Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 36

95 10 1
By aseener

Kabanata 36

Naupo ako sa bench sa unang beses ngayong araw, tinanggal ko ang mask na suot. Suot ko pa rin ang green scrub suit ko. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at napabuntong hininga, iginala ko ang tingin sa kabuuan ng hallway bago mariin na pumikit.

I just witnessed another death. Hindi katulad noong unang beses ko na namatayan ng pasyente ang pakiramdam ko, pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot. Pero walang dahilan para hindi magpatuloy. Sa uri ng trabaho ko natural na lang ang mga ganitong bagay kaya kailangan kong masanay, kailangan.

Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Sa kalagitnaan ng hallway ay binati ako ng mga doctor at nurse na nakasalubong, tango at tipid na ngiti lang ang ginanti ko.

Nang matapat sa office ko ay pipihitin ko na sana ang sedura ng bigla akong makaramdam ng hilo. Napapikit ako at isinandal ang noo sa pinto at saka yon marahang hinilot.

"Doc! Are you alright?"

Saglit kong pinakiramdaman ang sarili bago umayos ng tayo at lingunin ang nag salita.

"I'm good, nahilo lang."

"Are you sure?" paninigurado niya.

Ngumiti ako at marahang tumango. "Oo ayos lang, salamat."

"Hmmm, kung ganoon mauuna na 'ko."

"Ingat doc!" paalam ko at saka siya sinundan ng tingin, bigla akong natigilan nang maalala ang nangyari.

Muli kong hinawakan ang sentido at pinakiramdaman ang sarili, nang walang mapansin na kakaiba, bukod sa pagkahilo kanina ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng office ko.

Nagpalit lang ako ng damit na suot at saka nagpatong ng coat bago lumabas to get some coffee. Huminto ako sa labas ng office ni Vio ng madaanan 'yon, sumilip ako at nadismaya ng hindi siya makita doon. Nakakatawa na nasa iisang ospital lang kami pero ang dalang naming magkita.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at saka sumakay sa elevator, pinindot ko 'yon upang magsara ngunit hindi 'yon nangyari ng may pumigil doon at saka pumasok at tumabi sa akin.

"Hindi ka mukhang doctor, mukha kang pasyente."

Napairap ako sa hangin bago siya balingan. "Nakakatawa 'yon?"

Mahina siyang natawa at saka ako hinarap sa kaniya. "Totoo bruha! naka white coat ka pa. White lady ka girl?"

"Charls naman e!" padabog kong angil.

Lumabi ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Maputla ka, may sakit ka ba?"

Umiling ako. "Papasok ba ako kung mayroon?"

Nanliit ang mga mata niya at saka pinaling-paling ang mukha ko, na para ba'ng sa ginagawa niya na 'yon ay masasagot ang kaniyang tanong.

"Ano sa tingin mo, ang ginagawa mo?" inis kong tanong at saka humiwalay sa kaniya.

Seryoso pa rin ang itsura niya. "Nag pacheck-up ka na ba?"

Umiling ako. "Wala 'to, sa pagod lang siguro."

Pabiro niya akong tinulak sa may balikat "Gaga, iba 'yang pagka putla mo!"

"Hindi nga kasi, 'wag kang magulo."

Isang linggo na rin ang nakalilipas ng lumipat siya dito, hindi ko pa malalaman kung hindi pa siya bumisita sa office ko. Nakakatawa naman dahil kahit papaano ay kahit sa trabaho ay magkasama pa din kaming dalawa, parang dati lang.

"One order of Latte and Lemon Poppy Seed Muffins."

Mabilis na isinulat ng waiter ang order ko at saka umalis. Ibinaba ko ang Menu na hawak at saka pinaghawak ang mga kamay. Habang naghihintay ay kumuha ako ng mga libro at magazine na puwedeng basahin, napa-awang ang bibig ko ng makita ang cover non.

