Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3K 158 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 17

55 3 0
By Emcentllain

Chapter 17

"Mag text na lang kayo sa akin Mama pag nandoon na kayo ni Tita Sammy." Sabi ko kay Mama na inihahatid sa labas.

Sumakay ito sa sasakyan namin. Nangunot ang noo kong nilapitan sya sa may pintuan ng sasakyan.

"Hindi ba kayo susunduin ni Tita Sammy?"

Umiling ito. "Nauna na sya doon."

Tumango na lamang ako. "Ingat po kayo Mama."

Naglakad ako sa may gate namin at pinagbuksan sya ng gate upang mailabas nya na ang sasakyan.

Huminto ang sasakyan ni Mama sa may gate kung nasaan ako.

"Mamaya ay tatawagan ko si Marcus para may kasama kayong lalaki dito sa bahay."

"Wag na po Tita!" sigaw ni Ayesha na agad lumapit sa amin ni Mama. "Hindi na po kailangan, okay na po kami dito.  Huwag po kayong mag-aalala iingatan po namin si Chanel."

Tumango tango ako para ipaalam kay Mama na sang ayon ako.

"Tama Mama, kasi pag tinawagan nyo pa si Marcus mag oovernight din dito ang mga kaibigan nya."

Tumawa na lamang si Mama at nag paalam na. Sinarado ko lamang ang gate at sabay na kaming pumasok ni Ayesha sa bahay.

Naabutan namin si Zarene na nakahiga sa malaking sofa habang nanonood ng palabas sa TV.

"Sitting pretty ang mahal na prinsesa na 'yan ha." tinampal ni Ayesha iyong hita ni Zarene bago naupo sa single na sofa.

"Nakaalis na ba si Tita?" tanong ni Zarene na bumalikwas sa pagkakahiga sa sofa.

Tumango ako at lumapit sa tabi nya upang maupo din.

"Kamusta pala Chanel iyong Dinner nyo?" takang tanong ni Ayesha.

"Papaano nyo nalaman?" nagulat ako, hindi ko inaasahan na alam niya iyon.

"Ah, nasabi sa akin ni Marcus kahapon. Hinatid nya kasi ako sa bahay, tapos tinawagan nya si Drake na sya na raw mag hatid sa'yo sa bahay kasi nga hinahatid pa ako ng pinsan mo."

Mas lalo akong nagulat noong binanggit nya iyon pangalan ni Drake. Bigla na lamang nag flashback sa akin iyong mga nangyari kagabi. Iyong halik, iyong lahat. Lahat ng pakiramdam ay muli kong naramdaman.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang kanina lamang nangyari iyon, damang dama ko parin ang lambot ng labi niya.

"May nangyari ba?"

Napalingon ako kay Zarene na takang nakatingin sa akin.

"Ha?"

"Kako kung may nangyari ba? Bigla ka na lang natulala. May nangyari ba kahapon sa Dinner nyo?"

Umiling ako, sunod sunod. "Wala." nag iwas ako ng tingin.

"Chanel okay ka lang?" takang tanong naman ni Ayesha kaya napalingon ako sa kanya. "Base sa nakikita namin mukhang may nangyari. Inapi ka na naman ba ng mga pinsan mo? Chanel kilala kita, mas kilala pa kita kesa sa sarili ko."

Napayuko ako, buti naman ang iniisip lang nila iyong sa Dinner, hindi nila naiisip iyong sa amin ni Drake. Kung sabagay, hindi naman talaga nila malalaman iyong sa amin ni Drake. Wala silang alam doon, ang alam lang nila hinatid ako ni Drake sa bahay. Hindi nila alam na pagkatapos ng nangyari sa dinner ay sinundo ako ni Drake.

Tama. Ako lang ang nakakaalam ng lahat.

"Chanel kaibigan mo kami, hindi mo naman kailangang pag taguan kami ng problema mo. Alam ko bata pa lamang tayo, may issue kana sa family ng Papa mo." ani Ayesha.

Tumikhim ako. "Pinapalabas kasi nila na anak lamang ako sa labas, anak lamang ako ni Papa sa labas." tiningnan ko sila.

Kitang kita kung gaano kagulo ang mga reaksyon nila.

"Ibig sabihin hindi ka anak ni Tita Chaney? Anak ka ng Papa mo sa ibang babae at hindi kay Tita Chaney ganon ba?" naguguluhang tanong ni Zarene.

