Accidentally Fall In Love (Lo...

Par Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... Plus

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 28

46 3 0
Par Emcentllain

Chapter 28

Nasa malaking gymnasium na kami kung saan maglalaro na sina Drake. Halos mapuno ang bawat upuan sa sobrang daming nanonood. Doon kami sa malapit sa coach umupo dahil dala dala namin iyong mga energy drink at tubig ng mga player. Wala pa ang mga manlalaro, mukhang nag reready na.

Magkalaban ang Dubi University at Agase University. Last year ay sila din ang naglaban, hindi kasi nagpapatalo ang Agase pag dating sa ganto, ganon din ang university namin kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng iba na ipag tunggali ang dalawang university na ito.

"Kinakabahan ako." Si Leila na ngayon ay nakasuot ng pang cheerleading uniform, kakarating lang.

"Hindi ka sasayaw?" tanong ko ng maupo ito sa tabi ko.

"Hindi ako makakapag focus e. Kailangan kong panoorin ng maigi ang laro nina Lienzo."

"Bakit?" Si Ayesha.

"Nagkagulo kanina sa locker room."

"Huh?" gulat na sabi ko.

"Bakit? Paanong nagkagulo?" si Zarene.

"Nagkasagutan si Drake at iyong isang team sa Agase, marami ang balita na transferee student iyon. Kaya medyo mayabang."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. At tumingin sa mga pumasok nang mag sigawan na ang mga tao. Namataan ko si Drake na tumama agad ang tingin sa akin. Seryoso ang mga mata nito, kakikitaan mo rin ng galit sa hindi mo malamang dahilan. Siguro ay dahil sa nangyaring iyon sa locker.

"AGASEEE!!!"

Narinig ko ang hiyawan ng ibang taga university ng pumasok naman ang mga naka kulay pulang mga naka jersey.

"Sino dyan 'yung transferee?" tanong ko agad kay Leila.

"Yung nakatali ang buhok." tinuro nya sa akin ang isang lalaking matangkad.

Nakatali ang buhok nito, kayumanggi ang kulay nya at mukhang maangas. Mahahalata mo din sa katawan nya na nag gi-gym ito. Ang mamutok mutok na braso nya ay syang nagpalunok sa akin.

Malaking tao din naman si Drake, pero kung ikukumpara ang dalawa ay walang wala si Drake sa lalaking ito. Kung iisipin ng mabuti tila marami ng napatumba.

"Laki!" sigaw ni Ayesha na agad naming nilingon.

"Nang ano?" si Zarene na hinanap kung sino ang tinitingnan ni Ayesha.

"Noong lalaki, laki ng muscle. Siguro mamutok mutok yung abs nyan."

"Ayesha!" saway naming tatlo dahil sa ma vulgar nitong salita.

"Bakit? Aminin nyo ganoon din iniisip nyo." umirap ito at kumuha ng tubig sa jug. "Nakakauhaw ha."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at bahagyang umiling dahil sa pinag gagawa ng kaibigan ko.

Nag focus na kaming lahat sa laro ng mag umpisa na ito. May pinag uusap sila sa baba at agad na pumito ang referee kaya tumalon si Drake at 'yun ngang nakapuyod na lalaki sa Agase. Naunahan ng palo ni Drake si nakapuyod kaya nakuha ni Kian ang bola.

Tumakbo si Kian papunta sa may ring nila pero agad syang naharangan nung isang malaking lalaki. Hindi alam ni Kian kung saan ipapasa ng biglang mag mustra si Drake na sa kanya at ng maipasa agad nyang ishinoot ang bola kaya nagkaroon ng puntos ang team nila.

"Alagang Chanel 'yan." sumipol si Ayesha sa gilid ko.

Tumawa naman ako at muling pinagmasdan na lang ulit ang laro.

Tatlong-put tatlo na ang puntos ang nakukuha ng Dubi at tatlongpo naman ang Agase. Tatlo ang lamang, habang pinapanood ko ang laro ng Agase ay mapapansin na mababagsik sila maglaro kumpara noon. Mukhang na train ng maayos, maging ang transferee student ay napaka ligsi pagdating sa pakikipag agawan ng bola.

