When She's The One (G×G)

Od trytobewithme

32.2K 423 23

WARNING ⚠️: MATURED CONTENT. 🔞 READ AT YOUR OWN RISK "Walang ano mang kasarian, sa dalawang taong nagmamahal... Viac

PROLOGUE
CHAPTER ONE:He Cheated on me
CHAPTER 2: Reseire?
CHAPTER 3:Cali...'Jade'
CHAPTER 4:Kently...
CHAPTER 5: I Chosen You
CHAPTER 6:Thank you, Reseire
CHAPTER 7: She's in Pain
CHAPTER 8: You're my First Kiss
CHAPTER 9: Pretend
CHAPTER 11: She likes me?
CHAPTER 12:I love you
CHAPTER 13: Hurt
CHAPTER 15: I started to like...
CHAPTER 14: Feelings
CHAPTER 16: Same feelings?
CHAPTER 17: She loves me???
CHAPTER 18: I'll wait...
CHAPTER 19: Jade
CHAPTER 20: I really love you
CHAPTER 21:I Love You Too..
CHAPTER 22:I'm back...I'm Yours
CHAPTER 23: One Stick-O, One kiss in lips
CHAPTER 24: :Reseire Mendez, the wild one.

CHAPTER 10:Why?

776 15 0
Od trytobewithme

Chapter 10:Why?

Cali Jade P. O. V

Agad akong pinababa ni Reseire sa kandungan niya at mabilisan siyang tumayo para buksan ang pinto. Nakagat ko ang sariling labi ko dahil sa nagawa naming 'yon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "B-Bakit hindi ko magawang u-umangal?" Habol ko ang hininga dahil dahil sa sobrang kaba.

'Yung init sa katawan ko nananatili dahil sariwa pa sa isip ko kung paano hawakan ni Reseire ang bewang ko at igiling ako sa pagitan ng mga hita niya.

Kung paano niya halikan ang labi ko. Kung paano niya paglabanin ang dila namin. Kung paano niya halikan ang leeg ko at kung paano niya ito kagatin.

"B-Bakit g-gano'n?" Hindi ko na maintindihan. Naguguluhan na ako. Ni hindi ko magawang umangal. Ni hindi ko siya maitulak. Ni hindi ko magawang pigilan ang sarili kong tumugon sa mga halik niya kahit pa alam kong nasa tamang wisyo pa ako at kahit alam kong babae siya.

Ano bang nangyayare sa akin? Bakit ko nagawa ang bagay na 'yon? Dahil ba nagkusa ako at hindi pinilit? Pero damn it! Babae siya! At sa paningin ng lahat... Mali 'yon.

"A-Ano na bang nangyayare sa akin? K-kay Reseire?" Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam. Nawawala ang anumang sakit sa dibdib ko na idinulot ni Kently. Nawawala ng pa-onti onti ang nararamdaman ko ng ganoon kadali at kabilis?

Ano bang ginagawa sa akin ni Reseire? Paano niya nagagawang baguhin ang ako? Paano niya nagagawang hilumin o gamutin ang sugat na nagdurugo sa puso ko?

"Jade." Narinig ko ang boses niya. Hindi ko siya magawang lingunin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naaakit ako sa boses niya.

'Yung nararamdaman ko kay Kently nakakalimutan ko. Nawawala. 'Yung pagpipilit ni Kently sa akin ay Kusa naman kay Reseire.

"Jade." Muling tawag niya sa pangalan ko. Naramdaman ko ang paglakad niya papunta sa harap ko. "Jade." Sambit niya sa pangalan ko ng tatlong beses.

Dahang dahan akong nagtaas ng tingin sa kanya. Nakita ko ang mukha niya. Kalmado at seryoso. Pero kahit ganoon pa man ay nanatiling nakatingin ako sa kanya.

"P-Pasensiya na kung hinalikan kita---" Pinutol ko ang sasabihin niya at tumayo saka siya hinarap.

