Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 15

61 3 0
By Emcentllain

Chapter 15

Nangunguna si Mama pumasok at napahuli kami ni Marcus. Agad naman kaming pinag buksan ng pinto ng dalwang guard's.

Walang katao-tao at halatang pina reserve talaga ang Restaurant na ito, sa isang gilid ay agad naming natanaw ang mga pamilyar na tao. Kaya nag tungo na kami doon.

Nag uusap sila ng maabutan namin ngunit natigil iyon ng makita kami. Agad na hinakawan ni Marcus ang kamay ko na nakakapit sa braso nya. Alam ko na kung bakit nya ginawa 'yon. He tried to calm me for what I feel right now.

"Good evening po." sabi ni Marcus.

He bowed to them so I bowed too.

Tumunghay ako at napansin ko na agad ang mga titig nila. Namuo na ang kaba na meron ako sa aking dibdib. Alam na alam ko na agad kung anong klaseng tingin ang syang ibinibigay nila sa akin. Tingin na hinding hindi nila ako nagugustuhan na naroroon ako.

Binitawan ako ni Marcus at lumapit sya sa mga Tito at Tita namin upang humalik.

"Chanel." tawag ni Marcus sa pangalan ko at nag sign sya na lumapit din ako.

Pinakita ko ang totoong ngiti ko kahit nanginginig na ang labi ko. Lumapit ako isa isa sa kanila upang makipag beso. Mga hindi naman sila umangal kaya naging success ang lahat.

Tumingin ako sa Lola namin, si Lola Immavel nanay nila Papa. Nakita kong nakabuka na agad ang mga braso nito nag iintay sa pag yakap ko.

Hindi ako agad nakagalaw, dahil iniisip ko kung totoo ba ito. We're not even close, and she never treat me like her granddaughter, she hates me katulad ng pag ayaw ng mga tiyahin ko sa akin. And she hates my Mother, dahil ang iniisip niya ay pinikot nito si Papa, she hates me kasi inaakala nya na hindi ako anak ni Papa, na ginagamit lang namin si Papa kasi mayaman ang angkan nya, she blames us because dad left and never showed up. She thought that me and my mother are the reason why my Father's left.

"C'mon hija, just give your Halmeoni a hug." aniya sa malambing na himig.

(*Halmeoni: Grandma*)

Marahan akong lumapit sa kanya at tinanggap ang yakap nya. Ayoko sanang isipin nya na parang ayaw ko ng yakap niya, ngunit parang ganoon na nga iyong pinapakita ko.

Nilayo nya ako sa kanya at hinaplos ang aking pisngi.

"Kamukhang kamukha mo ang tatay mo." sabi niya na nakitaan ko agad ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Napalunok ako, she is angry with me because she doesn't believe that I am the daughter of his son. Ngunit ano ito at sinasabi nya mismo sa harapan ko ito?

"Mama, shall we eat before that?"

Napalingon kami kay Tita Calla ng mag salita ito at pumutol ang kung ano mang nangyayari sa amin ni Lola. Tita Calla is our Grandma's youngest daughter.

Napalingon ako kay Lola at nag paalam na mauupo na ako. Sa gitna ako ni Mama at Marcus tumabi, tahimik lamang sila hanggang sa tumawag na si Tito Marlon sa mga taga serve na ihanda na kung anong kakainin namin.

Tahimik lamang kaming kumakain, nag uusap sila Lola at ang mga anak nito ngunit tungkol lamang iyon sa pinaplano nilang pagtatayo ulit ng bagong restaurant sa Cavite.

Pagkatapos kumain ay doon na nag umpisa na kausapin ni Lola ang mga apo niya.

"Clara? Kamusta ang pag aaral mo?" tanong ni Lola kay Clara na anak ni Tita Calla at Tito Wilson. Bunso.

"I'm good halmeoni, may time na nahihirapan ako but I can naman po." nakangiti nyang sabi.

Me and Clara were the same age, she's my cousin but she didn't treat me like that. She bullied me when we were younger.

"That's good huh. How about you Wayne?" tanong muli ni Lola, ngunit kay Wayne na iyon sa kapatid ni Clara.

"I'm good too Lola." nakangiti nyang sabi.

