Accidentally Fall In Love (Lo...

Emcentllain द्वारा

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... अधिक

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 27

60 4 0
Emcentllain द्वारा

Chapter 27

Hindi ko na naabutan si Mama kinaumagahan. Si Marcus na ang naabutan ko na abala sa sala panonood ng isang cartoons.

Nilingon nya ako ng makitang bumaba ako ng hagdan.

"Good morning princess. Your breakfast is already." pang aasar niya.

Inirapan ko ito at tumungo na sa dining. Nakita ko ngang may bacon, egg, hotdog, bread at milk na doon. Nilingon ko si Marcus na abala parin sa panonood sa sala.

Napanguso ako ng maisip kung sya ba ang nag prepared nito.

Kinuha ko iyong bread at syang sinubo, sabog pa ang buhok ko. Nag hilamos lamang ako kanina pero hindi ko nagawang suklayin ito dahil sa isip isip ko'y nasa bahay naman ako.

Naupo ako sa upuan at kinuha na iyong gatas. Uminom ako doon, nagulat ako ng may tumunog sa may banyo malapit lamang sa may kusina.

Nangunot ang noo ko at nalaglag ang panga ng lumabas doon si Drake na pawisan.

"What the hell!" Sigaw ko sa gulat na agad pang tumayo.

Nangunot ang noo niya sa inasta ko.

"Why Chanel?" Si Marcus na tumakbo palapit sa amin. "Oh... I didn't tell you, I invited him." Si Marcus na nasa likod ko.

Hindi ko ito pinansin, nanatili lamang ang mata ko kay Drake, ng may pagtataka kung bakit sya pawisan galing sa loob ng banyo.

Ang pawis nya ay bumabakat na ngayon sa suot nyang gray na v-neck shirt. Ang buhok nito'y basang basa din ng pawis.

"Marcus told me, sira yung gripo sa banyo nyo. I fix that." sabi niya na agad lumapit sa akin. "You should eat breakfast. Don't be shocked that I'm here." Aniyang nilagpasan ako at nag hugas ng kamay sa may lababo.

Naiwan akong nakatulala at nakanganga dahil sa pangyayari. Nilingon ko si Marcus, masama ko itong tiningnan. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata kaya tinalikuran nya na ako at bumalik na sya sa sala.

Bumuntong hininga ako at naupo na muli sa silyang inuupuan ko kanina. Si Drake ay lumapit sa lamesa at tinukod ang kanyang dalawang kamay sa lamesa.

"Anong gusto mong tanghalian?" Tanong niya.

Busy ako sa pagkain kaya hindi ko agad sya sinagot.

"I'll cook." Dagdag pa nito.

Natigilan ako at nag angat ng tingin sa kanya.

"You don't know how to cook." Sabi ko dahil iyon ang totoo.

Sinabi nya iyon sa akin na hindi daw sya marunong mag luto ano naman at ipag luluto nya ako ngayon?

"Nag aral ako. So I can cook whatever you want."

Bahagyang umangat ang isang kilay ko, at hindi mapigilan ang sariling mamangha sa sinabi nya.

"So... anong gusto mo para mamayang tanghalian?"

"Kahit ano na lang. Hindi naman ako pihikan." sabi ko.

Nakita ko ang ngisi sa kanyang labi at bahagyang nag iwas ng tingin.

"After mo dyan, go to your room and fix your hair." Sabi nya na agad naglakad patungo sa may sala.

Natigilan ako at halos mapamura ng ilang beses ng maalala kong hindi nga pala ako nag susuklay. Dali dali akong pumasok sa banyo at nanalamin. Nakita ko nga kung gaano kagulo ang buhok ko.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa kahihiyan. Bakit kasi hindi agad ako sinabihan ni Marcus na inimbita nya ang lalaking iyon dito? Nakakainis sila pareho!

Wala ako sa mood na kumain sa may dining. Hindi na ako nag abala pa na ayusin ang sarili ko. Nakita nya na akong ganito, ayokong isipin nyang nagpapa ganda ako dahil sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Halos takbuhin ko ang hagdan ng mapatingin ang dalawa sa akin. Nakakainis sila!

Nagkulong ako sa kwarto. Kung ano anong pinag gagawa ko para lang maibsan ang boredom.

Nagbabasa ako ng isang love story book ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nilingon ko iyon ng bumukas. Iniluwa nga noon si Drake.

