The Journey of Detective Xian

By RoseliaPoessy

5.5K 1.2K 286

Xian Synthecia is the eldest and one of the great young detectives. He is a reliable and responsible youth. O... More

Chapter 1- BRAVO ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE
Chapter 2 -The Problem
Chapter 3- The Message
Chapter 4- The Next Clue
Chapter 5- Ang Pagkikita
Chapter 6- Conversation Begins
Chapter 7- Puzzle Problem (P-P1)
Chapter 8- Puzzle Problem (P-P2)
Chapter 9- Identity
Chapter 10- Knowing The Truth
Chapter 11-Who is the Mastermind?
Chapter 12- The Hidden Message
Chapter 13-Exciting Moments
Chapter 14- Surprises
Chapter 15: Battle Begins
Chapter 16: Black Room
Chapter 17: Showing-Up of Someone
Chapter 18: The Game 1
Chapter 19:The Room Six (6)
Chapter 20-The Two Guest
Chapter 21-The Dead Rats
Chapter 22- The Letter
Chapter 23-The Bomb
Chapter 24- Unknown Mask Boy
Chapter 25- Sweet Scenario
Chapter 26- The next actions
Chapter 27-One Move, One Kill
Chapter 28- The Real Challenge
Chapter 29-The Greetings
Chapter 30-Love or Hate?
Chapter 31-Red Door Surprises
Chapter 32- Reveal or Not?
Chapter 33-Dinner Invitation
Chapter 35-Finale Battle

Chapter 34- Hide and Seek

48 1 0
By RoseliaPoessy

Lightness or Darkness

Xian's POV

Natapos na nga kaming maghapunan. Hindi ko akalain na magkikita kami rito sa pesteng hotel na 'to. At oo, walang iba kundi si Massikibyino Rey. Nakakapagtaka kasi na bigla siyang lumitaw pero sabi niya kakarating niya lang. Nakakapagtaka lang naman talaga.

Ano kayang ginagawa niya rito?

Siya ba talaga ang owner na 'to?

Halos mabaliw na naman ako sa kakaisip at sa mga tanong sa utak ko. Nandito pa rin kami sa kainan pero nagkaroon ng pagsabog kaya napatayo kami.

"Saan galing 'yon?"takang sabi ni Shawn.

"Hindi ko alam pero tingin ko sa itaas. Huwag muna kayong magsigalaw. Hindi ko alam kung ano iyon. Kailangan natin mag-ingat." Payo ni Massikibyino.

Napatango naman si Shawn bilang pag-sang-ayon pero hindi pa rin ako masyadong nagtitiwala sa kanya, mahirap na mamaya inihanda niya pala ang lahat ng 'to.

"Elle dito ka lang sa tabi ko, ako bahala sayo." Pagmamagaling niya.

"Hindi Elle! Ako ang kuya mo, kaya kitang protektahan. Ako na bahala sa kapatid ko Massikibyino Rey!" inis kong sabi at tiningnan siya sa mata sa mata.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko kahit noon pa man. Alam kong gusto niya ang kapatid ko kahit noon pa man pero wala akong balak na sila ang magkatuluyan, isa pa hindi ako nakakasigurado na safe si Elle lalo na't may sakit ang kapatid ko.

Umalis na lang siya at sinabi niyang aalamin niya muna kung ano ang mayroon sa itaas, pero hindi ako pumayag. Mas mabuting kasama kami para atleast hindi siya mawala sa paningin ko at syempre ayokong maisahan ng lalaking 'yon.

Kaya't pumayag na lang siya na sama-sama kaming lima. Ako, si Elle, Shawn, yung kasama niya lalaki na si Kaye at siya.

Maganda na kasing hindi kami magkahiwalay dahil imposible na hindi niya alam ang pasikot-sikot dito, siya kaya ang may-ari.

"Tara na! Sumunod na lang kayo sa'kin at aalamin ko rin ang nangyari rito. Basta huwag kayong matakot,nandito naman ako." Mayabang niyang sabi at kumindat pa sa kapatid ko.

Ang lakas mo naman makagag*!

Pwe! Hindi uubra 'yan sa kapatid ko.

Tinitigan lang siya ni Elle. Nadedma! Nagsimula na lang siyang maglakad at nasa likuran kami. Naglalakad kami sa mahabang espasyo ng hotel na 'to.

"Ilang buwan na kasi itong ganito, I mean walang katao-tao. Hindi ko naman pinabayaan sadyang inasikaso ko lang ang ibang business na hawak ko." Pagkukuwento nito.

