Mageía High: Grimoire of Astr...

By suneowara

1.9M 111K 13.8K

A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And... More

Author's Note
Prologue
ANNOUNCEMENT!!! // REPRINT
Welcome, to world of magic
1. Mageía High
2. Test
3. Duel
4. First Day
5. History
6. Blue moon
7. Black forest
8. Howling woods
9. The Princess of Bernice
10. Summoning
11. New Lead
12. Company
13. Dream
14. Fate
14.5 Zero
15. Start of Adventure
16. Sydros
17. Childhood
18. Departure
19. Kanyes
20. Suicide
21. Who's the boss
22. Secret
23. Border
24. Last Town
25. Against the Disciples
26. Combination
27. Witnessed
28. Rest
29. Second Disciple
30. Witch
31. The greatest
32. The person I look up to
33. Broken
34. Back in time
35. For the second time
36. Festival
37. Wand
37.5 Wish
38. Destined
39. Back
40. Return
41. Descendant
42. Frencide
43. The plan
44. The culprit
45. Stick to the plan
47. The future
48. Avenge
49. Trust
50. Believe
51. The greatest witch
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT

46. The student

25.8K 1.4K 39
By suneowara

THE STUDENT

[Xena]

≿—༻≾ FOUR (4) YEARS AGO ≿༺—≾

Tirik na tirik ang araw pero malamig ang simoy ng hangin. Maganda ang panahon ngayon para maglaro. Masaya akong nakikipaglaro sa mga trolls sa labas ng kweba. Sinulit ko ng wala ang guro namin at lumabas ako.

Akala ko ay matagal pa akong makakapaglaro sa labas nang makarinig ako ng pag-ubo sa likuran ko.

I was frozen in an instant. Dahan-dahan akong napalingon at bumungad sa akin ang seryosong mukha ng guro ko. I faked a smile and slowly stepped backwards.

"H-Hehe. Welcome back Teacher," pilit na ngiting sambit ko.

Napabuntong-hininga na lamang sa akin ang guro namin.

"Lumabas ka na naman ng walang paalam, Xena."

Napakamot na lamang ako sa ulo ko at napayuko. Balak ko na sanang magdahilan pa nang makuha ng atensyon ko ang mga batang kasama ng lalaking kaharap ko.

"S-Sino po sila?" marahang tanong ko.

Bakas sa mga mukha ng mga bata na walang silang alam sa pinuntahan nila. Mga bata sila sa panahon na ito.

"Pinapakilala ko sa 'yo Xena. Mga ulila sila galing sa bayan ng Kanyes. Sila ang mga batang nakikitaan ko ng potensyal sa paggawa ng mahika," sagot sa akin ng guro ko.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hindi na bago ang pagdala ng Teacher namin ng mga bata mula sa iba't ibang panahon. Sila ang mga batang nakikitaan niya na may kakayahaan pagdating sa mahika.

Sa limang mga batang dinala ng guro namin ay napako ang tingin ko sa isa. Isang batang lalaking walang kaemo-emosyon sa mukha. His eyes looks like it's already dead.

May kung anong nagtulak sa akin na kausapin siya. Lumapit ako sa kaniya at nagpakilala.

"Kumusta? Ako si Xena. Xena D. Astria. Anong pangalan mo?" sambit ko sa kaniya.

Sumagot ito sa aking nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Gyno. Pitong taong gulang."

Natigilan ako sa sinabi niya. Doon ko lang naalala na wala nga pa lang apelyido ang mga taong hindi pa kasal sa panahon na ito.

Nabigla si Gyno nang hawakan ko ang ulo nito. Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Maligayang pagdating Gyno. Mula sa araw na ito ay isa ka na sa amin." Nakaangat ang tingin niya sa akin, tingin na parang nakita ko na noon...

Ganito rin ako no'ng unang dating ko rito...

"Mula ngayon, ikaw na si Aerosa. Gyno D. Aerosa."

≿—༻❈༺—≾

Lumipas ang panahon ng pag-aaral ko sa mahika sa loob ng kweba. Hindi ko napansin na ako na pala ang nagsisilbing tagaturo kay Gyno sa mga bagay na dapat niyang malaman.