Agad kong nilapag sa lamesa ng study table ko ang librong binabasa ko at tinuon sa kanya ang pansin.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

Lumapit ito sa akin at kinuha ang libro sa pinag papatungan nito. Ngumuso sya at nilingon ako.

"You love a love story huh?" Panunuya niya at tinukod ang kanyang kanang kamay sa likod ng upuan ko at ang kaliwang kamay naman ay sa lamesa ko. "Then you should love me too so I can create our love story." Bulong niya na syang nagpakilabot sa kaibuturan ko.

Inilapit niya ang mukha nya sa akin, nagbabadya pa atang halikan ako. Ngunit nagulat kami pareho sa pumasok.

"Oh... wrong timing." Marcus said.

Tinulak ko si Drake at tumayo sa kinauupuan ko. Kabado.

"Bakit kasi hindi ka kumatok?" Singhal ko dito.

Nahimigan ko ata sa boses ko na tila gusto ko din kaya ganon na lamang ang ngisi ni Drake sa gilid ko.

"Bukas e, akala ko naman sinusundo kana ni Drake para sabay sabay na tayong kumain." Aniya. "Sumunod na kayo sa baba." Tumalikod na ito at naglakad na palabas ng kwarto ko.

Naglakad na din ako, pero bago pa ako tuluyang makalabas ay hinila na ni Drake ang palapulsuhan ko upang mapaharap sa kanya.

Pinatakan nya ako ng halik sa aking labi bago naunang maglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong tulala, nanabik na sana ay umisa pa sya.

Bumuntong hininga ako at sumunod na sa kanila. Ano ba naman itong iniisip ko.

"Gusto mo bang papuntahin dito ang mga kaibigan mo, Chanel?" Marcus asked me while we were eating.

Nilalasap ko ang lutong adobo ni Drake. Masarap, hindi ko maipaliwanag ang sarap nya. Hindi ko din lubusang maisip na si Drake Mendez ay nag aral magluto para lang lutuin ang kung anong gusto ko. How cute.

"Hindi na Marcus." Sabi ko.

"Then... Can I have permission? Papupuntahin ko dito si Kian."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nanliit ang mata ko bago dumapo kay Drake ang titig ko na nasa tabi nito at katapat ko.

"Nadala mo nga si Drake dito ng hindi mo sinasabi sa akin. Bakit nagpapaalam ka pa." sarkastikang sabi ko dito at pinanatili na ang paningin sa pagkain.

"Uuwi din ako, Chanel." Si Drake kaya muling nag angat ang tingin ko sa kanya. "May aasikasuhin ako sa Company ni Dad."

Nanatili akong nakatingin sa kanya bago tumango. Okay lang naman sakin, wala naman problema iyon.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nag hugas ng pinggan katulad ng palagi kong nakagawian. Si Marcus naman ay nagtungo na ulit sa sala para i-set na ang xbox, maglalaro ata sila ni Drake.

"Tulungan na kita."

Nagulat ako sa presensya ni Drake ng tumungo ito sa aking tabi.

"Hindi kayo maglalaro?" Takang tanong ko dito.

Humilig sya sa sink ng lababo at tinitigan ako. Parang namula ang pakiramdam ko dahil sa titig niya.

"Kian is on the way. Silang dalawa ang maglalaro." Tumikhim ito at inagaw na sa akin ang sponge. "I'll help you."

"Marunong ka ba nyan?" Gumilid ako para tingnan sya sa gagawin niya.

"Sinabi ko na sa'yo noon. Marunong ako sa gawaing bahay, ang pagluluto naman ay kailan ko lang natutunan."

"Laking mayaman ka. How did you know that? Maging sa paggagawa ng sirang gripo sa cr namin ay alam mo."

Ngumisi ito at pinagpatuloy ang paghuhugas ng platong mga naiwan ko.

"Hindi naman porket mayaman ay spoiled na. Mas nakaka dagdag gwapo kasi ang mga lalaking marunong sa gawaing bahay."

Napairap ako. Yabang!

Naupo na lang ako sa may bangko at pinagmasdan syang naghuhugas roon. Nadedepina ang laki ng katawan nya sa likod lalo na sa bawat galaw nito. Hindi ako makapaniwala na ang kagaya nyang anak mayaman ay naghuhugas ngayon ng pinggan.

Nalingon ko ang sala ng may marinig akong sumipol. Tumayo ako at tumungo ako roon. Iniwan ko muna si Drake na abala sa pagbabanlaw ng mga nahugasan na.

