Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

15.4M 452K 290K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Thirty

326K 9.6K 6.9K
By elyjindria

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sumama ako kay Arken. Siguro nadala lang ako ng kagustuhan na makalayo nang pansamantala kay Vaughn, pero pinagsisisihan ko na 'yon ngayon.

"Bababa na ako!"

Hindi nagpatinag si Arken at tuloy lang sa pagmamaneho. Naiinis na napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at tumingin nang masama sa kaniya.

"I'm kidnapping you. Kidnappers don't listen to their victim," sabi na lang niya. Napapikit ako nang mariin.

"'Di ba sabi mo kanina hindi mo ako pipilitin kung ayaw ko?!" naiinis na tanong ko.

"Come to think of it, that's not kidnapping, right?" sabi na lang niya habang tuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Saan mo ba ako dadalhin?" nakataas-kilay na tanong ko.

"Somewhere you can relax, forget that motherfucking Vaughn for a few days."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Baliw ka ba?! Baka nakakalimutan mong may anak tayo?"

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Maski ako ay natigilan din nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Napatikhim na lang ako at napakamot sa batok ko.

"I-ibig kong sabihin, baka nakakalimutan mong may anak ako?" sabi ko na lang at pinilit na iwaglit ang naunang sinabi ko.

"Sinundo ko na si Vander kanina," sabi na lang niya.

Napataas ang kilay ko at hinampas ang braso niya. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang na gawin 'yon. Basta naiinis lang ako sa kaniya.

"Ang kapal naman ng mukha mo na kuhanin si Vander nang hindi nagpapaalam sa 'kin!"

"We had an agreement, right? You'll let Arkia and Vander have their quality time together. Of course, we'll join them. Don't panic. It'll be for a few days only."

Napapikit na lang ako nang mariin at napabuntonghininga. "Hindi pa ako nagpapaalam kay Vaughn," sabi ko na lang saka tumingin sa bintana.

"Fucking martyr," bulong niya.

Agad akong napasinghap at naiinis na hinarap siya. "Ano'ng sabi mo?!"

"Do you want to eat something?" tanong na lang niya habang napapatingin sa mga restaurant na nadaraanan namin.

"Ayokong kumain, basta dalhin mo na lang ako sa pagdadalhan mo sa 'kin," masungit na sabi ko saka inirapan siya. Pakiramdam ko tuloy nagkabaligtad na kaming dalawa. Ako na ang nagsusungit sa kaniya ngayon.

Tahimik lang kaming pareho. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nakakaramdam ako ng kaunting konsensiya sa pagsusungit ko sa kaniya.

Dapat intindihin niya ako, brokenhearted ako.

Itinigil na niya ang sasakyan makalipas ang ilang minuto. Napaismid na lang ako nang lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko at ialis sa pagkakahawak niya pero hindi na lang ako nag-inarte. Napagod na rin akong magalit at magsungit sa kaniya.

Napasinghap ako nang makakita ng malaking yate. Gulat na napatingin ako kay Arken. Wala naman siyang kibo at hila-hila pa rin ako.

"A-ano 'yan?" tanong ko saka itinuro ang yate.

"A yacht," tipid na sagot niya. Napasapo na lang ako sa noo ko. Sabi na nga ba at iyon talaga ang isasagot niya.

"I mean, bakit may yate? Saka 'yung mga yate na nakikita ko sa TV hindi naman ganyang kalaki," sabi ko saka muling napatingin sa malaking yate.

Ang ganda ng yate na 'yon at talagang malaki. Sigurado ako na hindi biro ang halaga n'on, baka sweldo ko sa loob ng thirty years ang halaga ng yate na 'yan.

"It's a superyacht," sagot naman niya.

Napalunok ako nang makita na hinihila na niya ako papuntang yate. Agad akong humawak nang mahigpit sa braso niya. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin.

"Ano, h-hindi ba lulubog 'yan?" kinakabahang tanong ko. Napangisi na lang siya habang nakatitig sa 'kin.

Sige na, aaminin kong ang guwapo niya pa rin talaga, lalo kapag nangisi siya nang ganyan. Siguro nasa forty years old na siya ngayon, pero hindi makatarungan dahil ang guwapo niya pa rin.

