Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 10

237 14 23
By aLeiatasyo

"Why cry... Ate?"

Nasa sala kami, sa carpet si Amiel at naglalaro habang ako naman ay nasa couch at pinapanood lang siya nang tumingala siya sa akin at tinanong iyon.

Nanlaki ang mata ko dahil kanina pa ako tumigil sa pag-iyak magmula nang magising siya. "Huh? Hindi naman ah?"

Gamit ang maliliit niyang paa at kamay ay gumapang siya hanggang sa may paanan ko at niyakap iyon. "Do not cry..."

Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong naiyak at hindi ko napigilan ang luha na lumabas mula sa mata ko. Agad ko itong pinunasan.

"I'm okay, Amiel. Ate is happy na oh?" Ngumiti ako at ni-trace pa ang ngiti sa mukha ko para ipakita sa kaniya. Binuhat ko siya kaya nasa may hita ko na siya ngayon.

Niyakap niya ako, walang ibang sinabi. Ngayon, totoong ngiti ang nagawa ko. Hinaplos ko ang likod niya at ginulo ang kulot niyang buhok.

Buong buhay ko ay mag-isa ako dito sa bahay. Oo, nandito si Lola at si Tita pero ramdam ko parin ang pag-iisa. Nagbago iyon nang dumating si Amiel.

This baby boy... I love him so much. Pakiramdam ko nga ay nanay niya ako dahil parang ako na rin ang nagpalaki sa kaniya sa dalas naming magkasama.

Kung sigurong hindi siya dumating ay nabaliw na ako dito dahil sa sobrang dami kong iniisip. Pero kapag nakikita ko siya ay parang napapawi ang lahat lahat sa isang ngiti niya lang.

Ngiti ng isang bata na wala pang kamuwang-muwang... na hindi pa naiintindihan ang mga problema.

I loved to see it.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.

Napatingin ako sa orasan nang mapatingin ako sa labas at nagsisimula nang lumubog ang araw.

Buong araw ay hindi ako nag-online dahil paniguradong maiinggit lang ako sa kanila. May live updates kasi sa social media bawat may competition na ganito.

Hapon na at siguro'y tapos na competition kaya binuhat ko si Amiel pabalik sa kwarto niya. Pinagtimpla ko siya ng gatas at pinikpik ko ang hita niya hanggang sa makatulog siya.

Huminga ako nang malalim bago bumalik sa kwarto ko at naglakas loob na buksan ang computer.

Hindi na ako nagulat nang ang bungad sa news feed ko ay ang balita na umuwing kampeon ang apat. They must be so, so happy.

Pauwi na siguro sila ngayon? Nagkakanta siguro sila ng school hymn habang iniiba ang tono, tapos papagalitan ulit sila ng mga coach kasi disrespectful daw.

Sinasayaw na siguro ni Matthias ang trophy nila at nagcha-chant ng kung anu-ano na para bang ritwal ng pagpapasalamat... tapos si Alejo ang bahala sa background music.

Si Ambrose siguro ay nakasuot ng noise cancelling earphones dahil sa ingay ng dalawa, dagdagan pa ng maingay na bunganga ni Marj.

Napangiti ako nang mapait. Gustong gusto kong makasama sila. Last year na namin ito pero heto ako ngayon, sa bahay, nakakulong.

Ayaw ko yung pakiramdam na ganito. Pakiramdam ko ay napag-iwanan ako... Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng pagkakataon... ng memorya na sana ay habambuhay kong maaalala at maiikuwento ko sa mga magiging anak ko. Kung hindi ako magkaaanak, edi sa anak ni Ryone.

Habang tumitingin ako sa mga litrato nila na kinuha ngayong araw mula sa contest ay pinipigilan ko na mapaluha. Kasama ako dapat dito! Kasama rin sana ako sa pagsasaya nila ngayon!

Matagumpay ang pagpipigil ko nang luha... hanggang sa may lumitaw na message request at binasa ko iyon.

Jiro Manzanares
Congrats! Galing mo talaga.

Hindi ko iyon nireplyan at bumalik lang sa kama ko para magmukmok muli. See? Ni hindi nila napansin na wala ako doon... Wala ako doon. Walang dapat i-congrats sa akin.