Minsan lang ako humanga sa mga babaeng nakikita ko, at talaga namang makalaglag panga ang itsura ng babaeng kapartner ni Harvey dito. Silang dalawa ang cover ng magazine na hawak ko. Ang mga singkit nitong mga mata ay para bang nang aakit kapag tinignan. Mas bumagay pa 'yon sa hugis ng kaniyang mukha, tinignan ko ang pangalan sa ibaba.

"Aryah...." usal ko, napatango-tango naman ako bago muling magsalita. "Pati pangalan ang lakas ng dating."

"Here's your order Ma'am."

Isinara ko ang magazine na hawak at iginilid, nginitian ko ang waiter at saka 'yon kinuha. "Thank you."

Lihim na lang akong natawa ng mamula siya at nagmamadaling tumalikod paalis. Bitbit ang inorder ay naglakad ako pabalik sa hospital.
Pagkapasok ay sumakay ako ng elevator at pinindot ang tamang floor. Habang naghihintay ay dumapo ang tingin ko sa salamin sa may elevator. Lumapit ako doon at saka tinignan ang reflection ng sarili. Gamit ang isang kamay ay dinama ko ang aking mukha.

Totoo nga, maputla ako. Binuksan ko ang bag ko at saka nag apply ng tint. Nang makuntento sa ayos ko ay lumabas na ako. Habang naglalakad ay napangiti ako ng makita doon si Vio, magkakasalubong kaming dalawa. Hinagod ko siya ng tingin at nagtaka sa suot niya.

"Uuwi ka na?" tanong ko ng huminto siya sa harap ko.

He nodded. "Ikaw, saan ka pumunta?"

Itinaas ko ang plastic na dala, pinapakita 'yon sa kaniya. "May binili lang."

Bigla akong naawa sa istura niya, nangingitim na ang ibaba ng kaniyang mga mata. Siguro dahil naka straight duty siya, at wala siyang panahon para magpahinga. Hinaplos ko ang mukha niya at saka siya nginitian.

"Go home, alam kong pagod ka."

Hinawakan niya ang kamay ko at saka 'yon binaba habang hawak pa rin niya. "Uhmm I can stay with you.... sa office mo, hihintayin kita."

Kinuha ko ang kamay ko sa kaniya at saka siya marahan na hinampas sa balikat. Tinignan ko ang relo na suot bago siya binalingan. "Wag na, may ilang oras pa kong duty, mauna ka na."

"But─"

Pinigilan ko siya. "Pagkatapos ng duty ko, pupuntahan kita."

Hindi nakaiwas sa akin ang pagkislap ng mga mata niya. "Really?"

Natawa ako at saka tumango. Ngumuso siya at lalapit sana sa akin kaya naman umatras ako.

"Sige na doc!" pagtulak ko sa kaniya.

Nag-umpisa na akong maglakad at tinalikuran siya, kung hindi ko 'to gagawin ay hindi kami uusad at magkukulitan lang doon. Huminto ako at saka siya nilingon.

"Ingat!"

Natigil siya sa paglalakad at saka lumingon, ngumiti ako at saka kumaway. Napailing siya at saka naglakad papunta sa akin na ipinagtaka ko.

"W-what are you doing? Diba sab─ Hoy!"

Hindi na ako nakapagsalita ng kaladkarin niya ako papunta sa office ko. Nang makapasok ay kinuha niya ang mga gamit ko bago niya ako isinandal sa likod ng pinto at angkinin ang mga labi ko. I automatically closed my eyes when he sucked on my lower lip before pushing his tongue inside my mouth. He angled my face before kissing me deeper. I was already panting when he stopped.

"I love you," muli niya akong pinatakan ng halik sa labi. "I love you," ulit niya.

Napangiti ako at saka mahigpit na yumakap sa kaniya. "I love you too."

"Hello. Kamusta?" I asked pagkapasok ko sa room ng pasyente ko. Tila mga sundalo na sabay-sabay na nagtayuan ang pamilya ng pasyente nang makita ako. Tipid akong ngumiti at sumenyas na okay lang dahil sa pagka-ilang.

"Hi. May masakit ba?" I asked Miko, he was around thirteen years old.

