kapag may makitang kahalikan na iba ang gusto mo. Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang saktan siya.

"Luhence, wait!"

Hindi ko pinansin si Mina saka humabol kay Marga, fuck me for hurting her. Laking pasalamat ko na naabutan ko siya. This is the first time na nakita ko siyang umiyak ng sobra, she's brave alam ko 'yon. I did my best para sabihin sa kaniya ang totoo, I didn't kiss Mina. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. That night I realized hindi na lang 'to pagiging kaibigan.

Hindi ko alam, kung anong dapat na maramdaman ko, nang sinabi niya na kailangan niyang umalis. Nabigla ako, hindi niya sinabi sa'kin tapos bibiglain niya 'ko sa pagpapaalam niya. Dapat ako ang mas naunang makaalam, walang araw na hindi kami nag uusap kaya paanong hindi niya sinabi sa akin una pa lang.

Ayoko siyang mawala, kampante na ko sa kaniya. Kaya kahit saan, susundan ko siya. Pero kinain ko ang sinabi ko, hindi ako tumupad. Hindi ko siya sinipot, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagpalusot na lang ako.

Si Sachie, she's back.

"Hi! I miss you," she kissed me. Hindi ako umiwas, hinayaan ko lang siya.
Sinundo ko siya sa Airport, isang araw bago ang alis namin ni Marga.

"I miss you too," I said, parang walang nagbago. Ganoon pa rin kami, para kaming hindi naghiwalay, ang gago ko kasi panandalian kong nakalimutan si Marga.

Doon ko sinimulan, timbangin ang nararamdaman ko. Gusto ko nga ba siya? O nagustuhan ko lang siya, kasi siya 'yong nandiyan?

Inenjoy ko ang mga araw na magkasama kami ni Sachie, hindi siya katulad noong mga panahon na nakipag break siya. Parang bumalik kami sa una, noong mga panahon na nag uumpisa pa lang kaming dalawa.

Hindi ko na napansin na sa sobrang busy ko kay Sachie, napapabayaan ko na si Marga. Hindi lilipas ang isang araw na hindi ko siya naaalala pero natatakpan ni Sachie ang pangungulila na 'yon.

Pero nagkamali ako, akala ko mahal ko pa si Sachie at mahal niya pa ako. Pero hindi, umamin siya sa akin, na hindi ako ang dahilan kung bakit siya bumalik. Kung hindi ang pinsan ko, hindi ko alam ang dapat maramdaman ko noon. Gulat dahil sa pag-amin niya, Oo. Pero hinahanap ko ang sakit at pait sa puso ko, pero wala. I realized, hindi ko na siya mahal.

"Uncle, ano po ang ginagawa niyo dito?" I asked Marga's dad. One time nang makita ko siya sa bahay namin, wala sila Mommy at daddy, kami lang dalawa ni Ate ang nandito.

Tumayo siya saka yumuko sa akin, na ipinagtaka ko. Masyado siyang formal, hindi ganito ang trato ni Uncle sa akin. "Ano pong problema?"

Nagsimula akong kabahan, what if..... may nangyari kay Marga? No, hindi puwede. Walang mangyayaring masama sa kaniya.....

"I need your help, iho."

Napaayos ako ng upo at seryosong tinignan si Tito. "What help, Uncle?"

Lumunok siya bago salubungin ang tingin ko, kita ko sa mga mata niya na hindi siya sigurado sa sasabihin niya.

"C-can you, marry my daughter?"

"W-what?" Natulos ako sa kinauupuan ko. Gulat sa sinabi niya, 'yon ang kahuli-hulihang idea na pumapasok sa isip ko, sa rason ng pagpunta niya dito.

Binasa ko ang aking mga labi. "Uncle, ano po 'yon?" tanong ko, baka nagkakamali lamang ako ng rinig.

"Pakasalan mo ang anak ko," sinabi niya 'yon ng desidido, siguradong-sigurado. Hindi katulad kanina.

"Po?" I asked, naguguluhan. Hindi ko alam ang rason niya para dito.

"Ma-babankrupt kami kapag hindi kami nakahanap ng mag-iinvest sa company namin, kaya please Iho..."

Hindi ako makapaniwala, ibebenta niya ang sarili niyang anak. Para lang sa kumpanya?