"Hindi ko alam, It's either anak ako ni Mama sa iba at pinalabas lamang nya na anak ako ni Papa, o kaya naman anak ako ni Papa pero hindi kay Mama at si Mama lamang ang syang tumayong Nanay ko." nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, hindi ko naman dapat paniwalaan iyon hindi ba?"

Tumango si Ayesha at lumapit sa amin ni Zarene.

"Tama ka, bakit mo naman sila paniniwalaan? Ayan ba yung sinabi sa'yo ng Mama mo?"

Umiling ako at tiningnan si Ayesha. "Hindi, kwento nya sa akin nagkakilala sila ni Papa bata pa lamang sila. Mas maniniwala ako kay Mama."

Tumikhim ito at hinawakan ang kamay ko.
"Kalimutan mo na lamang iyon. Huwag mong masyadong kaisipin dahil naniniwala akong walang katotohanan iyon."

Pagkatapos ng usapin na iyon ay napag pasyahan naming mag movie marathon sa sala, nag latag kami ng foam sa lapag para kung sakaling antukin kami ay doon na lamang kami makatulog.

Hindi ko na alam ang mga nangyari, nagising na lamang ako ng may tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Kinusot kusot ko ang mata ko at tumingin sa mga katabi ko.

Kasalukuyang balot ng kumot si Zarene samantalang si Ayesha ay nakadapang tulog.
Tumawa ako ng bahagya at bumangon na.

Nag asikaso na ako sa breakfast naming tatlo. Inantay ko lamang silang magising bago kami nag sabay sabay ng mag umagahan.

Pag katapos kumain ay tinulungan nila akong mag ligpit ng pinagkainan, si Ayesha na ang syang nag hugas ng pinggan samantalang ako naman ang nag punas ng lamesa. Si Zarene naman ay abala sa pag iimis ng hinigaan namin sa sala.

Natulala kami sa isa't isang tatlo nang matapos kami sa ginawa namin. Mukhang may iniisip ang dalawa, ganon din ako. Iniisip ko kung anong sunod ng mangyayari sa aming tatlo. Kung mananatili kami dito sa bahay ay mauubos ang pagkain namin sa takaw ng dalawang ito.

"Naiisip nyo ba ang naiisip ko?" tanong ni Zarene na lumundag pa paupo sa sofa.

"Hindi. May utak ka ba?" sarkastikang tanong naman ni Ayesha.

Natatawang pinag masdan ko sila.

"Letche ka! Seryoso ako! Kung naiisip nyo yung naiisip ko."

"Iniisip kong umalis dito sa bahay at mag gala." sabi ni Ayesha.

"Iniisip ko din 'yan wala naman tayong gagawin dito sa bahay e." sabi ko.

"Wow! Bestfriend nga tayo guys! Nasa isip ko din yan kaya ano pang hinahantay nyo? Ligo na at mag bihis aalis tayo." aya ni Zarene na naunang umakyat papunta sa kwarto ko.

Nasa isang parke kami, hindi ko alam kung bakit dito kami dinala ni Zarene. Nag renta pa sya ng bike tatlo.

"Kung alam ko lang na dito mo kami dadalhin nanatili na lang sana ako sa bahay nila Chanel." singhal ni Ayesha na inis na sumakay sa bike.

"Exercise din ito ano, maaga pa naman e. Papawis lang tayo." ani Zarene na sumakay na din sa bike niya at pumadyak na.

Sinundan ko na lamang sila. Ginawa kong busy ang sarili ko kasama sila, hindi naman din kami nakakapag bonding ng ganito. Ang bonding lang naming tatlo ay ang pag sabay kumain tuwing break time at lunch.

Napagod na kami sa pagba-bike, kaya nag aya na lamang si Zarene na umuwi na din.

Sakay kami sa taxi ng magpababa si Zarene sa isang Restaurant.

Nangunot ang noo ko ng mapansing restaurant ito nina Ryan.

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ni Ayesha.

"Kakain, masarap ang pagkain dito. Nagustuhan ko dito yung all in one nila. May king burger, nachos at fries." pumasok si Zarene sa loob kaya naman sumunod na lamang kami sa kanya.

"Good morning Ma'am!" bati noong waitres sa amin.

Sinundan namin si Zarene sa isang table, naupo kaming tatlo doon. Nag lapag iyong waitres sa amin ng menu. Hindi pa naman ako gutom kaya naisipan ko na lang umorder ng nachos at buko shake.

"Your order will be serve in 5 minutes." umalis na iyong waitres dala iyong order namin.

