abot sa paningin

By ynsanity

23.3K 1K 394

wrong number, tol. ••• !! to be edited More

ABOT SA PANINGIN
prelude
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
[p2] chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
epilogue

chapter 28

448 27 32
By ynsanity

Santiago

Nagsimula ang lahat sa isang maling akala.

Kanina pa ilaw ng ilaw ang cellphone ko habang gumagawa ako ng plates. May kasama pa ngang tunog ang bawat message 'e. Siguro tinatadtad nanaman ng mga kaibigan ko ang gc ng class block namin. Siraulo din mga 'yon 'e.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kabilang dulo ng lamesa, imumute ko sana ang gc ngunit wala palang message galing dito. Imbis na galing sa messenger o kaya sa instagram, galing ito sa Messages. Nagulat ako doon dahil hindi naman ako masyadong nagchchat doon.

At'saka, galing ito sa isang unknown number.

"i guess this is closure for me and my feelings for you dahil alam ko na kahit hindi naging kayo ni janna, hindi mo parin ako magugustuhan sa ganong paraan.
thank u for everything :)"

Hala, sino 'to? Wala akong kilalang janna?

Natawa ako sa pagkakamali niya sa pagmessage. Pero naawa din ako sa buong minessage niya. Alam ko din kung gaano kasi kasakit iyon. Alam ko dahil nireject ako ng kaibigan ko dahil mas gusto daw niya tropa ko.

Masakit 'yon.

Kaya minessage ko din siya. I made a deal to be friends with her and to tell her things about me [minus my personal information]. Masaya daw magkaroon ng internet friend, sabi ng kaibigan ko. Walang judgements sa buhay, walang masasabing masama.

It went on for weeks, may part din na akala niyang sumama ang loob ko sa kaniya kaya bigla niya akong sinuyo. Kala mo magjowa 'e.

It went on for 1 month, nandoon ako para sakaniya habang nagpapakahirap siyang magaral para sa mga exam. Naroon ako para sa kaniya noong nakita niya ulit ang taong mahal niya sa mall, kasama ang girlfriend niya.

In return, she was also there for me nung nahihirapan ako sa mga subjects ko. Nandoon siya nung bigla akong kinonfront ng kaibigan ko dahil sa babaeng gusto ko. Nandoon siya nung alam kong nakamove on na ako kay Joanna.

Two months passed, alam ko na ang mga maliliit na bagay tungkol sa kaniya, ang mga hilig niya, ang mga gusto niya. Nalaman kong gusto niya maging doktor dati pero umayaw noong nalaman niyang napakaraming taon ang kailangang isakripisyo upang maging isang ganap na doktora. Nalaman rin niya na mahilig ako magdrawing ng mga self portraits.

"wow, why don't u draw me."

"balang araw, sige, ikaw ang magiging muse ko sa art ko."

Hindi na siya nagreply no'n. Siguro nagulat siya. Ako din mismo nagulat sa pinagtype ko 'e.

Siguro doon ko lang naramdaman ang pagiging curious ko sa itsura niya.

Not that it mattered.

Alam ko naman maganda siya 'e. Alam kong mabait siyang tao, alam ko rin na hindi siya nagsisinungaling sa pagkatao niya. May tiwala ako sa kaniya kahit hanggang chat lang kami sa isa't isa. Sana ganoon din siya sa akin.

Weeks past, I continued talking to her. Until it turned into three months. Three months of texting each other everyday. Mas strong pa kami sa relasyon ng iba.

I want to see her.

Wala akong pakialam sa itsura niya, sa boses niya, sa kahit ano mang mayroon sa kaniya. I liked her, as a person, as a friend. How much more kung nameet ko siya? Baka mainlove ako kaagad.

So I brought it up.

After 1 day of thinking about how to tell her that I wanted to meet up with her, I finally had the courage to text her.

Umayaw siya.

Wag daw namin pilitin.

Pilit kong itinago ang pagkadismaya ko sa desisyon niya. Pero, sige, kung iyon ang gusto niya, I'll respect it. I'll respect her. I liked her. Up until now, hindi ko alam na posible palang magustuhan ko ang tao kahit hindi ko pa siya nakikita.

So we continued with our set up. I let her boss me around as I [lowkey] flirt with her.

She doesn't even get the signals.

Ang slow niya.

Pero ang cute parin.

Tila aatakihin ako nung nakita ko ang text niya noong isang araw na gumising ako. Nakita ko na siya ang unang nagchat. Hindi nangyayari iyon, hala. When I opened my phone, kitang kita ko kung ano minessage niya.

Gusto ko daw ba magmeet up?!

Pucha, biglang bumilis ang heartbeat ko. Nagpapalpitate ako shet. Medyo nagshshake ang kamay ko habang nagtytype ng answer. Rinig na rinig ang pagkalabog ng dibdib ko. Umagang umaga gising na gising na ako.

Sobra.

Okay.

Gago pakiramdam ko nanalo ako sa lotto. Pakiramdam ko na nasa papunta na ako sa langit at sinagot na ni Lord ang lahat ng dasal ko sa buhay.

Sa wakas makikita ko na siya.

