Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 33

39 3 0
By Emcentllain

Chapter 33

"Ano? Hindi ka parin ba maka get over na natalo ang university ninyo nang university namin?" singhal ko dito.

Tumawa ito ng nakakaloko.

"Nakakatawa ka talaga." aniya na animo'y natatawa talaga sya sakin.

"Anong kagaguhan ba 'to? Ano bang gusto mo huh?!"

"Anong gusto ko?" tanong niyang ginaya ang tanong ko.

Tumayo ito at kagat labing tinutok sa akin ang baril na hawak nya. Nagulat ako doon ngunit hindi ko pinakita ang takot ko, alam kong kapag natakot ako ay mas lalo nya pa akong tatakutin.

"Gusto kong patayin ka at ang nobyo mo." gigil na sabi nya na idinikit pa sa ulo ko ang baril na hawak nya.

Matalim ko itong tiningnan kahit ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.

"Edi patayin mo ako." panghahamon ko sa kanya.

Mas diniin nya pa ang baril nya sa aking ulo, hindi ako nagpatinag.

"Patayin mo ako kung iyan ang gusto mo!"

"Ang tapang mo talaga ano?" tumawa ito at inalis ang baril sa aking ulo.

"Ano? Bakit hindi mo magawa? Patayin mo ako!!" sigaw ko sa kanya.

"Gusto kong maabutan ka pa ni Drake na buhay. Wala ng thrill kung papatayin kita ngayon. Sabay ko kayong papatayin na dalawa." aniya at tinalikuran na ako.

"Bakit mo ba ito ginagawa?!" sigaw ko upang pigilan syang makalayo. "Anong rason mo para gawin ito? Do you think you're cool for doing this huh? You're a fucking asshole. Kapag nakatakas ako dito ipapakulong kita! I'll make sure you will be put in jail."

Hindi nito ako pinakinggan, dumiretsyo ito sa paglakad nya. Inis kong iginalaw ang katawan kong nakatali sa kinauupuan ko. Damn! Talagang gusto nya akong patayin? Sino ba sya sa inaakala nya? Kung ang rason ng lahat sa ginagawa nyang ito ay dahil natalo namin ang university nya, napaka babaw nya!

Halos ilang minuto na akong nakaupo sa upuan na ito, masakit na din ang paa ko sa lubid na nakatali dito. Kumakalam na din ang sikmura ko. Kanina pa ako palingon lingon sa paligid kung saan pupwedeng makatakas, ngunit sa bawat pag lingon ko ay may nakabantay.

I'm trapp. Sa tindi ng lubid na itinali sa akin at sa higpit noon talagang siniguro nilang hindi ako makakatakas.

Natigilan ako ng may maramdaman akong nag vibrate sa bulsa ng palda na suot ko. Nilingon ako ng mga tauhan ni Dayson. Iyong maangas na nanunutok sa akin ng baril ang syang lumapit sa akin at kinapa ang bulsa ng palda ko. Nakuha nya roon ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng kung sino.

"Tulong! Tulungan nyo ako! Si Dayson–" nanuot ang hapdi at sakit ng sikmura ko ng maramdaman ang suntok noong lalaki sa akin.

Halos mag dilim ang paningin ko sa suntok na ginawa nya. Pinatay nya ang tawag at binato ang phone ko sa kung saan.

"Napaka ingay mo!" iniangat niya ang kanyang kamay at sinampal ako na naging dahilan ng pagtaob ko kasama ang upuan na inuupuan ko.

Laglag ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko, hindi na ako naka angal dahil baka masundan pa iyon ng isa pa.

Ibinangon nya ako ng biglaan, ang takas na buhok sa aking mukha ay mas lalong dumami at ramdam kong magulo na ang buhok ko.

Yumuko ako dahil pakiramdam ko nawalan ng lakas ang ulo ko upang harapin sila. Bigla akong nakaramdam ng pagod sa katawan ko. Pumikit ako ng mariin at ramdam ko ang pagbagsak ng talukap ng mata ko.

