Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 41

31 4 0
By Emcentllain

Chapter 41

Tila kay bilis ng araw, dalawang linggo na lamang ay graduation na namin, abala na sa mga requirement kaming lahat, abala na din sa paghahanap ng school na mapapasukan ang iba, samantala ako ay magpapatuloy parin sa Dubi University, hindi dahil nandito ang mga kaibigan ko, ngunit naisip ko din na marami na akong kilala dito at hindi na ako mababaguhan pa. Isa pa may culinary naman dito kaya hindi na ako magpapaka hirap pa na mag iba ng school.

"Alam ko magiging busy na tayo pag patak ng college, but guys! Wala sanang limutan." si Zarene na bahagyang ngumuso pa sa amin.

"Asar! Araw-araw ko parin kayang makikita pagmumukha mo." sabi ni Ayesha na inirapan si Zarene.

Tumawa ako at pinag masdan lamang na nag kukulitan ang dalawa, wala si Leila dahil may inaasikaso daw ito kaya naman tatlo lamang kami sa cafeteria, ang mga boys naman ay may sarili ding mga kasama.

"Matutuloy mo na siguro ang paghahanap sa Papa mo." sabi ni Ayesha sa akin.

"Oo, wala kanang iisiping mga school works. Pagkatapos ng graduation natin ay tutulungan ka namin para sa Papa mo." si Zarene naman na ngumiti ng malawak sa akin.

"Salamat, iyon din ang gagawin ko sa bakasyon. Ang hanapin si Papa."

Napag isip-isip ko din na mas maayos ang laman ng isipan ko kung patatapusin ko muna ang graduation ko. Mas makakapag isip ako ng maayos at makakapag plano.

"Hindi ko na nakikita iyong lalaking singkit. Yung may ari ng restaurant malapit sa inyo Chanel." humalumbaba si Zarene habang iniikot sa pinggan nya iyong pasta.

"Si Ryan?" tanong ko.

"Oo! Diba minsan nakakasama mo 'yon?"

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi na nga nagpaparamdam. Gusto ko na nga ulit makita 'yung cute na batang kapatid nya."

Ngumisi si Zarene. "Kung hindi lang kayo ni Drake, iisipin kong 'yung Ryan ang gusto mong makita e."

Sinamaan ko ito ng tingin at tumingin sa paligid.

"May makarinig sa'yo, baka isipin pa nila two timer ako."

Tumawa silang dalawa. Napairap na lamang ako, kahit ata hindi kami ni Drake ay hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon. Napaka sungit, isa pa parang hindi pupwede, hindi ko alam, siguro dahil matanda sya sa akin ng ilang taon. Kaya parang pangit tingnan.

"Ayaw mo ba sa mas matanda sa'yo?" tanong muli ni Zarene.

"Zarene." tiningnan ko ito ng seryoso.

Nilunok niya ang pagkaing nasa bibig nya bago nag salita.

"Bakit? Mas matured kaya sila."

"Ayoko, tyaka bakit ka ba ganan? May boyfriend na ako."

"Boyfriend? Mahal ka ba nyan?"

Nangunot ang noo ko at ibinaba ang kutsarang hawak ko. Nakita kong parang naalarma si Ayesha kaya siniko nya si Zarene.

"I mean, sigurado kana ba kay Drake?" tanong nyang medyo pinag isipan na ngayon.

"Oo, bakit hindi? Tinalikuran nya ang ex-fiance nya para sa akin."

Bahagya itong suminghap at tumango na lamang, nilingon ko si Ayesha nag iwas ito ng tingin sa akin.

"Anong problema nyo? Parang pinagdududahan nyo si Drake? Kayo pa dati ang halos mag taboy sa akin sa tao. Tapos ganyan kayo ngayon?" naiiritang tanong ko sa dalawa.

"Chanel, hindi naman namin pinag iisipan ng kung ano si Drake. Zarene was just joking at you." si Ayesha na mukhang pinapakalma ako.

"Hindi nakakatuwa." tumayo ako sa kinauupuan ko.