"Pero Uncle, hindi ko po maintindihan. Bakit niyo siya ipakakasal dahil lang sa kumpanya?" pilit kong tinatago ang inis.

Sinubukan niyang magpaliwanag, pero hindi ako sang ayon. Nag volunteer din ako na mag i-invest na lang, at hindi ko na kailangan magpakasal. Pero tumanggi siya, hindi niya matanggap ang tulong ko ng ganoon lang.

Hindi ako pumayag, dahil sa hindi ko gusto. I want to marry her, pero hindi sa ganitong paraan. Ayoko ng relasyon na nabuo lang dahil sa kahirapan, mas gugustuhin ko ang relasyon na pareho naming ginustong ipaglaban.

The next day, hindi ko akalaing makikita siya. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita, totoong namiss ko siya pero nahihiya ako. Kinakain ako ng kunsensiya ko dahil sa mga nagawa ko, I dissapoint her, tapos 'yong kay Sachie, hindi ko alam ang dapat kong sabihin, hindi ko alam kung saan ako unang magpapaliwanag.

Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya, gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan muna naming mag-usap, alam kong naguguluhan siya pero nananalangin ako, na sana magtiwala siya.

Pero mukhang hindi sumasang-ayon ang panahon sa aming dalawa. Gulat ako noong makita si Sachie sa may condo ko, napagusapan na naming dalawa ang tungkol sa amin. We're done, kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito.

Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya, hindi siya ganito umarte sa harapan ko pero hinayaan ko na lang. Bigla kong naalala ang bulaklak sa may sala, ayon siguro ang pakay ni Sachie. Hindi ko 'yon ipinagawa para sa kaniya, siya mismo ang umorder don at dineliver sa akin, gusto niya na pagselosin ang pinsan ko, si Harvey. Wala akong nagawa kung hindi pumayag, para matapos na ang lahat.

Kaya ganoon na lang ang sama ng loob ko ng iwanan kaming dalawa ni Marga, nakatanggap siya ng tawag. Akala ko pa naman ay makakasama ko siya ng matagal, pero nagkamali ako. Hindi niya rin pinansin ang pagtawag ko sa kaniya na ikinakaba ko, baka kung ano na ang iniisip niya saming dalawa ni Sachie.

Hindi ako natulog ng gabing 'yon, hindi ako nilubayan ng konsensiya ko. Kaya ginawa ko ang dapat, pinuntahan ko siya pero hindi ko akalain na muling eepal si Sachie sa aming dalawa.

"Pagseselosin nga natin!" usal niya

Umiling ako saka masama siyang tiningnan sa passenger seat. "Ayoko, hindi ko 'yan gusto. Bumaba ka na! Oh fuck!"

"Ohh shut up! Ikaw na nga ang tutulungan!" Hindi niya ako pinansin at ginawa niya na lang ang gusto niya, hindi ako makapaniwala sa kaniya.

Hindi naging maganda ang takbo ng araw naming 'yon, bigla na lang nawala si Marga. Sa mga sumunod na araw ay ramdam ko ang pag-iwas niya, pero hindi ko akalain na makikita ko 'yong lalaki na Smut na 'yon.

Hindi ko siya gusto, nababanas ako sa mukha niya lalo na ng makita ko siyang malapit kay Marga. Sinabi niya na boyfriend niya 'yon, at hindi ako makapaniwala. Paanong boyfriend niya 'yon! Hindi ako makakapayag.

Dumiretso ako sa malapit na Bar, doon ko nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Napaaway ako na pinagpasalamat ko dahil doon ko naibuhos ang galit ko. Bugbog sarado man ay hindi ako nagsisisi, dahil doon nabawasan ang kinikimkim ko.  Sinundo ako ni Sachie kasama si Harvey, okay na pala sila. Samantalang ako ganito, hinayaan ko silang dalawa na mag stay sa condo ko, pero hindi ko akalain na darating si Marga. Halos mapamura ako ng matanto ang suot naming dalawa ni Sachie, baka kung ano ang sabihin niya.

Basta na lang siya umalis na hindi man lang sinasabi ang rason ng pagpunta niya. Hindi ko siya nagawang habulin dahil sa suot ko, kaya masama ang loob ko na pumasok sa condo.