"Si Kier nandyan."

Bahagya kong iminulat ang aking mata, bumungad sa akin ang madilim na paligid sa labas. Nilingon ko si Dayson kausap iyong lalaking sumampal sa akin kanina. Hindi ko na namalayan ang oras, nakatulog ako sa sakit ng pisngi ko.

"Anong ginagawa nya dito?" tanong ni Dayson doon sa lalaking sumampal sa akin.

Nilingon ako noong lalaki bago lumapit kay Dayson at may binulong. Nilingon ako ni Dayson, ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata kaya agad niya akong nilapitan at sinabunutan. Napangiwi ako, gusto kong alisin ang mga kamay nya sa buhok ko ngunit hindi ako makawala sa tali na nakabalot sa katawan ko. Mahapdi at masakit ang sabunot nyang iyon, ramdam kong malalagas ang buhok ko sa sabunot niya.

"Tangina talaga!" sigaw nya sa mukha ko at inis na inalis ang kamay nya sa buhok ko.

Kinalagan ako nito sa paa at sa katawan. Akala ko ay tuluyan na akong makakawala ngunit mayroong nakatali sa mga kamay ko. Nasa likod ko ito, sinubukan kong alisin ngunit nangangalos ang buong katawan ko.

Hinila ako ni Dayson paalis sa pwesto na iyon. May hawak parin syang baril sa kanyang kanang kamay. Inilipat nya iyon sa kaliwa at ang kanan ang ginamit nya upang hilahin ako.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong kong medyo nanlalambot na.

Hindi ako nito sinagot. Lumabas kami ng abandonadong building, hindi doon sa pinasukan ko kanina, likod itong nilabasan namin. Hindi ko alam ang nangyayari ngunit nakarinig ako ng putukan sa loob kaya agad akong napaupo sa takot.

"Dalian mo papatayin kita!" sigaw ni Dayson ngunit nangangatal ako.

Tinutok nito ang baril sa akin, hinawakan ko ito sa kamay.

"Parang awa mo na pakawalan mo na ako, hindi ko alam kung anong rason at bakit mo 'to ginagawa."

"Dahil gago 'yang boyfriend mo!" sigaw nito.

"Please... nagmamakaawa ako. Pakawalan mo na ako."

Umiling ito at hinila ako patayo. Halos madapa ako sa ginawa nyang paghila makaalis lang sa lugar na iyon.

"Dayson!!"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Drake sa kung saan.

"Drak–" naputol ang sasabihin ko ng takpan ni Dayson ang bibig ko at binuhat ako pamula likod.

"Dayson!" muling sigaw ni Drake.

Nalaglag ang luha ko, pakiramdam ko ay wala na akong takas sa kamay ng hayop na Dayson na ito.

"Chanel!" sigaw ni Drake sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung saang ako kumuha ng lakas para kagatin ang kamay ni Dayson. Kumawala ako sa kanya at tumakbo pabalik ng abandonadong building.

Napaupo ako ng maramdaman ang putok ng baril na syang tumama sa mga damo malapit sa akin. Nilingon ko si Dayson na ngayon ay tumatakbong palapit sa akin. Mabilis din akong tumakbo palayo sa kanya.

"Drake!" sigaw ko sa pangalan ni Drake.

Malapit na akong makapasok muli sa building ngunit nagpaputok ulit si Dayson dahilan kung bakit napaupo ako sa takot na baka ako ang matamaan nya sa susunod na putok nya.

"Aray!" sigaw ko ng nahuli nya ako at madiing hinawakan sa braso. "Bitawan mo ako ano ba!" sigaw ko rito.

Hinila nya ulit ako palayo sa building ngunit bago ang lahat ay namataan ko na si Drake na lumabas sa kabilang gilid.

"Drake–" tatakbuhin ko na sana sya ngunit hinila ako ni Dayson palapit sa kanya at tinutok ang baril sa ulo ko.

"Sige subukan mong lumapit sa akin. Papatayin ko si Chanel."

Naalarma ang mga mata ni Drake, umiling ito.

