Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

16K 856 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 11

246 15 28
By aLeiatasyo

Nasa opisina ako ngayon, umagang umaga para tapusin agad ang trabaho ko sa publication para ngayong araw. Mamaya kasing hapon ay magiging abala ako sa pag-aaral. Malapit na ang exams.

Ang kaso, hindi ako makapagconcentrate dahil nandito si Isobel at Wynona, nagdadaldalan.

"Kilala ko na 'yong sinigaw ni Seth nung concert nila," pagsisimula ni Isobel sa panibagong topic ng chismisan nila.

Pinapanood ko lang sila, humihiling na sana ay mapansin nila ako. 

"Oo nga! Pajarillaga pala apelyido nun, tapos bagong lipat lang this year!" sabi ni Wyn. 

Naku talaga. Walang epekto ang paninitig ko sa kanila!

"Nakita mo ba na siya? Ang ganda ganda, sobrang amo ng mukha! No doubt na magugustuhan talaga siya ng kahit sino."

Napailing ako. Ilang beses na sigurong nabulunan ang pinag-uusapan nila.

"Nasa kaniya na ang lahat! Maganda na tapos may pogi pang boyfriend! Have you seen his eyes up close? Grabe!" 

Iyon na 'yon? Lahat na 'yon para sakanila?

"Nakakainggit!"

I cleared my throat. Sabay silang napatingin sa akin.

"Wala ba kayong klase?" tanong ko. Nagtinginan naman sila bago napatingin sa relo nila at biglang nag-panic nang makitang mahuhuli na sila. "Omg!"

"Una na kami, Ate Trey! Take it easy sa work!" paalam ni Isobel. Kumaway naman si Wynona bago nagsara ang pinto.

Ayaw kong nakakarinig ng inggit mula sa ibang tao. Kapag ganoon kasi ay may tsansa na maisip ko rin iyon at magbalik ang mga pag-aalala ko sa mga bagay na wala sa akin. 

Hindi magandang pakiramdam ang inggit o selos. Nakakaubos ito. Hindi rin tama na maramdaman ito, lalo na kapag may kasamang galit sa taong kinaiinggitan. 

It burns you alive.

Hindi na rin ako nagtagal sa opisina dahil ako mismo ay may pasok rin naman, iyon nga lang ay pagdating ko sa classroom, free time din pala. "Use this time to review for the upcoming examinations." sabi ng prof.

Nagdiwang naman ang mga kaklase ko kaya napailing ako. Alam kong hindi nila gagamitin ito para mag-aral.

"Uy, tara! Sino gustong pumunta sa sports annex, balita ko may mga bisita doon galing sa ibang school. Malay niyo nandoon na pala ang the one!" dinig kong yaya ng isa kong kaklase.

See? 

Maaaring star section kami pero mahilig din sila sa last-minute na pagrereview. Sabi nila, kapag daw limang minuto na lang bago ang pagsusulit, doon lang pumapasok ang impormasyon sa utak nila.

Sino ba naman ako para pagdudahan iyon? 

"What are you going to do, Trey? Kain na lang tayo," sabi ni Ryone na kakalapit lang sa akin. 

Umiling ako, tinatanggihan ang offer niya. "Mag-aaral ako, Ry. Hindi mo ako maiimpluwensiyahan ngayon."

"Dali na kasi! Sa may basement canteen na lang, para malapit? Pretty please?" Kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya at ngumuso para magpaawa.

Harap-harapan akong nangilabot sa ginawa niya kaya hinampas niya ako. "Hoy! Ano 'yon, Astraea? I am so cute kaya! It works on Shun!"

Inalis ko na ang tingin ko sa gawi niya para bumalik sa librong binabasa ko.

"Ayun pala, may jowa ka naman. Sunduin mo doon sa daycare at kayo ang mag-date." sabi ko na may halong panloloko sa boses.

"Bwiset!" Natawa ako sa sinabi niya dahil may accent pa ito. Padabog naman siyang naglakad papalayo, at sigurado akong gagawin niya naman iyong huli kong sinabi.

Nang tahimik na sa classroom at matapos ako sa pagrereview sa isang subject ay bigla naman akong nabagot. Nasaan iyong mga maiingay kong kaklase kapag kailangan ko ang mga bunganga nila para malibang ako?

