The Forgotten Queen: The Curs...

By suneowara

731K 38.5K 5.9K

GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde h... More

Author's Note
Self Pub
Prologue
1. The Start
2. Friends
3. Tragedy
4. The queen
5. Forgotten
6. New life
8. Wedding
9. Familiar
10. Academies
11. Lunar Academy
12. The promise
13. Nephew
14. Farewell
15. Goodbye, first love
16. New Generation
17. Dark guild
18. Future
19. Choice
20. The kid she saw
21. Heir of Cronus
22. The Guild
23. The masters
24. The smart kid
25. The rookies
26. I'm here
27. Her point of views
28. In another life
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
Fanarts

7. The Friend

18.6K 1K 192
By suneowara

Nakatingin ako sa tasa na nakalagay sa lamesa. Iba ang kulay ng tubig na nasa loob nito. Maputla-putla... parang kape na nasobrahan sa tubig.

Nakangiwi ako. "Ano 'yan?" giit ko sa babaeng kaharap ko.

Lumawak ang ngiti ni Scarlet sa sinabi ko. "It's a tea! Try it!" masiglang sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan kong kinuha ang tasa at inamoy ang tsaa.

Hindi ko trip 'yong amoy. Hindi pa 'ko nakatitikim nito. Nakikita ko rati na hinahanda ito sa mga bisita sa palasyo pero hindi pa 'ko nakakainom dahil bata pa 'ko.

Sinubukan kong tikman ang tsaa at hindi maipinta ang mukha ko nang malasahan ito.

"So? How was it?" tanong ni Scarlet. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi at ang pagkislap ng mga mata niya habang hinihintay ang sagot ko.

Ibinababa ko ang tasa sa lamesa. "Isn't obvious? Hindi masarap," walang ganang sagot ko.

Sumimangot si Scarlet sa naging reaksyon ko. Hindi niya 'ko masisisi. Mukhang hindi na 'ko iinom pa ng tsaa kahit kailan dahil alam ko na ang lasa nito.

"Tsk. Pangit lang panlasa mo," nakasimangot na sambit ng babaeng kaharap ko. Deretso nitong ininom ang tsaa niya.

₪₪₪₪₪₪₪₪

I almost spent most of my time with Scarlet. Hindi ko inaasahan na magkakasundo kami. She's kinda annoying at first, but the more we spent time together, the more I get use to it.

And the fact that she's also a Gifted made us even closer. Sinabi niya sa akin ang mga kaalaman niya sa mga Gifts and Gifted. Hindi ito makapaniwala na isa akong heiress ni Cronus.

"Woah. Inakala ko dati na isang alamat lang ang mga tagapagmana ni Cronus. Hindi ko inakalang makakakilala ako ng isa," natutuwang sambit sa akin si Scarlet.

Kapwa kaming nakaupo sa damuhan habang tinitignan ang tanawin sa parke.

"Hey, Helena. Have you heard about the story of The cursed Gifted?" pag-iiba ng babaeng katabi ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "The cursed Gifted? Nah."

She looked at me with excitement in her eyes, as she faced my direction.

"It was a story about one of the first Gifteds," pangunguna ni Scarlet.

Kahit hindi ako nagtanong, nagsimula siyang magkwento. Dahil alam ko namang hindi ko siya mapipigilan, nakinig na lang ako sa kwento niya. Nakaharap ako sa langit na nag-iiba na at naghahalo ang mga kulay dahil sa palubog na araw.

"Sinabi na may tatlong mortal daw ang nagdasal at narinig ng Diyos. Each one of them were given a gift. Sila ang unang tatlong tagapagmana ni Cronus."

"One of them got Ability Adoption. The next one was Ability Destroyer. And lastly, of course, your gift, Time Control."

Nakakurba ang labi ni Scarlet habang nagkekwento na para bang sabik-sabik na ipaalam sa akin ang alam niya.

"They were considered as Gods and Goddesses because of the ability they have. At kagaya ng hiniling nila, tinupad nila lahat iyon gamit ang gift na nakuha nila."

"But the first Gifted who has the Time Control, was blinded by his powers. Hindi niya ginawa ang hiniling niya. Bagkus ay kinalimutan niya ang lahat ng taong humingi sa kaniya ng tulong."

Nakuha ng kwento ni Scarlet ang atensyon ko. Kusang nagbago ang ekspresyon ko nang hindi niya napapansin.

"That made the God of time angry. And punished him," muling kwento niya.

"Just like what he did, binalik sa kaniya ng diyos iyon. He erased his existence."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim.

Bakit gano'n? Bakit pati kami nadamay sa kasalanan na ginawa niya? Bakit kailangan mabura rin ang sa amin na nakakuha ng gift niya?

Pasimpleng humigpit ang pagkasasara ng kamao ko nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Natuyo bigla ang lalamunan ko at bumaba ang tingin ko sa damuhan.

Narinig ko ang pagtawa ni Scarlet.

"It's just a legend though. Panakot lang sa mga batang Gifteds kapag ginamit nila sa kasamaan ang gift nila. I mean, you're the evidence. I know you, I know that you exist. Kahit hindi ka nga lang tumatanda," natatawa niyang sambit.

Mapait akong napangiti sa sinabi niya.