Nagbabalak na sana akong umalis ngunit tumayo din si Zarene at hinila ako sa kamay.

"Sorry... hindi ko intensyon 'yon." sabi niya na nakitaan ko ng sinseridad ang mga mata.

"May gagawin pa ako." kinalas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at umalis na.

Tila napikon ako sa nangyari, hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Zarene kaya ganon na lamang ako nakapag react. Kilala ko sila na gustong gusto si Drake para sa akin, tapos ganon na lamang ang lalabas sa bibig niya. Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila sinabi iyon.

"Pissed?"

Nilingon ko ang likod ko at nakita ko si Ryan papalapit sa pwesto ko. Speaking of him, kanina lamang ay pinag uusapan namin sya, ngayon na lamang ay sumusulpot sya ng biglaan.

"Long time nosy." Aniya. "Mukha kang galit. Are you mad? With who?"

"Wala. Hindi ako galit, anong ginagawa mo pala dito?" Tanong ko sa kanya at hinarap sya ng maayos.

"Kada na lamang pumupunta ako dito ay iyan ang tanong mo." Tumikhim ito at sinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng pants nya. "Can we watch your graduation? Rj wants to see you, sinabi ko ay sa graduation mo na lang. I'll bring him here."

Napawi ang iritasyon sa mukha ko ng marinig ang pangalan ng kapatid nya.

"Okay lang! Mas okay iyon, ipapakilala ko sya kay Mama." Ngumiti ako.

Tumango sya at tumingin sa paligid. "Well, that's it. I'll go now. Advance congratulations!"

Nilagpasan nya na ako kaya naman sinundan ko ito ng tingin. Bumalik na rin naman ako sa room at naupo na sa upuan ko, nag basa lamang ako ng kung ano ano sa cellphone ko. Kalaunan ay dumating na din sina Drake. At ilang mga kaklase namin.

"Are you free this coming saturday?" tanong ni Drake sa akin ng nasa biyahe kami pauwi sa bahay.

Halos wala ng ginagawa sa school, busy na lang sa paparating na graduation kaya may time na kami ni Drake para makapag date.

Tiningnan ko ito, ngumiti ako. "Sobrang free."

Tumawa sya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Pinag salikop nya ang aming mga daliri, napatingin ako doon. Hinaplos ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng dala ng kanyang balat ng haplusin ko ito, magaspang ang kamay nya, ngunit napaka puti.

Tiningnan ko si Drake, nakangiti ito habang nakatingin sa unahan. Napangiti din ako, hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwalang naging kami ng lalaking ito. I didn't really know that I would like this man, I only knew him as a casanova and arrogant. But I didn't expect him to be the man who could make my heart beat. I accidentally fall in love with him. Walang nag tulak, puso ko lamang ang talagang tumibok ng husto para sa kanya.

Humiga ako sa kama pagkarating, tiningnan ko ang phone ko dahil kanina pa nag ri-ring iyon. Nakita ko ngang may text galing kay Zarene. Gusto ko sanang hindi na iyon pansinin ngunit parang sobra naman na ata ako kung gagawin ko iyon.

Zarene:

Are you still mad?

Suminghap ako at nag reply sa kanya.

Ako:

No. I'm fine.

Zarene:

I'm sorry:< I didn't mean that.

Ako:

That's fine. Hindi ko lang din talaga nagustuhan iyong mga sinabi mo.

Zarene:

I'm sorry.

Bahagya akong ngumiti at tinawagan ang numero nya.

"Chanel!" kinig kong sigaw nya sa pangalan ko. "Oh my I'm really sorry." bumaba ang tono ng boses niya.

"Nah, okay na. Huwag na lang sanang maulit iyon, I'm sensitive when Drake is the topic. Ayoko lamang na may nasasabi kayo sa kanya. Kayo ang panay na nag tutulak sa akin noon para sa kanya." bumuntong hininga ako.

"Yeah, I know. I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya."

Tumango ako kahit di naman ako nito nakikita. Nagkaayos na kaming dalawa kaya naman nag linis na ako at nag bihis.

