Accidentally Fall In Love (Lo...

Od Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... Více

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 18

57 3 0
Od Emcentllain

Chapter 18

"Anak?"

Napatingin ako sa may pinto at agad kong nakita doon si Mama.

Kanina pa ako nakauwi at nag sasagot na lang ako ng homework ko.

"Nandyan na si Drake sa baba nag aantay." sabi nya at nilapitan ako.

"Sige po Ma, bababa narin ako tatapusin ko lang 'tong homework ko." Tipid akong ngumiti at mabilis ng hinarap 'ang mga notebook na nasa ibabaw ng study table ko.

Bago ako umuwi kanina ay binilinan ako ni Drake na susunduin nya ako pag tapos ng practice nya para maumpisahan na naming dalawa ang pag tu-tutor ko sa kanya. Hindi naman naging problema iyon sa akin, iniiwasan ko lang talaga ang sarili ko na mas lalong mahulog sa kanya.

He knows being a Casanova boy, a play boy in short. He wants a game relationship. And I was afraid to fall for him deeper. I'm fine with my feelings right now, at ayoko ng mas lumala pa iyon.

"Can I take a shower first?" Tanong ni Drake ng nasa bahay nya na kami.

I've been here at his house when I was young, nothing change. Mansyon na mansyon parin. Naroroon parin sa gilid ng wall ang mga painting ng kung kani-kaninong local paintors. Naroroon din ang malaking litrato nila ng family nya.

Hindi ko alam kung nasaan ang Mommy at Daddy nya, alam ko bata pa lamang ako ay Yaya na ang syang nag alaga sa kanila ng kapatid nya. And his parents were abroad because of business. And I think right now naroroon parin ang magulang niya.

I never met his parents so, hindi ko alam kung mababait ba ang mga iyon.

Bago ako iwan ni Drake sa sala ay tinawag nya iyong Manang na hindi ko alam kung sino. Malamang iyon iyong nag aalaga sa kanila ng kapatid nya.

May dumating na isang matandang babae. Kakaiba ang suot nito hindi katulad ng mga nag gagalang katulong.

"Manang, I'll take a shower first and please assist her." Sabi ni Drake bago umakyat sa engrandeng hagdan nila.

Sinundan ko sya ng tingin bago tumingin doon sa Manang na tinutukoy ni Drake. Sya ata iyong mayor doma ng bahay na ito. Sya siguro iyong nag alaga kay Drake at sa older brother nito.

"Dalagang dalaga kana hija." Aniyang nangingiti sa akin.

Hindi ko maipinta ang mukha ko, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magtataka dahil ganoon na lamang ang sinabi niya.

Mabilis nyang inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. Napansin nya siguro ang pagtataka na bumalot sa aking mga mata. Tinanggap ko naman iyon ng walang pag aalinlangan.

"Pasensya kana, ako pala iyong nakakataas sa mga katulong dito. Ako si Manang Arlinda, ako ang nagpalaki kay Drake at kay Drion sa kapatid niya. Nagkita na tayo hija noon, maliit ka pa lamang."

Doon ako naliwanagan sa sinabi nya. Sa dami nilang katulong sa pamamahay hindi ko na matandaan kung sino ang mga katulong na nakilala ko noon.

Nag paalam ito sa akin na dadalhan nya ako ng meryenda kaya naman naupo na lang muna ako sa mahabang sofa habang inaantay si Drake.

Ilang minuto ang nakalipas bago bumaba si Drake sa hagdan. Lumapit ito sa akin at ang mga gamit kong nakalatag sa center table sa living room ay kanyang kinuha.

"Anong gagawin mo dyan?" Takang tanong ko at tumayo para lumapit sa kanya.

"I can't focus on studying here. Sa kwarto ako madalas nag aaral. Doon na lang tayo." Aniya at hinawakan ako sa kamay.

Hindi ako sumama kaagad kaya naman nilingon nya akong nagtataka. Nakita ko agad ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"C'mon wala akong gagawin sa'yo. Don't be so afraid, we're just studying." Aniya kaya naman nagpatianod na lamang ako.