Napailing na lang ako. Hindi mahalaga ang kaguwapuhan niya, ang mahalaga ay takot ako sa mga ganyang sasakyang pandagat.

"Vander's in there, magpapaiwan ka pa rin ba?" tanong niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"E natatakot nga kasi ako," mahinang bulong ko na lang habang nakanguso.

"Trust me, nothing will happen to that yacht. It will not sink or whatever you have in mind. Don't you trust me?" tanong niya.

Napatango naman ako. "Wala akong tiwala sa 'yo."

Napangisi na lang uli siya at hinawakan ang kamay ko.

"Why am I doing this anyway? I'm kidnapping you," sabi na lang niya.

Napasinghap ako nang hilahin niya ang kamay ko papuntang yate. Wala na akong nagawa at napapikit na lang nang mariin habang hinihila niya ako pasakay sa yate.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman ito ang unang beses na sasakay ako sa sasakyang pandagat pero kinakabahan pa rin ako.

"Open your eyes. We're here."

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Agad kong kinusot ang mga mata ko at inilibot ang tingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko inaasahan na ganito kaganda sa loob ng yateng 'to.

Malaki talaga iyon at doble o triple yata ang size sa tipikal na yate na nakikita ko sa mga palabas. Kalkula ko maraming silid dito at talagang mataas din. Hindi yata ako makakatingin sa dagat nito.

"Nasaan si Vander?" tanong ko saka tiningnan nang masama si Arken.

Kapag wala talaga rito ang anak ko, masasakal ko siya.

"He's with Arkia. They're on the upper deck."

Napaismid na lang ako at inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ako maka-move on sa ganda ng yate na 'to, may mga sofa at couch pa sa loob. Nawindang din ako nang makitang may maliit na pool dito.

Maganda ang ilaw ng yate at hindi masakit sa mga mata. Ngayon ko biglang naramdaman ang pagod, parang gusto ko na tuloy mahiga at matulog.

"Alam ba ng gobyerno na may ganito kang yate?" tanong ko habang naglalakad at nililibot ng tingin ang kabuuan ng yate.

"I'm a politician, but this is a private property that I bought with my own money," sabi niya na lang habang nakasunod sa 'kin.

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko, e.

"Papa!"

Natigilan ako at napatingin kay Arkia na kasama si Vander. Nagtungo sila sa direksiyon namin, agad namang yumakap si Arkia kay Arken. Bahagyang ngumiti na lang si Arken at hinaplos ang buhok ng anak.

"Papa, Vander is really weird, but I love him! I have a brother!" tuwang-tuwa na sabi ni Arkia saka nanggigigil na niyakap si Vander. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila.

Magkamukhang-magkamukha sina Vander at Arkia. Alam ko na iyon noon pa pero lalo kong napansin 'yon ngayong magkalapit na sila.

"Mama, you told me last time that he's not my father. You lied to me," walang emosyon na sabi ni Vander habang nakatingin sa 'kin.

Napakamot na lang ako sa batok ko at alanganing ngumiti sa kaniya. Wala akong maisip na puwedeng idahilan sa kaniya na hindi niya mahahalatang dahilan lang 'yon. May mga pagkakataon kasi sa buhay ko na pakiramdam ko ay mas matalino pa sa 'kin si Vander.

"Mali, Vander. Dapat ganito ang mukha mo. Kasi hindi nila mahahalatang galit ka kapag ganyan ka. Mag-practice pa tayo," sabi ni Arkia saka tinapik ang balikat ni Vander.

Napapatingin lang si Vander sa mga ekspresyon na ipinakikita sa kaniya ni Arkia. Kung gano'n, nagpa-practice lang pala siya?

"I told you, 'Pa. Vander is really weird," sabi naman ni Arkia.

"Ganyan lang talaga siya, Arkia. Ano, para siyang . . . basta," nasabi ko na lang. Wala akong maisip na adjective para i-describe si Van.

Natigilan ako nang lumapit sa 'kin si Arkia saka hinawakan ang kamay ko. Lalo akong nagulat nang yakapin niya ako.

"Mama Ayen, I missed you," sabi niya habang nakayakap pa rin sa 'kin. Napangiti na lang ako at gumanti ng yakap sa kaniya.