Ngayon ay kasalukuyang nakay Drake ang bola at dini-dribol nya na ito. Nag mumustra si Marcus na sa kanya ipasa nito ang bola ngunit panay lamang ang dribol ni Drake na tila walang pakialam sa mustra ng pinsan ko.

Tumalon ito at inihagis ang bola patungo sa ring, ngunit tinalon ito ng isang lalaki na may ahit ang isang kilay at ipinasa doon sa nakapuyod na lalaki.

"Artajo 3 points!" sigaw ng a-announce ng ma shoot noon ang bola.

Pinag papawisan ako sa kaba, may mga naririnig ako na bumubulong sa likod ko na bakit hindi ipinasa ni Drake ang bola kay Marcus. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ipinilit nya ang sarili nya.

Oo magaling si Drake, pero sa puntong ito hindi sya maaaring maging gahaman sa bola.

Nag time out ang team nila Drake kaya naman bumaba ako ng isang palapag para tumungo sa pwesto nila. Nag abot ako ng tubig sa mga player at sa kanya.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya, lumapit ito sa akin at kinuha ang tubig na nasa kamay ko.

"Are you tired?" tanong ko rito dahil basang basa na sya ng pawis.

Bahagya itong ngumiti sa akin. "You don't have to worry." aniya na inilagay ang kamay sa ulo ko at pinadausdos iyon para haplusin ang buhok ko.

"Good luck." ngumiti ako.

Tumunog ang tila hudyat na para muling mag simula ang laro, kaya naman umakyat na ako patungo sa kinauupuan ko.

Tumingin ako sa score nila at nakitang pantay na ang score nila, meron na lang silang natitirang 2 minuto bago mag 3rd quarter. Kinakabahan ako lalo na't kita kong pagod na pagod na sina Drake.

Nilingon ko ang kabilang team. Namataan ko iyong Artajo na nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko at nag iwas ng tingin dito. Hindi ko nagustuhan ang titig nya, para akong nilalamon ng buhay.

Pumito na ang referee kaya nagsimula na ang game. Unang bola ay kina Drake kaya sila ngayon ang tumatakbo papunta sa kanilang court.

Ilang oras na ang nagugol halos magkadikit ang laban. Last game na lang at malalaman na kung sino ang mananalo, panay dasal kami dito nina Ayesha. Nakakapikon lang dahil ngayon lamang ako nakanood ng ganitong laban na gitgitan.

83 na ang Dubi at 82 naman ang Agase, iisa lamang ang lamang. Kung matatalo ang Dubi ay hindi sila ang mapapalaban para sa Finals.

Time out nina Drake. Hindi na ako makalapit sa kanya dahil mukhang nag fo-focus na sya sa laro. Tagak-tak na ang pawis ni Drake, wala pa syang pahinga. Sa lahat ng quarter ay hindi sya nagpapa sub manlang. Ang tanging nagpapalit lang kasi ay si Leo at Jay hindi sila nakikipag palit. Gusto ko sanang sabihan si Drake na makipag palit muna pero alam kong hindi sya papayag.

"Masyadong na train ang kalaban. Hindi na siguro kinaya kung ang Dubi pa rin ang mananalo." ani Leila na iniikot-ikot pa ng kanyang mga daliri sa kanyang sintido.

"Magaling 'tong transferee student na 'to." si Ayesha na tinuro nga iyong nakapuyod na lalaki na nagngangalang Artajo.

Muling tumunog ang pagpapahinto sa time out. Pumito na ang referee hudyat na simula na ulit kaya nag focus na kami.

Okay pa naman ang nagiging laro, may last 2 minutes pa para ma end ang game ngunit nagulat kaming lahat ng itinulak noong Artajo si Drake dahilan ng pag upo nito.

Nangangati ang pwet ko dahil gusto kong tumayo at puntahan sya dahil ramdam kong nasaktan sya base on his reaction. Ngunit alam kong kaya nya, nandyan sina Marcus para sa kanya.

"Artajo faul!" sigaw ng nag a-announce.

Kita ko ang inis sa mga mata nung Artajo, tila hindi nagustuhan na nagkaroon sya ng foul.

Sandaling nagkaroon ng kaunting commercial sa court dahil sa pagkaka upo ni Drake. At muli na ulit nag umpisa ang laro nila. Parang walang nangyari.