Ako ang nagsilbing guro niya pagdating sa mahika. Hindi ko maitatangging may potensyal nga siya para maging isang ganap na witch.

May talento siya sa paggawa ng mahika. He can do spells, summoning, and even charms.

"Ano 'yan, Miss Astria?" namamanghang tanong sa akin ng batang lalaking kasama ko.

Nakatingin ito sa librong sinusulatan ko.

"It's a Grimoire. Nandito ang mga spells na ginawa ko at ang mga kaalaman ko pagdating sa mahika," nakangiting sagot ko.

Parang kumikislap ang mga mata ni Gyno habang nakatingin sa Grimoire ko.

"Hindi hamak na isa ka ngang napakagaling na witch, Miss Astria."

≿—༻❈༺—≾

Time passed quickly. Tatlong taon na ang lumipas sa loob ng kweba. Katumbas nito ang 432 na taon sa labas.

"E-Esmeralda. Sigurado ka?" marahang tanong ko.

Nakangiting humarap sa akin si Esmeralda at ginulo nito ang buhok ko.

"Of course, Xena. Paano ba 'yan. Mauuna na 'ko."

Mabilis akong nakaramdam ng lungkot. Ito ang araw na aalis na sa kweba si Esmeralda. Ang kwebang nagsilbing tahanan namin ng ilang taon.

"Lilibutin ko ang buong mundo. Aalamin ko ang mga bagay na hindi natin alam sa loob ng kwebang 'to," sambit ni Esmeralda sa akin.

"Balang araw, makikita mo rin kung gaano kaganda ang labas, Xena. Lalabas ka ng hindi para sa mahika kung hindi dahil sa kagustuhan mo mismo."

"Pero sa ngayon, mauuna na ako. At kagaya ng Grimoire mo, gagawa rin ako ng sarili kong libro. Siguraduhin mong mababasa mo 'yon ha?"

Nakaukit sa isipan ko ang ngiti niya no'ng araw 'yon. A priceless smile—ready to see the whole world.

Tuluyan ng umalis ng kweba si Esmeralda. At 'yon na rin ang huli naming pagkikita.

≿—༻❈༺—≾

Hindi ko namalayan na walong buwan na ang lumipas mula nang umalis si Esmeralda. Masyado akong nakatutok sa pagkumpleto ng Grimoire ko.

Malapit na siyang matapos... malapit ng matapos ang librong ginawa ko ng ilang taon.

Natigilan ako sa pagsusulat nang may lumapit sa akin. Nakangiting nakatingin si Gyno sa Grimoire ko. Kahit ilang beses niya ito tignan ay lagi pa rin itong namamangha.

"Binabati kita, Miss Astria. Malapit mo ng matapos ang Grimoire mo," nakangiting aniya.

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. "Maraming salamat."

Nanatiling nakatingin sa libro ko si Gyno.

"Gamit ang librong 'yan, hindi na natin kakailanganin pa ang mga tao. Kaya na natin gawin ang mga ginagawa nila. Tanging mga witches na lamang ang matitira," muling sambit nito.

Napaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Pilit akong tumawa at umiling.

"Hindi. Ginawa ko 'tong libro na ito para makatulong sa mga tao. Hindi ito para sa mga witches na katulad ko," pagtatama ko sa kaniya.

Natigilan si Gyno sa sagot ko. Tila nagbago ang ekspresyon niya at kunot noo siyang nagsalita.

"A-Anong ibig mong sabihin Miss Astria? Hindi na natin kailangan ang mga tao! Makakasarili lamang sila at gagamitin lang nila sa pansarili nila ang mga spells na ginawa mo!"

Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng tono ng pananalita niya sa akin. Naging seryoso ang ekspresyon ko sa sinabi niya.

"Ginawa ko ito dahil kailangan 'to ng mga tao," mariing sagot ko. "Para sa kanila lamang 'to."

Sa unang pagkakataon, tinignan ako ni Gyno na puno ng galit. Ibang-iba ito sa mga tingin niya sa akin noong tinuturuan ko siya ng mahika. Walang buhay ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin.