Mas maraming tao ngayon dahil linggo. Iniisip ko kung nandito ba si Ryan at Rj. Palinga linga ako sa may counter nila upang hanapin sila.

"Anong nililinga mo dyan?"

Napalingon ako ng tanungin ako ni Zarene.

"Wala naman. Nga pala, papaano mo nalaman ang restaurant na ito?" takang tanong ko rito.

"Kumain ako dito noong isang araw. Kabubukas lang, naisipan kong itry yung mga pagkain nila." sabi niya.

"Ganon? So hindi pa pala matagal ang restaurant na ito? Kabubukas lang din pala?"

Tumango siya, bago lumingon sa likudan ko.

"Ayan yung may ari!" tapik niya sa kamay ko kaya napalingon ako sa likudan ko at nakita ko na papalapit sa amin si Ryan na dala dala na iyong order namin.

"Bilis sir ah! Wala pa pong 5 minutes 'yon." nangingiti si Zarene habang pinag mamasdan na isine-serve ni Ryan sa amin iyong pagkain.

Ngumiti lamang si Ryan sa kanya bago lumingon sa akin. Nawala ang ngiti niya ng sa akin nya na ibaling ang paningin niya.

"It's you again."

Naging makahulugan ang salita na iyon.

"Sinamahan ko lang ang mga kaibigan ko."

Tumango ito bago nag paalam kina Zarene. Natulala ako habang sinusundan syang naglalakad papalayo. Bumuntong hininga akong nilingon sina Zarene na ngayon ay nag tatakang nakatingin lamang sa akin.

"Close kayo?" takang tanong ni Zarene, tunog naiinggit ata.

"Kapatid sya noong batang niligtas ko." tipid akong ngumiti bago pinag tuunan ng pansin iyong pagkain ko.

"So close kayo? Anong pangalan nya? May social media ba sya?" sunod sunod na tanong niya.

"Zarene my gosh! Close ba 'yung lagay na 'yon? Ang sungit kay Chanel." sita ni Ayesha.

"Sabagay. Napansin ko din, noong sa akin sya nakatingin nakangiti sya. Pero noong bumaling na sya kay Chanel nawala ang ngiti niya."

Iniisip ko din kung bakit. Siguro ay dahil galit parin sya dahil sa bracelet na dapat ay sa kapatid niya. Pero dapat ay hindi na dahil kinusa nya na din naman ibigay sa akin ito. Tapos ngayon ganon pa rin sya? Hindi ko sya maintindihan. Isinoli ko na naman sa kanya, pero binalik nya din naman.

Tahimik lamang akong naglalakad sa hallway ng campus namin, ng marinig ko na naman ang mistulang ingay ng mga kababaihan, nilingon ko ang likod ko at nakita ko nga iyong apat na sabay sabay naglalakad.

Nag tama ang mata namin ni Drake, hindi ko inaasahan iyong pakiramdam na nadulot ng tingin niya. Mabilis akong nag iwas ng tingin dito, nahihiya ako sa nangyari sa amin. Ayoko na munang ungkatin iyon dahil ako lang naman ang sigurado sa pag ibig namin.

Pagkatapos ng ilang subject ay nag pasya na akong mag madali upang makapag break time na at maiwasan na din si Drake.

Papaalis na ako sa pwesto ko ng hilahin ako ni Lienzo, pero imbes na sya ang tingnan ko ay natuon ang mga mata ko kay Drake. I can see how his jaw clenched due to Lienzo's hand holding me, his dark eyes giving me dread.

Umalis ito at nauna pa sa amin. Napalingon ako kina Kian na sinundan si Drake. Nanatili kaming dalawa ni Lienzo sa pwesto namin. Napahingang malalim na lamang ako bago inaya si Lienzo na kumain.

Naabutan nga namin sa cafeteria sina Ayesha na may nahanda ng pagkain.

"Tagal nyo, gutom na kami." singhal ni Zarene na nauna ng nilantakan ang pagkain.

Si Lienzo na mismo ang nag hain ng pagkain sa harapan ko, napatingin ako kay Ayesha matalim ang tingin niya na animo'y hindi nya gusto ang ginagawa ni Lienzo kaya naman nilingon ko si Lienzo.

"Ako na... kumain kana dyan." sabi ko dito.

Naging abala kami sa pagkaing apat, nag kukwentuhan kami ng mga kung ano anong bagay.