Puno ng tarpaulin na may picture naming AcadTeam ang nakabalandra sa mga building ng iba't ibang strand. Maliban doon ay may indibidbwal rin.

Nakita kong nakasabit ang kay Matthias sa GAS, kay Alejo sa TVL, kay Marj sa ABM, habang ang kay Ambrose ay sa STEM.

Nakatayo kami ni Ryone ngayon sa tapat ng tarpaulin ko at pilit ko itong inaalis pero hindi ko maabot dahil mataas.

"Ano ba yan, girl?! Ang ganda ganda mo naman sa picture, bakit mo inaalis ba?"

"Ang weird kaya! Lahat ng dadaan sa building ay makikita ito!" paliwanag ko sa paraan na maiintindihan niya. Kapag naman kasi sinabi ko ang totoo, na ayaw ko ng mga tarpaulin na may Congratulations dahil sumasakit lang ang loob ko sa katotohanan na wala naman ako nung mismong araw ng kompetisyon.

Sadyang maaga lang nilang ginagawa ang mga 'to dahil ganoon sila katiwala na mananalo kami.

Sinukuan ko na ang pagsubok na tanggalin iyon dahil mukhang hindi iyon matatanggal nang manu-mano.

"Look, oh! They haven't lost a single competition since Ambrose Montagna came." dinig kong sabi ng isa sa grupo ng mga babae na napadaan at napatingin sa group tarp namin.

Napatango ako sa sarili.

That's right. Kahit wala ako doon ay hindi naman kawalan dahil kayang kaya nila kahit wala ako. Like I said, Ambrose can be a one-man team. Ganoon din ang tatlo pa kung mas magseseryoso lang sila.

"Huy! Astraea Salonga is really good din kaya!" tawag ni Ry sa mga babae na 'yon. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang binatukan. Buti na lang at nakalayo na iyong mga babae at hindi na siya narinig.

"Stop it! Selene Ryone!"

Inikutan niya ako ng mata. Aba, itong babaeng 'to talaga! "What? They talk like Ambrose Montagna is the only person in the group kaya!"

"You are so smart din, you deserve the recognition, too!" dagdag paliwanag niya pa. Maaaring tama siya, pero sa ngayon ay hindi dahil talagang wala naman ako sa competition na lumipas.

Hinila ko na lang siya pabalik sa classroom bago pa siya magkalat doon at maging sentro ng atensyon kung saan siya magaling.

Habang nagdidiscuss ang teacher namin sa Philo ay biglang may sumilip sa pintuan at napatingin kaming lahat doon. Nag-react ang mga lalaki kong kaklase nang makita na babae iyon. Si Marj.

"Excuse me po?" pagsubok niyang kunin ang atensyon ng teacher na nagsusulat sa blackboard. Napatingin naman ito sa kaniya, "Yes?"

"Si Salonga po, sana... Wanted po sa library."

Inangat ko ang ulo ko para makita niya ako at tinaas ko ang kamay ko para mahanap ako ng prof. "Okay. You may go..."

Iniwan ko na lang ang bag ko at inihabilin iyon kay Erika na katabi ko. Dumaan ako sa backdoor at nakitang nandoon na rin si Marj.

"Treytrey!" agad niyang sigaw pagkakita sa akin at niyakap ako. Napatingin ang mga kaklase ko dahil hindi pa tuluyang nagsasara ang pintuan.

Natawa ako sa mataas na enerhiya niya. Bumitaw ako sa yakap, "Anong meron?"

Hindi siya sumagot at kinuha niya lang ang kamay ko. Tumakbo siya kaya napatakbo na rin ako, "Marj! Dahan-dahan lang, baka madapa tayo!"

Syempre, hindi siya nakinig sa akin hanggang sa hingal na hingal akong tumigil sa may library habang siya ay parang hindi man lang natinag.

Edi kayo na ang athletic at 'di mabilis mapagod!

Pagpasok namin doon ay nandoon si Ambrose sa first floor ng library at hawak niya ang isang trophy na ngayon ko lang nakita. Tatayo sana siya nang magtama ang tingin namin pero ako na ang lumapit at umupo sa tapat niya sa lamesa.

