Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

5K 176 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 16

91 2 0
By Emcentllain

Chapter 16

Tumigil kami sa tapat ng bahay namin. Nanatili parin akong nakaupo sa upuan habang inaaalala lahat ng pangyayari kanina.

Napahawak ako sa labi ko, totoo ang nangyari at hindi panaginip. We kissed! Hindi lang basta kiss! And... and I love it. Hindi ko pa man malaman kung gusto ba ako ni Drake ay masaya akong sya ang nakakuha ng first kiss ko.

Narinig kong tumikhim si Drake kaya naman naibaba ko agad ang kamay kong nakahawak sa labi ko. Kitang kita ko ang pagdadalawang isip nya sa pag lingon sa akin.

"About what happend–" hindi nya naituloy ang sinasabi nya ng mag salita ako.

"Okay lang, alam ko namang hindi mo ginusto 'yon." Sabi ko at lumabas na ng sasakyan nya.

Ramdam ko sa kanyang hindi nya gustong gawin iyon samantalang ako ginusto ko. Bakit? Nandidiri ba sya sakin? Hinalikan din naman nya ako kaya bakit tunog dismayado sya sa nangyari.

Naglakad ako patungo sa gate ng bahay namin.

"Chanel, that's not what I mean." seryosong sabi nya kaya nilingon ko sya.

"Mag so-sorry ka tama ako? Mag so-sorry ka kasi hinalikan mo ako." Sabi kong naiinis.

"No. I love the way my lips are attached to your lips. Hindi ko iyon pinagsisihan." Giit niya.

Umirap ako. "Sinungaling! Ramdam na ramdam ko na nag sisisi ka sa halik na ginawad mo sa akin!"

"No Chanel! I was so just thinking na nabastos kita!"

"Oo! Nabastos mo ako pero hindi sa mga halik mo kundi sa pinaparamdam mo!"

Papasok na sana ako sa gate namin ng hilahin nya ako sa braso at hinarap sa kanya.

"I have respect for you. May respeto ako sa pinsan mo at sa mama mo. I loved to kiss you, pero hindi ko dapat ginawa yon... hindi dapat..." kitang kita ko kung gaano sya nahihirapang mag salita. "Wala akong pinag sisihan sa mga halik. Ayoko lang isipin mo na iyon lamang ang gusto ko sa'yo."

Umangat ang gilid ng labi ko. "Bakit hindi ba totoo?"

"Fuck of course not!" Sigaw niya na parang nainis sa sinabi ko. "I told you! Wala akong pinag sisihan na halikan ka at kunin ang unang halik mo!"

Napaawang ang labi ko. Parang nag ngitngit ako sa galit ng isigaw nya mismo sa harapan ko na sya ang unang nakahalik sa akin. Pero naramdaman ko din ang pamumula ng aking pisngi.

"I just want to respect you, iyon lang yung gusto kong iparating sa'yo. Kasi you're a special girl to me, hindi ko kaya na gawin ko sa'yo kung ano man yung ginawa ko sa iba. Alam kong babae din sila na dapat respetuhin ko, pero kagustuhan nila 'yon. At itong ginawa ko ako lang ang may tanging gusto."

Sinamaan ko sya ng tingin, hindi nya ba talaga maramdaman na kagustuhan ko din? Hahalikan ko ba sya kung hindi? Ako ang unang humalik sa kanya alam nya 'yon. Sa tingin ba nya tutugon ako sa mga halik nya kung ayaw ko? Edi sana tinulak ko na lang sya.

Natigilan kami ng may dumating na sasakyan. Agad kaming napatingin sa sasakyang nasa likod ng sasakyan ni Drake at doon nga ay nakita ko si Mama at si Marcus na papalabas na ng sasakyan.

Mabilis na lumapit sa akin si Mama. Kitang kita ko ang pag-aala sa kanyang mga mata. Hinawakan nya ako sa magkabila kong kamay.