Mag aaral nga lang naman, bakit naman kakaiba na agad ang iniisip ko? Isipin naman nya na may gusto nga akong mangyari sa aming dalawa.

Pagkapasok namin sa isang kwarto ay tanaw ko na agad kung gaano kalaki iyon. Sumulyap ito sa akin at pinapasok na ako ng tuluyan sa loob. Sinarado nya ang pintuan at nag tungo sa kanyang study table, naroroon ang lahat ng libro na siguro'y binabasa nya. At ang ilang mga gamit.

Nilapag ko ang mga dala kong gamit sa kanyang study table at muling iginala ang paningin sa kabuuang kwarto. Tila namamangha ako sa nakikita ko. Malalaman mo talagang lalaki ang may ari nito dahil sa amoy, smell of men scent.

Natigilan ako ng may kumatok sa pintuan, Drake open the door so I see who's in there. I saw a man look like Drake but much older than him. Napukaw ko ang kanyang atensyon kaya naman napalingon din sa akin si Drake. Bahagya akong ngumiti at nag iwas na lamang ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong iritang tanong ni Drake doon sa lalaki.

Kamukha nya iyong lalaki kaya siguro ay ito ang kapatid niyang nakakatanda.

"Nasabi ni Manang na naririto raw ang kababata mo. So I came here to check who she is. I was expecting Brianna pero nagkamali ako."

Brianna? Sino naman iyon?

Nilingon ko sila ng bahagya, natuon agad ang atensyon ko kay Drake ng lumingon ito sa akin ng galit. Mabilis akong kinabahan kaya dali dali ko na lamang pinag bubuksan iyong mga libro na dala ko.

"Please Drion. Don't make me mad." Madiin ang pagkakabigkas na iyon ni Drake bago narinig ko ang pag sarado ng pinto.

Nag kunwari akong busy sa pag hahanap ng pahina na ituturo ko sa kanya. Naramdaman ko itong naupo sa tabi ko, naramdaman ko din ang kakaibang titig nya. Hindi ko sya tinapunan ng tingin, nakikiramdam ako sa kanyang gagawin.

"She's my ex..." tila narinig ko kung gaano sya katakot na sabihin iyon.

I know who is he talking pero nag panggap parin ako na walang alam.

"Sino?" Tanong ko at hinarap sya.

"The name who mention my brother."

Tumango ako. "Brianna? Right?"

Nakita ko kung papaano naging malambot ang mga titig nya sa akin. He reached my arm so he could hold me. Hinaplos ko iyon para ipaalam sa kanya na okay lang.

"Mag start na tayo? Para makauwi na rin ako mamaya." I said and tried to be formal to him.

Bago kami may umpisa ay kumatok si Manang Arlinda upang dalhin sa amin iyong meryenda. And after that we focused on studying.

Wala kaming ginawa buong oras kundi ang turuan lang sya. Hindi ko alam ngunit mabilis lamang syang nakakasunod sa bawat tinuturo ko.

Kasalukuyan ko ngayon syang pinag mamasdan habang abala sa pag sasagot sa mga katanungang ibinigay ko. I smiled when I saw how he tried to answer all my damn questions I gave.

Lumingon sya sa akin kaya mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at kumuha ng chips sa pinggang nasa harapan namin. Narinig ko pa ang bahagyang tawa nya kaya nakaramdam ako ng hiya.

"I'm done." He said and he gave the paper to me.

Nang mapansin kong tama ang mga sagot nya ay pinerfect score ko iyon.

"Mababa ba talaga ang grado mo kay Ms. Veron o nag dadahilan ka lang para makuha mo oras ko?" Sabi ko ng pabiro habang inaayos na ang mga gamit dahil tapos na ang tutor session ko.

"Mababa talaga grado ko sa kanya." Sabi nyang tinutulungan akong mag ligpit.

"Then why are you answering the question perfectly?" tumigil ako at nilingon sya.

"Siguro ay dahil mas focus ako ngayon dahil ikaw ang nag tuturo?" Ang imbes na sagot sa tanong ko ay naging patanong din ngunit sa kanyang sarili nya iyon pinatama. "Just continue to tutor me, I'll let you stop when I feel I'm improving on myself."