Puntahan ko kaya sila? Nasa sports annex yung mga iyon panigurado, nanonood siguro ng basketball game, kalaban ng school namin ang iba pang school. Private meet yata ang tawag? 'Di ako sigurado.

Naglakad na ako papunta sa annex at hindi pa man ako nakakalapit ay rinig na rinig ko ang mga torotot at sigawan na nanggagaling mula doon, at dahil malakas talaga ito ay hula kong sa soccer field ito nanggagaling.Nagmistulang intramurals dahil sa ingay. 

"Astraea!" 

Halos masilaw ako sa ngiti ng lalaking kumakaway sa akin. Nandoon siya sa may bleachers sa side ng soccer field. Tinapik niya ang espasyo sa may kaliwa niya habang si Ashriel Seth ang nasa kanan.

Wala na bang pwedeng maupuan? Luminga ako sa paligid at pinadaan ko ang mata ko sa mga bleachers at wala akong makitang bakante! Grabe! Sino ba itong mga naglalaro na 'to?

Lumapit na ako sa kanilang dalawa para doon maupo. 

Wala naman kasi akong choice, 'di ba? Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ko 'to gagawin! Hindi naman sa gusto ko siyang makatabi.

"Paano kayo nakapag-save ng pwesto?" tanong ko nang makalapit ako. Tumabi na ako sa kaniya. 

Tinuro niya iyong isang malaking plastik na puno ng mga pinagkainan. "Kita mo 'yan?" tanong niya na tinanguan ko naman.

"Sa amin lahat 'yan. Nakapatong lahat sa upuan na inuupuan mo ngayon, kaso ngayon ubos na." natatawa niyang sabi. Nanlaki ang mata ko. "Kayong dalawa lang ang kumain nito?!"

Sa nakikita ko, may milktea doon, mga pinagkainan ng fries, papel na nakabalot sa burger, mga cup na para sa fishball na tinda dito lang sa annex. Talk about unhealthy! 

"You are unbelievable." 

Tumawa lang siya habang walang ekspresyon ang nasa tabi niya. "Kanina pa kasi kami dito. Of course, we'd get hungry."

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Nag-cutting?"

"Yeah. He put me in this situation." Si Seth ang sumagot para sa kaniya. Agad naman siyang hinarap ni Kenjiro, "Ashriel! Ang sabi mo, secret lang na ako ang nagpilit sa'yo!"

"It wasn't a promise."

"Well, it should have been!"

"Okay. Promise."

"Sinabi mo na kay Trey, eh! Hangal!"

They keep promises with each other? Hindi ko napigilan na matawa dahil nacute-an ako sa pagkakaibigan nila. They seem like polar opposites, not gonna lie.

Si Ashriel ay tahimik at mukhang natural na ang pagiging marahas ng itsura niya, na para bang laging galit. Samantalang si Kenjiro ay malayong malayo sa pagiging tahimik at bulag na lang ang hindi makakapansin na palaging maaliwalas ang ekspresyon niya.

"That Escadejas is something, huh." komento ni Seth tungkol doon sa player na kaka-goal lang. 

Napatingin naman ako sa mismong laro. "Which Escadejas? There's like a battalion of them." tanong ni Jiro.

Oo nga, no. Iilang Escadejas ang nakikita ko sa mga naglalaro para sa kabilang school at may iilan pa na nasa bench lang nila. 

"Eros." Tinuro ni Ashriel iyong player na Escadejas E. ang pangalan sa likod ng kaniyang jersey. Medyo malayo at malilikot ang galaw nila kaya hindi ko masyadong makuha ang itsura niya.

"He's probably the ace player."

Tahimik lang silang nagmamasid sa laro at nagrereact paminsan-minsan. Hindi ko gaanong naiintindihan ang laro at ang nasa isip ko lang ay nanonood ako ng mga taong tumatakbo sa isang malaking field.

"Sino iyong bagong pasok?" tanong ni Jiro na medyo nakahilig kay Ashriel nang itanong iyon. 

"Another Escadejas. I don't think there's an end to them."

Niliitan ko ang mata ko para mas makita pa iyong itsura ng mga manlalaro. Napansin ko na halos magkakahawig ang mga parehong Escadejas na apelyido. Magkakapatid siguro?

"Damn." bigong sabi ni Ashriel.

Ginaya naman siya ni Jiro, "Damn!"