"Don't you dare." si Drake, ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata.

Tiningnan nya ako, mas lalo kong nakita ang galit sa kanyang mga mata. Napaiyak na ako sa kalagayan ko.

"Huwag mo syang sasaktan, Dayson." Si Drake na ramdam mo ang pagbabanta.

"Kaya huwag kang lalapit para hindi ko sya saktan!" sigaw ni Dayson sa kanya.

"Pakawalan mo na ako–"

"Tumahimik ka papatayin kita!" si Dayson na pinatigil ako gamit ang pagdiin ng baril nya sa ulo ko.

"Fuck!" si Drake na halos hindi na alam ang gagawin.

Napapikit ako habang dinadama ang paghila ni Dayson sa akin unti-unti paalis sa pwesto na iyon.

"Saan mo sya dadalhin?" si Drake na bahagyang lumalapit.

"Wala kanang pake." sigaw ni Dayson at kay Drake naman tinutok ang baril.

"Huwag!" hinila ko ang kamay niya kung nasaan ang baril.

Mabilis ang pangyayari, kahit nanlalambot at nangangatal na sa takot ay sinubukan kong makawala sa kanya. Tumakbo ako upang salubingin si Drake, narinig ko ang putok ng baril sa likudan ko na naging dahilan ng unti-unting pag bagsak ko sa damuhan.

"Chanel!" si Drake na agad akong nilapitan.

Naging malabo ang paningin ko ng makalapit ito sa akin, iniangat nya ang aking ulo.

"Drake..." parang namamaos ang boses ko.

Napatingin ako sa tagiliran ko ng maramdaman ang pag iinit nito. May dugo na roon, nilingon ko si Drake sa takot.

"Drake–"

"Shh... please baby don't say anything." nakita ko ang namumula nyang mga mata at ang takot na bumalot roon.

"I love you..."

"Putangina naman Chanel! Huwag kanang mag salita parang awa mo na!" sigaw nito.

Sinubukan ko ang makakaya kong huwag sundan ang pagpikit ng talukap ng mata ko, ngunit tila pagod na ang katawan ko at gusto ko ng magpahinga. Marahan kong ipinikit ang mata ko, nahagip pa ng mata ko ang mga pulis bago tuluyang nawalan ng malay.

"Chanel ko!"

Itinigil ko ang paglalaro ko ng hello kitty na teddy bear ko ng marinig ko ang boses ni Papa. lumabas ako ng kwarto at naabutan ko nga sya sa sala.

"Papa!" sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya.

Binuhat ako nito at hinalikan sa pisngi.

"Kamusta ang baby ko?" tanong niya.

"Okay lang Papa, salamat po pala sa Hello kitty bear Daddy. Sobrang ganda po."

"Talaga? Nagustuhan mo?"

Sunod sunod akong tumango. Tumawa ito at nilingon ang likudan ko.

"Chaney." si Papa at ibinaba ako.

Nilapitan nya si Mama at hinalikan sa pisngi. Umiwas si Mama kaya nangunot ang noo ko.

"Halos tatlong araw kang nawala. Hinahanap ka sa akin ng anak mo."

Nilingon ako ni Papa at nakita ko ang bakas ng pag-aalala sa kanya. Malungkot ko syang nginitian, tama si Mama. Halos tatlong araw ko syang inantay. Chef ang Papa ko, pero kung minsan ay hindi sya nakakauwi. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil mahirap ang trabaho nya nagluluto sya at napapagod kaya sa restaurant na lamang sya nagpapalipas ng gabi.

Pero ganoon din naman si Mama, may trabaho din ito at napapagod pero nakakauwi parin sa bahay.

"Chanel, pumasok ka muna sa kwarto mo." utos ni Mama kaya naman sinunod ko ito.

I was 10 years old. Ngunit may muwang na ako sa lahat ng nangyayari.

Pumasok ako sa kwarto ko ngunit binuksan ko iyon sa isang maliit na siwang upang makita at marinig sila.

