Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

5K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 34

109 10 0
By aseener

Kabanata 34

"Wala ka na bang pasyente at nag-aya ka na agad umalis?"

Nilingon ko siya bago mag patiuna sa loob ng condo niya. Dumiretso ako sa may sala at doon binagsak ang katawan ko. Pumikit ako at hinilot ang ulo ng makaramdam ng hilo.

"Wala na, anong gusto mong kainin?"

Dumilat ako ng tumabi siya sa akin at kuhanin ang bag sa balikat ko. Inilagay niya 'yon sa may katabing sofa at saka siya ang pumalit at pumulupot sa akin. 

"Anong ginagawa mo?" natatawa kong tanong.

"Namiss kasi kita," saad niya at saka mahinang natawa, mas lalo pa siyang sumiksik sa katawan ko.

"Marga?" tawag niya

"Hmmm?" sumeryoso ako at nilingon siya.

"I love you."

Nagtama ang paningin naming dalawa na ikinatigil ko tanging puso ko lang ang maingay sa oras na 'to. Lumunok ako ng umangat siya mula sa balikat ko at ilapit niya ang mukha niya. Seryoso lang ang mukha niya habang ako ay kinakabahan.

Muli pa siyang lumapit sa akin, nang ilang hibla na lang ang layo namin ay mabilis kong dinampian ng halik ang kaniyang labi at saka nagmamadaling umalis sa tabi niya.

"I need to pee!" dahilan ko at mabilis na nagtungo sa restroom sa may kusina.

Natawa na lang ako ng marinig ang pag-ungol niya na para bang naiinis sa akin. Pagkapasok sa ay sumandal ako sa likod ng pinto at humawak sa dibdib ko. Wala pa ring pinagbago ang tibok non.

Humawak ako sa aking labi at pinakiramdaman 'yon napakagat ako sa labi at napangiti. Impit akong tumili at saka humarap sa pinto at pinakinggan ang ginagawa ni Vio sa labas. Parang una pa rin talaga kung mag react ako sa mga ganitong bagay. It's been a week simula noong may mangyari sa amin pero ngayon lang ulit kami naglapit ng ganito.

Hindi ko alam kung kami na o hindi. Basta ang mahalaga, alam ko na mahal namin ang isa't isa.

"Oh god!" Napatalon ako ng marinig ang katok sa labas cr.

"Are you done?" tanong ni Vio.

Natatarantang nag-isip ako at agad na inayos ang sarili ko, humarap ako sa salamin at saka naghilamos. Nang matapos ay saka pa lamang ako nagsalita.

"Teka lang!"

Narinig ko ang yabag niya papalayo kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Tinignan ko ang sarili sa salamin at saka parang timang na ngumiti. Nang marealize 'yon ay pinilig ko ang ulo at tumikhim, inayos ang buhok bago lumabas. Dahan-dahan ang pagsara ko sa pinto upang hindi makagawa ng ingay.

Nang magawa ng maayos ay dahan-dahan ang lakad ko at saka sinilip si Vio sa sala. Tumango-tango ako ng makita siya doon. Muli akong tumikhim at umayos ng kilos, hindi nagpapahalatang apektado.

"Ano gusto mong kainin?" tanong ko, medyo malakas upang marinig niya.

Nilingon niya ako at saka siya nagtaas ng kilay, ginaya ko 'yon at saka nagdire-diretso sa may ref. Binuksan ko 'yon at hindi makapaniwalang wala pa ding laman ang ref niya kundi alak at itlog. Inis akong bumaling sa kaniya, sakto ay nakatingin pa din siya sa 'kin.

"Ano 'to?" inis kong tanong

Nagsalubang ang kilay niya. "Ref?"

Sarcastic akong na tawa "Funny ka boy."

Ngumuso siya at saka tumayo. Isinara ko ang ref at saka siya sinalubong, nang magkatapat kami ay mabilis akong umiwas at dumiretso sa sala. Kinuha ko ang bag ko at akmang isasakbit ng may yumakap sa likod ko.

"Galit ka?" tanong niya

Umiling ako. "Kumakain ka ba? Noong isang linggo pa na ganiyan ang laman ng ref mo."

Umupo siya at saka ako hinila paupo sa hita niya. Yumakap siya sa bewang ko at saka ako tiningala.

"Masasayang lang kasi kung mag i-stock ako hindi naman ako laging nakakauwi dito," paliwanag niya.

Umismid ako. "Kahit na, kahit kaunti bawal?"