Mabilis na lumipas ang araw, pag patak ng sabado ay nag date kami ni Drake sa mall. Kumain at naglaro kami sa arcade. Nag photo booth din kaming dalawa, hindi ko alam na ang lalaking seryoso na 'to ay madadala ko sa mga ganito. Sama lang sya ng sama at tila gustong gusto nya din ang ginagawa nya.

"Thank you." nakangiting sabi ko kay Drake habang tinitingnan ko ang mga litrato namin.

"For what?"

Tiningnan ko sya. "Because you dated me and gave me time, you really joined me on my trip."

Ngumiti ito. "If my baby wants, I want it too."

Umirap ako para mapigilan ang kilig ngunit parang huli na dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko.

"Let's watch a movie?" aya nya sa akin.

Tumango ako, hinawakan ako nito sa kamay at naglakad na kami papunta sa sinehan para bumili ng ticket.

Habang abala si Drake sa pagbili ng ticket ay abala din ako sa pag tingin ng litrato naming dalawa na kuha mula sa photobooth. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitingnan ang mukha ni Drake dito, ang pogi na nga sa personal ang pogi pa sa litrato. Pinagpalang lubos ata ako sa boyfriend ko na iyon.

"Nuna?"

Tumingin ako sa likod ko, nakita ko nga si Rj doon mag isa. Nangunot ang noo ko at lumapit ito sa akin.

"Finally! I see you, Nuna!" masaya niyang sinabi.

Pinagpantay ko ang tinginan naming dalawa at hinawakan ito sa kanyang kamay.

"Where's Ryan? Why are you alone here? May kasama ka ba?" tanong ko na may halong pag aalala.

"Chanel."

Nilingon namin si Drake na lumapit at may dalang ticket na. Nakita nya si Rj kaya tumabi ito sa akin at pinag pantay din ang tingin nilang dalawa.

"Hi." nakangiting bati ni Drake kay Rj.

"Hello hyung. Are you dating?"

Pinisil ko ang kamay ni Rj upang mabaling sa akin ang atensyon nya.

"You're not answering my question. Sinong kasama mo?" tanong ko ulit dito.

Ngunit bago nya pa sagutin iyon ay narinig ko na ang boses ni Ryan. Nang makita nya kami ay tila nagulat ang kanyang eskpresyon. Natigilan din ito at hindi na nakatuloy pa sa pwesto namin.

Bubuka at sasara ang bibig nito, ngayon ko lamang sya nakitang tila natataranta at kinakabahan.

Tumindig ako at hinawakan si Rj sa kamay. Lumapit ako kay Ryan na gulat parin ang tingin sa akin.

"Para kang nakakita ng multo." pag bibiro ko dito. "Nakita ko si Rj, akala ko ay mag isa sya. Mag sisine din ba kayo? Sumama na kayo samin."

Nilingon ko si Drake, naka tiim bagang itong nakatingin sa pwesto namin ngunit hindi sa direksyon ko, kundi sa direksyon ni Ryan. Nang tumama ang kanyang mata sa akin ay napalitan iyon ng seryosong tingin. Tila nanlamig ako sa pwesto ko dahil sa tingin nyang iyon, alam ko na ang ibig sabihin noon.

Nag seselos sya.

Binalingan ko si Ryan. "Uhm... uuna na pala kami sa inyo manood." aalis na sana ako ngunit may narinig akong tumawag sa pangalan ni Ryan.

Nilingon ko ang likod nya. Natigilan ako ng makita ko kung sino iyon. Parang nanlamig ako sa kinatatayuan ko, hindi ko naiwasan ang kabang dumaloy sa katawan ko.

Ilang buwan... ilang buwan akong napaisip kung totoo nga bang nakita ko sya, kung hindi ako namamalikmata. Ngayon ay siguradong sigurado na ako sa nakikita ko, hindi na ako pupwedeng magkamali dito. Ang tindig, ang itsura, iyon parin ang mukha nya, nagkaroon lamang ng pagbabago sa kanyang katawan, namayat ito at tila kulang sa bitamina.