Namataan ko nga si Kian na kadarating lang. Nilingon ako nito at lumapit sa akin.

"Dito ako matutulog, Chanel. Okay lang?" Tanong niya.

Umangat ang gilid ng labi ko at nilingon si Marcus na abala na ngayon sa paghahanap ng lalaruin nila.

Akala ko ba ay papupuntahin lang nya ito? Bakit naman dito pa patutulugin? So kailangan ko palang mag lock ng kwarto ko.

"Hindi naman siguro kayo mag iinom dito hindi ba?" Tanong ko.

Lumingon si Marcus. Binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti.

"Gosh Marcus!" Pagod akong tinalikuran sila at bumalik na sa may kusina.

Si Drake ngayon ay nag pupunas ng kamay. Namataan nya akong salubong ang kilay kaya lumapit ito sa akin.

"Drake!" Si Kian na binangga pa ako sa likod ko para malapitan si Drake.

Kitang kita ko kung papaano nangunot ang noo ni Drake na tila hindi nagustuhan ang ginawa ng kaibigan nya.

"Dito ako tutulog. Dito ka din ba?" Si Kian na chinismis na ang pagtulog nya dito sa bahay.

Tiningnan ko si Drake. Nanatili ang kunot noo niya.

"Maaga tayo bukas para sa semi finals. Huwag na." Aniya na nilingon ang kaibigan.

"Iinom tayo."

Tiningnan sya ni Drake nang isang makahulugang tingin bago natigilan si Kian at nilingon ako.

"Oh sige, xbox na lang tayo. Sabay na ako sa'yo mamaya pag uwi."

Tumango si Drake at ibinalik ang tingin sa akin. Umalis si Kian na tila dismayado ata na hindi natuloy ang overnight nya dito sa bahay.

"Bukas na pala ang semi finals nyo." Hindi ko alam kung tanong ba 'yon o ano.

"Manonood ka naman diba?"

Tumango ako. "Goodluck."

Sandaling katahimikan ang namutawi, nakatitig lamang ito. Tinawag sya ni Marcus kaya naman sabay na kaming lumabas dahil aakyat na ako sa kwarto ko.

Bago ako sumampa ng hagdan ay tinitigan muna ako ni Drake. Nag iwas na ako ng tingin dito at umakyat na ng diretsyo.

Kinuha ko iyong libro sa may study table ko at nahiga sa kama. Namataan ko na lang ang sarili ko na inaantok pagkatapos kong mag basa.

Naalimpungatan ako. Nagising ako na madilim na sa labas, wala ng ingay sa baba. Kaya naman bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Namataan ko nga na wala ng tao roon. Patay na din ang ilaw ng sala at tanging ilaw na lang ng kusina ang bukas.

Naglakad ako sa maliit na hallway ng second floor namin. At tumungo sa maliit na guest room namin. Nakita ko nga si Marcus na taimtim na natutulog sa baba ng double deck.

Sinarado ko na iyon at bumalik na sa kwarto ko. Kinuha ko iyong phone ko at nakita ko nga ang oras. Alas otso na, may mga text din si Drake sa akin.

Drake
Sleep well, Chanel.

Drake
I'm in the company.

Drake
Text me when you are awake.

Drake
Still in the company.

Ngumuso ako ng mapansin na kanina pang 7:30 PM ang huling chat nya. Nag tipa ako ng mensahe sa kanya.

Ako
Kakagising ko lang. What time ka umalis?

Hindi nya agad na replyan iyon. Siguro ay busy.

Humiga ako at nag intay ng mensahe nya. Nakita kong umilaw sa kamay ko ang phone kaya tiningnan ko iyon. At text nga ni Drake.

Drake
Around 5 PM. Haba ng tulog mo.

Nag tipa akong muli.

Ako
Hindi ko napansin yung oras. Nasa company ka pa ba?

Drake
Pauwi na.

Ako
Text me when you're home. Take care!

Napansin kong hindi na sya nag text pa. Kaya muli akong nag antay sa kanya. Nag text na sya around 8:30 na nasa bahay na sya.

Nag pasya na akong pagpahingahin sya dahil siguro ay pagod sya. Ganon din ang ginawa ko kahit hindi pa naman ako dinadalaw ng antok ay pinilit ko na lamang ang sarili ko dahil wala naman na akong gagawin pa.

