Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 4

314 20 32
By aLeiatasyo

"Trey, wait lang ha! Sabay na tayo pumunta sa office," sabi ni Ryone na nakaupo sa armchair niya't sinasagot ang activity na kanina pa dapat ipinasa.

Umiling ako kahit hindi siya sa akin nakatingin. "Can't. May appointment ako.

Itinapat ko sa mukha ko ang compact mirror na hiniram ko kay Francene kanina at nag-ayos ng itsura kahit papaano. Kapag ganitong oras na kasi ay nagmumukha akong bruha bawat pagkatapos ng mga klase.

Sinuklay ko rin ang buhok kong sobrang haba't umaabot hanggang sa baywang. "Ang ganda ng kulay ng buhok mo..." rinig kong sabi ni Francene na nakaupo sa may likuran at hinahaplos rin ang buhok ko. Kulay tsokolate kasi ang akin at hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila ito.

"Saan ang lakad?" tanong ni Erika na umupo naman ngayon sa lamesa ng armchair ko. Tumayo akong biglaan at muntikan siyang mahulog. "Hoy!"

Tumawa ako sa gulat niyang ekspresyon, "Ngayon ang start ng interview ko with Manzanares. Para sa feature. 'Yon lang."

Inangat na ni Ry ang tingin niya sa akin at may pagdududa niya akong tinignan. "Hmm? Bakit nagpaganda ka pa? Ikaw ah, may hidden agenda..."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang maglakad sa labas at ipakita sa buong sangkatauhan kung gaano ako ka-haggard? No one wants that!

Bago pa man ako makapagsimulang pagsabihan si Ryone ay tinulak na ako ni Francene palabas, "Okay, okaaay! Ingat ka, Treya!"

Padabog akong bumaling sa kanya. "Eh! Hindi ko pa nasasabi kay Ry na hindi ako nagpapaganda para kay Kenjiro! Hindi ko kailangan magpa-impress sa kahit kanino!"

Tinakpan niya ang tainga niya't tumango tango nalang sa sinabi ko.

Naglakad na kami pababa ng stairs at mukhang sasamahan niya ako hanggang makapunta sa boulevard.

"Balita ko mabait naman 'yung Manzanares..." pagsisimula niya ulit ng usapan.

"Siguro." walang amor kong sinabi, dahilan para hampasin niya ako sa balikat. Buti nalang ay nasa huling hakbang na kami ng hagdanan! "Pakilala mo ako ha?" sabi niya na sinundan niya ng tawang hindi ko alam kung nakakatakot o sadyang nakakapangilabot lang.

Pagdating sa boulevard ay umupo na ako sa isa sa mga bench doon at nagpasyang doon hihintayin si Kenjiro. Pinili ko ang pwesto na madadaanan ng mga manggagaling sa building nila.

Dismissal kaya sobrang daming estudyante ang nadadaanan ako. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa mga grupong mapapadaan para tignan kung nandoon si Kenjiro.

Ang sabi kasi sa akin ay palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.

"Ang tagal naman," bulong ko sa sarili ko.

Para hindi ako tuluyang mairita sa pagpapahintay niya sa akin ay hinugot ko ang isang libro sa bag ko para basahin iyon.

Napangiti ako. Elementary palang ay nasa akin na ang libro na 'to at paborito ko siyang binabasa kahit paulit-ulit.

Every day by David Levithan.

Kung sigurong tatanungin ako kung bakit paborito ko itong basahin, baka dahil ito yung libro na hindi ko maintindihan. Hindi naman sa dahil hindi maganda.

Maganda siya... pero tungkol sa pag-ibig.

At nananatili sa akin ang pagkamangha hanggang ngayon dahil hindi ko parin mawari kung bakit pinipili ng bida na balik-balikan ang iisang tao sa bawat araw na gumigising siya sa katawan ng iba't ibang tao.

Paano niya kinakaya na habulin ang isang tao na hindi siya nakikilala sa araw-araw? Bakit pinagpapatuloy niyang magmahal ng tao na imposibleng makuha?

Nangyayari din ba 'yon sa totoong buhay?