Natigilan sya ng makita ako, parehas lamang sila ni Ryan na tila nagulat ng makita ako. Hindi din ito naka diretsyo sa pwesto namin. Nakakatitig na nakatitig lamang ito.

"Papa..." bigkas ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Chanel..." bigkas naman niya sa pangalan ko at naglakad papalapit sa amin.

Nilingon ko si Ryan, nakatingin ito sa akin na tila maingat ang mga mata. Nag tatanong ang mga mata ko, bakit sila mag kasama?

"Chanel anak, ang mga kapatid mo pala." hinawakan ni Papa si Ryan sa braso at kinuha niya si Rj sa kamay ko bago iniharap sa akin.

Hindi ako nakakibo, hindi ko alam kung papaanong reaksyon ang ibibigay ko, gulat akong makita si Papa mismo ngayon, ngunit mas nagulat ako sa kanyang sinabi.

Pauli-uli ang tingin ko kay Ryan at Rj. Kapatid ko sila?

"Nuna!" si Rj na hinawakan ako sa kamay.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang iyon tinanggal at bahagyang lumayo sa kanila. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tiningnan ko si Ryan, nakita ko ang takot sa mga mata nya, kitang kita ko kung papaano nag susumamo ang kanyang mga mata. Ibang iba sya sa Ryan na nakilala ko noon.

"Anak, Chanel." si Papa na hahawakan din sana ako ngunit mas lalo akong lumayo.

"Huwag." pinigilan ko ang sarili kong hindi maiyak, ngunit kapansin pansin na sa boses ko ang pagsusumamo noon.

"Chan..." si Ryan na kalmado akong tinawag. "Magpapaliwanag kami."

Umiling ako. Hindi ko kailangan ng paliwanag niya, dahil pakiramdam ko ay pinag laruan lamang nila ako. Alam na nila matagal na, na ako ang nawawala nilang kapatid ngunit tinrato nila akong parang kakilala lang. Nag panggap sila sa akin na walang alam, pinag mukha nila akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

Kaya ba ganon na lamang kalapit ang loob ko kay Rj? Kaya ba parang may something kay Ryan na hinding hindi ko sya magugustuhan ay dahil kapatid ko sya? Kapatid ko sila? Iisa ang ama naming tatlo? Ngunit hindi man lamang nila nagawang sabihin iyon sa akin?

Napatingin ako sa bracelet na nasa palapulsuhan ko, magkatabi ang bracelet na binigay ni Drake at iyong binigay nila, muli kong hinawakan iyon at hinanap iyong nakaukit na first letter ng pangalan noong tinutukoy nilang kapatid.

CL. Chanel Lee?

Fuck...

Shit...

Bakit hindi ko napag tantong maaaring ako iyon? Bakit hindi ko man lang naisip na ang CL na iyon ay ako? Bakit nagpadala ako sa plano nila?

"Nuna..." si Rj na nakita kong nagtutubig na ang mata.

"You can be mad at me, pero huwag kay Rj, Chanel. He's been wanting to tell you for a while that you're the sister we've been searching for, but I've been holding him back because that's not the right time for you to find out." si Ryan.

Tumawa ako, tila nababaliw sa nangyayari. Hindi ko maintindihan ang pakay nila para itago sa akin ang totoo, hindi iyon ang panahon? Kailan? Kailan ang tamang panahon para malaman ko na kapatid ko sila at iisa ang ama namin?

"Alam nyo, gago kayo–"

"Chanel!" iritang sigaw ni Ryan sa pangalan ko. "Rj are here! I told you not to be mad at him! Sa akin ka magalit, ako ang nag plano nito!"

Umiling ako at tiningnan si Rj, umiiyak na ito habang hawak ni Papa. Natatawa ako, natatawa ako na, nasasaktan sa nangyayaring ito.