Nagising ako sa katok mula sa kwarto ko. Tamad na tamad pa akong bumangon at harapin kung sino iyon. Kinusot ko ang mga mata ko at inalis ang comforter sa katawan ko. Bumaba ako at tumungo sa pinto. Binuksan ko iyon at namataan ko si Marcus na nakasuot na ngayon ng uniporme.

Ang aga naman nito, wala namang klase.

"Good morning. Nag luto na ako ng umagahan mo. Maaga akong aalis ngayon, may practice pa kami para mamaya sa semi." Aniya.

Sandali akong natigilan sa sinabi nya.

"Nagluto ka? Kailan ka pa natutong mag luto?"

Seryoso ang mga mata nyang tinitigan ako.

"Seriously, Chanel?"

"What?"

"My Dad is a chef. Our family is a chef."

Oh... I forgot. Yeah! Our family is a chef of course he can cook. Nananalaytay na sa dugo namin iyon.

"Aalis na ako." Sinungitan ako nito bago nawala sa harapan ko.

Muli akong bumalik sa kama ko at humilata. Pinilit kong matulog dahil kanina ay antok na antok pa ako noong kumatok si Marcus. Ngunit ngayon ay nawala na ang antok ko. Nilingon ko ang orasan at ala syete palang ng umaga.

Ilang minuto akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko, hanggang sa marinig ko ang ring ng phone ko. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng pinagpapatungan ng lamp ko. Nakita ko ang pangalan ni Ayesha kaya sinagot ko na iyon.

"Saan kana?" Bungad nito.

Nangunot ang noo ko. "Nasa bahay, bakit?"

"What the hell Chanel?"

"Huh? Bakit?"

"Mamayang 9 ang laro ng volleyball ng dubi university, nasa school na kami nag aasikaso ng mga dadalhing sa court."

Sandali akong natigilan bago na proseso na semi finals nga pala ngayon at naka assign kaming tatlo nila Ayesha na mag vo-volunteer sa pagbibigay ng tubig at towel sa mga player.

Bumalikwas na ako ng kama at binabaan na ng phone si Ayesha. Dali dali akong nag asikaso ng sarili ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako ng dining para makapag almusal. Nakita ko naman ang pritong itlog at hotdog sa lamesa. Ngumiwi ako,

Akala ko naman kung anong breakfast na ang niluto. Eh kahit sino kayang mag prito. Proud pa syang sabihin na chef ang pamilya namin.

Kumain na lamang ako at pagkatapos ay nag toothbrush. Kinuha ko ang susi ng bahay sa may aparador sa kwarto ni Mama at nag pasya ng umalis ng bahay.

Wala si Drake. Mukhang hindi nya na ako nasundo dahil may practice sila ng team nya para mamaya sa semi finals nila.

Wala akong choice kundi ang maglakad, nakarating ako sa school at pumunta na agad sa office ng mga coach, namataan ko na nga sina Ayesha na abala sa paglalagay ng mga energy drink at tubig sa ice jug.

Ibinaba ko saglit ang bag na dala ko at tumulong na sa kanila, mukhang nagulat pa ang dalawa pero naging abala na parin sa ginagawa.

"Anong oras laro nina Drake?" Tanong ni Zarene habang dala dala ang jug ngayong patungo kami sa volleyball court.

"Hindi ko alam e." Sabi ko.

"Girlfriend ka nya, bakit hindi mo alam?" Si Ayesha na inismiran ako.

"Hindi ko pa sya sinasagot." Sabi ko at nakisiksik na sa mga taong nanonood sa mga volleyball player.

Nagtungo kami sa unahan kung nasaan ang coach at inilagay na doon ang mga jug na dala namin. Tila nakahinga ako sa bigat at naupo sa bakanteng upuan.

"Magkasama kayo noong sabado ni Drake sa Hotel nila diba? Family gatherings ng family nya. Ipinakilala kana nya, kaya siguradong in a relationship na kayong dalawa."

Natigilan ako at nilingon sya.

"Papaano mo nalaman?"

"Wala ka bang planong sabihin sa amin?" si Zarene na bahagyang ngumuso pa.

"Nag che-check ka ba ng social media mo? May post si Marga, taga kabilang building." si Ayesha na lumingon na sa mga naglalaro.