Mula nang araw na iyon ay hindi ko nakita pa si Gyno. Nalaman ko na lang kinabukasan ay umalis na rin siya sa kweba.

At the age of 11, he left the cave.

Hindi ko siya masisisi kung bakit gano'n ang tingin niya sa mga tao. Lumaki siyang ulila at alam kong mahirap ang pinagdaanan niya. Pero hindi pa rin tama ang gusto niyang gawin.

Gusto ko siyang itama dahil ako ang tumayong guro niya sa mahika, pero mukhang nagkulang pa rin ako.

Dalawang linggo mula nang umalis si Gyno ay nagpaalam ako sa guro namin na lumabas. Matapos ng matagal na panahon ay muli akong lumabas sa kweba.

Kinailangan kong maglibot sa labas para tignan ang pamumuhay ng mga tao. Kailangan ko ito para makumpleto ang Grimoire ko.

I've spent 2 weeks outside the cave. Nang muli akong bumalik ay hindi ko inaasahan ang sumalubong sa akin.

Lahat ng mga kapwa kong witches ay nakatingin sa akin na puno ng awa. Kabilang na rin ang guro ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang inaakto nila hanggang sa malaman ko kung ano ang dahilan.

Bumungad sa akin ang nag-iisang sunog na piraso ng Grimoire na ginawa ko.

Tanging ang unang pahina na lamang ang natira. Kung saan nakalagay ang una kong pangalan.

'Xena D.'

Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ito.

Ano ang nangyari?

"It was cursed. Your Grimoire was destroyed," sambit sa akin ng guro ko.

Parang gumuho ang mundo ko sa mga katagang sinabi niya.

Ang ilang taong pinaghirapan ko.

Ang lahat ng kaalaman ko.

Ay nawala lang sa isang iglap.

Naniwala akong nasira ang Grimoire ko. I've spent three months inside the cave thinking a way to bring it back.

Not until I learned the truth.

Habol-habol ang hininga niya nang bumalik ang isang kapwa kong witch sa kweba. Galing ito sa labas. Hingal na hingal siyang hinanap ako.

"S-Si Xena?! Nasaan si Xena?!" Rinig kong sambit niya.

Kunot noo akong lumapit sa kaniya. Nang makita niya 'ko ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"T-They're using your spells! They're using your spells!" paulit-ulit na aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya at mabilis na napailing. "Anong ibig mong sabihin? Imposibleng mangyari 'yan-"

Umiling ang witch sa sinabi ko. "H-Hindi! Your Grimoire! They have your Grimoire!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Nasisiraan ka na. Nasira na ang Grimoire ko. Imposibleng mangyari iyon," malamig na sagot ko.

"N-No." I can see the terror in her eyes—mixed with fear and pity.

"They're worshipping you. They're calling your name."

"They have the Grimoire of Astria."

≿—༻❈༺—≾

Hindi ako nagdalawang isip at nag-aksaya ng oras. Inayos ko ang mga kakailanganin ko.

"X-Xena, pag-isipian mong mabuti. 36 na taon na ang lumipas mula nang lumabas ka," pagpapaalala sa akin ng guro ko.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at nanatili akong nag-ayos ng mga gamit ko.

Alam ko 'yon. Pero wala akong oras na manatili rito.

Napabuntong-hininga na lamang ang guro ko nang mapagtanto nitong hindi na niya 'ko mapipigilan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos.

"Sigurado ka na bang aalis ka?"

Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin. Ang lalaking nakasama ko nang matagal na panahon sa lugar na ito.

"Of course, kailangan," nakangiting sagot ko.

Tipid itong ngumiti sa akin bago ibigay ang mga gamit ko. "Mag-iingat ka Xena, iba na sa labas ngayon."

Tumango ako sa sinabi niya. "Yes, I will, salamat sa lahat at hanggang sa muli."

Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako rito bago umalis sa naging tirahan ko ng ilang taon.

Kailangan kong umalis. Para 'yon sa ikabubuti ng lahat.


Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
1.4M 81K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...
1.7M 72.3K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
475K 18.6K 61
【Team Alpha: Second Generation】 Book 1 | Complete "They were angels embracing the darkness"