Binibilang ko na ang mga araw bago ko siya makita. Weeks before the meet up, she told me na magmomove in na siya sa apartment niya. She fixed everything sa school niya dahil lumalapit na din ang first day.

Ako rin, halos sabay din nagsimula ang paaralan namin. Hassle din dahil unang linggo marami na pinapagawa. Pero kahit maraming ginagawa, hindi parin mawawala sa utak ko ang araw kung kailan kami magkikita.

"Uy, bakit ka nakangiti diyan, dude?" tanong sa akin ni Gerald, isa sa mga kaibigan ko. Natauhan ako nung nalaman ko na nakangiti pala ako habang nakatingin sa mga ulap.

Narito kasi kami ngayon sa terrace ng apartment niya.

"Wala." pilit na itinatago ko ang ngiti ngunit wala akong magagawa, bukas ko na siya makikita.

"Ulol! Ayan ba yung si Ms. Sungit na sinasabi mo sa amin dati? 'Yun lang naman ang babaeng ikinukwento mo sa amin 'e."

"Huh?" gulat kong tanong. Naalaala niya parin iyon?

"Sus! Sige, balitaan mo ko, pre ah. Ako bahala sa mga linyahan mo sa kaniya."

"Ina mo, corny ng mga linyahan mo."

"Ito, ito may naisip ako... Dilim ka ba?" nakangisi niyang sabi. Tumatawa tawa siya sa sarili niyang inisip na joke. Parang sira din 'e. Nung nakita niyang hindi ako nakikipagbiruan, mas tumawa pa siya lalo. "Sabihin mo bakit..."

"Ayoko gago, bahala ka diyan."

"Kasi noong dumating ka, wala na akong nakitang iba." siya mismo ang kinikilig sa sinabi niyang banat. Kaya walang nailalandi itong lalaking 'to 'e. "Teka, teka may isa pa ako!" sabi niya noong nakita niyang umaalis na ako palabas.

The day finally came. 'Di ako makapagbihis ng maayos sa sobrang kaba. Yung usapan naming 6:00, pero nandoon na ako ng 2:00. Kahit nandoon na ako ng maaga, hindi ko parin siya pinabilisan. Take your time. Maghihintay ako.

Noong nakita kong 6:05 na, tinext ko na siya. Nandito na ako.

Medyo kinabahan ako noong hindi siya nagreply. Sineen niya lang ako, hmph. Inayos ko muna ang buhok ko gamit ang reflection ng cellphone ko at pinagpag ang damit ko, baka kasi may dumi.

Tinawag niya ako.

Kung ano ang bilis ng pagtibok ng puso ko noong niyaya niya ako makipagmeet up, itriple natin iyon noong narinig ko ang boses niya. Kahit hindi masyadong malinaw dahil sa signal ng cellphone ko, pakiramdam ko na puputok ng wala sa oras ang mga ugat sa puso ko.

"Hi." una kong sabi. Alam kong hindi muna sasalita si Constantia. Medyo mahiyain 'yon 'e. Masungit na mahiyain. Wala paring sumagot. "Hello?"

"Aray!" may pabulong na sigaw akong narinig. Hala, anong nangyari? Nasaktan ba siya? "Hello?" agad niyang habol. Grabe, boses pa lang nafall na ako.

"Okay ka lang?"

She quickly replied and asked where I was. Sumagot naman ako. Pagkatapos kong sumagot, wala na nagsalita. Siguro hinahanap na niya ako. The silence was okay, actually. It was somehow comfortable, I didn't know why.

Pinatay niya ang tawag. Bigla bigla nalang. Maybe she saw me na. Tumingin ako sa paligid at hinanap siya. Yun lang, hindi ko alam ang itsura niya. Pero wala akong nakita na babaeng galos kasing edad ko. Puro mga nanay at lola.

I looked at my phone for a while, nagscscroll sa mga messages sa class block gc namin. May gagawin nanaman, amp. 'Di kami nauubusan ng gagawin na plate.

Pagkatingin ko ulit sa harapan, may dalawang babae na nasa malayong harapan ko na. Parehong chinita. My gaze first went to the girl who was staring at me. Sobrang ganda ng mata niya, pakiramdam ko nahuhulog ako sa sobrang lalim nito.

'Di ko na natingnan ang isang babae dahil hinila siya pagilid. My eyebrows furrowed. Akala ko siya 'yon. Siya na ba yon?

Ilang sandali pang lumipas, lumapit ulit sila. My gaze traveled from my phone to the girl I've been staring at kanina. Mukhang nagaalinlangan siya. Hindi siya mapakali at tingin siya ng tingil sa kahit saan hindi lang sa mata ko.

Magsasalita sana ako nung nagsalita ang kaibigan niya. "Hi." mahinhin na boses niya. Something... was not right.

But I decided to go with it. "Hi... Constantia." ngiti ko sakaniya.

Dinner was good and all. As I kept on talking with "Constantia", everything became clear. Isa nalang na piece ang kulang sa puzzle.

"Ikaw?" nilipat ko ang atensyon sa babaeng kanina pang nakakunot ang kilay habang ginagalaw ang pagkain. Halatang masungit. Nung nagsalita ako, tinaas niya ang ulo niya at agad ding tumaas ang dalawang kilay niya.