Naka score sina Drake kaya lumalamang na sila ng ilan. Ilang segundo na lang ang natitira. Nakay Lienzo ang bola at hindi nya ito maipasa kay Leo dahil hinaharangan na sila ng Team Agase. Lahat ay titig kay Lienzo na hindi alam kung saan ipapasa.

Tinuro ni Drake si Vance. Agad namang na gets iyon ni Lienzo, umikot si Lienzo doon sa humaharang sa kanya upang maipasa nya kay Vance pero nakuha 'yon nung Captain ng Agase. Todo habol sina Marcus dahil konting segundo na lang talaga. Hindi nila maaring ibigay na lang iyon sa Agase dahil mag ta-tie ang laban kaya kailangan pa nilang maka score.

Tumakbo si Marcus at agad na kinuha ang bola doon sa captain. Naipasa nya 'yung bola kay Kian at ipinasa naman ni Kian kay Drake. Aktong isho-shoot na ni Drake ng maagaw 'yon ni Artajo at tumakbo papuntang court nila. Tumalon sya at ishinoot ang bola.

Tatlong segundo na lang ang natitira, napapikit ako hiniling na sana mag wag ma shoot. Nang tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ay iminulat ko ang mata ko at bumungad agad sa akin ang pantay na puntos ng dalawa.

"Tie." si Zarene na tila na dismayado.

Samut saring ingay ang bumalot sa gym. Hindi ako mapakali, tie ang laro ibig sabihin lamang nito posibleng mag laban pa ang dalawang team.

"Tara kina Drake," aya ni Leila na nauna ng umalis.

Sumunod naman kami.

Mabilis akong lumapit kay Drake, igting ang panga nito. Tila hindi natanggap ang nangyari.

"Drake?" bahagyang tawag ko sa kanya.

Nilingon lamang ako nito na tila wala syang pakialam sa akin.

Tumingin sya sa mga kasamahan nya at nag paalam. Natulala lamang ako, nilingon ako nina Ayesha. Nagtataka.

"Susundan ko lang." paalam ko sa mga ito at sinundan na ang tinahak ni Drake na daan.

"Drake!" habol ko dito.

Hindi ko alam kung bakit parang galit sya sa akin wala naman akong ginagawa sa kanya. Kung galit sya at nag tie sila ng kalaban, hindi dapat sya sakin nagagalit.

"Drake ano ba kausapin mo nga ako!" hinila ko ito sa braso.

Pagod itong nilingon ako.

"I just want to take a rest. I'll talk to you later."

Tuluyan na itong umalis sa harapan ko. Naiwan akong nagtataka.

Bumuntong hininga ako. Naglakad ako patungo sa cafeteria. Hahayaan ko muna sya tulad ng sinabi nya. Kapag okay na sya ay kakausapin nya rin ako. Siguro ay masyado lang syang na gugulat sa mga nangyayari.

Tahimik akong kumakain. Karamihan sa cafeteria namin ay ang mga dayong mga estudyante. Hindi ko alam kung darating ba sina Ayesha, napapaisip tuloy ako na parang ako iyong dayo dahil bilang lamang 'yung mga naka uniporme ng pang school namin dito.

Tahimik akong inubos ang pagkain ko at uminom ng tubig. Pinababa ko muna ang kinain ko bago tumayo. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng cafeteria ay nakita ko na sina Ayesha na papunta sa gawi ko.

"Saan ka galing? Nasaan si Drake?" tanong nya agad ng makalapit sa akin.

"Pagod daw." sabi ko.

"Nag away kayo?" tanong naman ni Zarene.

"Badtrip ata dahil sa game." nagkibit balikat ako.

"Saan kana papunta?" si Ayesha.

"Paalis na. Katatapos ko lang kumain."

Nagpaalam na ako sa dalawa. Lumabas ako ng cafeteria. Wala na akong gagawin, kaya uuwi na lang ako. Hindi ko alam kung kailan magiging okay si Drake para kausapin ako.

Tahimik akong naglalakad sa isang hallway ng matanaw ko si Artajo kasama iyong captain ng team nila. Malaki ang ngisi nito, umirap ako.

"May chance na tayong matalo ang Dubi." iyong captain ang nag salita.

Huminto ako sa paglalakad at pinag masdan silang papalapit sa gawi ko.