Hindi siya sumagot kaya naman tinanggal ko ang yakap niya at saka  tumayo. Kinuha ko ang bag ko at saka nag pamaywang sa harap niya.

"Tara na," aya ko.

"Saan?" lito niyang tanong.

Umikot ang mata ko sa tanong niya. Hindi pa ba obvious?

"Sa langit," sarcastic kong tanong.

Nahinto siya at saka sumeryoso habang nakatitig sa akin. Saka ko lang napansin ang biro ko. Nag-iwas ako ng tingin at napakagat ng labi. Nang tumayo siya ay umatras ako. Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. Ilang saglit pa ay ganoon pa din ang puwesto namin.

Nilabanan ko ang hiya at saka siya hinila palabas. Hindi pa kami nakaka-abot sa pinto ng hilahin niya ako pabalik.

"Hoy, mag go-grocery tayo," saad ko

Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy pa din sa paghila sa 'kin. Nang makarating sa may pinto ng kuwarto niya ay hinila ko ang sariling kamay.

"Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Pupunta sa langit," diretsong sagot niya at saka dumila sa pang-ibabang labi.

Namula ako ka sabay ng inis. Tinanggal ko ang bag na suot at saka 'yon hinampas sa kaniya.

"Ugh Buwisit ka!" sigaw ko habang naglalakad palabas ng condo niya.

Rinig ko ang malakas niyang tawa, mas lalong nakakadagdag sa inis at hiya ko. Hindi na ako magtataka kung magiging kakulay ko man ang kamatis.

Padabog ang bawat hakbang ko hindi iniinda ang mga tingin ng nakakasalubong. Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay tumabi sa akin si Vio at saka humawak sa bewang ko. Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang pagsibangot.

Sa sasakyan ay busy ako sa cellphone ko habang si Vio ay nag dadrive. Tumango-tango ako ng may mabasa na post sa newsfeed ko. Isang linggo na din simula ng magka facebook ako. Si Doc Bria ang gumawa, basta niya na lang kinalikot ang phone ko at halos sermonan niya ako ng makitang wala man lang akong acc sa social media. Ibiniba ko ang cellphone ko at saka hinarap si Vio.

"Dapat pala mag tipid tayo," saad ko.

Lumingon siya saglit sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Why?"

Ngumuso ako at ipinakita sa kaniya ang post na nakita ko. Pinagsalitan niya ang tingin sa phone ko at sa daan ng makita ng maayos ay saka siya tumango.

"Sure."

Ngumiti ako at saka excited na nagsalita. "Dapat naka budget lahat ng gagastusin natin. 'Wag na tayo bumili kung hindi naman kailangan," paliwanag ko.

Mabilis ang naging biyahe namin at agad na nakarating sa malapit na mall. Bago pumasok sa loob ay hinila ko ang laylayan ng suot na polo ni Vio.

Takang nilingon niya ako "Bakit?"

"Punta muna tayo don," turo ko sa malapit na stall sa labas.

Tinanggal niya ang hawak ko sa damit niya at saka siya humawak sa kamay ko.

"Ang sabi mo magtipid tayo."

Kumunot ang noo ko. "Oo nga."

"So..." umiling-iling siya.

Sinamaan ko siya. "Titingin lang tayo!" saad ko at saka siya hinila.

"Manong isa pa po," saad ko sa tindero at kumuha ng barbecue.

Kinagatan ko 'yon at saka nilingon si Vio. Inilingan niya ako bago kainin ang sa kaniya. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang maubos ay saka ko ibinaba ang stick at kumuha ng panibago. Hindi ko pa nalalapit sa bibig ko ang barbecue na hawak ng hawakan ni Vio ang kamay ko. Nagsalubong ang kilay ko at pilit na dinala yon sa bibig ko pero pinipigilan niya ako.

Inis ko siyang tinignan pero seryoso lang ang tingin niya, inalis niya ang tingin sa akin, sinundan ko ang tingin niya at nagtungo 'yon sa kabila kong kamay. Kung saan nandoon ang stick ng mga barbecue na kinain ko. Muli akong tumingin sa kaniya, inangat niya ang kabilang kamay kung nasaan ang stick ng mga nakain niya.

Gusto kong mahiya ng makita na wala pa sa kalahati ng akin 'yon. Inilapag ko sa malapit na patungan ang mga stick na hawak at saka tinanggal ang hawak niya sa akin pero hindi niya 'yon hinayaan.

"Last na. Promise," kumurap-kurap pa ako at saka ngumiti.

"Tama na," sabi niya.