"Kailan ka pala mag tututor kay Drake?" takang tanong ni Ayesha na syang nag patigil sa akin.

"Oo nga, na adjust diba kasi naaksidente ka?"

Bakit pa ba nila inuungkat ito? Iniiwasan ko na nga iyong tao tapos ita-topic naman nila.

"Baka next week, hindi ko alam. Ask ko si Ms. Veron mamaya." sabi ko at pinag patuloy na lang ang pag ubos ng natira ko pang pagkain.

Pagkatapos namin ay nag pasya na kaming bumalik na sa mga classroom namin. Sabay na kami ni Lienzo ngunit nag paalam ito sa akin ng malapit na kami. May pupuntahan daw sya, kaya naman mag isa akong nag tungo sa room namin. Wala pa namang teacher kaya naisipan kong lumabas ulit at mag tungo sa locker ko.

Bubuksan ko na sana ng may mapansin akong maliit na papel na nakadikit doon.

Chanel? Can we talk? I'm in the rooftop building C.

Leila:)

Napalingon ako sa paligid at muling binasa ang sulat kamay niya. Napaisip ako kung anong maaari nyang gawin doon. Nangunot pa ang noo ko, sa dina dami ng pupwedeng lugar kung saan kami pwedeng mag usap bakit sa roof top pa?
Umiling na naglakad na ako upang pumunta sa building C.

Nakarating ako sa rooftop ng sinasabi nyang building, hinanap agad ng mga mata ko si Leila. Nagtaka ako dahil ako lamang ang nag iisang taong naroroon.

"Mali ba ang napuntahan ko?" tanong ko sa sarili ko na nilabas ang cellphone sa bulsa ng palda ko.

Sinubukan kong tawagan ang numero niya, ngunit cannot be reach. Suminghap ako at inulit kong tawagan ang numero niya, pero katulad kanina ay cannot be reach ito.

May narinig akong sumipol kaya napalingon ako sa may pintuan, iniluwa noon si Vrixie kasama sina Regine, Charice, Anika at Kathleen. Nangunot ang noo ko.

"Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong kong ibinaba na ang cellphone at sinilid na sa bulsa.

"Na miss ka namin." ngumuso si Vrixie na parang batang gustong dumede sa ina. "Hindi mo ba kami na miss?" aniya at unting unting lumapit sa akin.

"Suspended ka diba? Wala pang 2 weeks kaya anong ginagawa mo dito?"

Tumawa ito ng nakakaloko, tumawa din ang mga kasama nya para sabayan sya.

"Anong suspended pinag sasabi mo. My Dad has a position in this school. Kaya iyang sinasabi mong suspended, ikaw lang nakakaalam nyan." nagkibit balikat ito at umikot sa akin. "Mukhang okay ka na naman, sayang hindi ka pa namatay." aniya na muling bumalik sa harapan ko.

"Ano bang gusto mo? Set up mo ba 'to?" naiinis na tanong ko rito.

"Hindi ba halata? My gosh Chanel, valedictorian ka ba talaga?" umirap ito at hinawi ang buhok nya sa unahan.

"I don't get it. Why do you have to use Leila's name when you can just talk to me? Ipapahamak nyo pa iyong isa."

"Kung sinabi ba namin na si gusto kang kausapin ni Vrixie are you willing to talk to her?" Tanong ni Kathleen na lumapit sa tabi ni Vrixie.

"May dahilan ba ako para iwasan sya? Iniisip nyo bang pagkatapos ng ginawa nya sa akin ay matatakot ako sa kanya?" Sabi kong seryoso.

"You should. Dahil kung nagawa ko na noon na mapatay ka, I can do again... and... again."

Lumapit ito sa akin at isang malakas na sampal ang natamo ng kaliwang pisngi ko.

Narinig ko ang hiyawan ng mga kasama nya na tila natuwa sa ginawa ni Vrixie.

Hindi ko ininda ang sakit, mas pinili kong ibaling muli ang atensyon sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Hindi ko na alam kung ano pa bang dahilan para magalit sya ng ganito.

"Stay away from Drake. Dahil may kalalagyan ka." Madiin ang salitang binitiwan nya bago ako tinulak kaya napaupo ako. "Kung ako sa'yo hindi ko na lalapitan pa si Drake dahil napapahamak ka."

Imbes na matakot ako sa sinabi nya ay nagawa ko pang ngumisi.