"Fuck shit!" mura ko saka padabog na naupo sa sofa.

"I'm sorry, hindi ko naman alam na siya pala 'yon...."

Lumabas galing sa bathroom si Harvey saka lumapit kay Sachie. "What's the problem?"

Sa inis ko ay hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang sa kuwarto ko.

Sa haba ng pinagsamahan naming dalawa, ay hindi ako maka paniwalang aabot kami sa ganito. Umalis siya, iniwan niya ako. Hindi niya ako hinintay, ni hindi man lang niya ako binigyan ng chance na magpaliwanag. Basta niya na lang ako iniwan.

"Here, pinapabigay niya 'yan," wala sa sarili kong kinuha ang sobre na ibinigay ni Asenna. Tinapik ako sa balikat ni Charlie bago umalis.

My body weakened nang simulan na basahin 'yon. Pabagsak akong naupo sa bench nang mabasa ang laman ng sulat.

I love you too, babe. So why, bakit mo ako iniwan.

I closed my eyes tightly, this is fucking breaking me to hell.

I know na nasaktan ko siya, na nadissapoint siya sa akin. Pero puwede niya akong sigawan, murahin at saktan. 'Wag niya lang akong iwan, hindi ko kakayanin Marga.

Hindi ako sumuko, sinundan ko siya. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya, pero hindi ko siya nakita. Hindi ko siya makita, ang sabi nasa europe siya, sa may grandmother niya. Pero hindi ko siya makita.

Bumalik ako sa Pinas saka pumunta sa bahay nila, kahit lumuhod ako gagawin ko basta sabihin lang nila kung nasaam si Marga.

"Uncle, please. I need to find her, hindi ko pa kaya na wala ang anak niyo..." lumuhod ako saka ipinatong ang dalawa kong kamay sa tuhod ko, iniyuko ko ang ulo ko.

"Oh my god, kalix!"

Rinig ko ang mararahas na singhap ni Tita Nadia, sinubukan niya akong itayo pero hindi ako pumayag. Kahit buong araw akong ganito ay okay lang, basta malaman ko lang kung nasaan siya.

"Hon, iwan mo muna kami," pagkausap ni Tito sa asawa.

"P-pero hon..."

"Trust me, ako na ang bahala..." sabi ni Tito Kalix, saka ko narinig ang papalayong yabag ni Tita Nadia.

"Tumayo ka!" maawtoridad na sabi niya na mabilis kong sinunod. Tumayo ako pero nanatiling nakababa ang tingin, nahihiya ako sa itsura ko, punong-puno ng luha ang mga mata ko.

"Hayaan mo muna siya..."

Nanlaki ang mga mata ko at nag angat ng tingin sa kaniya, patuloy sa pagbagsakan ang mga luha ko saka ako muling lumuhod. "I can't, mahal ko po ang anak niyo,"

"Mahal ka ba?"

Sunod-sunod akong tumango. "Yes, Tito. Mahal niya ako, sinabi niy─"

"Kung ganoon, bakit ka iniwan?" tanong niya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi bago nagsalita. "Dahil po gago ako, madami po akong nagawa sa kaniyang kasalanan. Wala siyang ginawa kung hindi, intindihin ako. Pero hindi ko po 'yan, isinaalang-alang..."

"Kung ganoon, anong lakas ng loob ang mayroon ka para magmakaawa sa'kin ng ganiyan?" tumayo siya saka kinuha ang coffe sa side table.

"Sinaktan mo ang anak ko, walang kahit sinong magulang ang papayag na masaktan ang anak nila."

Tumango ako, nagsisisi. "Alam ko po 'yon, pero gusto ko pong bumawi sa kaniya, gagawin ko po ang lahat."

"Gagawin mo ang lahat?" ulit niya

"Opo," sagot ko, walang pagaalinlangan.

"Palayain mo siya, hayaan mo siya. Hintayin mo siya habang binubuo niya ang sarili niya. Sa ganoong paraan, makikita niyo ang halaga ng isa't isa," ibinaba niya ang tasa, saka humarap sa malaking bintana.