Tumango na lamang ako. Kung iyan ang gusto nya ay malaya ko syang pagbibigyan, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang syang ipinapakita sa akin ni Drake. He's too kind, and he always protects me.

Kung iisipin kong gusto nya din ako? Totoo kaya? O ganto lamang sya sa akin dahil ako lamang iyong babaeng hindi patay na patay sa kanya? Is he trying to challenge me? Way nya ba ito para ipahulog ang loob ko sa kanya at sa dulo he going to throw me like a trash? Like what he does to Vrixie? If that he wants, I'll take care my heart, I'll protect my heart sa kung anong balak niyang gawin.

Kahit sabihing gusto ko sya, at sigurado na ako doon. Kaya kaya kong balewalain ang nararamdaman ko kung sakit lamang ang matatanggap ko sa kanya. I don't want to do what Vrixie does. I will never beg him to like me back, to love me back. Babae ako, and I'm not gonna drag myself down to him. Sigurado ako sa kung anong sinabi ko.

"Uy? Ano kanina ka pa tahimik sis! Lalamig na 'yang pag kain mo!" sita sakin ni Ayesha kaya agad akong bumalik sa realidad.

Kasalukuyan kaming nariritong taglo sa cafeteria upang kumain ng aming lunch. Wala si Lienzo, abala ang mga varsity sa kanilang practice para sa nalalapit na intrams.

"Tila malalim ang iniisip mo kanina pa." Sabi ni Zarene sa tabi ko.

Nagpakawala ako ng pagod na hangin sa aking bibig at humalumbaba. Tumitig silang pareho sa akin nag aantay ng sasabihin ko.

"Naisip ko lang... bakit kailangang masaktan pag nagmamahal?"

Natigilan silang dalawa at nagkatingin pa sa isa't isa.

"Don't tell me you're in love?" giit ni Ayesha kaya umalis ako sa pagkaka halumbaba at sinapok sya.

"Sira! Kanino naman? Wala naman akong lalaking napupusuan." Umirap ako sa kawalan.

I deny dahil walang rason para malaman nila ang katangahang nararamdaman ko kay Drake. Katahangan iyon dahil kilala si Drake bilang babaero. Kaya ang malamang gusto ko si Drake ay isang malaking kabobohan.

"Kay Lienzo?" Hindi siguradong sabi ni Zarene kaya sinipat agad sya ng masamang tingin ni Ayesha.

"Bakit mo naman natanong 'yan? Tyaka sa lalim ng iniisip mo kanina iyan ang dahilan?" Sabi ni Ayesha na mukhang hindi makapaniwala sa iniisip ko mula pa kanina.

Ngumuso ako. "Bigla ko lang kasing naisip."

"Sabagay! May point naman si Chanel, bakit nga naman sa pag ibig kailangan nasasaktan?" Kuryosong tanong na din ni Zarene.

"Para matuto? Dahil wala namang perpektong pag ibig, walang perpektong pagmamahal. Kung gusto mo saya saya lang, kung gusto mo kilig kilig lang, sa palagay mo matuto ka? Love can give you love! But love can hurt you too. Don't expect that love is just love." Paliwanag ni Ayesha. "Masusubok ang pagmamahalan nyong dalawa sa sakit na ipapadama sa inyo ng pag ibig na sinasabi nyo."

Ipinag patuloy ko ang pagkain ko. Maintindihan ko man ang point ni Ayesha, hindi ko alam pero taliwas sya sa naiisip ko. Pakiramdam ko isang katangahan kung nagmahal ka pero masasaktan ka lang.

Naging abala na kaming tatlo sa pagkain. Natigilan ako ng matanaw ko si Ryan sa counter ng cafeteria, may cafeteria silang kanila kaya bakit dito pa sya nadayo? Nasa kabilang building pa yung college, masyado naman ata syang nahihibang.

Lumingon sya sa paligid siguro'y nag hahanap ng ma pupwestuhan kaya naman itinaas ko ang kamay ko, litong pinagmasdan ako noong dalawa. Lumingon sya sa akin.