"Pasensya na anak kung wala man lang akong nagawa." nakita kong namumugto ang mata niya.

Napalingon ako kay Marcus, dahil ramdam ko ang galit na bumabalot sa aking puso ng makita ko ang mga mata ng Mama ko.

"Anong ginawa nila kay Mama?" inis na tanong ko kay Marcus.

Mag sasalita na sana ito ng ibaling ni Mama ang paningin ko sa kanya.

"Wala silang ginawa, nag alala lamang ako sa'yo."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya, ngumiti ako dito para maintindihan nyang okay na ang lahat.

"Ligtas po akong inuwi ni Drake, Ma. Okay na po kaya kumalma na kayo."

Pagkatapos noon ay nag paalam na kami sa dalawa. Pumasok na kami sa bahay at nagpahinga na kami ni Mama.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Gusto ko kasi munang mag pahangin sa labas, gusto kong mag relax-relax. Ang mga nangyaring sagutan sa amin ng pamilya ni Papa ay isang masamang panaginip.

Nagbihis lamang ako ng pang jogging, ipinusod ko din ang buhok ko at sinuot iyong salamin ko sa mata.

Bumaba ako sa hagdan, naabutan ko naman si mama sa may dining area na mukhang maaga ding nagising. Napalingon ito sa akin.

"Ang aga mo ata anak? Paalis ka?" takang tanong nya.

"Sa park lang po, mag papahangin."

Lumabas na ako ng bahay at nag umpisa ng mag lakad papunta sa malapit na park dito samin.

Nag jogging lang ako at ng mapagod na ako kakatakbo ay agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sumasakit na naman ito.

Minsan ay napapadalas na ang sakit nito, hindi ko mawari kung bakit tila kakaiba ang sakit. Hindi sya pang karaniwan, or siguro sadyang ganito lamang ako pag napapagod o hindi naman ay nasasaktan.

Naupo ako sa isang bench at doon nag pahinga. Uminom din ako ng tubig na dala ko. Nabigla ata ako sa pagtakbo kaya ganito na lamang kasakit ang nararamdaman ko.

Mga ilang minuto pa akong nanatili doon bago nag pasyang umalis na, nag babalak na sana akong umuwi ng mapag desisyunang bisitahin si Rj, halos ilang weeks ko na din syang hindi nabibisita at nakikita. Masyado akong naging busy sa nangyayari sa buhay ko at nawala na sya sa isip ko.

Nag pasya akong dumiretsyo sa street nila, ng makarating ako sa tapat ng bahay nila ay sumilip muna ako bago nag doorbell.

"Tao po??" sabi ko at sinubukang katukin ang bakal na gate.

"Hija?"

Napalingon ako sa nag salita at nakita ko ang isang katandaang babae na may dala-dalang walis tingting.

"Ah magandang umaga po." yumuko pa ako pagbibigay galang.

"Magandang umaga din naman. May hinahanap ka ba dito sa bahay na ito?" takang tanong nya at tumango naman ako.

"Opo. Wala po bang tao dito? Asan po sila?"

"Nako ilang weeks na silang hindi nagagawi dito."

"Po?" gulat na tanong ko at tumingin doon sa bahay nila. "Alam nyo po ba kung nasaan sila?" takang tanong ko at lumingon doon sa ale.

"Ang alam ko lumipat sila ng bahay. Nag away kasi yung mag asawa na nakatira dyan, nag pasya sigurong umalis at manirahan sa iba. Pinagbilin lang naman sa akin ang bahay na iyan."

Parang na dismaya ako ng marinig iyon sa matanda. Kung ganon matagal ng wala si Rj dito sa bahay? Anong pag aaway? Yung naabutan ba namin?

Siguro ay malaking ata ang naging epekto ng pag aaway ng mag asawa. Nakakalungkot lang na hindi ko man lang nagawang makapag paalam kay Rj.

"Sige po salamat nalang po." tipid akong ngumiti sa matanda.

