Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

573K 19.6K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue

16

14.9K 520 39
By MarthaCecilia_PHR


"HI, ROLLY," bati ni Karl sa matandang manager ng Kristine Hotel pagpasok niya sa lobby. He smiled charmingly at the women guest na nagpapapansin sa kanya.

"May bisitang naghihintay sa papa mo, Karl. Nasa opisina niya. Kalahating oras na siya roon..."

"Sino?" tanong niya, pero ang mga mata'y nakasunod sa isang blonde na dumaan sa harap niya. Naka-two-piece swimsuit ito at natatakpan lamang ang pang-ibaba ng isang kapirasong malong na nakatali sa baywang. Pilyong siniko niya si Rolly. "Did you see that? Alam mo ba kung sino'ng kasama niya nang mag-check in?"

Nangingiting umiling si Rolly. "A man too old to be her father. Registered as married couple."

Nagkibit si Karl at inalis ang mga mata sa blonde na nang lumabas ng glass door ay kinindatan pa siya. "Oh, well... married blonde isn't my cup of tea. Sino na nga ang naghihintay sa papa?"

"Ngayon ko lang nakita. But she was one of the guests that arrived this morning. Ang sabi niya'y Lydia ang pangalan niya at gusto niyang makipag-usap sa papa mo... She said something about old score to settle. Siguro'y nagbibiro." Ngumiti si Rolly at nagkibit ng mga balikat.

"Kausap ng papa ang katiwala sa bakahan kaya baka ma-late ng dating, Rolly. Ako na ang kakausap sa kanya." Tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy na sa opisina ng ama. Nakaawang ang pinto nang dumating si Karl. Marahan niya iyong itinulak pabukas. Hawak nito ang kuwadro ng larawan nilang tatlo ng mga magulang na nakalagay sa cabinet na nasa likod ng executive desk ng ama.

The woman was statuesque. She must have been a couple of years younger than his mother Jasmine. She was fair. Mamula-mula ang buhok, of course, mula sa mamahaling dyes. Wala itong suot kahit na anong alahas. She was wearing something Jasmine wouldn't dare wearing in her age—a body-hugging dress in black. Huminto ang damit ilang pulgada bago dumating sa tuhod, showing shapely and stockinged legs. Tatlong pulgada at kalahati ang mamahaling silver stilletoes nito. Karl thought that everything about the woman was expensive.

Somehow, gusto niyang humanga sa mga babaeng malakas ang loob na mag-ayos na tila dalaga in their middle age.

Nang ilapat ni Karl ang pinto ay gumawa ng bahagyang ingay ang pagsasara niyon na nagpalingon sa babae. Ibinalik nito sa ibabaw ng cabinet ang kuwadro nilang mag-anak subalit ang mga mata'y nakatuon sa kanya.

"Nathaniel!" bulalas nito. "You're here finally. Kanina pa kita—" Nahinto sa lalamunan nito ang sinasabi nang matitigan si Karl.

Pagkamangha ang bumalatay sa mukha ng babae habang titig na titig kay Karl. Subalit sandali lang ang pagkamangha. Nahalinhan iyon ng paghanga. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang matitigan nang husto ang babae. May pakiramdam siyang nakita na niya ito, hindi nga lamang niya matandaan kung kailan at kung saan.

"Ang buong akala ko'y ikaw si Nathaniel..." wika ng babae na ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha niya.

Humakbang palapit sa babae si Karl, inilahad ang kamay, and said politely. "I'm Anton Karl, Ma'am, his—"

"I know your name," agap nito at inabot ang kamay niya. "Why, you're gorgeous..." she said almost in a whisper. "You are just as handsome as your father..."

Napakamot ng ulo si Karl at alanganing ngumiti. Itinuro niya ang leatherette sofa. "Please have a seat. Nasa bahay pa si Papa at matatagalan pa marahil. Care for something? Coffee... juice... or—"

"Kung tama ang computation ko'y dalawampu't apat na taon ka na..." wika nito. A bit of excitement in her voice. Ni hindi pinansin ang pag-aalok ni Karl ng maiinom. Ang mga mata'y hindi humihiwalay sa kanya. "The last time I saw you, you were fourteen... fifteen?"

Karl took a breath at tumango kasabay ng tipid na ngiti. "That's why you look so familiar. Kailan ho ba iyon at saan?"

Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip ay ngumiti ito. Ngiting sa tingin ni Karl ay maraming kahulugan. Pagkuwa'y inabot ang silver purse nito na nasa mesa at mula roon ay kinuha ang cigarette case at isang pambabaeng lighter. Nagsindi ito ng sigarilyo, humitit at nagbuga ng usok.