"Dito kana, patapos na kami." Sabi ko.

Seryoso lamang syang tumango bago lumapit sa amin, tumabi sya kay Ayesha na nag iisang nasa tapat namin.

"Oh my gosh! Chef!!" Irit ni Zarene sa tabi ko.

Ngumiti si Ryan sa kanya at tumingin sa akin. Pinadaanan lamang nya ng tingin ako bago sya seryosong nag umpisa sa pagkain nya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko rito.

"Bawal bang kumain?" Supladito nyang sagot sa tanong ko ngunit ginawa nya rin iyong tanong.

"I mean may cafeteria ang college, bakit nandito ka sa aming high school?"

Ibinaba nya iyong kutsarang ginagamit nya at tiningnan ako. Tila nainis ata sya sa pagiging matanong ko. Naitikom ko ang bibig ko, siniko ako ni Zarene siguro para sabihing wag ko ng kausapin kaya ganon na nga ang ginawa ko.

Inubos ko na lamang iyong pagkain sa aking pinggan.

"Rj wants to see you." Seryosong ingles niya kaya nag angat ang tingin ko dito. "He wants you to come to our house, he will bake you cookies."

"Uhm... sure sige." Sabi kong hindi nag alinlangang sumagot.

Pagkatapos nitong kumain ay nag paalam na sya sa amin. Tinampal ni Zarene ang braso ko.

"Super close naman masyado girl!" Giit niya na pinanggigilan ang braso ko.

"May gusto ba 'yon sa'yo?" Kuryosong tanong ni Ayesha na mabilisan ko namang itinanggi.

"Hindi kami close, tyaka hindi nya ako gusto! Tingnan nyo nga ang suplado sa akin." Napairap ako sa kanila.

"Something fishy." nanliliit ang mga mata ni Ayesha sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at hinayaan na lamang sya sa gusto nyang isipin.

Kasalakuyan na akong nasa bahay nina Drake ngayon. Nasa kwarto na naman nya kaming dalawa. Tahimik lamang ito na animo'y maraming iniisip.

Gusto ko syang tanungin sa nangyayari sa kanya ngunit masyado syang seryoso habang sinasagutan ang mga katanungang ibinigay ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng pait na sakit dahil hindi man lang nya ako matapunan ng kahit saglitan man lang na tingin.

Did I do something?

Sumulyap sya sa akin na agad ko namang ikinagulat. Mabilis akong nag iwas ng tingin at pinag laruan na lamang iyong ballpen sa kamay ko. Bakit naman kasi kailangang magpabigla bigla ng pag tingin.

"That's it for now, I'm tired." aniya sa gilid ko kaya nilingon ko sya.

Nag iwas din ito ng tingin at inayos na ang mga gamit ko sa ibabaw. Iniabot nya iyon sa akin. Ilang sulyap ang iginawad ko sa mga kamay nyang hawak hawak na ang mga gamit ko. Bakit parang nag mamadali naman ata sya?

"O-okay..." tipid akong ngumiti dito at kinuha na iyong mga libro ko sa kanya.

"Si Mang Danoy na ang bahalang mag hatid sa'yo sa bahay nyo." aniya bago lumapit sa pintuan ng kanyang kwarto at binuksan ito.

Ramdam ko ang pag iinit ng mata ko. Hindi ko sya maintindihan, atat na atat syang pauwiin ako.

Bumuntong hininga na lamang ako bago lumabas na ng kwarto nya. Sinarado nya iyon pag kalabas ko. Nakakainis sya! Ano bang nangyayari sa kanya? Ang okay naman namin kahapon bakit nagkakaganito na naman sya.

Inis akong bumaba sa hagdan ng bahay nila. Nakasalubong ko pa si Manang na may dalang pagkain na dapat ay para sa amin ni Drake.

"Oh? Aalis kana hija?" takang tanong nya.

Tumango ako rito. "Pagod na din po ang alaga nyo Manang, he's going to rest kaya mabilisang topic lang po ang diniscuss ko."