"Lampa naman pala iyong team ng Dubi, Captain. Akala ko ba magaling 'yon?" si Artajo na bumingingis pa.

Nakakaasar ang ngiti nyang iyon. Parang gusto ko syang sipain sa inis!

Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinigilan ang gustong pag sugod sa dalawa. Ang mga dayo na ito ay talagang nagpapainit sa ulo ko.

"Oh!" si Artajo ng makita ako.

Nangunot ang noo ko ng lumapit ito sa akin, bahagya pa akong napa atras.

"Ikaw 'yung girlfriend noong captain ng basketball diba? Lampa ng boyfriend mo." tumawa ito.

Kalma Chanel...

"Hindi sya lampa. Na foul ka nga diba? Kasi sinadya mo." inis na sinabi ko. "Hindi ka marunong lumaban ng patas."

"Kung patas lang din sanang makipag laro ang nobyo mo, patas din akong makikipag laro sa kanya. Ang yabang e,"

Ngumisi ako at umirap.

"Sino kaya sa inyo ngayon ang mayabang? Dayo ka lang. Huwag ka ngang umasta na pabor sa inyo ang lahat dahil sa naging tie na laban nyo."

Nakita ko ang nanlilisik nyang mga mata, lalapitan pa sana nya ako lalo ng hinila sya ng captain nya.

"Dayson, wag na. Malaking gulo 'yan." bulong noong captain sa kanya.

"Eh ang yabang e, walang pinag kaiba sa nobyo nya."

Umirap muli ako, hindi ko alam kung pang ilang irap ko 'to. Napipikon ako sa pagmumukha nya.

"Chanel."

Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Drake na matalim ang tingin sa dalawa. Lumapit ito sa amin at mabilis nitong iniyakap ang mga braso nya sa aking baywang.

"Anong problema dito?" takang tanong ni Drake na nilingon ako.

"Ang yabang din pala ng girlfriend mo. Manang mana sa'yo." si Dayson na agad kong nilingon at pinanlisikan ng mata.

"Dayson tama na." ang captain nya, na hinila na sya palayo sa amin ni Drake.

Nilingon ko si Drake, igting ang panga nitong pinagmamasdan ang papalayo na sina Dayson.

"Are you already fine?" tanong ko dito.

Nilingon nya ako, tipid itong ngumiti.

"I'm gonna take you to your home now." sabi niya na hinawakan pa ako sa aking kamay.

Tahimik kaming dalawa sa sasakyan. Ni hindi nya sinagot ang tanong ko sa kanya kanina, tanging tipid na ngiti lamang ang iginawad nya. Pakiramdam ko tuloy may nagawa akong kasalanan para magka ganyan sya.

"Galit ka ba sakin?" tanong ko ng hindi na napigilan pa ang sarili ko. "Hindi ko kasi alam kung bakit ka ganyan. May ginawa ba ako?"

"Are you serious with me?"

"Huh?" takang tanong ko dahil sa tanong nyang iyon.

"Gusto mo ba talaga ako? Oh ginagantihan mo ako sa mga nagawa ko sa'yo?"

"Drake, hindi ko alam ang sinasabi mo. Oo gusto kita. Gustong gusto kita."

Tinigil nito ang sasakyan sa isang gilid at mabilis na humarap sa akin.

"Chanel gusto din kita. Gustong gusto kita, higit pa sa inaakala mo."

Pinagmasdan ko lamang sya, nagsusumamo ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito.

Marahan kong iniangat ang aking dalawang palad at hinawakan sya sa kanyang panga. Tinitigan ko sya ng mabuti sa kanyang mga mata. Marahan akong pumikit at hinayaan ang paglapat ng labi naming dalawa.

Kung ano man ang bumabagabag sa isipin nya, handa akong pakalmahin sya. Ang mga halik na ito ang gusto kong maging saksi kung gaano ko sya kagusto.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

116K 6.7K 43
Starring: MayMay Entrata & Edward Barber (MayWard) with Special Participation of PBB Lucky teen Housemates
341 92 21
"There will be sunshine after the rain." #MissBitterSeries no. 1
581 64 29
ACCIDENT happens. May makikilala tayong tao at may purpose sila sa buhay natin. IVYANA NAIRI COLE is an Half-filipino and Half-American. She's a mult...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...