"N-Nagkusa ako. W-Wala kang kasalanan. Dahil a-ako yata 'yung problema kasi n-nagagawa kong humalik pabalik k-kahit pa alam n-nating dalawa na galing ako sa break-up. I-I'm sorry..." Yumuko ako at hindi ko na magawang salubungin ang mga titig niya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at itiningin ako sa kanya. Muling nagtama ang mga namin sa isa't isa.

"Isipin mo na lang na...parte 'yon ng pagpapanggap natin. Halik na pagpapanggap lang. Halik na walang malisya. Halik na hindi totoo." Aniya at nginitian ako. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ngiting kakaiba. Hindi ito pilit.

"P-Pero parang kasing m-mali." Bumuntong hininga ako. "Kinailangan pa kitang gamitin para lang sa makalimot ako. Ginagamit kita para mawala 'yung nararamdaman ko. Reseire...sorry k-kung nadamay ka pa sa gulo ng buhay pag-ibig ko. S-Sorry." Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap niya ako.

"Naiintindihan ko. Tsaka kaibigan mo ako,Jade." Aniya. "Siguro nga ginagamit mo lang ako pero at the same time pumayag naman ako,'diba? Kasi kaibigan mo ako,Jade. N-nakita ko kanina kung paano magtulungan sina Lezie para sayo. Pakiramdam ko napunta ako sa mga magkakaibigan na totoo. K-Kaya pumayag ako para may maitulong naman ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Tutulungan kita dahil...kaibigan kita." Aniya at hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako dahil sa paghalik niya sa noo ko. Napakabait niya saakin. Kahit hindi pa ganoon kahaba ang pinagsamahan namin ay sobrang bait na niya.

"S-Salamat, Reseire." Ani ko. Pakiramdam ko hawak ako ng isang taong kayang protektahan ako. Pakiramdam ko ay laging ligtas na ako.

"Hmm." Inilayo niya ang labi niya sa noo ko at muling ngumiti sa akin. Napatitig ako sa ngiti niya. Napatulala ako dahil 'yung ngiti niya...nakakamangha.

"Huwag mong pagsasawaan ang pagtitig sa akin ha?" Aniya at ginulo ang buhok ko saka lumayo na sa akin. "'Yung kumatok kanina ay nagkamali lang. Tapos 'yung ulan hindi pa tumitila. Paano ako uuwi niyan? Tsk." Napaupo siya sa sofa at dumapa doon.

"P-Pwede ka naman mag-stay dito." Ani ko at tumingin sa kanya. Nakadapa parin siya at hindi lumilingon sa akin. "Papahiramin na d-din kita ng damit para makapag-palit ka." Hindi parin nawawala ang tingin ko sa kanya.

"Maski likod ko nagugustuhan mo na din titigan? Hmm?" Sambit niya na hindi lumilingon sa akin. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ang lakas ng pakiramdam ng babaeng 'to? Pati kahit hindi niya nakikita ay mararamdaman niya.

"A-Ano..." Nainguso ko ang labi ko dahil ko alam kung anong ipapalusot ko. Kinakabahan parin kasi ako,nakainis din dahil nagkakaganito ako.

Tumihaya siya at tumaas ng tingin sa akin,nanatiling nakanguso ang labi ko. "Parang bata." Anito habang nagpipigil ng tawa.

"Anong b-bata ka diyan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bata? Hmm child." Aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ha?"

"Baby." Nakangising aniya. Naibuka ko naman ang bibig ko dahil sa pagkakagulat sa sinabi niya.

"Baby?" Nagtatakang ani ko.

"Yes Baby?" Aniya at lalong ngumisi ang labi niya. Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil lalong dumodoble ang kaba sa dibdib ko dahil sa mga ngisi niya. "Baby hmm." Hindi ko alam pero kusang nag-init ang pisngi ko dahil sa sambit niyang iyon.

"Ano..." Nilingon ko siya. Nakangisi parin siya habang nakatitig sa akin. "I-Ikukuha na kita ng damit para makapag-palit k-kana." Ani ko at tumalikod sa kanya. Naipikit ko saglit ang mga mata ko dahil sa kaba na nasa dibdib ko.