"Walang pagmamahal na makasarili, walang nagmamahal na hindi, nasasaktan," nilingon niya ako saka nginitian. "Lahat ng  bagay ay may panahon, isipin niyo na lang na hindi 'to ngayon ang panahon na para sa inyo. Hayaan niyong buuin kayo ng panahon, at dalhin balang araw sa isa't isa."

"Sa takdang panahon na 'yon, walang kahit sino man ang makasisira sa inyo."

Mga salita na niyakap ng buo kong puso, kahit napakahirap ng walong taon na hindi siya kasama. Humawak at kumapit ako sa mga salita na 'yon. Kahit gaano man naging katagal, hinintay ko siya at hindi ako nagsisisi na nagtiwala ako sa tamang panahon.

"Ano nanaman ang iniisip mo?" She asked me.

"Wala lang, narealize ko lang na sobrang mahal kita," I said, staring at her black eyes.

Ngumuso siya saka kumagat sa lemon na hawak, bigla ay nagusot ang mukha ko. Ako ang naaasiman sa ginagawa niya. "Panay ang senti mo ngayong araw ah."

Ngumiwi ako saka medyo lumayo sa kaniya, hindi ko kasi kinakaya ang amoy ng kinakain niya. "Babe, puwede namang lemon na lang. Bakit may alamang ka pa?"

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinaikom ng bibig ko. "Wala kang pakialam! Mind your own business, okay?"

Tumango ako saka tinignan ang tiyan niya. She's six months pregnant. Instead of getting pale, I noticed how Marga bloomed more while she's pregnant. Her cheeks reddened more, her fair skin shines more. Kahit palagi siyang nakahiga at kain, ang ganda pa rin niya sa paningin ko.

"Babe, ano kasing gender?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya, nakatayo ako sa may likod ng sofa habang siya ay nakasandal at busy sa pagkain.

"Secret nga," sabi niya habang punong-puno ang bibig.

Ayaw niya sabihin kung ano ang gender, sa tuwing check up niya ay hindi niya ako sinasama, lagi lang ako sa labas. Kahit anong gawin ko, hindi ako nananalo sa kaniya.

"Babae ba?" tanong ko saka itinabi ang mukha sa kaniya.

"Nope," sagot niya

"So it's a boy?" I asked saka pinagdikit ang pisngi naming dalawa.

"Nope," she said.

Nangunot ang noo ko. "Ha, hindi lalaki, hindi rin babae?"

"Don't know," sagot niya saka nagkibit balikat.

"Babe, come on. Sabihin mo na kasi." pangungulit ko saka umikot, para makatabi sa kaniya.

"Ang epal naman!" pagsusungit niya. "Malalaman mo rin, maghintay ka kasi."

Lumabi ako saka yumakap sa kaniya. "Pero gusto ko ng malaman."

"Pero ayokong malaman mo," sagot niya habang tuloy sa pagkain.

Hindi na ako nangulit at pinanuod na lamang siya, tutok siya sa TV at ang pinapanuod niya ay spongebob. Ang sabi niya, para daw 'yon kay baby pero hindi pa lumalabas ang baby namin.

Ngumiti ako sa kaniya saka ipinalibot ang tingin, after my proposal ay dinala ko siya dito. Habang wala siya ay nagpatayo na ako ng bahay para sa magiging pamilya naming dalawa.

She asked, paano daw kung hindi kami naging maayos na dalawa, noong makabalik siya? Tumawa ako bago sumagot, hindi puwede 'yon. Hindi siya maaaring mag settle down ng hindi ako ang kasama. Ginawa ako para sa kaniya, at siya ay para sa'kin.

"I love you, Marga," I smiled

Gulat na nilingon niya ako, hindi rin 'yon nag tagal dahil ngumiti rin siya agad. "I love you too."

I couldn't explain the happiness I'm feeling at this moment. Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan, nagkalayo at parehong hinubog at hinamon ng panahon. Pero hindi 'yon naging dahilan, para mawala ang nararamdan namin para sa isa't isa. Dahil sa kaniya, naramdaman ko ang pagmamahal na hindi ko inakala, siya lang ang taong gugustuhin kong makasama, sa bawat kalokohan, sa panghabang buhay, sa lungkot at kasiyahan.

The End

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
179K 4.2K 47
Kayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata a...
410K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...