Mas matanda sya samin ng isang taon ni Marcus. Hindi ko sya ka close dahil hindi sya ganoong ka pala imik. Tahimik lang sya at parang may sariling buhay.

"How about you Jericho?" baling na tanong naman ni Lola kay Jericho nag iisang anak nina Tito Jerry at Tita Joyce.

Mas matanda naman ito sa amin ng dalawang taon. Hindi ko rin ka close dahil katulad ni Wayne ay may sarili din itong mundo. 

"Okay lang din naman po, Lola. You don't have to worry about me." Ngumiti ito hindi plastik.

"Nice Jericho. You will be graduate in two years right?"

"Yes Lola."

Nakita ko kung gaano ka proud si Lola sa kanila.

"And you Lisa? How about you?"

Nilingon ko iyong pinsan pa namin na si Lisa, matanda ito sa amin ng tatlong taon kasing tanda lamang sya ni Ate Samara na kapatid ni Marcus. But she's not here, nasa France sya at doon nag aaral.

Katulad ng sagot ng ilan kong pinsan ay ganoon din sng sinagot ni Lisa. Panganay na anak sya ni Tita Lori at Tito Emerson.

Pagkatapos kay Lisa ay kay Evelyn naman nag tanong si Lola, bunsong kapatid ito ni Lisa. Matanda kami ng isang taon dito. Tulad ni Clara ay isa din sya sa nambubully sakin noong mga bata pa kami.

Sinagot nya ang tanong ni Lola, tumingin na sya sa dako namin ni Marcus kaya napalunok ako.

"And you Marcus? Marami akong nababalitaan na napaka pasaway mong bata ha? But I heard a lot na magaling ka." nakangising sabi ni Lola.

"Lola naman, you know me kahit puro ako kalokohan eh hindi ko napapabayaan ang sarili ko. I can control my self for being a bad boy and good boy." pag mamayabang ni Marcus, umangat ang gilid ng labi ko.

Napakayabang talaga.

"Well good news 'yan para sakin." nakangiting sabi ni Lola.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng bigla syang tumingin sakin.

Kalma Chanel, she will ask you about your study.

"And you Chanel how about you?" tanong ni Lola. "Wala akong masyadong balita sa iyo."

Ngumiti ako para ipakitang hindi ako kinakabahan sa tanong niya.

Mag sasalita na naman sana ako ngunit naunahan na ako ni Evelyn.

"Lola, tinatanong pa ba yan? Ate Chanel was running a valedictorian last year. And for sure this year she will be running for that position again. Alam naman nating iba ang kakayakan na meron sya." Evelyn said and looked at me. "Right Ate Chanel?" nakita ko ang ngising dumantay sa kanyang labi.

Parang nanlamig ang katawan ko. Wala namang mali sa sinabi nya, ngunit masyado nyang pinapalabas na ako ang pinaka matalino sa kanila. And I don't want to think others na ganon nga ako but she did. Evelyn did and I hate it.

"Malay mo naman sa pandaraya nya nakukuha kung anong meron sya." Sabat ni Clara na agad sumimimsim ng kanyang inumin.

Bahagyang umangat ang isang kilay ko. Ngunit sinubukan kong wag mainis sa sinabi nya dahil ayokong isipin nila na guilty ako.

"Oh Chanel? Bakit ang sama ng tingin mo sakin, bakit? Dahil totoo?" Tanong niyang tunog nang iinis.

Napayuko ako, ayokong makita nya ang galit na ekspresyon ko.

"Stop that Clara. Chanel isn't a cheater, don't accuse her like that." suhestyon ni Marcus sa tabi ko.

Narinig ko ang tawa ni Clara kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

"Baka pinapakopya mo sya Marcus kaya mo pinag tatanggol–"

"Can you stop accusing me like that? You don't have proof, all my achievements are from my hard work, I didn't cheat. And would never do that." Pagpapahinto ko kay Clara na ayaw pang tumigil.

Ngumisi ito at tila naasar sa sinabi ko.

"What do you think I will believe in you?" Aniya.

"I am not asking you to believe me." Sabi ko sa isang sarkastikang tono.