"Hmm. Hihintayin ko...Baby." Nandoon ang lambing sa boses niya nang sabihin niya ang huling salita na sinambit niya. Napailing ako at dali-daling naglakad papuntang kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan habang hawak ang dibdib ko. "A-Ano ba 'yung kaba na 'yon?" Naipalobo ko ang bibig ko dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"N-Nakakakaba." Nailakad ko ang mga paa ko papunta sa lagayan ng mga damit ko. Nagbihis muna ako ng damit na aabot hanggang tuhod na kulay pula at tinernuhan ng short. Saka ko kinuhanan ng damit si Reseire na kulay itim na gaya ng akin ay aabot hanggang sa tuhod. Kumuha ako ng isang short at panjama. Hindi ko kasi alam ang gusto niyang isuot pambaba,kumuha narin ako ng undies at bra.

Agad ako lumabas ng kwarto ko at pumunta sa sala na kung saan nandoon si Reseire. Naabutan ko siyang nakapikit habang nakahiga. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o pinapahinga lang ang sarili niya.

Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o huwag na muna at hayaan siyang magpahinga. Napalunok ako ng dumapo ang tingin ko sa natural na pula ng labi niya.

Pakiramdam ko ay nagiging manyak ako sa pagtitig sa labi niya...

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa labi niya. Pero kusa na naman akong napatingin sa mukha niya hanggang sa labi niya. Sa puntong ito hindi ko na magawang ilalis ang paningin ko sa labi niya.

"Gusto mong halikan?" Halos manlaki ang mga mata ko nang nagsalita si Reseire habang nakapikit. Naibuka ko ang labi ko dahil sa kahihiyan na nagawa ko. "Oo nga't babae ka. Pero mas gugustuhin kong halikan ng babae na katulad mo kaysa sa mga lalaking katulad ni Kently." Nanatiling nakapikit ang mga mata niya.

Hindi ko magawang magsalita. Bakit ba lagi na lang niyang nakikita ang ginagawa ko kahit pa nakatalikod o nakapikit man siya?

"Baby..." Aniya. Napalunok naman ako dahil sa sobrang lambing ng pagkakasabi niya no'n. "Sa tagalog bata." Aniya at minulat ang mga mata niya.

B-Bata?

Nagtama ang mga mata namin. Nakagat ko ang sariling labi ko dahil sa pagkakatitig niya sa mata ko.

"'Yan na ba 'yung damit?" Aniya at tumingin sa hawak kong mga damit. Tumango ako nag-iwas tingin habanh inaabot 'yon. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa sofa at kinuha ang mga damit na hawak ko. Bahagya ko panh naramdaman ang kamay niya na dumampi sa kamay ko. "Hmm." Naramdaman ko ang paglakad niya palayo kaya nakahinga ako ng maayos.

"Nakakakaba talaga." Naupo ako sa sofa at hinintay si Reseire. Napaglaruan ko ang mga kuko ko dahil pakiramdam ko ay babalik maya-maya ang kaba ko kapag nasa harapan o sa tabi ko si Reseire.

Kung alam ko lang sagot kung bakit ako kinakabahan ay sana hindi ako nagkakaganito. Pero kahit ang sarili ko hindi alam ang sagot doon.

"Hmm." Ayun ang isang ungol na narinig ko mula sa likuran ng sofa na inuupuan ko. Naipaglapat ko ang mga kamay ko dahil pakiramdam ko ay aapoy ang buong katawan ko dahil ungol na 'yon. Malamig pero bakit mas nananaig ang anong apoy na iyon sa katawan ko?

"Salamat sa damit." Rinig ko aniya at naglakad papunta sa harap ko at nagbaba ng tingin sa akin. Habang ako naman ay tumingala sa kanya mula sa pagkaka-upo ko sa sofa.