Naintindihan agad iyon ni Manang Arlinda kaya sya na mismo ang syang nag hatid sa akin sa labas. Naabutan nga namin iyong matandang lalaki na tinawag ni Manang na Danoy.

Bago pa kami umalis ay tinanaw ko ang bintana ni Drake. Wala sya, nag papahinga na siguro. Naiintindihan ko sya kung pagod sya minsan kasi ganyan din ugali ko pag pagod ako.

"Kuya salamat po sa pag hatid." nakangiti kong sabi ng makarating kami sa tapat ng aming bahay.

"Wala iyon hija, pinaalalahan talaga ako ni Drake na ihatid kita dito ng ligtas."

Ngumiti ako at kumaway na sa kanya bago ako pumasok sa bahay. Naabutan ko nga si Mama na abala sa panonood sa sala. Nilingon nya ako at tila nagulat pa sya noong nakita nya ako.

"Ang bilis mo anak?" takang tanong nyang tumayo pa at nilapitan ako.

"Pagod po si Drake, Mama. Saglitan ko lang din po syang naturuan."

"Ganon ba, may hinanda na akong pagkain sa dining. Halika at kumain na tayo."

Ganon na nga ang ginawa namin ni Mama, sabay kaming kumain na dalawa. Pagkatapos ay ako na ang nag pasyang mag hugas ng pinagkainan namin. Hinayaan ko na si Mama na makapag pahinga.

Abala ako sa paghuhugas ng marinig ko ang tunog sa cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa. Nilapitan ko iyon at tiningnan kung sino ang nag text.

Unknown Number:
Come outside I'm here!

Nangunot ang noo ko, sino ito? Wrong send ba?

Hindi ko na lang sana papansin ngunit muli itong nag text.

Unknown Number:
Let's talk. Chanel, it's Drake.

Hindi ko alam dahil binalot agad ako ng kaba, anong ginagawa nya dito? Akala ko ba pagod sya?

Nag punas ako ng kamay bago lumabas ng bahay. Natanaw ko nga sya na taimtim na naka sandal sa kanyang sasakyan. Nag tama agad ang tingin naming dalawa ng makita nya akong papalapit na sa gate.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko ng makalabas na ng gate at kasalukuyan ko na syang kaharap. "Akala ko ba mag papahinga ka? Bakit ka andito tyaka paano mo nalaman phone number ko? Hindi ko naman ibinibigay pa ito sa'yo."

"Matagal ko ng hiningi sa pinsan mo ang Number mo." aniyang nanatili paring naka sandal sa kanyang sasakyan.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang naubusan ako ng mga tanong dahil sa mga titig niya.

"Pumasok kana." aniyang umayos na ng tayo.

"Ha?" takang tanong kong medyo naguluhan.

"Uuwi na ako."

Mas lalo akong nalito. "Nag aksaya ka ng gas para lang puntahan ako?"

Lumapit ito, hanggang sa ilang distansya na lang ang pagitan naming dalawa. Naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa aking noo dahilan ng pagtigil ko.

"Huwag mo akong hayaang mag selos Chanel." he whisper.

Natulala ako at nag angat ng tingin sa kanya. Nanatili ang mga mata nyang seryosong nakatingin lamang sa akin.

Hindi ko maintindihan ang kalabog na nararamdaman ng puso ko ngayon. Ano ba talaga ang sadya mo Drake? Ano ba talaga itong mga pinapakita mo? Ano ba talagang gusto mong mangyari? Bakit nililito mo ng husto ang puso ko?

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

15.3K 277 4
They met when she was young in university and he loved her from afar without even knowing it. He left the country without letting her know who he is...
158K 1.8K 60
COMPLETE NA PO By Cupcake_Chase Nag-aaral si Aly sa isang university. Isang araw, nagkakilala si Aly at si Jack. No romance in first chapter...
226K 1.3K 8
The Montevera Series #2 Instances... Falling in Love... But which is real? -GS
581 64 29
ACCIDENT happens. May makikilala tayong tao at may purpose sila sa buhay natin. IVYANA NAIRI COLE is an Half-filipino and Half-American. She's a mult...