Na-miss ko rin si Arkia, kahit hindi ko siya totoong anak, talagang minahal ko siya. Pero sana 'wag siyang umasa na mananatili kami nang matagal ni Vander sa kanila ni Arken. Ayoko siyang masaktan at umasa.

Kumain na kami. Masasarap ang mga pagkaing inihanda at halatang magaling na chef ang nagluto. Kahit kumain na kami ni Vaughn ng dinner kanina, nagutom uli ako nang makita ang mga pagkain.

"Ano'ng pangalan ng yate na 'to? 'Di ba pinapangalanan din ang mga yate?" tanong ko.

"Hindi ko po napansin sa sobrang excitement ko, e. Papa, ano'ng name ng yacht na 'to?" tanong ni Arkia kay Arken.

Maski ako hindi ko na nagawang tingnan ang pangalan ng yate dahil sobrang preoccupied ang isip ko kanina.

Halatang natigilan si Arken sa tanong ng anak. Napatikhim na lang siya at uminom ng tubig habang hindi makatingin nang ayos sa 'min.

"The name of this yacht isn't important," sabi na lang niya. Napakunot naman ang noo ko.

Bakit naman pati pangalan ng yateng 'to ay ipinagdadamot niya?

"Jonalyn. The name of this yacht is Jonalyn. I saw it earlier," sabi naman ni Vander habang tuloy pa rin sa pagkain.

Tila hindi makapaniwalang napatingin ako kay Arken. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagiging balisa niya na ngayon ko lang yata nakita.

"Don't assume anything because of it. Jonalyn is Arkia's dog," sabi na lang ni Arken saka muling uminom ng tubig.

Napangisi na lang ako. "Wala naman akong sinasabi, a. Ang defensive mo," bulong ko.

Bakit naman niya ipinangalan ang ganitong kalaking yate sa aso ng anak niya? Wala na ba talaga siyang maisip na pangalan?

"Papa, hindi naman po Jonalyn ang name ng dog ko, e. Jona lang po ang name niya," sabi naman ni Arkia.

Napatakip ako sa bibig ko para magpigil ng tawa nang mapansing natigilan si Arken at napabuntonghininga.

"Enough, just eat your food, Arkia," seryosong sabi ni Arken sa anak. Napanguso na lang si Arkia saka nagpatuloy sa pagkain.

"Ang layo naman yata ng Jona sa Jonalyn," pagpaparinig ko saka uminom ng tubig.

"They're the same name," sabi naman ni Arken habang nakakunot ang noo.

"Arken Zaviere, magkaiba ang Jona sa Jonalyn, magkaibang-magkaiba. Ang tanda mo na yata talaga kaya pati iyon ay hindi mo alam," tila nang-iinis na sabi ko na lang saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

Napahagikhik si Arkia sa sinabi ko. Si Vander naman ay napapangiti rin na minsan ko lang makita.

"I beg your pardon?" nakakunot-noong tanong ni Arken.

Napangisi na lang ako. Hindi niya ako masisindak sa paganyan-ganyan niya, 'no.

"Sabi ko, matanda ka na yata talaga. Matanda."

Huminga siya nang malalim at napapikit nang mariin, para bang gusto na niyang kumuha ng baril at tutukan ako n'on gaya ng ginagawa niya dati.

"Forty-one years of age ain't old," naiinis na sabi niya saka pinaningkitan ako ng mga mata.

Kung gano'n ay 41 years old na pala siya. Mukha lang kaming magkaedad. Siya na yata ang pinakaguwapong 41 years old na nakilala ko. Hindi makatarungan para sa mga mas bata sa kaniya.

"Matanda na 'yon. 'Di ba, 'no, Arkia?" pang-aasar ko pa sa kaniya. Muling napahagikhik si Arkia saka tumango.

Hindi ko alam kung ano'ng nakain ko at inaasar ko si Arken. Sabi niya gusto niya akong makapag-relax at kalimutan muna si Vaughn. Kapag inaasar ko siya nang ganito, nakakapag-relax ako kaya dapat pagbigyan niya ako.

"Very funny," sarkastikong sabi ni Arken.