Tumalikod na ako upang maglakad pabalik, ngunit natigilan ako ng matanaw sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko at naglakad papalapit sa kanya ngunit tumalikod na din sya paalis.

Napanguso ako at hinabol sya.

"Hey!" tawag ko rito ngunit hindi man lang sya tumigil. "I said hey? C'mon I'm calling you." naiirita kong sabi.

Nilingon nya ako kaya natigilan ako, bahagya akong nagulat sa kanya.

Tumagilid ang ulo ko. "Namumukhaan kita!" sabi ko. "Hindi ba't ikaw yung bumunggo sa akin sa school?" kumunot ang noo ko dito.

Ngayon alam ko na at napagtanto ko na kung saan ko sya nakita. Hindi noong binunggo ako sa school. Kundi sya yung kapatid ni Rj.

"Tama!" sabi kong pumitik pa sa hangin. "Oo! Tama ako! Kapatid ka ni Rj diba?"

Tinitigan lamang nya ako, ni hindi sinagot ang tanong ko.

"Robot ka ba? Kailangan ba ng remote control para lang umimik ka?" naiinis kong tanong dito at pinag krus ang braso sa dibdib.

Sandaling katahimik ang dumaan sa paligid namin bago sya nag salita.

"Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay namin?"

"I just want to visit your brother. Hindi ko naman alam na lumipat na pala kayo. Where is he?" tanong ko.

"Why? Why do you want to know huh?"

Seryoso ang tinig niya, kaya agad akong napalunok. Mukhang hindi ata sya tinatalban ng pag susungit ko.

"I miss him. Bawal bang ma miss ang kapatid mo?" nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko gusto nya na akong bigwasan.

"Nasa restaurant ko sya." aniya at biglang naglakad.

Busangot ang mukha kong sinundan sya. May choice pa ba ako? Nandoon si Rj e.

Habang sinusundan ko sya ay napansin kong may kalayuan pala yung restaurant nya sa street namin. Parang biglang nag dalawang isip akong sundan sya. Sana man lang nag taxi kami.

"May restaurant ka pala?" tanong ko dito para mawala ang pagod sa paglalakad.

Hindi nito ako sinagot kaya naman sinabayan ko sya sa paglalakad.

"Sabagay, chef ka diba? Nag-aaral ka pa? Anong year mo na?" sunod sunod na tanong ko.

Napapahiyang itinikom ko na lang ang bibig ko, wala naman ata syang balak sagutin ang mga tanong ko. Oh nakukulitan sya sakin?

"May bayad bang kausapin ka? Or hindi ka lang pala imik? Hindi ba kilala mo ako? Noong tinawag mo ako sa pangalan ko sa school akala mo kilang kila mo na ako, tapos ngayon susungitan mo ako?"

Bakit ba ayaw man lang sya mag salita? Nakakahiya kasi pinag titinginan na ako ng mga tao.

"Mag salita ka, baka isipin ng mga tao pipe ka."

Tumigil ito kaya napatigil din ako. May pinasukan syang pintuan sa kaliwa namin. Napalingon ako roon at nakita ko ang pangalan ng isang kainan.

"RJ Munch Cafe"

Basa ko sa pangalan ng restaurant nila.

Pumasok na din ako roon, marami na ang tao. Tila masasarap ang pagkaing nakahain sa bawat table nila.

"Hi ma'am! Anong order nyo?" tanong ng isang babae sa akin na nakasuot pa ng apron ng restaurant.

"Kasama ko sya Mae." sabi noong kapatid ni Rj.

Umakyat ito sa hagdan patungo sa second floor kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Malaki ang restaurant nya. Pati sa second floor ay mayroon ding kumakain.

Iginala ko iyong paningin ko sa kabuoan ng kanilang restaurant. Maganda ang abience, hindi nakakaumay pag masdan. May ibang restaurant na nakakaumay na nga ang pagkain pati ang paligid ay ganoon din.