"Eh sa hindi ako ikaw e. Hindi naman tayo parehas ng desisyon kaya bakit ba ang hilig mong mangialam ng sarili kong desisyon sa buhay ko? If you want Drake take him, hinding hindi kita pipigilan." Sabi ko mabilis na tumayo.

"Are you out of your mind?" Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

"I'm not. Baka ikaw? Pinipilit mo paring ipag siksikan yang sarili mo sa kanya. May napapala ka ba?"

"Who the hell are you talking to me like that?" sigaw niya.

"I'm Chanel. The girl you always bully, and I'm saying this to you para maliwanagan kana sa nangyayari. If Drake loves you, he will not allow you to do this. He will give you the assurance you want. My gosh Vrixie, you're too young for this kind of relationship. Relasyon na puro laro, gusto mo ba ng ganon?"

Hindi ito nakapag salita at natulala lamang sa mga sinabi ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga kasama nya.

"I know they don't have a relationship full of play on fire. They want a relationship that will fight and protect for this kind of situation." tiningnan ko sya. "Sana ganon ka din."

Inalisan ko na ang pwesto ko pero bago pa ako makalayo ay naramdaman ko na ang sabunot nito sa buhok ko.

"Bakit ako maniniwala sa'yo? You're just a mess!" aniya sa likudan ko habang hawak hawak ang buhok ko.

"Vrixie ano ba!" Sigaw ko dito na pilit inaalis ang kamay nya sa buhok ko.

I heard everyone cheering at her kaya mas lumakas ang pwersa ng kamay nya sa buhok ko.

"Vrixie!"

Nabitawan ni Vrixie ang buhok ko ng may marinig kaming dalawa na tawag mula sa may pinto ng rooftop. Nakita ko kung papaano natigilan si Vrixie kaya napatingin ako sa lalaking naroroon.

I saw Drake walking on us. He pulled me away from Vrixie. Kitang kita ko kung papaano mamuo ang galit sa mga mata nya lalo na ng tiningnan nya si Vrixie.

"What the fuck are you doing Vrixie?!" He yelled at her, kitang kita ko kung papaano mamuo ang takot sa mga mata ni Vrixie.

"S-sorry..." bumaba ang kanyang tingin.

"No! You fucking out of your mind! I told you! Don't hurt Chanel anymore but you did again! Talaga bang hindi ka nadadala?" Galit na galit si Drake, kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha kaya hinawakan ko ang braso nito.

"Drake stop..." mahinahon kong sabi.

"Last warning Vrixie. I will drag you out of this school! I don't care if your father has a position in our university. You and your family will regret this." Saad niyang nanatili ang galit at diin sa boses.

Hinila ako ni Drake palayo sa kanila, lumabas kami ng rooftop. His hand never let my hand go. Patuloy lamang sya sa paghigit sa akin pababa ng floor na iyon. At ng makababa na kami ay kitang kita kung papaano mag taas baba ang kanyang dibdib sa paghinga.

Hinarap nya ako, his eyes full of anger, nakakatakot ang mga tingin nya kaya tila ramdam ko ang kaba ng dibdib ko.

"Bakit ka pumunta?" Inis niyang tanong sa akin.
Pinakita ko sa kanya iyong sulat na nakita ko sa locker ko.

Binuklat nya iyon at malutong na nag mura.

"And did you believe? Leila is with Lienzo! How the hell didn't you know that!" Singhal nito.

Nangunot ang noo ko. "Why Lienzo with Leila?" Takang tanong ko rito.

Papaano sila magiging mag kasama? Lienzo didn't tell me that. And I was so shocked and confused right now.

Natahimik ito. Tumikhim sya, hinawakan nya ang kamay ko at hinila na paalis roon.

Late na kami sa klase naming dalawa, naabutan namin sa loob sina Marcus at Kian na tila nag tatakang nakatingin sa amin, mabilis kong binawi ang kamay ko kay Drake at napalingon sa katabing upuan ko. I saw Lienzo sitting quietly.

Tila may hindi ako alam sa nangyayari. Ang sinabi ni Drake ay tila echo parin sa pandinig ko ngayon. Bakit magkasama si Leila at Lienzo kanina? May namamagitan ba sa kanila? But Lienzo told me he has a crush on me! Hindi ako umaasa but why they doing this to me?

Continue Reading

You'll Also Like

29.1K 1.4K 36
"bat pa kayo bumalik??" ↬txt x itzy [↬]finished [ ]on-going [ ]hiatus
1M 34.6K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
441K 6.9K 82
read the prologue^___^ enjoy reading!!