He saw her hands trembled a little.

She puffed again, bago sumagot. "Sa opisina ni Nathaniel sa Pasong Tamo, sa Esmeralda building. Dumating ka kasama ni... ng iyong... ina. Ako si Lydia. Nalimutan akong ipakilala sa iyo ng papa at mama mo noon."

Natilihan si Karl. Unti-unting nagkakahugis sa isip ang isang malabong alaala. Kasama ng driver, sinundo niya ang ina sa parlor nito at pagkatapos ay napagpasyahan nilang dumaan sa Esmeralda building. Hindi inaasahan ni Nathaniel ang pagdating nilang mag-ina sa opisina nito at napasukan nila ni Jasmine ang babaeng ito na nakaupo sa armrest ng swivel chair ni Nathaniel, ang mga braso'y nakaakbay sa ama.

Natatandaan niyang namutla si Jasmine sa nakita at napahawak sa braso niya nang mahigpit. Ang sumunod niyang natandaan ay ang madaliang paghila ni Jasmine sa kanya palabas ng opisina ni Nathaniel. And a couple of days after that, he and Jasmine went out of the country.

Tinitigan niya ang babae, ang sigarilyong kasisindi lang ay inilagay sa ashtray sa may mesa at pinatay roon. Then she lit another one. Natiyak ni Karl na nininerbiyos ang babae.

"Ano ho ang sadya ninyo sa papa, Miss Lydia?" aniya sa pormal na tinig. Ang babaeng ito ba'y may kaugnayan sa papa niya noon... at magpahanggang ngayon?

Tumawa ang babae. Makahulugang tawa. Ang animosity para sa babae'y biglang umahon sa dibdib ni Karl.

"Nakausap ko si Nathaniel sa telepono kahapon, Karl. Hindi niya gustong makipag-usap sa akin kaya mula Maynila ay nagtungo ako rito..."

Tumikhim si Karl. "Baka may mabuting dahilan ang papa para hindi kayo kausapin, Miss Lydia."

"Hindi niya ako dapat na iwasan!" Nawala ang tawa nito at humalili ang paniningkit ng mga mata. "Sa nakalipas na isang buwan ay maraming beses ko nang tinangkang makausap siya nang maayos. I spent thousands of pesos para lang makausap siya nang long distance." Muling humitit ito ng sigarilyo at tinitigan siya. Pagkuwa'y nagbuga ng usok paitaas. "At tamang pagkakataon marahil ang pagtungo ko rito sa isla upang makatagpo kitang muli. We didn't have a chance before... Madalian kang inilayo ni Jasmine."

He frowned. "I don't understand. What is it that you want from my father?"

"Tungkol sa iyo, Karl..." Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Katunayan ay ikaw talaga ang gusto kong kausapin subalit nag-aalala akong muli'y hindi kita makakaharap. Tinitiyak ni Nathaniel at Jasmine na hindi ako magkaroon ng pagkakataong makausap ka."

Kumunot ang noo ni Karl. "Bakit naman gagawin ng papa't mama iyon? Bukod pa sa madali naman akong makausap. Kung wala ako rito sa isla'y nasa Maynila ako, sa Esmeralda building kung saan naroon ang main office ng planta."

Patuyang ngumiti si Lydia. "Hindi ako makakapasok sa Esmeralda building, Karl. Mahigpit ang bilin ng ama mo sa mga security guard na huwag akong papapasukin. Nasa kanila ang aking larawan..."

Muling sumingit sa alaala ni Karl ang eksenang inabutan nilang mag-ina noong binatilyo siya. Then he said grimly, "Then I don't think my father would want to see you now, Miss Lydia..." Bago pa makasagot si Lydia ay bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Jasmine na kasunod si Nathaniel. Nahinto sa paghakbang ang dalawa nang makita kung sino ang kausap ni Karl.

"Hello, Nat? Jas?" bati ni Lydia, isang malapad na ngiti ang nasa mga labi.

Si Jasmine ay napasandal sa may dingding na tila mauupos.

"Ano ang ginagawa mo rito?" bungad ni Nathaniel na agad ang pag-ahon ng galit at kaba sa dibdib. Ang mga mata'y lumipad patungo kay Karl.

"Well, of course, natitiyak kong alam ninyo ang dahilan. Narito ako upang ipakilala ang sarili ko sa aking anak!"

"Anak?" usal ni Karl na pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlo.