Nalulong ako sa pagbabasa at hindi ko namalayan na nagdidilim na pala kung hindi lang isa-isang nagbukas ang mga ilaw sa kahabaan ng boulevard at nagliwanag ang paligid.

Napakunot ang noo ko. Wala pa si Kenjiro.

Halos wala nang tao sa school maliban sa mga kolehiyong may pasok sa gabi.

Sino ba siya para sayangin ang oras ko at paghintayin ako ng ganoon katagal? Kumukulo na ang dugo ko at inis na inis na dahil sa paghihintay. Kung hindi rin pala siya magpapakita ay edi sanang may natapos pa ako sa office ngayon!

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa padabog kong kinuha ang bag ko at naglakad na. Iniisip ko na rin ang sasabihin ko kay Sir Marasigan kung bakit ayaw ko nang ituloy ang proyekto na ito.

Mahaba ang pasensya ko, lalo na simula nang ipanganak ang pinsan kong si Amiel at nung inalagaan ko siya. Hindi rin ako mapagreklamo, pero ayaw kong naghihintay para sa wala!

"Astraea!" narinig ko ang mabibilis na hakbang sa likuran ko at nakilala ko agad ang boses ng nagsalita. Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili kong sigawan siya.

Humarap ako sa kanya. "Oh?"

"Did you wait for long?" tumingin siya sa orasan niya at nanlaki ang mata, "Shit!"

Naamoy ko siya nang humangin nang malakas, pati ang babaeng nakaupo sa bench na pinakamalapit sa kinatatayuan namin ay parang naamoy ang bango niya. Pero hindi iyon sapat para maalis ang inis ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Yes." mariin kong sabi.

"Naghintay ako. Dalawang oras. Wala ka nang ibang sasabihin?" dire-diretso ang pagsasalita ko pero nanginginig ang mga labi ko. Naramdaman ko ring nag-init ang mga mata ko.

Nanlaki ang mata at namilog ang bibig niya.

Shit! Hindi ko ba kayang magalit nang hindi umiiyak? Baka kung ano pang isipin ng bwisit na to!

Kinagat ko ang labi ko at tumalikod na, pero agad niya akong hinawakan sa braso. Naramdaman kong nangilabot ako dahil sa lamig ng kamay niya.

"Ano?" nilingon ko siya ulit at nakitang namumungay ang mga mata niya.

"I'm sorry..." inalis niya na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko nang tinabig ko ito.

"Sorry, Trey. Hindi ko intensyon ang ganun..."

Tumango ako at matapang ko siyang tinignan. "This is a professional matter, Mr. Manzanares. Kung hindi ka magpapakita at kung may iba kang ginagawa ay sinasabi agad."

"I know. I just had to-"

Pinutol ko siya, "Had to what? Ano ang mas importante sa appointment na isang buwan nang nakaschedule?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "I had to wait for someone to go home before I could leave..."

Nanliit ang mga mata ko. Ganoon kaimportante ang tao na iyon para kahit masabihan ako na mahuhuli siya ay hindi niya magawa? At bakit ba galit na galit ako?!

"I'm sorry, Trey." sabi niya na may halong pagmamakaawa. Kahit mas matangkad siya sa akin ay naramdaman ko na sa sitwasyon ngayon ay parang siya ang mas maliit dahil sa sobrang pagpapakumbaba niya.

Ako pa tuloy ang nagguilty ngayon dahil sa sobrang pagtataray ko sakanya.

"Do not call me Trey."

Tumango siya. "What can I do to make it up to you?"

Tumingin ako sa relo ko at nakitang halos alas siyete na.

I sighed, "Uuwi nalang ako. Gabi na rin. I'll ask someone else to do the feature. That's it."

I dismissed our conversation at akala ko ay iyon na 'yon pero hinuli niya naman ngayon ang daliri ko para kunin ang atensyon ko. Napatingin ako doon at agad kong binawi nang marealize na parang magka-holding hands kami!

Siya naman ay hindi apektado...parang natural niya lang iyong ginagawa.

"Sorry na... Continue the feature."

Tinaasan ko siya ng kilay, "I do not want to work with someone who wastes my time."

"Last na 'yun, Trey. Promise!"

Umakto pa siyang gumuguhit ng krus sa dibdib niya, "Cross my heart. Hope to die."