Napatitig ako sa mukha niya pababa sa suot niyang itim na damit hanggang sa ibaba niya. Short ang isinuot niya kaysa sa panjama. Muling bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"May problema ba?" Aniya at tumabi sa akin. Itinaas niya ang dalawang paa niya sa sofa at niyakap niya ang mga tuhod niya habang nakaupong nakatingin sa akin. Dahang dahan akong tumingin sa kanya.

"A-ahh wala naman." Napatango naman siya sa sinabi ko at nagkabit-balikat. "G-Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita." Tanong ko pero umiling lang siya.

"Ayaw mong kumain?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "B-bakit?"

"Hindi ako kumakain ng dinner." Sambit niya bago gawing unan ang mga hita ko. Nakahiga siya habang ang mga hita ko ang unan niya. "Ikaw na lang ang kumain. Hindi kita sasabayan." Sambit nito at pumikit.

Napagmasdan ko ang mukha niya. "Reseire." Sambit ko sa pangalan niya at hinagod-hagod ang hibla ng buhok niya.

"Hmm?" Ani nito habang nakapikit.

"Ano..." Bumuntong hininga ako. "H-Hindi ka ba naiilang na naghahalikan tayo?" Iyon ang salitang lumabas mula sa bibig ko na hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon.

"Hindi. Pero alam ko ikaw Oo, naiilang ka diba?" Ani niya ng hindi minumulat ang mga mata niya.

"Ano..."

"Kasi babae tayo." Sambit niya. "Siguro nga. Pero hindi ko na iniisip 'yon. Siguro nga mali 'yon. Pero...hayst." Aniya. Nananatiling nakatingin ako sa mukha niya. "Mali nga ba? Dapat ba lalaki at babae lang ang naghahalikan? Dapat ba lalaki at babae lang ang nagkakarelasyon? Kasi ako? Hindi ko alam ang sagot. Pwede bang magkagusto ang babae sa kapwa babae niya? Paano ba magmahal? Paano ba maramdaman 'yon? Masarap bang magmahal? Masaya ba? O...masakit? Hindi ko pa kasi nararamdaman na magmahal. Hindi ko pa rin naramdaman ang mahalin ng isang tao. Ang huling naramdaman ko na minahal ako ay noong buhay pa ang Papa ko." Biglang lumungkot ang pananalita niya.

"Gusto kong maramdaman ulit na mahalin, Jade. Kaso...wala yatang balak ang mundo na iparamdam sa akin 'yon. Kasi puro sakit ang binibigay sa akin." Napabuntong hininga siya. "A-Ang hinihingi kong dumating sa buhay ko ay saya, pero bakit 'yung dumating iba? Imbis na saya...lungkot ang 'yung naramdaman ko." Dahang dahan niyang iminulat ang mga nata niya. "Jade. Sinong gugustuhin na maging ako? Hindi ba? Kasi 'yung ako puro hirap, sakit at kalungkutan ang nararamdaman." Nakita ko kung paano tumulo ang luha mula sa pisngi niya.

"R-Reseire..."

"Sinong gugustuhin ang mabuhay sa mundong walang ginawa kung hindi ang saktan ako? 'Yung natitirang nagpapahalaga sa kung sino ako ay kinuha pa sa buhay ko. Hindi ba? Napaka-sakit." Aniya at humingang malalim. Pinunasan ko ang basa sa pisngi niya.

"H-Huwag ka na umiyak." Patuloy ako sa pag-punas ng luha sa magkabilang pisngi niya. "Nandito ako...kaming mga kaibigan mo na. Tumango siya. Nakita ko sa mukha niya ang sakit na pinagdaraanan niya.

"Hmm." Muli siyang tumango. Nagkatitigan kaming muli. 'Yung mata niya. "Satuwing tititigan mo ako...'yung labi mo ang nakikita ko." Aniya. Satwing ganito ang sandali namin ay hindi ko magawang magsalita. Kinakabahan ako.