"You are my son, Karl," Lydia declared cruelly. "Ako ang tunay mong ina at hindi ang babaeng ito." Nilingon nito si Jasmine na nawalan ng kulay ang mukha at tila hihimatayin ano mang oras. Karl turned to Lydia furiously. "What the hell are you talking about?" Sa isang bahagi ng dibdib ay unti-unti ang pagbangon ng kaba kasabay ng galit.

"Bakit hindi mo tanungin ang papa mo? Sasabihin niya sa iyo ang totoo," sagot nito at ibinalik ang tingin kay Nathaniel.

"Shut up, Lydia!" Ang galit na tinig ni Nathaniel ay nag-echo sa loob ng silid. Ang mga mata'y nagbabadya ng pag-aalala para sa anak at poot para kay Lydia.

"At hayan ang kinikilala mong ina," patuloy ni Lydia at itinuro ang kamay kay Jasmine. "Itanong mo sa kanya ang katotohanan ng pagkatao mo..."

"Don't listen to him, Karl." si Jasmine na sa wakas ay nakahagilap ng sasabihin. Sa mukha ay nakabadya ang pinaghalong galit, pag-aalala at panic.

"You are my son, Karl!" pagdiriin ni Lydia.

"You are lying!" He was gritting his teeth in anger. May pakiramdam siyang nanlalamig ang buo niyang katawan.

"Bakit hindi ninyo sabihin kay Karl ang katotohanang ako ang tunay niyang ina!"

"I'll kill you, for this, Lydia!" sigaw ni Nathaniel. "Binalaan na kita, Nathaniel, pero hindi ka nagbigay-pansin..." wika ni Lydia, isang nanunuyang tawa ang pinakawalan.

"Damn you! You can go to hell and back pero wala kang perang makukuha mula sa akin! Not now, not ever! At titiyakin ko sa iyong babalik ka sa pinanggalingan mo! I'll use everything in my power to buy back what is yours now! Mamumulubi kang muli, Lydia!"

Karl turned to his father and was stunned. Namumula si Nathaniel sa galit. Mahigpit nitong kuyom ang mga kamay at nakikita niya ang nagngangalit na mga ugat sa braso nito. Kung hindi malusog ang puso ng ama'y natitiyak nitong ikamamatay ni Nathaniel ang sandaling iyon. Humakbang ito upang lapitan si Lydia at sino ang nakakaalam kung ano ang maaaring gawin ng ama sa galit. Subalit mahigpit na nahawakan ni Jasmine sa braso ang asawa at niyakap ito.

Hindi kailanman nakita ni Karl na nagalit nang ganoon ang ama. At nang lingunin niya si Lydia ay naroon ang sandaling pagkatakot sa mukha nito. Then she composed herself. Pagkuwa'y tumingala ito sa kanya. Hinawakan siya sa braso.

"You are my son, Karl. Ako ang nagsilang sa iyo sa maliwanag. Hindi nila ako binigyan ng pagkakataong makalapit man lamang sa iyo. Para akong may sakit na nakakahawa na itinataboy tuwing tatangkain kong makita at makausap ka man lang."
"Liar!" sigaw ni Jasmine habang inilalagay ang sarili sa harap ni Nathaniel.

Subalit hindi pinansin ni Lydia si Jasmine. Humarap ito kay Nathaniel. Nagpapakumbaba ang anyo at may nakaambang luha sa mga mata. "Hindi mo papayagang tratuhin ako nang ganito ng iyong ama, Karl, at ng kinilala mong ina!"

Marahas na inalis ni Karl ang mga braso ni Lydia sa kanya. Nilingon si Jasmine. "Totoo ba ang sinasabi niya, Mama?" tanong niya bagaman sa isip ay naroon na ang sagot.

"Oh, god!" usal ni Jasmine, then she burst into tears.

Tumiim ang mukha ni Karl, binalingan ang ama na naniningkit ang mga mata sa matinding poot, subalit umiwas itong magkasalubong ang paningin nila.

Sa sandaling iyon ay nag-uumapaw ang iba't ibang damdamin sa dibdib ni Karl. Nangunguna ang galit sa kinikilalang mga magulang.

Isang nasusuklam na tingin ang iniwan niya kay Lydia bago nagmadaling lumabas ng silid. "Karl!" Jasmine tried to go after him subalit pinigil ito ni Nathaniel.



*****************Grabe ka Lydia, ginigigil mo ako grrrr char hahahaha . Easyhan lang natin mga beshie char. - Admin A ****************

Continue Reading

You'll Also Like

900K 17.9K 21
"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Judy..." Labing anim na taon si Jud...
745K 19.8K 35
"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit...
1.2M 32.1K 65
Bernard. Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and he though...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...