"Dito ka, wait for us." sabi noong kapatid ni Rj na hinila ako paupo sa tabi ng salamin.

Ganon na lamang ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagbaka sakali ako kung pakakainin ba niya ako ng libre. Pero syempre ayoko namang malugi sila kaya nag tawag ako ng waiter.

"Yes maam, here's our menu." binigay nya sa akin iyong menu nila.

Nakita ko ang iba't ibang putahe ng mga burger doon, may mga fries and drinks din. Mayroon din silang chicken wings at kung ano ano pa.

Ngumuso ako upang mag isip na pupwedeng kainin.

"Uhm... one order of nachos, one order of loaded cheese fries and one order of mango shake." sabi ko at nakangiting ibinalik sa kanya ang menu.

"Okay miss, your order will be arrived in 5 minutes." nakangiti itong umalis sa harapan ko.

Napalingon ako doon sa waiter ng harangan sya noong kapatid ni Rj. May pinag uusapan sila, tumingin sila pareho sa akin at may sinabi muli iyong kapatid ni Rj bago lumapit sa pwesto ko.

Nagulat ako ng ilapag nya sa table ko iyong loaded cheese fries at isang mango shake.

"Sabi noong waiter mo 5 minutes pa?" takang tanong ko sa kanya.

"Bakit ka kasi nag order pa? I told you to wait. Gutom kana ba?" takang tanong nya.

Nahihiyang tumango ako.

"Naamoy ko kasi yung bango ng niluluto e, tyaka bakit alam mo na agad oorderin ko? Kinulang kalang ng nachos." sabi ko at kinuha na iyong tinidor upang makain na iyong fries.

"Nachos will be served later." aniya kaya tumango na lamang ako.

"Asan pala si Rj? Sabi mo nandito sya–"

"Nuna!!"

Napalingon ako sa may hagdan kung saan nakita ko si Rj na may kasamang lalaki. Papalapit sya sa amin.

Mabilis na ibinuka ni Rj ang kanyang mga braso upang salubungin ako ng yakap. Tumayo ako upang ibigay iyon sa kanya.

"Ah! I miss you!" sabi ko kay Rj na hinaplos pa ang likod.

Lumayo ito sa akin. "Hyung told me you're here Nuna! Kaya nag madali po akong pumunta dito." masayang sabi nya, ngumiti ako at iginaya sya patabi sa akin.

"Bumisita ako sa bahay ninyo, pero wala na pala kayo doon." sabi ko.

"Umalis na kami doon Nuna, my parents are–" natigilan ito ng sawayin sya ng kapatid niya.

Napalingon ako sa kanya, napalingon din ako sa katabi nya ngayon na kasama ni Rj kanina noong dumating. Bahagya akong ngumiti dito.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kapatid ni Rj.

"Masyado na sigurong confidential iyon para ikwento ko sa'yo na hindi naman namin kaano-ano. Hindi ba?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya, napayuko na lamang ako at pinag kaabalahan ko na lamang kainin iyong fries.

Masyado akong napahiya sa sinabi nya, may point naman sya pero pwede naman nyang sabihin iyon sa akin ng hindi sarcastic e. How rude is he! Nakakainis!

Binalewala ko na lamang ang sinabi nya at nilingon muli si Rj, anong akala nya masasaktan ako sa sinabi nya? Hindi ano! Wala akong pake sa kanya.

"Kamusta kana pala Rj?" tanong ko rito.

"Na miss kita Nuna, hindi ko naman po alam ang bahay ninyo para puntahan po kita doon."

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "Yaan mo sa susunod ay dadalhin kita doon at ipapakilala kita sa Mama ko. Sigurado akong magugustuhan ka noon." malapad ko syang nginitian, tinanggap nya iyon ng isang malapad rin na ngiti.

Nagulat ako ng hilahin ng kapatid ni Rj ang kamay ko. Tinitigan ko sya sa gulat, nakatingin lamang sya sa bracelet na binigay sa akin ni Rj.