"Hey," bati niya

Pinanliitan ko siya ng mata. "Hey, hey ka d'yan! Cool kid!"

"How are you? We missed you last Saturday." sabi niya. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri ko sa lamesa.

"Ayos lang naman? Sure naman akong mananalo kayo, eh! Kaya hindi na ako kinabahan!" Tumawa pa ako nang pilit.

Napaangat ang tingin ko nang inilapag niya ang trophy na napanalunan nila sa harapan ko. "This belongs to you, too."

Suminghap ako at mabilis na nagpikit-pikit ng mata dahil sa nagbabadyang luha.

"Heh! Ano ka ba? Wala naman ako nun... pero babawi ako sa susunod! I will definitely help next time!" sabi ko.

Lumingon si Ambrose sa kaliwa ko kaya napalingon rin ako. Si Matt at Alejo ay bumababa mula sa second floor at may dalang mga libro na babasahin siguro nila. Nang makita nila ako ay ngumiti sila at halos tumakbo hanggang makalapit sa akin.

"Treya!" Ginulo ni Alejo ang buhok ko nang makalapit sa akin.

Si Matthias naman ay inilahad ang kamay. In-apiran ko ito. "Yo, Trey!"

"She doesn't want to acknowledge the trophy." pagsusumbong ni Ambrose sa mga bagong dating.

Ngumiti naman si Alejo. "Why not? We literally survived the deadly History questions because of her."

"I know right! Naririnig ko sa utak ko iyong maingay niyang pagrereview kapag nagmememorize! Na-memorize ko din tuloy!" Tumawa si Marj.

"Nandoon naman si Ambrose! Sisiw lang sa kaniya ang ganun."

"Eh, ayaw niya sumagot ng History! Bwisit yan!"

Napatingin naman ako kay Ambrose na tinaasan ako ng kilay, "I didn't want to answer the questions that are not meant for me. You know full well that I only believe in you when it comes down to that."

"Surrender this with us. It's our win, Astraea." dagdag pa ni Ambrose.

Ang mga trophy kasi ay bawal i-uwi ng mga estudyante kahit sila pa ang nakapanalo nito. Ang magagawa lang nila ay i-surrender ito sa office na may kasamang courtesy call.

"Wala naman akong ambag!" pagdadahilan ko.

Si Matt ang nagsalita, "We are a team, Trey! Panalo ng isa, panalo ng lahat. Hindi pwedeng may maiiwan!"

Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti. Hindi ako makapaniwala sa mga taong nasa harapan ko ngayon. I do not deserve them.

Tumayo si Ambrose at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at humilig nang kaunti para idikit ako sa katawan niya. "You heard them. Let's go."

Hindi ko mapigilan na matawa, "Hala siya! Maging crush kita nyan!"

"Yeah, I suggest you don't." Ngumiti siya nang nakakaloko at sobra sobra ang paghahangad ko ng cellphone sa oras na iyon para makuhanan ng picture! Kainis!

Nasunod ang gusto nila at kasama ako sa courtesy call kung saan kinausap lang kami ng principal at kinumusta ang mismong competition. Nagpose para sa iilang picture, tapos binigyan kami ng incentives pati na rin ang mga coach.

Nilingon ko sina Matt, Alejo, Marj, at Ambrose na nginitian ako.

Sino ang mag-aakala na sa pagsisipag kong mag-aral ay makakasali ako sa grupo na 'to? Na makikilala ko sila?

Palagi talagang nakakahanap ng paraan ang tadhana... o kung sino man ang namamahala sa pagtakbo ng buhay natin.

Pagdating ng dismissal ay tumakbo kami ni Ryone papunta sa opisina.

Pagpasok namin doon ay punong puno ng mga gamit para sa dekorasyon. Ang mga staff ay nasa sahig at may iba't ibang ginagawa. "Good afternoon, Ate Trey! Ryone!" bati sa amin ni Wynona.

Nakapamaywang na hinarap ito ni Ry, "Bakit sa akin, walang ate?!"