"Ano ba Lucas? Ano bang nangyayari sa'yo? Kulang na lang hindi kana magpakita sa amin ng anak mo!" sigaw ni Mama.

Ramdam ko ang galit nya, namula ang mata ko sa nagbabadyang luha.

"Chaney... marami lang ginagawa sa restaurant."

"Tatlong araw? Huh? Maiintindihan ko yung isang araw e, pero yung tatlong araw Lucas! Hindi lang ako ang nag aantay sa'yo! Minu-minuto kang tinatanong sa akin ng anak mo! Ni hindi ko ma contact ang phone mo!"

"Patawarin mo ako, naging busy lang talaga."

"Hindi ko na alam Lucas. Hindi na bata ang anak mo na pwede mong mauto sa pagbibigay ng mga pasalubong sa kanya. Huwag mong hayaang lumaki si Chanel na naghahanap ng kalinga ng ama."

Tinalikuran na ni Mama si Papa. Nakita ko ang pagod sa mukha ni Papa, nilingon nya ang pintuan ng kwarto ko, nakita nya ako roon na umiiyak.

Lumapit ito sa pintuan ng kwarto ko, binuksan nya iyon at nilapitan ako.

"Papa..." humikbi ako at niyakap siya.

Hinaplos nito ang buhok ko at bahagyang umupo para magkapantay kami.

"Pasensya kana, busy lang si Papa. Babawi ako sa'yo ha?" hinalikan ako nito sa noo.

Niyakap ko ulit sya.

"Huwag mo po kaming iiwan ni Mama, Papa. Hindi kaya ni Mama na mag isa."

"Hinding hindi anak ko. Nandito lang si Papa sa tabi nyo ni Mama."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mata. Kasabay noon ang narinig kong ingay sa paligid.

Marahan kong iminulat ang talukap ng aking mata. At tumambad agad sa akin ang puting kisame. Ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng katawan ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit tila kalos na kalos ako.

"Gising na si Chanel, Tita!" iyon ang narinig ko mula sa boses ng pinsan ko.

Nilingon ko ang gilid ko, natanaw ko nga doon si Marcus. Natanaw ko din si Mama na kakapasok lamang sa loob. Agad ako nitong nilapitan, nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Marcus tumawag ka ng doctor." utos ni Mama at hinaplos ang pisngi ko. "Anak ko... gising kana." aniya na paulit ulit na hinahaplos ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari, ang naaalala ko lang ay nakidnap ako at nabaril ako. Si Drake ang huling kasama ko noong araw na iyon ngunit nasaan sya ngayon? Bakit ni hibla ng buhok nya ay hindi ko man lang natanaw?

Napalingon kami sa pumasok, si Marcus at ang isang doctor. Nilapitan ako ng Doctor at agad na chineck up. Nilingon ko si Mama na panay ang iyak habang hinahagod ni Marcus sa likod.

"Natutuwa ako at gising kana, Ms. Lee." nakangiting sabi ng Doctor sa akin. "Sa ngayon, magpahinga kana muna. You're unconscious for 2 days and you need to rest. My nurse will be visiting you to check the gunshot wound on you."

Tumango ako. Nilapitan ni Mama iyong doctor at nag pasalamat at nilisan na ang lugar na iyon.

Nilapitan ako ni Mama at hinawakan ang kamay. Hinalikan nya ito, panay ang patak ng luha sa kanyang mga mata kaya naman iniangat ko ang kaliwanang kamay ko para haplusin ang buhok nya.

"Mama okay na po ako."

"Muntik kanang mamatay anak ko... Hindi ko kayang mawala ka sakin." aniyang patuloy sa pag iyak.

"Mama buhay ako, buhay na buhay ako at hindi kita iiwan. Hmm?"

Pinakita ko sa kanyang okay na okay ako sa ngiting iginawad ko, nilingon ko si Marcus na nasa gilid lang at nakatingin sa aming dalawa. Sumenyas ito na lalabas muna sya kaya naman tinanguan ko ito.

Muli kong nilingon si Mama, panay ang pag singhot niya.