"Sabagay. Sino nga ba naman ang maniniwala sa'yo e, anak ka lang naman ni Tito sa labas, sampid lang naman kayo ng Mama mo sa pamilya namin–" natigilan sya ng ibuhos ko sa kanya ang wine na nasa baso.

Natigilan ang lahat, nakatayo ako ngayon at nanginginig sa galit. Hindi maatim ng sikmura ko na binabastos nya kami ni Mama ng ganito. Okay lang kung ako magagawa ko pang palagpasin iyon pero ang idamay ang nag iisang magulang ko. Hindi na ako makakapayag.

"How dare you!" Sigaw sa akin ni Tita Calla na agad dumalo kay Clara na ngayon ay nag ngingitngit sa galit.

Masama ang tingin sa akin ng iba kong mga tiyahin at tiyuhin, Lola was sitting in her chair. Para syang walang pakialam sa nangyayari ngunit her eyes was on me, looking at me directly. I feel guilt, naging mabait pa sa akin si Lola kanina ngunit ginulo ko ang dinner ng pamilya.

"Hindi kana talaga nahiya Chanel! How could you do that to my daughter? Talagang hindi kana nahiya na nasa harapan tayo ng Lola ninyo at pinapakita mo ang ganang pag uugali mo!" Sigaw muli sa akin ni Tita Calla na inaalo si Clara.

"Si Clara ang nauna at hindi si Chanel. Kinakampihan nyo ang anak nyong nag umpisa ng gulo." Paningit ni Marcus na tumayo sa gilid ko. "Hindi sya bubuhusan ng wine ni Chanel kung tama lamang ang mga salitang lumalabas sa bibig ng anak nyo."

"Bakit mo sya pinagtatanggol? Binuhusan nya na nga ako ng wine!" Sigaw ni Clara.

"Karapat dapat lamang naman sigurong ipagtanggol si Chanel kasi may karapatan syang gawin sa'yo yan. Masyadong tampalasan ang mga salitang binibitiwan mo. Chanel is our cousin, don't treat her like she's not belong to us. Tito Lucas was her father, bakit ba ayaw nyong ipagsiksikan sa isip nyo yan?" Galit na si Marcus.

Napatitig lamang ako kay Marcus, ramdam na ramdam ko sa kanya ang pagiging kuya. Nag mistulan akong nakababata nyang kapatid. Dahil sa inasal nya.

"Alam naman natin na anak lamang sya ni Tito Lucas sa labas. Tita Chaney flirted with Tito Lucas!" sigaw pa ni Clara kaya napalingon ako sa kanya.

Muli kong naramdaman ang galit sa katawan ko kaya kinuha ko naman iyong baso ng tubig at sya namang sinaboy sa kanya.

"Matatanggap ko pa kung babastusin mo ako. Pero ang hindi ko matatanggap e ang bastusin mo ang Nanay kong mas matanda sa'yo!" Galit kong sabi dito.

"Bakit hindi ba totoo? Your mother flirted with my Kuya Lucas." Ngumisi si Tita Calla na mukhang natutuwa nakikita akong nasasaktan.

"Hindi iyan magagawa ng Mama ko! At papaano lalandiin? Ang kwento sa akin ni Mama ay matagal na silang mag nobyo ni Papa! Kaya bakit nag sasabi kayo ng ganang kasinungalingan? Sa tingin nyo po ba maniniwala ako sa inyo? Kung ayaw nyo ako bilang pamangkin ninyo, pwes kami ni Mama ang lalayo sa inyo. Hindi na namin ipagpipilitan pa 'yung sarili namin na makipag siksikan sa inyo. Dahil sa tuwing ginagawa namin iyon tinataboy nyo kami papalayo." Naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko, at ng pumatak iyon ay mabilis kong pinalis.

"Hindi kana namin dapat pang itaboy dahil dapat alam nyo ng Nanay mo kung saan ka nakalugar." Sabi ni Tita Calla.

Tumango tango ako kahit ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko.

"Tama kayo. Alam na namin ni Mama kung saan kami nakalugar. Pero kayo alam nyo po ba? Nakalugar po kayo sa mga taong mapanghusga." Sabi kong hindi nag dadalawang isip.