"Ate...Ry..." pilit na pilit na sabi ng Wyn. Natawa naman ako. Hindi talaga sila nasanay na mag-Ate kay Ryone dahil palaging tropa kung makipag-usap siya sa kanila. Hindi tulad namin ni Nigel na naiintimidate daw sila sa umpisa.

"Sino ang kasama ni Nigel ngayon?" tanong ko sa kanila. Umupo ako sa sofa at inabot ang lobo at ang pambomba ng mga ito.

"Sina Ezequiel... Zion." sagot ni Isobel.

Birthday kasi ni Nigel ngayon at balak namin siyang sorpresahin. Kaso nga lang, busy ang schedule ng lahat kaya ngayong hapon lang kami nagkaroon ng oras para mag-ayos.

Kaya ayun, pinadala namin ang mga lalaking staff para guluhin muna si Nigel at siguraduhin na hindi siya pupunta rito hanggat hindi kami natatapos.

Si Ryone ang siyang bahala sa pagkain dahil nagpresinta siya na gawin ito. 'Di na rin naman nagtagal ay dumating na ang pina-cater niyang pagkain na sobrang dami at parang isang buong barangay ang pakakainin.

Habang nagtatrabaho sa dekorasyon ay nagkakantahan lang kami ng kung ano ang pumasok sa isip namin na kanta. Nakatayo ako ngayon sa upuan at inaabutan ako ni Isobel ng mga tape para sa mga letra ng Happy Birthday na idinidikit ko.

"Pakikuha nga iyong—"

Napatigil ako nang si Kenjiro ang makita kong nag-aabot na pala sa akin ng tape! "Manzanares?!" nagpapanic kong sabi kahit malinaw pa sa araw na siya talaga ang nasa harapan ko ngayon.

"Wow. Took you long enough." natatawa niyang sabi.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan at pigil ang hininga nang si Nigel na ang papasok. Sabay-sabay nilang pinaputok ang mga party popper.

"Happy Birthday!" sigaw namin. Sa sobrang excitement ko ay bahagya akong tumalon, nakakalimutan kung ano ang pinapatungan ko ngayon.

Hindi ko nakuhang makita ang reaksyon ni Nigel dahil umuga ang upuan na kinatatayuan ko at napapapikit ako nang mahuhulog na ako.

Ang tanga lang, Trey!

Naghintay ako ngunit hindi ako nakaramdam ng sahig sa kahit anong bahagi ng katawan ko. Sa halip, naramdaman kong nasa braso ako ng kung sino.

Pagdilat ko ng mata ko ay tumambad sa akin ang kayumangging kulay ng mga kata ni Kenjiro. "Are you okay?"

Ang laking ng pasasalamat ko nang walang ibang nakakita sa amin dahil nasa pinakalikod kami.

Tumango ako, taliwas sa nararamdaman ng sistema ko ngayon.

"You definitely do not know how to plan surprises. I knew this was gonna happen the moment you planned it." natatawang sabi ni Nigel. Tinignan nila nang masama si Ryone dahil alam nilang siya ang hindi magaling magtago ng ganito.

"But thank you, really. I appreciate it." Ito ang huling narinig ko mula kay Nigel bago ako nawala sa matinong pag-iisip... bago muling nasakop ni Kenjiro ang utak ko.

Nakaayos na ako sa pagkakatayo pero ang kamay ni Kenjiro ay nasa braso ko parin. Parang nakayakap tuloy siya sa akin mula sa likuran.

Nakitawa si Jiro sa mga staff namin, nailantad ang magaganda niyang ngipin kasabay ng nakakahawang tawa.

Parang lalagnatin ako!

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 400 48
Art Series #1: Pleasuring Stain Zonnique knows how to value smallest thing in life, even the ones that people considered as useless things. Broken v...
17.8K 504 42
Cantalojaz #1 Carolina Ymilliana Monsevaez is the spoiled brat kid of Cantalojaz. She's the daughter of the old rich and influential family that runs...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
71.6K 2.3K 48
Emory Myrcelle Detera never liked Inigo Rye Uvero. He's playful, he takes life so lightly and he's often seen with different girls. Lahat ng ayaw niy...