He nodded. "Hindi pa po ba tatanggalin 'to, Doc? Ayoko po nito, masakit po," tukoy niya sa suwero na nakakabit sa kamay niya.

"Hindi pa puwede," kinuha ko ang kamay niya at saka marahan 'yong hinaplos. "Tatanggalin ko 'to kapag magaling ka na, so dapat mag pagaling ka na okay?"

Namula at namasa ang kaniyang mga mata na ikinatingin ko sa pamilya niya. Lumapit ang mother niya sa kaniya at saka siya inalo, bigla ay namiss ko si Mommy.

"Doc, okay na po."

Tumayo ako ng magsalita ang nurse na kasama, kinuha ko ang chart na inabot niya bago nagpaalam sa pasyente at sa pamilya nito. Sunod kong pinuntahan ang iba ko pang mga pasyente, matapos mag rounds ay saglit akong huminto sa station upang magsulat sa chart na hawak.

"Ang toxic grabe!"

Nilingon ko ang nagsalita, si Doc Gaia 'yon, naka scrub pa ito. Inilapag niya ang chart na hawak bago bumaling sa akin.

"Sana all fresh."

Natawa naman ako don, itinabi ko ang chart na hawak ng matapos at saka siya nilingon. "Madami kang pasyente?"

Tumango siya at saka humila ng tissue. "Sunod-sunod ang surgery ko ngayon─"

"Doc Alcantara!"

Natawa ako ng peke siyang tumawa. Kahit ganoon ay lumabas pa din ang magkabilang dimples niya na talaga namang bumagay sa kaniya.

"Oh diba? Sana okay pa ko," nilingon niya ang nurse na tumawag sa kaniya. "Wait a minute!"

Hindi ko na siya ginulo at saka nagpaalam ng magsimula siyang magsulat sa chart niya. Dumiretso ako sa office ko at nag-ayos ng sarili, tinignan ko ang wall clock upang makita ang oras. Tapos na ang duty ko kaya naman puwede na akong umuwi. Two days straight ang duty ko at ngayong araw lang ako medyo nakahinga, susulitin ko muna ang oras ko ngayon para makapagpahinga.

Pagkadating sa bahay ay walang sumalubong sa akin kun'di si Manang at ang mga katulong. Umakyat ako sa taas at nag half bath, nagpalit ako ng damit at saka binagsak ang sarili sa kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

Ginising ako ng basa sa aking mukha, naulit pa 'yon ng maramdaman kong may dumili sa aking mukha. Dumilat ako at napangiti ng makitang si Vivi 'yon, pinunasan ko ang aking mukha at saka siya inihiga sa dibdib ko at muling pumikit. Hindi pa kami nagtatagal sa ganoong puwesto ng may maalala ako, nagmamadali akong tumayo dahilan para mahulog si Vivi sa kama.

"Oh my god! I'm sorry Vivi," paumanhin ko.

Nag-ayos ako ng sarili at nagpalit ng damit, gulo-gulo na ang kuwarto ko dahil sa pagmamadali ko. Bakit ko ba kasi nakalimutan na nagsabi nga pala ako kay Vio na pupuntahan ko siya after ng duty ko!

Nang makuntento sa ayos ko ay si Vivi naman ang inayusan ko. Sinuotan ko siya ng damit na binili ko noong isang araw at saka siya sinuotan ng diaper.

"Let's go to daddy... hmmm?."

Sinagot ako ni Vivi ng matinis na tahol. Kinarga ko siya at saka ko kinuha ang bag na dadalhin bago lumabas ng kuwarto.

Habang pababa ng hagdan ay natigilan ako ng may maalala. "My phone!"

Napakamot ako at saka ibinaba si Vivi sa baba ng hagdan. Umupo ako at hinaplos-haplos ang balahibo niya. "Teka lang ha? May nakalimutan si Mommy."

"Eww that's gross! Ate!"

Si Audrey 'yon na kalalabas lang ng kusina, may hawak siyang tasa na may oats sa kanang kamay, at sa kabila naman ay ang cellphone niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Anong kaartehan nanaman 'yan?"