"What did you say?!" Sigaw ni Tita Calla.

"Nasabi ko na po, hindi ko na po para ulit ulitin pa. Magalang kaming pumunta ni Mama dito, malugod kaming nag papasalamat sa pag imbita nyo. Sana naman po kahit nag pakitang tao or nakipag plastikan na lang po kayo samin ni Mama para hindi na po umabot sa ganito. Mas maiintindihan ko pa po iyon." sabi ko at bahagyang bumuntong hininga. "Hindi ko po maintindihan kung bakit nyo po kami pinaparatangan ng ganan ni Mama, kung bakit sinasabi nyo na anak lamang ako sa labas." Namuo ang luha sa aking mga mata at nilingon si Lola. "Totoo po ba ang lahat? Totoo po ba ang paratang nila sakin? Anak ako sa labas o ampon po ako? Kaya ba ganan po kayo kung tratuhin ako? Bakit pati kay Mama ay galit kayo?"

"Hija..." malumanay na sabi ni Lola na tumayo na sa kanyang kinuupuan. "Huminahon ka muna."

"Hihinahon po ako pag nalaman ko po ang totoo–"

"Eh iyon na nga ang totoo! Na anak ka sa labas–"

"Tumahimik ka Clara!" Sigaw ni lola dahil pinutol ni Clara ang sinasabi ko.

"Mama!" Sigaw rin ni Tita Calla. "Bakit pinagtatanggol nyo ang sampid na 'yan?" Tiningnan nito ako ng masama.

"Hindi siya sampid! Stop saying that Tita Calla! Kaya ka ginagaya ng mga anak mo–"

"Marcus huwag kang makialam." Putol ni Tito Marlon kay Marcus na syang sinumbatan si Tita Calla.

"Pero dad!"

Kita ko na masyado na silang nagugulo dahil sa akin. Kaya naman walang sabi sabi na umalis ako sa kinauupuan ko at tumakbo papalabas ng restaurant.

Narinig ko pa ang tawag ni Mama at Marcus sa akin ngunit hindi ko sila nilingon pa.

Malabo ang aking mga mata dahil sa luhang nakaharang doon, patuloy iyon sa pag agos hanggang sa makalabas ako ng restaurant.

Pagkalabas ko ay may humintong sasakyan sa tapat ko. Umurong ang paghikbi ko dahil sa gulat, ibinaba nito ang kanyang bintana at nakita ko sya.

"D-drake..." nauutal kong sabi.

"Sakay." Aniya kaya agad akong sumunod kasi ang utak ko tuliro na.

Pinaandar nya iyon at huminto kami sa isang lake, bumaba sya kaya sumunod ako. Hampas ng hangin ang syang nadama ng katawan ko. Naiwan ko ang dala kong blazzer sa restaurant, kaya mag ta-tyaga akong kalabanin ang lamig ng hangin.

"Bakit ka nandoon?" Takang tanong ko kay Drake na naupo sa isang bato.

"Marcus texted me. Ang tagal kong nag antay sa paglabas mo, hindi ko alam kung anong trip ng pinsan mo at tinext ako para sunduin ka. Kasama mo sya pero bakit ako ang inutusan nya?" Takang tanong din nito sa akin.

Nagkibit balikat ako at naupo sa tabi nya. Kitang kita ang bawat ilaw ng mga building dito. Hindi ko alam pero kumalma ang kung anong nararamdaman ng puso ko.

Naiisip ko iyong mga nangyari, hindi ko magawang paniwalaan sila dahil wala naman silang proweba. Hindi ko din alam kung sinong paniniwalaan ko. Kung anak lamang ako sa labas, sino ang nanay ko? Or baka anak ako ni Mama sa labas at sinabi niya sa pamilya ng Papa ko na anak ako ni Papa sa kanya?

Hindi ko alam, masyadong magulo. Kahit masaktan ako ay hindi ko naman maisip isip kung saan ako nasasaktan sa mga iniisip ko. Kung nasaktan man ako, ay iyong paratangan nila si Mama ng kung ano-ano. Hindi magagawa iyon ni Mama. Ang kwento nya sa akin ay bata pa lamang sila ni Papa ay gusto na nila ang isa't-isa. Kaya kasinungalingan lamang ang mga sinasabi nila. Hindi dapat ako maapektuhan kasi mas maniniwala ako sa Nanay ko kesa sa kanilang hindi naman ako tinuturing na pamilya.