Sumimangot ako at saka muling tinanggal ang kamay niya, sa pagkakataon na 'yon ay hinayaan niya ko. Naglalambing na dumikit ako sa kaniya at inumang ang barbecue na hawak sa kaniya.

"Tsk, napaka galing."

Mahina akong natawa. "Dali na, kagat na," pilit ko na mabilis niyang sinunod.

Nawala sa kaniya ang atensyon ko ng may pumasok na dalawang tao sa stall. Isang babae na sa tingin ko ay nasa 20+ pa lamang at 'yong lalaki naman ay doble sa edad nito.

"Bilisan mo na kumain," saad ni Vio at saka humarang sa paningin ko.

"Yes babe," sagot ko, kumindat pa ako bago nagtuloy sa pagkain.

Muling nabalik sa dalawa ang atensyon ko ng matawa ang babae, napa kunot noo ako ng makitang sinubuan siya ng lalaking kasama. Pinagmasdan ko sila at halata naman na hindi sila mag-ama.

Nilingon ko si Vio na ngayon ay busy sa pagkain, hindi pinapansin ang nasa tabi niya. Tumikhim na lang ako at itinuon ang atensyon sa kinakain. Ilang saglit pa ay muling nakuha nila ang atensyon ko.

"Manong bayad ko," saad ng babae at nag abot ng bayad.

Napatingin ako ng hawakan ng lalaki ang kamay niya at ibaba 'yon.

"Ako na," saad nito.

Namula ang mukha ng babae at saka tumingin sa lalaki na kasama. "Wag na may pera naman ako," mahinang sabi nito.

Natawa ang lalaki at saka humawak sa bewang nito. "Ako na, sagot kita," saad nito at saka nag bayad.

Pagkatapos noon ay saka sila umalis sa stall, may pagitan na sila hindi katulad kanina. Nang mawala sila sa paningin ko ay nilingon ko si Vio na ngayon ay nakatingin na sa akin. Napalunok ako at saka seryosong tumingin sa kaniya.

"Sa tingin mo may affair sila?"

Nagsalubong ang kilay niya tila hindi naiintindihan ang tinutukoy ko.
Hinawakan ko ang balikat niya at hinarap siya sa pinaglabasan ng dalawa kanina.

"Yung kanina, sa tingin ko may affair sila."

"Paano mo na sabi at hindi ba puwedeng kumain ka na lang?" pagsusungit niya.

Ngumuso ako at saka siya inirapan. Ibinaba ko ang stick na hawak ng maubos ang laman non.

"Sa tingin ko talaga may affair sila, kasi tignan mo kanina hindi naman sila mukhang mag-ama hindi ba? Tapos yung way ng pagtrato ng lalaki sa babae kanina may something! Tapos nag volunteer pa siya na siya na lang ang magbabayad. Nagpapasikat siya!"

Hindi makapaniwalang nilingon ako ni Vio. "Kailan ka pa naging tsismosa?"

Umikot ang mata ko at saka hinarap ang tindero. "Ikaw manong? Ano sa tingin mo?"

Natawa ang tindero at nailing. "Tama ka iha."

Natuwa naman ako ng mag sang-ayon ito sa akin at malaki ang ngiti na hinarap si Vio na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

Umaktong isinasara ko na lamang ang bibig ko at muling kumuha ng barbecue. Hindi ko siya maintindihan at napaka moody niya! Tahimik ang pagkain naming dalawa. Ilang saglit pa ay nanakit na ang tiyan ko sa sobrang busog. Kinuha ko ang mineral water ko at saka uminom. Hinarap ko si Vio na ngayon ay tapos na din kumain. Natigilan ako ng lumapit siya sa akin at punasan ang gilid ng labi ko.

"Thanks," saad ko

"Always," sagot niya na nakapag papula sa akin.

Binilang ko ang mga stick ng nakain namin. Hindi makapaniwalang ibinaba ko 'yon ng mabilang. Paano naging kinse piraso 'yon, kaunti lang naman ang kinain ko.

Tinignan ko si Vio na may 6 na stick sa kamay, napakaga na lang ako sa ibabang labi habang pinapanuod siya na maglabas ng pera. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng mapansin ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya.

Ngumiti ako ng maganda sa kaniya at saka ibinigay sa kaniya ang mga stick na hawak.

"Bayaran mo na," sabi ko.

Suminghap siya. "Teka," inilayo niya ako sa kaniya at mariing pinagkatitigan. "Ano 'yon?" tanong niya.

"Bayaran mo na," ulit ko sabay turo sa mga stick na hawak niya.