Umismid siya at saka tinapunan ng tingin si Vivi. "Mommy? Really?"

Ngumuso ako at saka tumayo. "Wala kang pakialam okay?" saad ko bago tumalikod. Akmang aakyat na ako ng muli ko siyang lingunin. "Bantayan mo yan ha!"

"Ayoko!"

Bago pumasok sa kuwarto ay rinig ko pa ang sigaw niya, kahit kailan talaga!

Sa biyahe ay nilingon ko si Vivi na nasa passenger seat, nakadapa siya doon habang nakapikit. Napangiti ako ng maalala ang reaction ni Vio ng sabihin ko na gusto kong ipangalan ay  Vivi. Ayaw niyang pumayag dahil malapit sa pangalan niya at ang cringe daw pakinggan, pero hindi ako pumayag at pinanindigan ang gusto ko. Sa huli ay wala din siyang nagawa.

Nang makarating sa bahay nila Vio ay bumaba ako ng sasakyan pagkatapos maipark ang sasakyan. Bitbit ang bag at si Vivi sa magkabilang kamay, nginitian ko ang mga katulong na nakakasalubong.

Marahan at maingat akong pumasok sa front door ng bahay, nagpasalamat ako sa maid na nagbukas non para sa 'kin. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Wala sila Ma'am at Sir, may business trip ho,"  usal ng maid. "Si Ma'am Via at Sir Vio lang po ang nandito."

"Si Ate Via?" tanong ko

"Opo," magalang na sagot ng maid.

Siguro ay bago pa lamang siya dito dahil hindi ko siya kilala at hindi siya pamilyar.

"Oh Aubry ikaw pala."

Nilingon ko ang nagsalita, napangiti ako ng makita ang Mayordoma nila Vio.

Magalang akong tumango at ngumiti. "Dadalawin ko lang po si Vio."

Naglakad ito sa gawi namin at saka nag-utos sa maid na kausap ko. Bumaling siya sa akin. "Si Vio ay nandoon sa itaas at nagpapahinga, si Via naman ay nasa may sala. Puntahan mo na."

Nagpasalamat ako at agad siyang sinunod, dumaan ako sala at totoo ngang nandoon si  Ate Via, ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos noong nangyari sa airport, minsan ay nagkakausap kami sa text pero ang dalang no'n. Naglakad ako papalapit at tumabi sa kaniya, hindi niya agad ako napansin dahil busy siya sa laptop niya.

Ibinaba ko si Vivi sa tabi ko kasama ang bag ko bago yumakap sa kaniya. Naramdaman ko ng matigilan siya at nanlalaki ang mga mata akong nilingon. "Oh my gooood!"

"Ateee, ba't hindi mo sinabing nakauwi ka na pala?" paglalambing ko.

Gumanti siya ng yakap sa akin. "Gosh! Ikaw ba yan? Ano nangyari? Bakit.. paanong—"

Tumawa ako at saka humiwalay sa kaniya. "Namiss kita."

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Namiss din kita, nagulat talaga ako really! Ano.. bakit ka nandito?" sumeryoso siya

Ngumuso ako at saka nagbaba ng tingin. Iniangat niya ang baba ko. "Don't tell me... okay na kayo? Totoo ba? Baka prank to."

Ngumiti ako at saka tumango. "Okay na kami ate."

Suminghap siya at saka mabilis na tumayo. Umirap siya sa hangin bago ako muling tignan. "Bakit hindi mo man lang sinabi? Bakit hindi mo ako binalitaan?"

Tanging ngiwi lang ang isinagot ko sa kaniya, sa sobrang busy ko hindi ko na naalala pang magkuwento sa kaniya.

Pumadyak siya. "Tapos! Tapos yung punyetang 'yon!" Nag-angat siya ng tingin sa ikalawang palapag ng bahay nila. "Halos tuwing linggo kaming nagkikita hindi man lang siya nagkuwento!" nag hihisterical na sabi niya.