Natigilan ako nang tumayo siya at nag-walk out. Tuluyan na kaming natawa ni Arkia. Si Vander ay tahimik lang pero napapangiti rin.

Grabe, ngayon ko lang yata nakita ang gano'ng side ni Arken. Nakaka-enjoy pala siyang asarin. Aasarin ko siya nang aasarin habang nandito kami. Lulubusin ko na.

"Magpahinga na kayong dalawa at matulog, ha. Bukas na uli kayo maglaro, hmm? Arkia, basahan mo ng Bible si Vander kung gusto mo."

Pinolbohan ko sila nang makapagpalit na sila ng pantulog. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila, terno ang damit pajama nilang dalawa. Ang cute.

"Nagbabasa ka ba ng Bible, Vander? Gusto mong basahan kita ng Bible?" tanong ni Arkia. Mukhang hanggang ngayon ay gusto niya pa ring maging madre.

"I only read mystery and murder cases," sagot naman ni Vander. Parehas kaming napangiwi ni Arkia sa sinabi niya.

Bakit ba hindi natulad ang batang 'to sa ate niya?

"Mama, parehas sila ni Papa," sabi naman ni Arkia at napahagikhik.

"Makinig ka kay Arkia, anak. Maganda ang magbasa ng Bible."

Dinampian ko ng halik ang noo nilang dalawa saka iniwan na sila sa kuwarto nila. Hahayaan ko muna silang makapag-bonding pa. Hahayaan ko silang lubusin ang oras habang nandito pa kami ni Vander.

Natigilan ako nang makita si Arken na naninigarilyo habang nakatingin sa dagat. Napakamot na lang ako sa batok ko at lumapit sa kaniya.

"Hoy."

Napatingin siya sa 'kin. Ilang metro din ang layo ko sa kaniya, ayaw kong lumapit dahil natatakot akong makita ang dagat sa ibaba.

Napasimangot ako nang muli niyang ibaling ang tingin niya sa dagat. Nagtatampo pa rin ba siya sa pang-aasar ko sa kaniya kanina?

"Arken! Lumapit ka," sabi ko na lang dahil hindi ako makalapit sa kaniya.

Napapadyak ako nang hindi ako nito pinansin at tumuloy lang sa paninigarilyo. Naiinis na lumapit ako sa kaniya at hinablot ang sigarilyo mula sa kaniya saka inilagay 'yon sa sahig at inapak-apakan.

"What the fuck, Jonalyn?!" naiinis na tanong niya.

"Bakit ka ba nag-iinarte?! Dinala-dala mo ako rito kahit takot ako tapos hindi mo naman pala ako papansinin," nakapamaywang na sabi ko.

Ano naman kung hindi niya ako pansinin? Wala naman dapat akong pakialam kung hindi man niya ako pansinin. Ang gulo ko rin.

"Napipikon ka? E di tutukan mo ako ng baril kagaya ng ginagawa mo noon," sabi ko na lang saka inismiran siya.

Nanatili siyang seryosong nakatitig sa 'kin. Napakurap na lang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya.

"S-saan ako matutulog?" tanong ko na lang.

"In my room," tipid na sagot na lang niya.

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

"Baliw ka ba?!"

"Nothing will happen between us if you don't want to, Jonalyn. If you want to have sex with me, then I will gladly do so. Everything depends on you. If you're confident that nothing will happen, then sleep in my room," sabi niya naman.

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nadadampot ang mga gano'ng logic na wala namang sense.

Napasinghap ako nang hablutin niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Napakislot naman ako nang ipwesto niya ako sa unahan niya saka humawak sa railings ng yate. Napakurap na lang ako dahil nasa pagitan ako ng mga bisig niya ngayon habang nakatalikod ako sa kaniya.

"T-takot nga kasi akong tumingin sa dagat nang ganito, hindi mo ba ma-gets?" sabi ko na lang at napatingin sa ilalim ng dagat.

Hindi ko alam kung saan ba ako hindi mapakali—sa dagat ba o dahil ang lapit namin sa isa't isa?

"Just enjoy the view."

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang ibulong niya iyon sa tainga ko. Hindi ko alam pero may parte ng sistema ko ang nagwala dahil sa magdampi ng mainit niyang hininga sa tainga ko.