Parang bata...

"Libre nalang kita. Ituloy natin ngayong gabi. Let's have dinner..." may kinapa siya sa bulsa niya at tunog iyon ng mga susi. "Paano kung ayaw ko?"

Nagtaka siya, "Huh? Sapilitan 'to... wala kang choice."

Hindi ko na alam kung paano niya pa ako napilit at kung paanong nasa front seat na ako ng sasakyan niya. "Do you even have a license? You drive already?"

"Secret. Si Ashriel din naman." tumawa siya kaya umani siya ng nagdududang tingin mula sa akin. Sumulyap siya habang nagmamani-obra, "Of course, I do!"

Nakampante naman ako sa sinabi niya pero agad iyong nabawi nang makalabas kami sa school at bumilis ang takbo namin. Napakapit ako sa seatbelt ko, "Ano ba!? Dahan-dahan! Papatayin mo ba ako?"

Narealize naman niya ang ginawa niya at pinabagal na ang pagmamaneho. "Ay, sorry. Hindi kasi ako sanay na may ibang kasama dito." tumawa pa siya na parang walang nangyari.

"So you drive like this when you're alone?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Mamamatay ka nang maaga." sabi ko na tinawanan nanaman niya. Ang saya niya talaga, hindi ako makasabay.

Tumigil kami sa isang mall. Bago kami bumaba ay hinarap niya ako. "Saan mo pala gustong kumain?"

Sinabi ko ang automatic na sagot ko sa tanong na ganun, "KFC."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, "How about other restaurants? No? Fast food talaga?"

Tumango ako. Kung kanina niya pa ako tinanong ay baka sinagot ko ay sa eatery kung saan ako nagtatrabaho. Mura kasi doon tapos masarap pa. "Alright..."

Pagpasok namin sa KFC ay agad bumilis ang takbo ng puso ko sa amoy palang! Wala talagang kupas 'to! Umupo kami ni Kenjiro sa may lamesa na nakatabi mismo sa salamin na pader kung saan nakikita namin ang labas.

"Ako na mag-oorder. Anong gusto mo?" tanong niya at nilalabas ang wallet niya. Binunot ko na rin ang wallet ko, handang gastusin ang baon kong ipagkakasya sa ilang araw para lang makakain ng KFC. "1 pc. chicken... tas mushroom soup."

Inabot ko sakanya ang pera pero hindi niya iyon pinansin. "Libre ko nga, Trey." pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa counter.

Pinanood ko lang ang likuran niya at nakita ang cashier na mukhang kinikilig sa presensya niya dahil pigil na pigil ang ngiti ni ate. Kung ang ibang miyembro niya ito ay nakaka-intimidate... napatunayan ko iyon nung isang araw na nakasabay namin maglunch si Ashriel.

Aaminin ko, si Jiro ay komportable kasama.

Pagbalik niya ay may dala siyang tray at siya ang nag-ayos ng pagkain sa lamesa. "Bakit dalawa?" tanong ko dahil tig-dalawa ang manok sa mga plato. Hindi naman ako nagrereklamo dahil kung hindi lang ako nahihiya sa libre ay dalawa talaga ang oorderin ko!

Ngumiti siya, "Gugutumin naman tayo sa isa lang. Ang haba kaya ng araw, nakakapagod... Kaya dapat bawiin sa pagkain."

Tumango nalang ako at sumulyap sakanya. Maganda ang hulma ng katawan niya at halatang inaalagaan niya ang katawan niya.

Hindi na rin ako magugulat kung health conscious siya... or not. Nawala ako sa iniisip ko nang makita siyang hinigop ang gravy. "Magkasakit ka sa bato niyan," sita ko sakanya.

"You only live once!"

Nagulat nga ako't mukhang sanay siya sa mga fast food. Halata naman kasi na rich kid siya na sanay sa mga mamahaling restaurant pero mukhang hindi niya first time sa ganito.

Kumain na rin ako at hindi kami nag-usap hanggang matapos kami sa pag kain. Nauna siyang natapos at naghintay hanggang sa ako ang matapos.

Naramdaman ko ang kaunting pananakit ng tiyan ko dahil sa sobrang pagkabusog.