Hinayaan ko lamang siyang magkuwento habang nagmamasid ako sa paligid. Hindi kasi ako mapakali kahit si Shawn. Nagtitinginan kaming dalawa dahil kakaiba na ng daanan naming dalawa.

Sobrang lawak at tanging mga ilaw sa gilid ang nagsisilbing gabay sa paglalakad naming lima.

Para kaming naglalakad sa kawalan ang haba kasi pero kapansin-pansin rin na sa bawat gilid ay maalikabok at marami na rin ang mga sapot. Hindi pala namin ito nadaanan.

"Halos 4 months itong hindi nalinis kaya pasensiya na.Tsaka paano pala kayo nakapasok rito?" takang sabi ni Massikibyino.

"Kaya naman pala marumi na pala banda rito. Sira na ba ang mga elevator mo." Takang tanong naman ni Shawn.

"Hindi pa naman pero kasi ayoko na gamitin mamaya hindi tayo makarating sa pupuntahan natin. So bakit kayo nandito?" tanong niyang muli.

"Nandito kami kasi may nagkuha kay Elle. Nagtataka nga ako bakit nandito siya sa hotel mo. Tapos hindi naman nagpapakita yung kumag na lalaking 'yon." Pagpapaliwanag ko.

"I see. But what is kumag?" takang tanong niya kasabay ng pagtaas ng kaniyang kilay.

Loko-loko ka!

"It means like a crazy human. Loko-loko ganun." Pagpapaliwanag ko sa kanya hanggang sa makarating na nga kami.

Nakapasok kami sa isang silid nang biglang...

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" sabay-sabay naming sigaw dahil unti-unti kaming nakakita ng mga nalipad na ibon sa taas ng ulo namin.

"Aray!" sigaw ni Shawn.

Dali-dali akong kumilos kahit ramdam ko ang sakit nang buo kong katawan. Samantala hinanap agad ng isip ko ang kapatid ko. Nagmadali ako nang makita ko siyang nakahiga sa sahig na walang malay.

"Elle gising!" sigaw ko dito habang tinatapik ang braso niya.

"Ahhhh k-kuya!" sigaw nito.

"Anong masakit sayo?" takang tanong ko naman.

"Ang sakit ng l-likod ko." Pagdadaing niya habang nakahawak sa likuran niya. Inalalayan ko siya dahil nahulog kami mula sa itaas. May masakit naman din sa'kin ngunit mabuti hindi naman masyado.

Tinulungan ko siyang makatayo at kumapit naman siya sa akin.

Laking pagtataka ko nang hindi ko makita si Shawn.

"Elle hindi mo ba narinig na sumigaw si Shawn?" takang tanong ko habang patuloy ko siyang inaalalayan.

"K-kanina po k-kuya. Nasaan po ba siya?" sambit niya habang namimilipit pa rin siya sa sakit.

Shit nasaan siya?!

"Shawwwwwwn!" sigaw ko habang naglalakad kami ni Elle.

"Preeee!Nandito ako sa kabila!" sigaw nito kaya't napatingin ako sa pintuan. Sapagkat doon ko naririnig ang boses ng kaibigan ko na si Shawn.

Teka, nasaan ba siya? Tsaka ano bang nangyari?

Halos mapaisip ako sa mga nangyari mula kanina dahil sa totoo lang masyadong mabilis din kasi ang mga nangyari.

"D-dito pre sa kabila!" sigaw niya.

"K-kuya, nandito yata siya buksan mo po 'yang pinto." Suhestiyon ni Elle dahil doon talaga namin naririnig ang boses ni Shawn.

"Sige teka Elle, dahan-dahan baka mapano ka." Mapag-alala kong sabi.

Tinungo na agad namin ang pintuan na malapit sa amin. Kulay tsokolate ang pintuan at rinig mo talaga roon ang sigaw ng lalaki, sigaw ni Shawn.

"Preeee!" sigaw kong at kinatok iyon.

"Oo pre dito! Buksan mo na!" sigaw niya.

Inayos ko muna si Elle bago ko buksan ang pintuan. Laking gulat ko nang mabuksan iyon. Ngunit ni anino wala akong nakita, wala akong nakita na tao.

Nasaan siya? Nandito naman 'yong boses eh.

"Pre nasaan ka?!" sigaw ko hanggang sa naglakad na kami ngunit ang boses ni Shawn ang namamayani.

"Dito pre!" sigaw niyang muli.

Ngunit biglang nagsarado ang pinto kaya't napayakap sa'kin si Elle.