Natapos ang laro at natalo ang school namin doon sa school nung mga Escadejas na pinag-uusapan nina Kenjiro kanina. "Nag-cutting tayo para pala matalo!" reklamo ni Kenjiro.

Pababa na kami sa bleachers at nauuna ako sa kanila. Nang makababa na ako ay tumalikod ako para hintayin sila nang biglang tinulak ni Ashriel si Kenjiro sa may hagdanan, dahilan para mapahawak ito sa railings.

"Tangina?!" rinig kong sabi ni Jiro.

Nagtaas ng dalawang kamay si Ashriel, walang halong malisya sa mukha at talagang inosente kung tignan, "It wasn't me."

Walang makakaalam kung gaano ko pinigilan ang tawa ko nang naniwala si Jiro sa kaniya. 

"Saan punta mo niyan, Trey?" tanong ni Jiro nang makalapit na sila sa akin. Nakatingin siya sa akin habang ang kaibigan niya ay nasa likod niya at sa kung saan-saan na nakatuon ang atensyon.

Tinuro ko iyong gym kung saan ang basketball court. Wala kasi sa open field ang mga kaklase ko kaya baka nandoon sila sa basketball games. 

Tumango si Jiro, "Samahan kita."

"No, no! Kaya ko naman." 

Hindi niya ako pinansin at lumapit siya kay Ashriel. Tinapik niya ito sa balikat at may ibinulong. Tumango naman ang kaibigan at naglakad na papalayo, wala nang kung anu-anong pasabi pa.

"Tara?" 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko naman kailangan ng kasama!"

"Hindi ko naman kailangan ng kasama!" Inulit niya ang sinabi ko pero sa tonong nang-aasar. 

Nairita ako doon pero may ngiti sa labi ko nang binatukan ko siya. "Pang-asar ka! Lumayas ka rito!"

Umiilag naman siya sa palo ko, "Let me! Gusto ko lang namang makasama ka!"

Napatigil ako at tinignan siya. 

Tumigil rin siya at tumingin sa akin, nagtataka.

How can he say those words so easily? Wala bang bigat sa kaniya ang mga salitang binibitawan niya?

Humalukipkip nalang ako at naglakad nang ganoon. Sumunod naman siya sa akin papasok sa gym.

Pagkapasok ay tumambad sa amin ang punong-puno na gym at kung titingala kami nang kaunti ay nandoon sa magkabilang gilid ng court ang mga bleachers. 

Hahanapin ko palang sana sa crowd ang mga kaklase ko nang maituro na sila ni Kenjiro sa akin. "Ayun sina Ms. Managing Editor. Kasama si Shun tsaka kaklase mo siguro ang iba."

Sinundan ko ng tingin ang turo niya at nakitang tama nga siya. Nasa kaliwang bleachers ang mga kaklase ko at nandoon pa sila talaga sa pinakataas. May hawak silang mga kulay maroon at gold na pahabang lobo, opisyal na kulay ng eskwelahan namin.

Umakyat kami ni Kenjiro sa may bleachers area at may isa pang hagdanan na aakyatin para makarating kami sa mga kaklase ko.

Napalunok ako. Takot ako sa matataas. Lalo na't gawa sa bakal ang bleachers na ito, at kung nasa taas ka't titingin ka sa ilalim at makikita mo ang pinakababa at pakiramdam mo'y mahuhulog ka.

Humakbang nang isa si Kenjiro doon pero napahawak ako agad sa dulo ng polo niya. God! Parang ayaw kong umakyat! 

Naagaw ko naman ang atensyon niya. Tumingala ako para tignan siya sa mata, ang kuryoso niyang ekspresyon ay biglang umamo. "Natatakot ka ba?"

Hindi ako sumagot. Mas hinigpitan ko lang ang kapit ko sa damit niya. Nanginginig na rin ang kamay ko habang tinitignan ang taas ng aakyatin namin.

Bumaba si Kenjiro at sinamahan ako muli sa kinatatayuan ko. "Pwede namang dito na lang tayo..." mahinahong sabi niya. Umiling ako. Gusto ko rin naman makasama iyong mga kaklase ko. 

"I don't want to miss the fun." sabi ko.

Iginiya ni Kenjiro ang hagdanan, pinapauna ako sa pag-akyat. "Mauna ka! Hindi ko kaya!" nagpapanic kong sabi.