Suminghap ako, pinigilang huwag pumatak ang luha sa aking mga mata. Nilingon ko si Drake na seryoso lang na nakatingin sa amin. Nilapitan ko ito at hinila na sa kamay. Nilisan namin ang lugar na iyon, dahil pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga dahil hindi ko mailabas ang galit at lungkot ko.

"Chanel." tawag ni Drake habang patuloy ko syang hinihila. "Chanel, stop." hinila ako nito kaya napalingon ako sa kanya. "Cry."

Tiningnan ko ito nagtataka. Hinawakan nya ako sa bewang at inilapit sa kanya, isinubsob nya ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Let your tears fall freely, don't try to hold them back." aniya.

Sa sinabi nyang iyon ay tila lumabas lahat ng sakit at galit na pinipigilan ko, lumaglag ang luha ko, dire-diretsyo iyon at walang humpay. Drake gently stroked my hair as I cried, allowing me to rest my head on his chest, even though he was aware that we were still in a public place.

I can't put into words the pain I'm experiencing right now. It's hard to fathom that this might be the end of my long wait to reunite with my dad. It feels like they've been toying with my emotions all along. I thought I only knew them, but it turns out they knew me as a sister all this time. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang sakit, sasabog na din ang ulo ko sa pag iisip. They planned this, hindi lang silang magkapatid ang nag plano nito. May kasabwat pa sila dito.

Pumikit ako, hindi ko na kinakaya pa ang pag iyak ko. Tila nawawalan ako ng enerhiya, pakiramdam ko ay naubos sa isang iglap ang lakas na kanina'y meron ako.

Naramdaman ko ang pagpikit ng talukap ng mata ko. Tila napagod ako sa nangyaring ito, gusto ko munang magpahinga.

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman ang paghaplos ng mainit na bagay sa aking mukha. Tumambad agad sa akin ang mukha ni Papa. Tila muling niluob na naman ng galit ang dibdib ko.

"Gising kana..." malambing niyang sinabi.

Tiningnan ko ang paligid, nasa hospital ako. Nakita ko si Drake at Mama na nakaupo sa couch, nandoon din si Ryan at Rj. Nang marinig nila kay Papa na gising na ako ay lumingon ang mga ito sa akin.

Hindi ako nilapitan ni Drake, nanatili syang nakaupo. Si Mama at sina Ryan lamang ang lumapit sa akin, nagulat ako ng tumayo ito at nag paalam na lalabas muna sya. Tiningnan nya ako, nakita ko sa mga mata nya na gusto nya akong lapitan ngunit hindi nya kayang istorbohin ang pamilya ko.

Nang makalabas ito ay naiwan na kami sa loob. Hinawakan ni Mama ang kamay ko, hinayaan kong gawin nya iyon, nakatulala lamang ako sa kisame, hindi tinitingnan sila.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Papa sa akin.

Hindi ako sumagot. Iniipon ko ang maraming katanungan sa kanya sa isip ko, hindi ko kayang mag-alala sya sa akin ngayon pagkatapos ng mga nangyari. Akala ko kapag nakita ko sya ay hindi ako magagalit, ngunit tila kabaligtaran noon ang nararamdaman ko ngayon, sobra yung galit na nararamdaman ko sa kanya, sa kanila nina Ryan.

"Iiwan ko muna kayo dito Lucas." si Mama na binitiwan ang kamay ko.

Umiling ako. "Ayoko. Umalis kayong lahat dito. Ayokong may matira."

"Anak." si Mama.

"Alam nyo din po ito?" tanong ko sa kanyang wala sa sarili.

"Chanel..." si Mama na tila hindi alam ang susunod na sasabihin.

"Niloko nyo din po ba ako?" tanong ko at nilingon sya.

Seryoso ang ekspresyon na ibinigay ko sa kanya, kita kong nalilito ang mga mata nya. Ngumisi ako, kasabwat sya? Sabi na e, hindi pupwedeng si Ryan lamang ang mag iisip ng planong ito. They all planned this. They all fool me, ginawa nila akong tangang hindi nakakaintindi.

"We have a reason why we tried to hide the truth from you."