Anong nangyayari?

"Pre nandito ako buksan mo ang pinto!" sigaw niya.Binuksan ko gaya ng sigaw niya ngunit wala naman siya.

"Nasaan ka ba?!" sigaw ko hanggang sa makadampot ako ng bote sa ibaba. Maliit na bote iyon at kulay pula ang takip. May papel sa loob.

Ano kaya 'to?

"Kunin mo po kuya baka makatulong po 'yan para makaalis tayo rito." Suhestiyon niya kaya't kinuha ko at pilit na inalis ang papel sa loob.

"Pre, diyan ka lang. Sandali lang!" sigaw ko habang nakahawak sa bote na pilit pa rin tinataktak para lumabas ang papel.

"Oo pre! Nagkakataguan yata tayo!" Sigaw nito mula sa kabila.

Hindi na muna ako sumagot sa halip pinilit kong ilabas ang papel na nasa loob ng bote na hawak ko. Hanggang sa unti-unti itong mahawakan ng mga daliri ko.

Isang simpleng papel na may nakasulat na 'Y O J N E!' Nakasulat iyon gamit ang pulang tinta na ballpen. Halos itapon ko lang sa sahig iyon.

"Ano po bang nakasulat kuya? Tsaka bakit mo po tinapon?" takang tanong ni Elle.

Dinampot niya iyon at mukhang naunawaan niya agad. Dahil reverse lang naman ang ginawa ng naglagay doon.

"E-enjoy?" takang sabi niya.

"Oo Elle! Nakakapagsayang ng oras 'diba?Isipin na lang natin paano tayo makakaalis dito at paano natin makakasama muli si Kuya Shawn mo." Seryoso kong sabi habang panay ang tingin sa paligid.

"Opo kuya." sagot nito hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko.

Walang ano-ano ay agad ko na lamang itong sinagot kahit na unknown ang numero.

"H-hello?" saad ko sa kabilang linya.

"Xian! Si Massikibyino 'to, ayos lang ba kayo? Buti na lang nakasave pa rin ang numero mo sa akin." Saad nito habang ako naman ay napataas ang kilay dahil hindi ko maalala paano niya nakuha ang numero ko.

"Hindi kami maayos! Nasaan ka ba ha?! Tsaka hindi kami magkasama ni Shawn.Alam mo ba ang daan?" takang tanong ko ngunit ang inis ay nananalantay sa akin.

"Oh relax, alam ko hindi kayo okay. Nasa kabilang room si Shawn. Natapakan ninyo kasi 'yong sira floor kaya nahulog kayo. Well, just follow my rules at magkikita naman kayo. Call your friend,i-add call mo na para alam niya." Sambit nito na siyang ikinataka ko.

Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko.

"Susubukan ko muna kung tutunog ang cellphone niya." Saad ko kahit napipilitan lang talaga. Dinial ko ang numero ni Shawn at ilang segundo naman ay sumagot naman ito.

Wala naman kasi akong choice pa.

"Hello pre? Ayos ka lang ba riyan?" takang sabi ko kahit nasa call din si Massikibyino.

"Oo naman pre.Kaso ano na bang balita? At bakit napatawag ka pala?" takang tanong niya hanggang sa sumagot na lang si Massikibyino mula sa kabilang linya.

"Hello Shawn at Xian, lumabas na muna kayo sa kwarto na kinabibilangan ninyo. 'Wag kayong mag-alala makakalabas din naman kayo." Seryosong tinig nito.

"Magtiwala kayo sa'kin.Makakalabas din kayo.Be careful hindi ko alam sino ang may gawa nito." Dagdag nito na siyang mas ikinadagdag sa pag-iisip ko.

Ngunit hinila na lamang ako ni Elle kaya't napalabas na lamang kami dahil hindi naman nakalock ang pintuan sadyang kapag nakapasok ka sa loob ay kusa itong nagsasarado.

"Nakalabas na ako,Massikibyino,kayo ba riyan Xian at Elle?" takang tanong ni Shawn sa linya.

"O-oo nasa labas na kami. Nasaan ka ba akala ko nasa labas ka?" takang tanong ko rin dahil hindi pa rin kami magpangita kahit nasa labas naman na siya.

"Hindi ko alam pero nasa labas na rin naman na'ko. T-teka ilalahad ko yung mga nakikita ko." Saad ni Shawn na siyang pag-oo ni Massikibyino.

"Parang nasa labas na ako ng kwarto pero nakakapagtaka kasi hindi kita Xian nakikita. Ang alam ko, dito tayo dumaan kanina bago tayo mahulog." Takang paglalahad niya.