Napatingin siya sa tabi ko kung nasaan si Vivi. Naupo siya doon at saka binuhat. "Ang cute mo naman..." nilingon niya ako. "Anong breed niya?"

Nakihaplos ako kay Vivi bago sumagot. "Maltese."

Tumango siya at saka pinanggigilan si Vivi na imbis na mainis ay tuwang-tuwa pa.

Natawa na lang ako dahil don, hindi pa natapos doon ang reklamo niya at binalikan niya pa ang nangyari noon. Si Vio ang ipinunta ko pero halos isang oras na kaming dalawa nag-uusap at hindi man lang niya ako nilubayan, kahit na sinabi ko na pupuntahan ko si Vio ay hindi siya pumayag. Bilang kabayaran daw ay kailangan sa kaniya muna ako, wala na akong nagawa kun'di ang pumayag.

"Tikman mo, masarap 'yan," Ate Via said at saka inilapag sa harapan ko ang binake niyang Cranberry Bread.

Sinunod ko siya at saka humiwa at tinakman 'yon, yumuko siya at hinintay ang reaction ko sa binake niya. Pumikit ako ninamnam ang lasa ng bread sa bibig ko.

Dumilat ako at saktong nagtama ang paningin naming dalawa, kunwaring sumimangot ako na ikinalungkot niya, umayos siya ng tayo kaya naman mahina akong tumawa na ikinatingin niya.

Nag thumbs up ako. "Masarap!"

Lumiwanag ang kaninang malungkot niyang mga mata. "Talaga? Oh my god! Ang galing ko talaga!" tili niya na ikinatawa naming dalawa.

Busy ako sa pagkain ng mga niluluto ni Ate Via, pinakagusto ko ang binake niyang Cranberry Bread kaya naman nanghingi pa ako ng take out sa kaniya. Ngayon naman ay putahe ang niluluto niya, gabi na rin kaya naman dinamihan niya na. Hindi ko na napansin ang oras at masyado akong nalibang dito sa kusina.

"Eto tikman mo, anong lasa?" Iniabot niya sa akin ang platito na agad ko namang tinikman. Sinigang 'yon kaya naman napakabango ng amoy, nangasim ang mukha ko ng malasahan 'yon, sumobra sa asim pero nag thumbs up pa din ako, na ikinatuwa niya.

Umalis siya at saka bumalik na may dalang mangkok, inihilera niya 'yon sa harap ko. Binilang ko ang mga putahe na nasa harapan ko, nasa lima na 'yon hindi pa kasama ang binake niya. Naglagay siya ng kanin at saka nag-abot sa akin ng bagong utensils.

"Kumain ka lang diyan, gagawa lang ako ng dessert," paalam niya.

"Pero ate, ang dami na—" napahinto ako ng makitang wala na pala akong kausap.

Napanguso na lang ako at nagsimulang kumain, salit-salitan ang ginawa kong pagtikim. Sumandok ako ng kanin at kumuha ng adobo bago nagsimulang kumain. Napunta ang tingin ko sa fried chicken na para ba'ng kumakaway sa 'kin. Inilapag ko ang kutsara na hawak at kumuha ng isang piraso, akmang kakagatan ko na 'yon ng makuha ang atensyon ko ni Vio na ngayon ay nakatayo sa may pinto ng kusina.

Nahiya naman ako at tipid na kumagat sa chicken na hawak. Nakakrus ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib at mariin ang titig sa akin.

"Heto pa! Tikman mo ulit," naputol ang titigan namin ng sumulpot si Ate Via sa kung saan.

Nag abot siya sa akin ng bagong bake na Cranberry Bread, nanuot ang amoy non sa ilong ko kaya naman hindi na ako nagreklamo at tumikim na lang. "Hmmmmm, ang sarap talaga nito ate."

Tatango-tango kong sabi habang nginunguya ang bread. Ngumiti siya sa akin at kumindat. "Take out mo na 'to?"

Nagliwanag ang mukha ko. "Puwede ba?"

"Oo naman—"

"Kaya naman pala.... nang-agaw nanaman ang isa diyan."