Hindi ko inakala na hahawakan niya ang kamay ko. Mahigpit na mahigpit iyon at mataman niya akong tinignan sa mata, "Come on. Ako ang bahala."

"What if I fall?!"

Umiling siya. "I won't let that happen. Sige na, akyat na." 

Kung mahigpit na ang hawak niya sa kamay ko mula sa may likuran ko ay mas hinigpitan ko ang kapit dito. Nakita ko ang isa niya pang kamay na nasa gilid ko, nakahawak sa railings at tila kinukulong ako. Napahinga ako nang maluwag.

I suddenly felt safe. Hindi ko namalayan na nakaakyat na pala ako. 

"Oh, Trey! You will follow us din naman pala!" Si Ryone ang unang nakapansin sa pagdating namin. Napatigil siya nang makita kung sino ang nakaalalay mula sa likuran ko at nagpakita ng malisyosang ngiti. 

Oh, stop it. Wala lang 'to!

Nakisali na kami sa panonood kasama nila kahit na hindi ko mapantayan ang enerhiya nila sa pagch-cheer. 

"Mga taksil ang sinamahan ko!" malakas na sabi ni Jiro dahil kasagsagan iyon ng pagsigaw ng mga kaklase ko nang makapuntos ang kalaban ng school namin.

"Walang pogi sa atin!" sigaw pabalik ni Wency. Napatigil nang marealize kung sino ang sinagot niya. Kinalabit niya si Erika at Francene, hanggang sa nagkalabitan na silang lahat at sa amin na ang atensyon.

"Merong pogi sa atin!" bawi ni Wency sa huling sinabi.

Napahilamos nang mukha si Kenjiro habang natatawa. These are my classmates for you, Jiro. Seryoso sa pag-aaral, pero pagdating sa ibang bagay ay ibang usapan na rin. Chaotic at magugulo pagdating sa ganito. 

Magalaw ang mga kaklase ko at nagtatalunan kaya nakapirmi lang ako sa kinauupuan ko. Nakakatakot na baka bumigay itong bleachers at mahulog kaming lahat! Abot-kamay na kaya ni Kenjiro ang ceiling mula sa pinakamataas na parte na 'to!

Isa pang puntos mula sa kalaban parin ay nagwala na talaga ng mga kaklase ko at umuga ang bleachers dahil sa likot. Napatingin tuloy ako sa ilalim na kanina ko pa iniiwasan!

"Shit!" hindi ko mapigilang sabi habang naghahanap ng makakapitan.

Sa oras na ito, naramdaman ko nanaman ang pagkalam ng tiyan ko, pagkahilo, at lahat lahat na nang maramdaman na si Kenjiro ang mismong humanap sa kapit ko. Hindi ko kinailangan na tanungin siya... ginawa niya mismo.

Kanina'y nakatayo siya, ngayon ay umupo siya sa tabi ko at inilagay ang braso niya sa kabilang gilid ko, sa may tabi kaya ramdam ko ang kaunting parte ng dibdib niya sa balikat ko.

"Ayos ka lang?"

"A-akala ko... masisira..."

Tinuro niya ang beam sa ceiling at naalala ko na kanina niya pa ito kinakapitan. Akala ko ay dahil nangangalay lang siya kaya doon siya umupo. 

Ngayon ko lang napagtanto na hindi niya hinayaan na doon ako maupo dahil kung masisira man ang bleachers ay iyon din ang babagsak at kung sino man ang malas na nakaupo sa pwesto niya ngayon ay siya ang unang mababagsakan. Praning na kung praning, pero dati ko pa inisip ang posibilidad na mangyari iyon!

I am overthinking this, right? Siguro ay coincidence lang na dito ako naupo ay doon naman siya.

"Kung masisira man 'to, ako naman ang unang masasaktan." sabi niya, walang bakas ng pagbibiro sa tono.

Continue Reading

You'll Also Like

Gleaming Part By Zea

Teen Fiction

7.7K 378 43
Eugene Darius Fernando Millicent Cadie Rom When you have someone special during your high school years, what is it called? Is it Puppy Love? Is it Fi...
212K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
174K 700 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
69.4K 2.2K 46
Morpheus Maximus Buenvenidez, the arrogant, typical bad boy-cool guy and Richela Dela Vega's childhood crush was Allison Celeste's ex-boyfriend who c...