Narinig kong tumikhim ang katabi ko at inalis ang jacket na suot nya. Nagulat pa ako noong inilagay nya iyong jacket sa likod ko upang hindi masyadong mapaspas ng hangin ang likudan ko dahil bakles ito.

"Anong nangyari ba sa loob? Bakit umiiyak ka noong lumabas ka?" Tanong niyang ngayon ay pinag lalaruan ang damo sa kanyang mga paa.

"Kahit naman ikwento ko hindi mo maiintindihan."

"Bata pa lamang tayo inintindi ko na lahat ng kwento ng buhay mo." Sabi niya at umayos ng tayong nilingon ako. "Ngayon pa bang alam kong sobrang nasasaktan ka?"

Sandaling tumahimik ang lahat, mga huni lang ng mga insekto ang syang nag silbing ingay sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin at humalukipkip na lamang.

"Naalala mo noon? Na kapag pinag ti-tripan ka nila Marcus, tatakbo ka sakin at sasabihin mong inaaway ka nila." Kwento niya, hindi ko sya nilingon hinayaan ko lamang kung anong susunod niyang sasabihin. "Kapag nadadapa ka, hindi ka naiyak kahit nagdudugo na yang tuhod mo. Pero pag nakita kitang nadapa, iiyak ka kaya wala akong magagawa kundi ang babahin ka at gamutin ang sugat mo." Ngumisi ito.

Naaalala ko...

"Aray!" Sigaw ko ng madapa ako.

Napalingon ako sa paligid, mabilis akong tumayo dahil wala namang nakakita sa akin. Umupo ako sa isang gilid dahil ramdam ko ang hapdi ng tuhod ko. Hinipan hipan ko ito, ang sakit!

Napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang mga sipol na iyon. Nakita ko nga si Drake na kasama ang pinsan ko.

Mabilis akong umiyak upang mapunta sa akin ang atensyon niya, at hindi naman ako nag kamali. He ran to me at nag aalala ang mga mata nyang tinitigan ako.

"Anong nangyari?" Tanong nito.

Ipinakita ko sa kanya iyong sugat ko.

"Nadapa ako Drake... walang tumulong sa akin." Humikbi ako, napalingon ako sa pinsan kong natatawa ata sa inaasta ko.

"Mukha namang hindi sya nasaktan Drake, wag mo na syang tulungan." Ani ng pinsan ko kaya inirapan ko ito at hinila si Drake sa braso.

"Sobrang sakit! Hindi ko alam kung makakatayo pa ba ako."

Tumawa si Marcus kaya naaasar ko itong binato ng bato. Drake care for me, binaba niya ako at dinala sa clinic ng school.

Sya mismo ang nag linis ng sugat ko at ng araw na iyon, ipinangako ko sa sarili kong gusto ko kasa-kasama ko parin sya hanggang sa lumaki kami pareho.

Tumikhim ako, suminghap din.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na kasama ko si Drake sa isang lugar na kami lamang dalawa ang tao. Parang ang dami kong hinanakit na gusto kong isumbat sa kanya ngunit.

"Ako palagi ang kasa-kasama mo sa lahat. Kaya hindi na bago sa akin kung nakikita kitang umiiyak ngayon." Aniya na nilingon ako, ngumiti ito at tumayo tinitigan ko lamang sya.

"Aalis kana?" Tanong ko rito.

"Papayag ka bang iwanan kita?"

Mabilis akong umiling at tumayo. "Siraulo ka kapag ginawa mo 'yon. Pagagalitan ka ni Marcus!"

Tumawa ito ng nakakaloko at tumitig sa akin. Mabilis na napawi ang ngiti sa kanyang mga labi, kitang kita ko kung papaano naging seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nag bago ang eskpresyon ng kanyang mukha.

Tinitigan ko syang mabuti, hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.

Parang slowmo ang lahat lalo na ng magulat akong hinigit nya ako upang yakapin.