"Mama... Tahan na. Okay na po ako."

"Hindi kita kayang mawala anak ko, ayokong iwan mo ako."

Umiling ako. "Hinding hindi po mangyayari iyon. Hindi kita iiwanan kagaya ng pag iwan ni Papa. Mananatili ako sa'yo. Sa tabi mo Mama."

Muling kong naalala ang panaginip ko bago ako magkaroon ng malay. Hindi ko alam kung anong rason at napanaginipan ko iyon. Matagal ko ng hindi nakikita ang Ama ko, matagal ko din iniisip kung bakit nya kami iniwan ni Mama, kung bakit bigla na lamang syang naglaho ng hindi man lang nagpapaalam sa amin ni Mama. Kung bakit hindi na sya nag paramdam pa sa amin.

Gusto kong makita si Papa, gusto ko syang tanungin ng maraming katanungan. Gusto kong magalit sa kanya gusto ko syang sumbatan sa lahat ng naging kasalanan nya. Gusto kong umiyak at mag makaawa sa kanya na wag na syang umalis pa, huwag nya na kaming iwan pa. Gusto ko syang makita para sabihin kung anong hinanakit at galit ang meron ako sa kanya. At gusto ko din syang makita para sabihing miss na miss ko na sya.

Walang makapag sabi kung nasaan sya, walang may alam sa buhay nya ngayon. Hindi ko alam, hindi namin alam kung buhay pa ba sya? O masayang namumuhay mag isa. Hindi ko alam kung anong naging rason nya para iwan nya kami, kung ano man iyon. Gusto kong malaman, gusto kong alamin ang lahat lahat.

Abala ako sa pagkain ng mansanas, kanina ay may nag puntang mga nurse upang icheck ang sugat na natamo ko sa bala ng baril. Hindi pa iyon magaling, halos dalawang araw palang ang nakakaraan simula ng mangyari iyon. Kaya pagkatapos icheck ay nilinisan na nila upang maiwasan ang infection.

"May bibilhin lamang ako na gamot mo, Chanel. Kainin mo muna ito, babalik din ako kaagad." si Mama na nag paalam sa akin.

Tumango ako at ngumiti dito. Ibinigay nya sa akin iyong mansanas na ginayat na. Nakasandal ako sa higaan ko ngayon at ipinatong ko iyong mansanas na akong hita at sinimulan ng kainin.

Lumabas si Mama kaya naman naiwan akong mag isa. Gusto ko sanang itext ang mga kaibigan ko para sabihing gising na ako ngunit naalala ko na sira na pala iyon. Hindi ko alam kung sinabi na ba ni Marcus sa mga ito na nagising na ako dahil halos mag tatatlong oras na akong gising ngunit wala paring bumibisita na kahit isa. Si Drake ay hindi ko din nakikita, hindi ko alam kung nanatili ba sya kasama ko noong nabaril ako o iniwan nya na ako sa Mama ko.

May kumatok sa may pinto ng kwarto ko kaya naman nilingon ko iyon, bumukas iyon at tumambad sa akin si Drake. Speaking of him.

Nakasuot ito ng long sleeve na puti at itim na slacks. Maayos ang buhok nito at may relo sa kanyang kaliwang palapulsuhan. Ultaw na ultaw ang kagwapuhan nyang taglay sa suot niya.

"Drake..." bati ko sa kanya.

"Late na ba ako?" takang tanong nya at lumapit sa akin.

"Bakit nga pala ngayon ka lang–" natigilan ako ng bigla nya akong yakapin, naipatak ko iyong hawak kong isang hiwa ng mansanas sa pagka bigla.

"Drake–"

"Let me do this, please Chanel." sabi niya sa isang mahinahong boses.

Tulad ng sinabi nya ay hinayaan ko nga syang nakayakap lamang sa akin. Kalaunan ay bumitaw ito at hinalikan naman ako sa noo, matagal iyon. Nanatiling ganoon ang pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kung anong nangyayari sa galaw pa lamang niya.