"Sabi ng takot ako rito, e!"

Humarap ako sa kaniya pero wrong move lang yata iyon. Napalunok ako at napatingala sa kaniya, nakatingin naman siya nang deretso sa mga mata ko. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Malamig naman ang hangin dahil gabi na pero pinagpapawisan ang palad ko sa hindi malamang dahilan.

"L-lumayo ka nga," sabi ko na lang at bahagyang itinulak ang dibdib niya pero hindi siya nagpatinag.

"Kiss me first," tila paos na usal niya saka bumaba ang tingin sa mga labi ko.

Napapikit na lang ako at dinampian ng mabilis na halik ang labi niya para matapos na 'to. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko at natulala.

"O-okay na? Lumayo ka na!"

Buong lakas ko siyang itinulak dahil halatang nagulat pa rin siya sa ginawa ko. Hindi naman siya nakalaban at agad na napaatras dahil sa pagtulak ko.

"B-bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ko na lang saka napaismid.

Nakatulala pa rin siya at napahawak sa labi niya na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"You really kissed me. I was just kidding," sabi naman niya.

Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko na tila ba nakakapaso kapag humawak do'n. Ngayon na lang yata uli ako nahiya nang ganito sa harapan niya.

"B-bakit hindi mo sinabi?! Nasayang ang kiss ko!" naiinis na sabi ko at sinuntok ang dibdib niya.

"I didn't expect that you will actually kiss me," sabi naman niya. Halata rin talaga sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa ko.

Lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya. Dapat naman kasi sinabi niya kaagad na joke lang pala 'yon.

Bakit din naman kasi ako nagpadalos-dalos at hinalikan siya?

Natahimik kami pareho. Napaismid na lang ako at inirapan siya. Naiinis ako sa kaniya pero ako naman ang may kasalanan sa pagkakataong 'to. Ano ba kasi ang nakain ko at basta ko na lang siyang hinalikan?

"Jonalyn."

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Seryoso at matiim siyang nakatitig sa 'kin na para bang ako lang ang nakikita niya. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong enerhiya ang tumutulak sa 'kin na labanan ang titig niya.

"Bakit?" tanong ko na lang, pilit na hindi ipinahahalata ang epekto ng pagtitig niya sa 'kin.

Tipid na ngumiti na lang siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako. Wala naman akong nagawa at nagpatianod sa kaniya.

Akala ko pa naman ay may seryoso siyang sasabihin.

Pumasok kami sa isang silid. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Mas malaki ito kompara sa silid nina Arkia at Vander.

"This will be your room. I'll sleep outside," sabi ni Arken.

Muli siyang napatitig sa 'kin saka inipit ang ilang pirasong hibla ng buhok na nakakalat sa mukha ko. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa matiim niyang titig pero wala akong magawa para mag-iwas ng tingin sa magandang pares ng mga mata niya.

"Sabi mo sa iisang kuwarto tayo matutulog?" naitanong ko na lang.

Natawa siya nang mahina sa sinabi ko. Napakislot naman ako nang maramdaman ang marahang pagdampi ng daliri niya sa tainga ko.

"I was just kidding about that too. I know you'll be uncomfortable if we will sleep together. I brought you here to be comfortable and to ease your mind. Isipin mo na lang na wala ako rito. Spend time with Arkia and Vander. Forget that motherfucking Regnier for a while."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung para saan o bakit niya ito ginagawa pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kaniya.

Halatang natigilan siya sa ginawa ko, maski ako rin ay nagulat dahil pakiramdam ko ay kusang kumilos ang katawan ko. Napapikit na lang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, pati na rin ang pagpipigil niya ng paghinga.

"Salamat."

Tumunghay ako at tumitig sa guwapong mukha niya habang nakayakap pa rin sa kaniya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya.

"This is not for free," sabi niya sa malalim na boses.

Napasinghap ako nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. Napatitig na lang ako sa mga mata niya, bumigat ang paghinga ko nang makipaglabanan siya ng titig sa 'kin.

"Damn it."

Hindi ako nakapalag nang muli niyang siniil ng halik ang labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

69.2K 4.1K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
30.8M 584K 42
"You're invited to Temptation Island."
2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...