"Hah!" hindi makapaniwalang sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko "Bakit ba?"

"Bakit ako ang magbabayad?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Pinaikot ko ang mga mata. "Kasi nga nagtitipid ako! Hindi ba sabi ko magtipid tayo?"

Sarcastic siyang natawa at saka nag bayad. "Kakaiba ka!"

Matapos doon ay bumalik na kami sa mall at tinuloy ang balak na pag go-grocery. Nakanguso ako habang tulak tulak ang cart, hindi kasi ako pinapansin ni Vio.

Binilisan ko ang pagtulak ng makita na pinagbubulungan siya ng mga babae malapit sa kaniya. Nang makatabi sa kaniya ay ipinulupot ko ang kamay sa braso niya na ikinatingin niya.

Sunod niyang tinignan ang mga babae sa malapit na ngayon ay mga kinikilig at kumakaway. Siniko ko si Vio at saka siya hinila paalis doon.

"Galit ka?" tanong ko habang namimili ng mga delata.

Nilingon niya ako at saka umiling. "Bakit ako magagalit?"

"Kasi hindi mo ako pinapansin, kaya akala ko galit ka," paliwanag ko.

Lumamlam ang mukha niya at saka ako hinila palapit sa kaniyam. Mabilis niyang pinatakan ng halik ang ulo ko.

"I'm sorry, pagod lang ako."

Tumango ako at saka siya tinignan. "Sa susunod ako naman ang magbabayad, ikaw naman ang mag tipid," seryosong sabi ko.

Natawa siya at umiling-iling. "Ikaw bahala."

Natawa din ako at saka muling nagsimula na mamili. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang listahan ko doon. Wala pa kaming snacks na nabibili.

Nilingon ko si Vio na ngayon ay busy sa pamimili ng gulay, nasa kaniya ang cart kaya naman nagpasya ako na kumuha ng bago at mag-umpisa ng mamili.

Nang makarating sa puwesto ng mga snacks ay natigilan ako ng may makitang lalaki doon. Kinurap-kurap ko ang mga mata, sinisigurado kung tama ba ang nakikita. Nang makasigurado ay akmang tatawagin ko siya ng mapatingin ako sa paligid at parang nakakahiya 'yon. Naglakad na lang ako papalapit sa kaniya, pero hindi pa ako nakakalapit na magsimula siyang maglakad paalis.

Sinundan ko ang dinaanan niya pero hindi ko na siya nakita kaya naman bumalik na lang ako at itinuloy ang pakay. Pero sayang pa din dahil hindi ko man lang natanong kung kamusta na yung lalaking tinulungan ko, Tee yata ang pangalan noon pero di ko sigurado.

Nang makuntento sa mga napamili ay saka ako naglakad paalis doon, huminto ako ng makita ang favorite na coffee ni Vio at saka naglagay ng ilang piraso sa cart. Napatingin ako sa gilid ko ng may sumulpot doon.

Napasinghap ako ng makita 'yong lalaki na may blueng mga mata. Kanina si Kaxtiel ngayon naman ay siya. Magkakasama ba sila? Nang magsimula itong maglakad ay sinundna ko siya. Gusto ko lang mangamusta.

Napakamot ako sa ulo ng mawala siya sa paningin ko, diniretso ko na lang ang daan na puwede nitong puntahan. Susuko na sana ako sa pagsunod ng makita ko ang hinahanap. Nagmamadali kong tinulak ang cart na dala at saka lumapit doon.

Hindi pa ako lubusang nakakalapit ng matigilan, mula sa puwesto ko ay kitang-kita ko si Kaxtiel at Gavin na kasama si Tee. Pero hindi 'yon ang ipinagtataka ko kung hindi ang isa pa nilang kasama. Naglakad ako papalapit sa kanila at saka 'yon tinawag.

"Vio!" tawag ko na nakakuha ng atensyon nila.

Seryoso ang tingin sa akin ng tatlo at lumiwanag lang 'yon ng makalapit ako, tila doon pa lamang nila ako natandaan. Mabilis na tumabi sa akin si Vio at agad na pumulupot ang kamay sa aking bewang.

"Mga bro, girlfriend ko."

"Magkakakilala kayo?" sabay naming sabi na nakapag patigil sa akin.

Itutuloy . . .

Continue Reading

You'll Also Like

264K 8.4K 38
SERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, pa...
23.5K 1K 42
Maganda Mabait Masayahin Inosente ... She is the captain's tale.
872K 39.7K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
203K 4.7K 51
*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pi...