Inalis niya ang labi sa aking noo at nilingon ako, namataan ko ang malungkot na matang kumubra doon.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling ito at bahagyang ngumiti, naupo ito sa upuan sa gilid ng kama ko at hinawakan ako sa kamay.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako. Makirot kirot pa ang sugat."

Tumikhim ito at pinaglaruan ang daliri ko sa kamay. Ilang minuto nyang ginawa iyon.

"Okay ka lang ba?" tanong kong hindi na mapakali dahil sa ginagawa nya.

Tumango ito at ngumiti. Ipinakitang okay nga sya.

"Drake... hindi mo kailangang mag sinungaling. May problema ka ba?"

Umiling ito. "Naisip ko lang na sana hinayaan mo na lang na sa akin nya itutok ang baril na iyon, hindi mo na dapat sya pinigilan pa."

Natigilan ako, nalilito sa sinabi nya.

"Kung hinayaan ko iyon baka nabaril ka nya!"

"At ikaw naman ang nabaril hindi ba? Hindi nya ako papatayin, Chanel. Hindi nya iyon magagawa."

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis, iniwasan ko sya ng tingin.

"Paano ka nakakasiguro? Ako nga nabaril nya, ikaw pa kaya?"

"Chanel–"

"Hindi naman ako namatay diba? Ginawa ko din iyon dahil gusto ko ng makatakas sa mga kamay nya." tiningnan ko sya, naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko ng maalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon.

"Kung napuruhan ka?"

"Kinain ko na ang takot ko noong araw na iyon, dahil nasa isip ko din naman ay mamatay din ako–"

"Tangina naman Chanel!" sigaw niya na agad inalis ang kamay nya sa kamay ko. "Halos mabaliw ako habang nakikita kitang duguan tapos ganan lang iniisip mo?"

Tiningnan ko sya ng mariin. "Kung matatakot ba ako sa tingin mo may mangyayari? Oo, takot na takot ako noong mga araw na iyon dahil halos lahat sila may mga armas habang ako nakatali sa upuan. Sa bawat pag mamakaawa ko na pakawalan na nila ako, palagi nilang tinututok ang mga baril nila sa akin. Isang kalabit lang maaari na akong sumakabilang buhay. Ang takot na iyon ang syang lalong magpapahamak sa akin, kaya inisip ko na kung papatayin nila ako edi patayin nila ako."

"Chanel..."

"Sobrang takot na takot ako... Konting maling galaw ko itututok nila ang baril nila sakin. Hindi ako mapakali sa tuwing ginagawa nila iyon... hindi ko alam kung anong kasalanan ko para gawin nila sa akin ito." lumaglag ang luha sa aking mata, nakita ko ang takot sa mga mata ni Drake. "Sobrang takot na takot ako... ang alaala na iyon ang gusto kong mabura sa isipan ko. Minu-minuto naiisip ko iyon... minu-minuto nadadama ko ang bala ng baril sa katawan ko. Kung natatakot ako, malamang ikaw din natatakot. "

Tumayo ito sa kanyang pagkakaupo at niyakap ako, ramdam ko kung papaano maingat niyang hinahaplos ang aking buhok. Huminto ang pag iyak ko ng maramdaman ang gaan sa pakiramdam ng kanyang haplos.

"Nandito ako, no one gonna hurt you anymore. I'll promise, I'll protect you Chanel." hinalikan ako nito sa buhok.

Dinama ko ang pakiramdam ng yakap niya. Sana nga... sana nga nandyan lang sya. Sana nga hindi nya ako iwan tulad ng pag iwan ni Papa. Sana nga marunong kang tumupad ng mga pangako mo Drake. Sana...

Continue Reading

You'll Also Like

389K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3K 125 15
"He's my savior, shelter and safe haven. I wouldn't be who I am today without his support. He made me a better person, a better me." However, I keep...
Heaven By wacky

Teen Fiction

34.2K 603 22
Ang plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago...
76.8K 799 1
Ung feeling na crush mo DATI ung humahabol sayo ngayon! ♥