Nilingon ko si Ryan na nakatindig ng tuwid at nakatingin sa akin.

"Anong rason naman?" tanong ko sa kanya. "Ginawa nya akong kinder na hindi nakakaintindi sa rason nyo. Ginawa nyong makitid ang utak ko sa rason na sinasabi nyo. Ang daming panahon na nag daan para sabihin sa akin na kapatid ko kayo, pero tinago nyo."

"Dahil akala namin magagalit ka samin, we tried alright? Sinubukan naming maging close ka sa amin para pag nalaman mo ang totoo hindi kana mabigla. It's not easy to say this to you, Chanel, because you may not accept us as your brothers, and your anger towards Daddy may grow even more, when you find out that he was able to take care of us, while you and your Mom suffered." aniya.

Lumaglag ang luha sa gilid ng mata ko, iniisip nila na magagalit ako? Kung magagalit ako iyon ay panandalian lamang. Ngunit ang itago sa akin ang katotohanan, ang mag sinungaling sa akin ng harap harapan. Iyon ang hindi ko mapapatawad.

"Ilang beses kong nilakasan ang loob kong sabihin sa'yo ang totoo, pero pinanghihinaan ako ng loob. We want to be closer to you, Chanel, so we've kept a secret from you. RJ and I have been searching for you for a long time. At hindi namin kaya na pagkatapos ka naming mahanap at malaman mong kapatid mo kami ay lalayo ka."

Tinitigan ko lamang sya habang panay ang laglag ng luha sa gilid ng aking mata. Nakita kong ang bumalot na sakit sa kanyang reaksyon ng makita nya kung papaano ko pinipigilan ang humagulhol ngayon.

"Umalis muna kayo." nag iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lamang sa kisame.

Narinig ko ang buntong hininga nya bago niyaya sina Mama na lumabas. Hindi ko sila nilingon hanggang sa makalabas sila.

Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot iyon. Bumangon ako upang mapakalma ang dibdib ko, tiningnan ko ang paligid, tiningnan ko ang pintuan kung saan sila lumabas. Gusto kong makausap si Papa, gusto ko syang habulin at tanungin ng maraming bagay, ngunit tila namamanhid ang puso ko, pakiramdam ko ay sasabog ito sa sakit.

Bumagsak ang balikat ko dahil tila kinakapos na ako ng hininga. Tinanggal ko ang swero sa aking kamay at bumaba ng kama, naramdaman kong lumalabo ang aking mga mata kaya agad akong humawak sa kama. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko, hindi ko alam kung nasa labas pa rin ba si Drake. Nanghihina ang katawan ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko.

Muli akong humawak sa dibdib ng kumirot muli ito, habol hiningang bumagsak ako sa lapag. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang mag tawag ngunit walang lumalabas na kahit anong salita. Pinilit kong bumangon ngunit pati ang katawan ko ay namanhid na.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit nahihirapan akong huminga? Bakit nanghihina ako sobra?

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon, malabo ang nakita ko ngunit ang tindig nya pa lamang ay pamilyar na sa akin.

"Chanel!" sigaw niya at agad akong nilapitan. "Fuck! Nurse!" sigaw niya habang buhat ang ulo ko.

"Ang s-sakit..." namamaos na sabi ko habang tinuturo ang puso ko.

"Tangina! Nurse!" sigaw nya at binuhat ako.

Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay hindi na kinakaya ng katawan ko.

Masakit...

Sobrang sakit

Pinipiga iyon ng paunti-unti, sobrang sikip ng pagdaloy ng hangin sa aking ilong, hindi ko alam para akong kinakapos ng hininga.

Continue Reading

You'll Also Like

127K 1.9K 71
"I love you,I love her,I love him,I love them...and they betray me.They always said that your not the one for me but the truth is they not the one fo...
Heaven By wacky

Teen Fiction

34.2K 603 22
Ang plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago...
100K 2.4K 26
A love story that started with a kiss.
15.3K 277 4
They met when she was young in university and he loved her from afar without even knowing it. He left the country without letting her know who he is...