"Why are you wearing this?" naiinis na tanong nya.

"May problema ka Ry?" tanong noong lalaki sa tabi nya.

"Oo nga, may problema ka ba? Binigay sa akin ito ng kapatid mo." sabi ko at hinila pabalik ang kamay ko.

"Hindi ba't may usapan na tayo dito Rehan Jace?" galit na sabi niya sa kapatid niya kaya masama kong tiningnan itong si Ry.

"Ano bang problema mo? Hindi mo dapat tinatakot ng ganyan si Rj!" sita ko sa kanya.

"Pwede bang huwag kang mangialam? I'm talking to my brother!"

"Hyung..."

Napalingon ako kay Rj na parang natatakot sa naging boses ng kuya niya. Hinarap ko ito, mabilis syang nag tago sa likod ko.

"Kung nagagalit ka dahil sa bracelet na ito ibibigay ko na sa'yo." inis kong inalis sa palapulsuhan ko iyong bracelet na binigay sa akin ng kapatid nya. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong pag taasan ng boses ng ganyan si Rj, para lang sa isang bracelet. Oh 'yan saksak mo sa baga mo!" inis kong tinapon sa kanya iyong bracelet na ikinagagalit nya.

"Hindi mo dapat ni la-lang ang bracelet na ito Chanel." madiin ang naging pag tawag nya sa pangalan ko. "Ang bracelet na ito ay para sa kapatid namin ni Rj. We will give this to her pag nakilala at nakita na namin sya."

Naitikom ko ang bibig ko, nilingon ko si Rj sa likod ko. Parang napahiya na naman ako sa sinabi nitong Ry na 'to. Hindi ko naman alam na mahalaga sa kanila ang bracelet na ito. Hindi ko na sana tinanggap pa kay Rj.

Bumuntong hininga si Ry at hinuli ang kamay ko kung saan kanina nakalagay ang bracelet. Nagulat ako sa ginawa nya, lalo na noong sinuot niya sa akin ang bracelet.

"Parehas din naman kayo ng first letter ng kapatid ko. Kaya sige sa'yo na, hindi rin naman namin alam kung makikita pa ba namin siya." aniya at tumayo.

Naiwan akong natulala sa bracelet, tiningnan ko iyon at may nakalagay nga sa pendant na first letter ng pangalan ko. Ngunit ang kinaibihan nga lang noon may L ito. "CL" ang nakaukit doon.

"Pag pasensyahan mo na si Ryan."

Nag angat ang tingin ko doon sa lalaking kanina pa naririto sa table namin na hindi ko naman kilala. Kasa-kasama sya kanina ni Rj, baka driver?

"Uh... by the way, I'm Liam Erico Song Maurin. Pinsan ako nila Ryan and Rj." aniyang nag lahad ng kamay.

Napapahiya kong tinanggap ang kamay niya sa pag iisip kanina na driver sya.

"Ako naman si Chanel, Chanel Marcell Lee." ngumiti ako rito, tumango naman sya.

"Pasensya kana ulit sa pinsan ko, masyado lang syang frustrated makita ang kapatid nya."

Tumango ako at lumingon sa pinasukan noong Ryan, bago muling bumaling sa pinsan nila.

"May I ask something? Liam Erico? Right?" nagtataka ang tinig ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkabanggit ko sa pangalan nya.

"You can call me Eric for short. Don't be so formal, so anong itatanong mo?" aniyang lumipat ng upuan sa inupuan ni Ryan para magkaharap kami.

"Anong dahilan ng paglipat nila?" takang tanong ko na nilingon pa si Rj na kasalukuyang busy na sa kanyang phone.