"What?"

Englishera din.

"Anong school mo?"

"Ateneo."

Everything became clear. Her voice, the way she acts, her height. Sabi niya 5'1 siya, kaya nagtaka ako kung bakit mga 5'4 itong nagpakilala na Constantia sa akin. Anu'yon biglang tumangkad ng 3 inches sa loob ng tatlong buwan?

'Kala mo mauutakan mo ako ha, Constantia.

Why did you have to let your friend act as you?

————————————

I had a friend in Ateneo. Eunice. Kababata ko na journalism din ang kinuhang major. Maraming kilala dahil kung sino sino lang finofollow niya sa mga socmed accounts niya.

Kaya nung tinanong ko kung may kilala ba siyang Constantia sa school nila, mabilis din siyang nakasagot.

"Constantia? Teka, I'll check sa classlist namin at sa classlist ng mga kabilang block. Sure ka kaage ko din? Freshman?"

"Oo nga."

"Teka lang..." may katahimikan. "Wala namang Constantia dito, ay shet, there is pala. Ito oh, Louise Constantia. Hindi naman niya pala first name, kaya pala I had a hard time finding her."

I thanked her and asked her she could help me sneak in. May tatanungin sana ako 'e. Okay daw. "Salamat. salamat."

Louise Constantia.

I didn't want to stalk her accounts dahil pakiramdam ko magiging stalker ko. I waited nalang na magkita muna kami para hindi siya macreep out at magulat.

Nung palihim na ipinasok ako ni Eunice, madali ko siyang nakita sa Library. Nu'ng nagchat kami noong isang linggo, she told me that she was always in the Library dahil do'n niya lang nagagawa ang mga essays. Sa apartment kasi niya, may ginagawa sa kabilang unit. Maingay ang construction.

Kitang kita ko ang inis niya sa pagsulat ng bawat salita. Ay joke, wala pa siyang naisusulat. Ginugulo niya ang buhok niya at sinuot ang kulay maroon (?) na salamin niya. She squinted her eyes, and began writing again. Lumapit ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa likod.

"Hi po."

Napapikit siya sa inis. 'Di ko alam kung magreretreat ako dahil natatakot na ako. Pero at the same time, ang cute niya. Parang baby na nanakawan ng candy. Sarap pisilin ng cheeks.

Her head went to my direction. Bahagya siyang nagulat. Mukhang natataranta. I bit back a laugh. "Constantia's friend? Right?"

Medyo lumuwag ang hinga niya. She inhaled and exhaled internally. Pilit na pinapakalma ang sarili niya. "Yes." tipid niyang sagot at ibinalik ang atensyon sa kaniyang sinusulat. Napakamot nalang siya ng ulo noong napagtanto niyang nakalimutan niya ang kaniyang dapat na isusulat.

"Masungit." bulong ko sa sarili ko. Malamang, Santi, masungit. Parang hindi mo alam 'yon ah.

Kinuha ko ang libro na nakapatong sa katabing table. Di ko na tiningnan kung ano ang title non at muli nalang ako nagsalita. I asked kung puwede ba ako makiupo doon. She just nodded, masyadong busy sa sinusulat niya.

I opened the book I got pero hindi ko tiningnan iyon. I was busy looking at her. Ang ganda niya talaga.

"What." bigla niyang sabi.

"Huh?"

"Anong huh." sinungitan niya ulit ako. Ang cute talaga niya kapag masungit siya. Parang pusa na handang kumalmot.

Pinakiusapan ko siya na tulungan ako kay Constantia. Gusto kong matawa sa mga sinasabi ko. Ang totoo talaga niyan, gusto ko makasama siya. Gusto ko malaman kung ano gustto niyang regalo, gusto ko pang higit na mas makilala pa siya. Hindi sa chat, pero sa personal na.

Nakita ko rin kung gaano siya nahirapan sa pagsabi ng tutulungan niya ako. "Deal."

I watched her as she worked on her essays. Natamaan ko ang table gamit hita ko kaya nagalit ulit siya. Sabi ko nga aayos na ako. Gusto ko siya hintaying matapos. Para mahatid ko siya sa kung sa'n siya pupunta. Kung ayaw niya, e'di hanggang labas nalang ng campus. Buti nalang hindi pa ako nahahanap ng mga guard. Magaling din itong si Eunice 'e. Nu'ng lumabas na siya, binigay sa akin I.D. niya.

Kaya ang ginawa ko nalang ay kinuha ang isang kapirasong papel na nasa lamesa, at sinimulang guhitan ang paraluman kong si Louise Constantia.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 1.7K 70
Thirteen year old Sophia's life is pretty simple: study, do chores, bake, and sleep. On the weekends, she's off playing with friends or picking flowe...
8.5M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
25.6K 2K 107
COMPLETED epistolary | syd & zak ; a story of childhood bestfriend turned into lovers.
15.8K 1K 90
"Gusto ko rin ng jowa... sa gabi." Larisa Inanna "Lina" Cortez disliked commitment but yearned for a 'jowa' every midnight. Desperate and bored, she...