"Bakit ba ganito ka saakin?" Aniya at inabot ng isang kamay niya ang pisngi ko. "Ano bang i-ibig sabihin ng..." Hindi niya itinuloy dahil hinapit ng kamay niya ang ulo ko para muling magdampi ang mga labi namin.

Sa muling pagkakataon ay hindi ko napigilan ang sarili ko at tumugon sa halik niya kahit pa nahihirapan ako sa aking posisyon. Ang halik na hindi ko magawang tanggihan. Ang halik na kakaiba. Ang halik na nagsisimula ko ng magustuhan.

"Hmm." Impit na ungol ni Reseire na siyang nagpa-init muli ng katawan ko. Ang halikan naming dalawa ay nanging malalim na. Tumayo si Reseire upang hilahin ako at halikang muli.

Hawak niya ang bewang ko habang ako ay nakakapit sa batok niya. 'Yung halik na malalim na hindi ko magawa kay Kently dahil pinipilit niya ako. Ay nagagawa ko kay Reseire dahil hinayaan niyang magkusa ako.

"Hmm." Pinaupo ako ni Reseire sa sofa at kumandong siya sa pagitan ng mga hita ko habang patuloy sa paghalik sa labi ko. Sa puntong ito ako naman ang nakahawak sa bewang niya.

Naglalaban na ang mga dila naming dalawa. Sobrang init na ng nararamdaman ko. Mala-apoy na hindi ako napapaso dahil nasasarapan ako. Ganito ba ang pakiramdam na gustong gustong maramdam ni Kently? Kaya ginagawa niya anh lahat para pilitin ako?

Si Reseire mismo ang gumiling sa ibabaw ko. Nakakapanlambot ang ginagawa niya sa ibabaw ko pero nandoon ang kakaibang kiliti sa pakiramdam ko.

"A-Ahh hmm." Kinagat ni Reseire ang pang-ibabang labi ko. Naramdaman ko ang paglakbay ng dalawang kamay ni Reseire papunta sa loob ng damit ko. Dumadampi ang dalawang kamay niya sa balat ng tiyan ko hanggang sa dalawang dibdib ko paakyat sa balikat ko.

Pero tinanggal niya din ang kamay niya sa loob ng damit ko. Pero patuloy parin siya sa paghalik sa akin. Tumigil si Reseire sa paghalik sa akin at tumingin sa mga mata ko.

"Alam kong hindi mo gusto ito...kaya ititigil ko na---" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil ako mismo ang humalik sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nadadala na ako sa init na nararamdaman ko. Mali ba ang ginagawa ko? Kakahiwalay ko lang pero nagagawa ko ng makipaghalikan sa babaeng katulad ko.

Muling gumiling si Reseire sa ibabaw ko na siyang dahilan para may kung anong pamamasa sa gitna sa loob ko. Naging madiin na ang halikan naming dalawa. Nagkakasala ako dahil sa init na nararamdaman ko. Ano ba ito? Hindi ko kayang pigilan. Mali ba ako? Sobrang mali ba ang ginagawa ko?

Nakita ko kung paano hubarin ni Reseire ang damit niya at bumungad sa akin ang dibdib niya kahit pa may bra pa siya. Saglit akong tumingin sa dalawang dibdib niya bago tumingin sa mga mata niya. Ang mga mata niya naging maamo. "N-naiinitan ako." Aniya. Napalunok ako kahit alam kong mayroon din naman akong hinaharap.

"R-Reseire..."

"Don't worry wala akong gagawin. Naiinitan lang talaga ako." Aniya at umalis sa ibabaw ko at umupo sa tabi ko. "Isusuot ko din ang damit ko." Aniya at sumandal sa sofa.

Napalingon ako sa kanya. Nakapikit siya at nandoon sa mukha niya ang walang emosyon.

Hindi ko alam Reseire...pero bakit?

To be Continued....

A/N: Sorry for typos!kindly vote!

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
62.2K 2.6K 51
Why am I feeling this? This is all for money. Money that I thought that will save me from my heavy nightmares. But I just found myself laying next...
5.2K 158 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
2.7M 169K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...