Hindi muna ako nagsalita sa halip nakinig lang ako sa kanya. Nakakapagtaka naman talaga iyon. Kami naman kasi ni Elle nasa labas na rin naman pero sa espasyo na ito kaming dalawa lang ni Elle ang tao. Wala kaming makita na kahit ano,tahimik lang at tanging mga ilaw sa gilid ang nagsisilbing gabay para makita namin ang gagawin namin.

Ano bang mayroon? Bakit hindi kami magkita ni Shawn? Saang parte ba siya?

"K-kuya Shawn, wala ka naman po rito eh." Biglang sabi ni Elle na siyang pagsagot naman nitong si Massikibyino.

"Nandito naman ako Elle.Hindi kita pababayaan." Paglalambing nito mula sa tawag.

Hindi ka naman niya gusto!

"Kaya ko naman protektahan si Elle salamat na lang. Sige mukhang naglolokohan naman tayo Kaya ibaba ko na." Seryosong sabi ko at dali-dali ko na ngang binaba ang tawag.

"Kuya 'bat pinatay mo po?" takang sabi ni Elle.

"Para tayong mga tanga na nasunod sa lalaking 'yon. Makakaalis din tayo at makikita si Shawn, basta dito ka lang kay kuya okay?"pagpapaalala ko sa kapatid ko. Mahirap na at baka kung saan pa siya mapadpad at mawala na naman.

Diniretso na lamang namin ang paglalakad hanggang sa parang may naaninag akong isang lalaki na nakatayo binilisan ko ang lakad habang hawak kamay ang kapatid ko na si Elle ngunit bigla naman itong nawala.

"Hayys! K-kuya ano po bang ikinamamadali mo po?" saad ni Elle dahil nagulat din siya sa ikinilos ko.

"Sorry Elle. Akala ko naman si Kuya Shawn mo na kaso nawala bigla." ani ko na puno nang pagkadismaya.

Tiningnan kong muli ngunit wala na nga kaya't minabuti kong pasukin ang kwarto na pinasukan niya. Nang makapasok na kami ni Elle ang siyang mas nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Sandali, nandito kami ni Elle kanina. Mula sa kabuuan nitong malatskolate at sa pula nitong pintuan.

"Kuya, nandito na tayo kanina eh, diba po?" Saad ni Elle habang nagpalinga-linga sa paligid.

Tama nga ako. Ito nga 'yon.

Sinubukan ko muling buksan ang pinto sa loob at naaninag ko nga muli ang isang lalaki na lumabas muli.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras kundi tinawagan ko na siya.

"Hello pre? Huwag ka nga muna maglakad-lakad. Manatili ka riyan sa puwesto mo!" Utos ko rito.

"B-akit pre? Kinakabahan na kasi ako nakakita kasi ako ng dalawang tao akala ko nga kayo tapos nawala naman bigla." ani nito na bakas ang pagkatakot base sa paglalahad niya sa tawag.

"Ah basta! Kumalma ka bro. Susubukan ko hanapin ka." Seryosong saad ko sa tawag at tinungo na nga huling pintuan na mayroon sa loob ng kwarto.

At doon naaninag ko ang isang lalaking matangkad. Nakakulay itim itong tshirt at taglay ang malaking pangangatawan.

"S-Shawn!" tawag ko rito at tumingin naman ito sa amin ni Elle.

"Bro!" malakas nitong sabi.

Nakamayan kami dahil sa wakas hindi na kami nagkasalisihan.

"Sa wakas pre! Akala ko talaga may iba pa tayong kasama rito eh." ani nito habang napapakamot pa sa ulo.

"Kami lang ni Elle 'yon!" tawa kong sabi hanggang sa laking gulat ko wala na sa tabi ko si Elle.

Shit nasaan na naman siya?!

"Pre nawawala na naman yata si Elle!" sigaw ni Shawn na siyang mas ikinakaba kong muli.

Hanggang sa dahan-dahan nagdilim ang mga mata ko at hindi ko makita ni marinig ang sinasabi ni Shawn. Tanging boses ng isang lalaki ang namayani.Humahalakhak ito hanggang sa tuluyan nang magsara ang mga mata ko.

SANDALI.... Huling nasabi ko.




Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 344K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
10.8K 735 51
TO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man...
14.1K 446 44
CLASS-10: STAR SECTION (A story about friendship, family, school happenings, bullies, life and love.) Written By: Ginniebee Genre: Teen-fiction, Rom...