"I don't think so, I can tell you. I'm not in the position to tell you what happened. But... I trust you." ngumiti ito bago humingang malalim. "Nag away ang parents nya because of their long lost sister. Binabalak ng Mommy nila na iuwi na sila sa Korea. But his father didn't want to leave, kaya nag decide 'yung Mommy nila Rj na lumipat ng bahay. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nila kinailangan pang lumipat. Pero ang sabi sakin ni Ryan, yung family ng Father nya natunton na sila."

Nangunot ang noo ko. "Hinahanap ba sila?"

Tumango ito. "Tinatago ng Mommy nila Ryan sila maging ang asawa nito. Hindi ko alam kung anong dahilan, hindi na rin maintindihan pa ni Ryan ang sitwasyon ng Mommy nya. Kaya kahit patuloy silang tinatago, humahanap sya ng way para mahanap ang kapatid nila."

Ngayon naintindihan ko na, masyado sigurong obsessed ang mommy ni Ryan at Rj sa tatay ng dalawa, kaya itinatatago ito. Base din sa pagkaka intindi ko noong naabutan namin nag aaway ang mag asawa gustong gusto ng mahanap noong ama nila Rj ang nawawala pa nyang isang anak, ngunit pinipigilan ni Mrs. Song, ang Mommy nila Rj. Natatakot syang makuha ang atensyon ng asawa nito sa kanya.

Nag change topic na kami ng bumalik si Ryan sa table namin dala dala iyong nachos. Tahimik na ako ng sumunod at sila na lamang mag pinsan ang nag usap. Abala ako sa pagkain ng Fries at nachos.

Pagkatapos noon ay nag paalam na din ako, nag bayad din ako ngunit hindi tinanggap ni Ryan iyong bayad ko.

"That's my treat, you don't have to pay me." aniya na seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Kailangan, negosyo mo 'to. Tyaka hindi naman ako nag papalibre sa'yo. Hindi dahil sinama mo ako rito e, sasagutan mo ang pagkain ko." kinuha ko ang kamay niya at nilagay doon ang bayad ko. "Gusto ko pang makaulit na kumain dito," ngumiti ako dito at nag paalam na kay Rj at doon sa pinsan nya bago umalis.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko naman si Mama na nasa may gilid ng pinto at nakasandal ito roon.

"Mama..." sabi ko at nilapitan siya. "Anong ginagawa mo po dyan?" nag mano ako dito.

"Inaantay kasi kita."

Nangunot ang noo ko at tinitigan sya. "Kanina ka pa po dyan? Bakit naman?"

"May–" hindi na naituloy ni Mama iyong sasabihin nya ng marinig ko ang kulitan ng dalawang dalaga sa may gate namin.

"Good morning Tita Chaney!" wika nila Ayesha na may dala dala pang bag na maliit.

Taka ko silang tiningnan hanggang sa makalapit.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila.

"We will overnight here!" nakangiting sabi ni Ayesha na agad akong nilapitan.

"Ha?"

Pabalik pabalik ang tingin ko sa dalawa.

"Alam ba ni Mama?" tanong ko at nilingon si Mama na nakangiting tumatango sa akin.

"Ako ang nag sabi sa kanila na dito matulog." aniya at pumasok na sa loob ng bahay, sumunod naman kaming tatlo.

"Aalis ako mamayang gabi. May imi-meet lang kami ng Tita Sammy mo. Tomorrow morning nandito na ako." sabi ni Mama na naupo sa mahabang sofa.

"Saan naman Mama? Ngayon mo lang nabanggit sa akin 'yan." hinarap ko ito.

"Kagabi pa namin napag usapan ni Tita Sammy mo ito, bago ako ihatid ni Marcus dito."

Bahagya na lamang akong tumango at nilingon sina Ayesha na nasa likudan ng sofa. Malapad ang ngiti ng dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
2.1K 133 54
Tala, Tula, Tinta at Tayo | Poem Collection Mga salitang hindi ko masambit sa iyo ng deritso.
3.5K 142 27
Whoever said that we don't live just once but every day and die only once is a legend. Sovereign might have a boring life, as she believes, but who c...