Na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang bisig nyang nakapulupot sa katawan ko. Ilang lunok ang pinakawalan ko bago ko napagtanto kung gaano nag huhumirentado ang puso ko.

"I will protect you." Pabulong nyang sinabi sa akin.

Lumayo sya sa akin, nakita ko kung gaano nag susumamo ang kanyang mga mata. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya dahil pakiramdan ko nakapako na ang paningin ko sa mga mata nya.

Ramdam na ramdam ko kung papaano unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko.

Sobrang bilis...

Sobrang lakas...

Naririnig nya kaya ang pintig ng puso ko? Naririnig nya kaya kung gaano kabilis ito?

Hindi ko na sya nagawang itulak pa dahil ako na mismo ang lumapit upang halikan sya. Tila boltahe ng kuryente ang umakyat sa aking katawan ng maramdaman ang labi niyang nakalapat sa labi ko.

Alam nya naman sigurong unang halik ko 'to. At ibinigay ko sa kanya?

Bakit?

Gusto ko ba sya?

Mabilis akong umalis ng may ma realize.

Ako lang siguro ang nakakaramdam ng ganito, ako lang siguro ang bumigay sa gusto nya. Siguro parte ito ng kagaguhan nya. Siguro sasaktan nya din ako kung papaano nya saktan ang ibang babae.

Naging matalim ang tingin ko sa kanya, kita ko ang pag awang ng labi nya dahil sa ginawa ko. Lilisanin ko na sana ang pwesto na iyon ng hagilapin ni Drake ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya.

Walang sabi sabing hinalikan nya ako. Hindi katulad kanina na dampi lamang, iba ang halik na ito. Pinipilit nyang maibuka ko ang bibig ko na syang ginawa ko naman dahil parang alak ang mga labi nya.

Nakakalasing...

Nakakauhaw...

Nabasag ang kung ano mang pag papasensya ang nararamdaman nya sa tindi ng mga halik nya.

He tried to enter his tounge on my mouth, and I welcomed it. Bahagya nya akong tinutulak, kaya napapaatras ako ngunit ang mga labi niya'y nakadikit parin sa mga labi ko.

Naramdaman ko ang unahan ng sasakyan niya. He lay me down so he could kiss me again.

Mapusok at nagbabaga na ang mga halik niya na kahit ako ay nagpapadala. Hindi ko maintindihan na dito hahantong ang lahat. Alam kong importante sa akin ang halik na ito dahil gusto ko itong ialay sa taong mamahalin ko. Ngunit hindi namang masamang ibigay sa kanya dahil sigurado na ako sa sarili kong gusto ko sya.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg, napakagat ako sa ibabang labi ko. Habang dinadama ang pag dampi bg kanyang mga labi sa aking balat.

Napahawak ako sa kanyang buhok, kaya siguro maraming babae ang nahuhumaling sa kanya ay dahil ganito sya humalik. Ganito ang ibinibigay nyang halik. Kahit ako ay na aadik.

Muling bumalik ang kanyang mga labi sa aking labi at hinalikan muli iyon, sinasabayan ko sya sa bawat halik nya. First kiss ko sya pero hindi naman ako tangang hindi marunong humalik.

Naramdaman ko ang mga kamay nyang pumasok sa dress ko, hinaplos nya ang hita ko.

Gusto ko ang ginagawa nyang pag haplos pero hindi na ito tama. Kaya agad ko syang tinulak at bumaba ng sasakyan.

Hingal na hingal ako at kahit sya ay ganon din. Kita ko ang pawis na tumatagaktak sa kanyang noo.

"U-umuwi na tayo." Mabilis akong pumasok sa sasakyan at inantay na lamang sya roon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa nangyari. Kung hindi ko pa sya pinigilan ay maaaring may mangyari sa aming dalawa.

Sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya ngunit sya, ni hindi ko alam kung gusto nya ba ako.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 6.7K 43
Starring: MayMay Entrata & Edward Barber (MayWard) with Special Participation of PBB Lucky teen Housemates
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
76.8K 799 1
Ung feeling na crush mo DATI ung humahabol sayo ngayon! ♥
226K 1.3K 8
The Montevera Series #2 Instances... Falling in Love... But which is real? -GS