Nagpunas muna ako ng labi bago ulit siya pinagtuonan ng pansin. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapatong ang mga kamay niya sa lamesa at nakapatong ang baba niya doon. "Umayos ka nga ng upo..."

Agad naman siyang dumiretso, "Yes, ma'am."

Ang style ko sa pakikisama sa mga finifeature ko ay hindi talagang interview-style. Basta ko lang silang kinikilala at kung ano ang malalaman ko ay iyon din ang ilalagay ko.

Nagsimula na ako, "Sanay ka ganitong oras umuuwi? Hindi ka hinahanap sa inyo?"

Ang mga personal na tanong tulad nito ay hindi ko sinasali sa feature. Parte lang ito para mas makilala ko siya at maintindihan ko. Hindi ko naman ito ginawa sa student council noong sila... pero naramdaman kong kailangan kong kilalanin ang lalaking ito sa harapan ko.

Hindi bilang manunulat... pero bilang ako talaga.

Baka naman curious lang ako?

Umiling siya, "Yes and no. Hindi talaga ako umuuwi agad, and no, no one's going to look for me because I live alone."

Oh... "That must be nice."

Ngumiti siya pero hindi iyon tulad ng iba niyang ngiti na umaabot sa tainga. "No... Not really."

"Talaga?" Pangarap ko kaya ang umuwing kampante na walang naghihintay sayo para pagalitan! "Yeah. You wouldn't want it."

"Yeah? I dream of living alone." sabi ko.

Tinaas niya ang isang kilay niya, "Bakit?"

Muntikan ko nang masabi ang totoong dahilan pero kailangan kong ipaalala sa sarili ko na manatiling propesyonal. "Because of stuff. I just think it's going to be better that way."

Hindi niya na ako tinanong pa tungkol doon at tumango lang siya sa akin.

"Ikaw ba? Is it okay for you to stay out this late?"

Umiling ako at bahagyang natawa, "Hindi. Papagalitan ako kauwi."

"Must be nice." Siya naman ngayon ang nagsabi ng linya ko kanina. Sinundan niya ito ng tanong, "You live with your parents?"

Agad akong sumagot na agad kong pinagsisihan. "I do not have parents."

It's too much information from me.

"Oh, sorry."

I just waved my hand in front of me, "Ayos lang. Hindi ko naman sila nakilala."

Ikaw ba, nasaan ang parents mo? Why do you... live alone?" tinanong ko iyon habang tinitimbang ang ekspresyon niya. Nag-iingat ako dahil baka sensitibo iyon.

"They're somewhere. Ayaw ko lang silang makasama..." kinamot niya ang likod ng ulo niya.

Napagtanto ko kung gaano kalaki ang pinagkaiba naming dalawa... at kung gaano ko siya hindi maintindihan.

He has parents! I'd love to have parents and live with them because they'll probably love me!

Kung may magulang ako ay hindi ko na gugustuhing mapag-isa pa!

Kenjiro Louis Manzanares... mabait siya... pero sa tingin ko ay hindi ko siya kayang kaibiganin.

Huminga siya nang malalim. "Gabi na, Trey. Hatid na kita sa inyo."

Bumalik ako sa realidad at agad tinanggihan ang offer niya. Sapat na ang pagalitan ako dahil sa ginabi ako at wala akong balak mapagalitan dahil may naghatid sa akin na lalaki.

Mukhang ayaw niyang hayaan akong umuwi mag-isa pero wala siyang nagawa. Hinatid niya ako sa may sakayan ng jeep.

"Salamat..." huling sabi ko sakanya bago sumakay ng jeep.

"Ingat!" malakas niyang sabi habang papalayo ang jeep at kumakaway sa akin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Pagkauwi ko ay pinagalitan nga ako ni Tita.

Walang pagbabago.

Pare-parehong sumbat, mga masasakit na salita...

Umusbong ang inggit na matagal ko nang kinikimkin pero mukhang nagbalik dahil sa pag-uusap namin ni Kenjiro kanina.

He is living my dream.

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 1.3K 38
Nyx Lyrica couldn't find ways to express herself. She found herself desperate to be heard, slowly overflowing with bottled up emotions but still coul...
1M 32.5K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...