Wala akong binanggit sa kaniya tungkol sa nakaraan ko.

Na isa akong dugong bughaw.

Na nabura ang mga alaala sa akin ng lahat ng taong kilala ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit pa sa akin napunta 'to. Wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay," sagot ko.

Muling nagbago ang ekspresyon ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang araw na napunta sa akin ang gift na 'to.

Unlike any other gifts, ang gift ko ay hindi namamana sa mga magulang. Bagkus ay napapasa ito.

Kahit hindi mo kilala o walang koneksyon sa'yo, maari mong malipat ang gift na ito. But only if... you're about to die.

Because this gift erases your existence, stops your time and prevents you from aging.

But in exchange, you have a full control in time...

Pero anong silbi ng pagbalik mo ng oras kung 'yong taong gusto mong balikan ay hindi ka na maalala?

"Uy! Helena! Nakikinig ka ba?" Rinig kong sambit ni Scarlet.

Natauhan ako sa sinabi niya. "A-Ah, sorry. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" pagpapaulit ko.

Scarlet pouted before answering. "Hays, ang sabi ko, sumali ka sa isang Guild! Para kumita ka!" sambit niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Guild?"

Itinaas sa aking ng babaeng kaharap ko ang sleeve niya. Doon bumungad sa akin ang isang bow na tattoo.

"I'm a member of Huntsman, an open Guild," muling sambit ni Scarlet.

"Sa Guild makakuha ng mga trabaho ang mga Gifted na katulad natin."

Nawala ang malalim na iniisip ko sa sinabi niya—sa bagay na binanggit niya napunta ang atensyon ko. Wala akong ideya na mayroon pa lang mga Guilds.

"Pero balita ko ay nagkalabuan ang mga Guilds eh. Kaya nahati sila sa dalawa. Ang open Guilds at dark Guilds." Kaswal na binaba ni Scarlet ang sleeve niya.

"Anyways, after I finish my mission here, do you want to go with me? Tara na Helena!" pag-aaya niya sa akin. Hindi mawala ang ngiti niya sa labi at ang nakangiti niya ring mga mata.

Nagtama ang mga tingin namin at hindi kaagad ako nakasagot. Now that I see her completley, she's the total opposite of me.

She always smile with a cheerful voice. Even if it's already sunset, she's still bright in my eyes... like the sun—solar.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Wala akong dahilan para hindi sumama. Wala naman akong maiiwan sa bayan na ito.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango.

"Nice! You should smile more! Para hindi ka lagi mukhang bata na inagawan ng candy," natatawang sambit ng babaeng kaharap ko.

Nanatili akong nakangiti habang pinapanood siya...

If you're the sun... then I'm the moon.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Nang matapos ang mission ni Scarlet sa bayan na tinutuluyan ko ay sinama niya 'ko sa Gaelathe town where the Guild is. Hindi ko maitatangging napakaganda ng tanawin.

Scarlet took me to her Guild and the members welcomed me warmly. Walang bakas ng paghuhusga sa mga mukha nila. After a long time, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

"Celebrate natin ang pagdating ng bagong myembro!" masayang sambit ng isa sa mga Gifted sa Guild.

Napuno ng kasiyahan ang araw na dumating ako. I felt happy too. Ayoko ng matapos 'to. Gugustuhin ko na lang na ganito palagi.

"Oh Scarlet! Malapit na kasal ah!" natatawang sambit ng isang myembro.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Nabigla ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Scarlet.

"I-Ikakasal ka?" namamanghang tanong ko. Umangat ang dalawa kong kilay at namilog ang dalawa kong mga mata.

Kumurba sa isang ngiti ang labi ng babaeng kaharap ko bago niya ipakita sa akin ang daliri niyang may singsing. Namumula ang pisngi ni Scarlet, at ibang klase ng ngiti ang pinakita niya sa akin.

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Sa susunod na linggo ay ikakasal na 'ko."

May lalong nadagdagan ang saya ko sa sinabi niya. Sobrang saya ko nang malaman na ikakasal na pala siya. Napakaswerte ng taong pakakasalan ni Scarlet. Walang katumbas ang kabaitan niya.

Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa biglang napunta ang lahat ng atensyon ng mga tao sa Guild sa bagong dating. Kagaya nila ay napunta rin ang tingin ko sa pinto.

Parang bumagal ang oras at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. His red hair was the first thing that caught my attention. My expression slowly softened, and my smile faded.

When he entered the door with a smile on his face, I suddenly saw a small boy entering the gate in the palace... waiting for me.

Unti-unting umawang ang bibig ko at napako ang tingin ko sa kaniya.

Bago ko pa mabanggit ang pangalan niya ay nabigla ako nang tumayo ang babaeng katabi ko at sinalubong siya ng yakap.

"Evan!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 374 24
#3 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION (SOON TO BE PUBLISHED AT PAPERINK PUBLISHING HOUSE | PaperInk Imprints) ~×~×~×~ In the depths of darkn...
1.4M 59.3K 50
PUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoeni...
4.6M 35K 11
Lucy Cardova's not an ordinary girl, that's what she thought she was. With her knowledge and intellect, neither did she knew she's beyond that. One i...
943K 48.2K 64
COMPLETED | "She who was literally born as a mystery." Melizabeth de Vera has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but...