Pareho kaming natigilan ng pumasok sa kusina si Vio, lumapit siya sa akin at humalik sa noo ko na ikinangiti ko. Umupo siya sa tabi ko at inis na tinignan ang nakatatanda niyang kapatid.

"Ate, ako ang ipinunta niya dito—"

Umismid si Ate Via. "Paki ko naman."

Suminghap si Vio. "Look at that attitude!" nilingon niya ako. "Babe, please, 'wag kang panay dikit diyan."

"Tigil-tigilan mo 'ko diyan Vio ha!" nameywang si Ate Via. "Umaano ka ba kasi dito?"

Nang-iinis na tumawa si Vio at umakbay sa 'kin. "Kasi nandito ang misis ko?"

Umaktong parang nandidiri ito "Umalis-alis ka dito, kami lang dito. Hindi ka belong okay?" maarteng sabi ni Ate Via at saka umalis sa harapan namin.

"Ayoko! Mag asawa ka na kasi, para hindi ka nang-aagaw diyan!" sigaw ni Vio.

"Hoy! Sira ka talaga," suway ko at saka sumubo ng bread.

Inis niya akong binalingan. "Tapos ikaw naman, sama ka nang sama don. Sabi mo pupuntahan mo 'ko?"

Uminom ako ng tubig bago siya masamang tinignan. "Pinuntahan naman kita ah! Kaya nga ako nandito."

"Hah!" umismid siya. "Nandoon ako" itinuro niya ang ikalawang palapag. "Tapos nandito ka, imbis na ako ang kaharap mo, kasama mo 'yong nakakainis na babae na 'yon!" tukoy niya sa kapatid.

"Punyet, naririnig kita!" sigaw ni ate Via na ikinatawa ko.

"Tumawa pa nga, tibay," usal ni Vio na ikinatigil ko. I bit my lower lip at saka siya hinawakan sa bewang.

"Sorry na, nakapag pahinga ka ba?" tanong ko.

Itinapat ko sa kaniya ang plato ko at saka siya sinandukan. Itinapat ko naman sa akin ang bread na binake ni Ate Via at saka 'yon nilantakan, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang lasa non.

"Oo, ikaw ba?" Vio asked

Tumango ako at saka nilunok ang nasa bibig. "Kasama ko si Vivi, nasa sala, nakita mo?"

Ibinaba niya ang kutsara na hawak at masama akong tinignan. Pigil ang tawa na nagtanong ako. "Bakit?"

Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko at inipit 'yon sa may likod ng tainga ko. "Babe palitan natin 'yong pangalan, sige na..."

Ngumuso ako at tatawa-tawang umiling. "I don't want."

"Babe!" angil niya.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Period."

"Eww under ka boy."

Napalingon ako kay Ate Via ng pumasok ito na may bitbit na tupperware, Nakatakip 'yon kaya naman hindi ko kita ang laman. Inilapag niya 'yon sa harap namin at saka siya umupo.

"Eww walang jowa." ganti ni Vio

Inis na tinapunan siya ng tissue ni Ate Via. "Punyeta ka talaga e 'no?"

"Punyeta ka talaga e 'no?" panggagaya ni Vio sa ate niya. Napailing na lang ako, kahit kailan talaga.

Hinayaan ko sila na magsagutan na dalawa at nagpakabusy ako sa pagkain. Napunta ang tingin ko sa tupperware na dala ni Ate Via, nilingon ko silang dalawa na busy pa din sa sagutan. Tumayo ako at marahan na inialis ang takip non.

Nang makita ang laman ay parang bumaliktad ang sikmura ko, lalo na ng malanghap ang amoy non. Nagmamadaling tinakpan ko ang bibig ko at tumakbo sa sink, rinig ko ang yabag ng magkapatid pasunod sa akin.

Itutuloy . . .

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 238 40
To what extent can you do in order to forget someone?
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.1K 62 14
SHORT STORY Jhonna Levesque is a highschool student in St. Monica High School and the running valedictorian for their batch. Simula ng pumasok ito sa...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...