Lalong nangunot ang noo ko at kinuha ang phone sa bag ko. Inunlock ko iyon at tiningnan ang Facebook ko. Bumungad na agad sa akin ang post ng nagngangalang Margareth. Bahagyang umangat ang isang kilay ko ng makita ang litrato ko sa isang restaurant sa hotel nila Drake kasama ang family nito. Caption 'official in a relationship'.

Nakita ko ang mga nanggagalaiting mga comment sa, comment section. Marami ang hindi pabor at marami din naman ang ayos lang kung maging kami. Hindi ko kilala itong Marga na 'to. Pero bakit kailangan nya pa kaming ipost?

Binasa ko ang mga comment doon. Halos pala lahat ay against sa relasyon namin. May nakita pa akong comment "Hindi ko alam nagustuhan ni Drake dyan, mas maganda naman si Brianna".

Suminghap ako. Sino ba kasi si Brianna? Oo nga at ex-fiance ni Drake, pero bakit kilala ng mga ito? Ni hindi ko pa nga nakikita iyon.

Sumimangot ako, tila nag iba ang timpla ng mood ko. Pagkatapos na pagkatapos ng laro ng volleyball player ay nagpaalam na ako kina Ayesha. Nawala na ako sa mood dahil sa mga naiisip ko. Siguro malaki laki ang pinag samahan ng dalawa ni Drake kaya tila kilang kilala ito ng mga student dito sa university. Pero bakit ako hindi ko kilala?

Nag punta ako sa locker at nilagay ko iyong bag ko doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ni hindi man lang ako tine-text ni Drake. Busy siguro at nakalimutan na akong iupdate.

Naglakad ako sa kahaban ng hallway. Nag paplano kung saan ako maaaring tumungo at palipasan ang inis ko. Sa gazebo ko napiling tumambay, naupo ako sa upuan. Bumuntong hininga ako. Nakakainis, bakit ba kasi need ipost? Bakit ko din kasi tiningnan? Kung sana ay hindi ko chineck ang post na iyon ay hindi ako maiinis ng ganito.

"Badtrip ka?"

"Anak ka ng pating! Ry!" sigaw ko na halos mahulog sa kinauupuan ko dahil biglang sumulpot si Ryan.

Seryoso ang mga mata nyang tinitigan lamang ako bago lumapit sa akin at tumabi. Sinundan ko naman sya ng tingin, inaalam kung anong ginagawa nya dito.

"May nakakalimutan ka ata." sabi nya na tiningnan ako.

"Huh?" takang tanong ko rito.

Ang random naman ng lalaking ito.

"Ano ngayon?"

"Lunes." proud kong sinabi.

"Ano kahapon?"

"Linggo." proud ko ulit na sinabi.

Natigilan ako ng mapagtanto ang lahat.

"Fuck!" natutop ko ang aking bibig at nilingon sya. "Oh my gosh! Nawala sa isip ko!"

May usapan nga pala kami na magkikita kami ni Rj kahapon. Oh my gosh! Bakit hindi ko naalala ang araw na iyon.

Umiling ito na tila dismayado sa akin.

"You say you're free. Umasa si Rj." aniyang iritado na.

Ngumuso ako. "Madami akong ginawa ano. Nawala sa isip ko."

Umiling muli ito, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Tumayo sya.

"I gotta go. Tell me when you're free. Please, don't let Rj get your hopes." seryosong sabi nya bago ako nilubayan.

Ramdam na ramdam ko ang konsensya sa puso ko, napakagat pa ako sa ibabang labi. Kasalanan ko, wala naman akong ginawa kahapon pero bakit hindi ko na naalala pa iyon. Iniangat ko ang aking kanang kamay at hinawakan ang bracelet na naroroon.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito, ngunit pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanang nagawa ko kay Rj. Parang pinupunit ng pino ang puso ko habang iniimahe ang mukha ng batang iyon na nag aantay sa pag dating ko. Para ko na syang nakababatang kapatid, sanay ako na wala akong inaalala kundi ang Mama ko, pero noong dumating si Rj ay tila nagkaroon ako ng kababatang kapatid na palaging aalalahanin sa araw araw.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Lana's List (Taglish) Louisse द्वारा

किशोर उपन्यास

18.7M 422K 44
Hurt from her previous relationship, Lana Lopez does her best to avoid falling for unreachable playboy Zeo Alcante. But when they both acknowledge th...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
Love String Jenevie Bation द्वारा

किशोर उपन्यास

384 162 11
Mikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process o...
One Last Wish- Complete Yumi द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

732K 29.4K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...