The Spark On Your Spike (Gamb...

By sieteclique

1K 186 3

Laikyn Velasquez is known as sports hater, not until he found out Aiken Jace Furrer. More

Warning
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilouge

Chapter 22

19 5 0
By sieteclique


After 6 months......




"Baby, I'm sorry I have to go." Nagmamadaling paalam ni Aiken.




"Ha? Teka aalis tayo di ba?" Tanong ko sa kanya.




"Yeah, but I have to go, importante kasi 'to. I'm sorry." Sabi niya saka hinalikan ako sa noo.




"Paano na yung........ monthsary natin." Sabi ko at bulong nalang iyong huli kong sinabi.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya. Monthsary namin ngayon pero mukhang nakalimutan ata niya, hindi man lang ako binati bago siya umalis.




Wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya, syempre nakaalis na eh ano pa bang magagawa ko? Hayst.




"Akala ko ba aalis kayo ni Aiken?" Nangibabaw ang boses ni kuya habang nagiisip ako.




Wala, nilayasan ako!




"May importante daw na pupuntahan." Sagot ko.




"Mas importante pa sa monthsary niyo?" Mapangasar na tanong niya pa.




"Kuya naman eh! Kita na ngang nagdadalamhati yung tao eh!" Inis na sabi ko.





"Nagdadalamhati?" Natatawang tanong niya. "Patay na ba si Aiken?" Dagdag na tanong niya.




"Oo, kakapatay ko lang actually." Sarcastic na sagot ko.




Natawa nalang siya at nailing.




"Sumama ka nalang sa 'kin pupunta ako sa mall." Sabi niya at naglakad na.




Napabuntong hininga nalang ako at pabagsak na naupo. Wala na akong magagawa kung hindi sumama, sayang din ang effort ko sa pagbibihis.




Habang hinihintay si kuya ay nag scroll muna ako sa Facebook ko, sakto naman na pag online ko ay nag-chat si Zayen.




Zayen Silvero: Hi Kyn-kyn! Musta na?




Laikyn Velasquez: Eto iniwan ng jowa ko:(




Zayen Silvero: Nag-break na kayo?! Ayos yan ako nalang ipalit mo;)




Laikyn Velasquez: Tange hindi! Mamatay ka muna bago mangyari yon!




Zayen Silvero: Ang hard mo naman sa 'kin, pero matagal na akong patay, patay na patay sayo! Boom!




Laikyn Velasquez: Korni mo tanga! Kahit kailan ka talaga! Hahaha!




Zayen Silvero: Sus! Sabihin mo kinilig ka lang!




Laikyn Velasquez: Kung kikiligin ako kay Aiken lang!




Zayen Silvero: Awts gege.




Laikyn Velasquez: Hahahaha! Sige na aalis pa kami ni kuya. Bye!




Zayen Silvero: Sige, ingat kayo. Sabihin mo kay Aiken paki ingatan ng mabuti 'yang puso mo baka magulat nalang siya ako na nag-iingat ng puso mo.




Natawa nalang ako sa chat niya at hindi na siya sinagot pa. Sakto namang dating ni kuya kaya naman agad na kaming pumunta sa mall.




Balak ko nalang sana mag me time ngayon dahil iniwan ako ng magaling kong jowa, pero ayos na rin yun at sinama nalang ako ni kuya sa lakad niya. May magbabayad ng mga bibilhin ko. Hahaha!




"Ano bang gagawin mo sa mall kuya?" Tanong ko habang nagddrive siya.




"Nandun yung itatanan ko." Kaswal na sabi ni kuya.




"Ah yung itata— ANO?! ITATANAN?!" Gulat na sigaw ko.




Napapreno naman agad siya dahil sa gulat sa sigaw ko, kaya ang ending ayon untog ang noo ko sa may harapan.



"Fuck!" Mura niya.




"Aray kuya ha!" Sabi ko sa kanya.




"Bakit ba kasi kailangan sumigaw ka?!" Inis na tanong niya.




"Eh sa nagulat ako e, wala ka magagawa. Saka wag mong iniiba ang usapan kuya, anong itatanan?" Inis na sabi ko.




"Aish! May nagtatanan ba na isinasama ang kapatid?" Inis din na tanong niya.




"Hmm," Kunwaring nag-iisip ako "Meron, ikaw." Sabi ko sa kanya.




Binatukan naman niya agad ako at sa sobrang lakas no'n eh nauntog na naman ang noo ko sa may harapan.




"Sumosobra kana kuya! Hindi pa nga tayo nakakadating ng mall eh puro bugbog na ako, ano 'to resling muna bago makapagmall?" Sabi ko sa kanya.




"Umayos ka nga Laikyn!" Inis pa rin na sabi ni kuya.




"Oo na, dalian mo na bago pa magsilitawan ang mga bukol na tinamo ko dahil sayo. Iniwan na nga ako tapos yung pumalit naman eh binukulan ako." Sabi ko at pabulong nalang ang dulo at baka ma triple pa ang bukol ko.





Pagdating sa mall ay agad na nagpunta si kiya sa bilihan ng mga damit na panlalaki. Ang alam ko ang daming damit nito, bakit bumibili na naman?




"Bibili ka na naman ng damit mo kuya?" Tanong ko.




"Oo, bakit?"




"Diba ang dami mo pang bagong damit? Bakit bumibili ka na naman? Hindi mo pa nga naisusuot yung mga bagong t-shirt binili last week ah?" Tuloy-tuloy na sabi ko.




"Tinapon ko na yung mga luma kong t-shirt kaya kailangan ko bumili." Paliwanag niya.





"Weh? Kailan?" Tanong ko sa kanya.




"Basta." Sagot naman niya.





Magpapalusot tapos di naman magaling mag dahilan. Hays, wala talagang makakagaya sa 'kin. Talent ko pala yun, skl:)




Wala naman akong nagawa kaya tinulumgan ko nalang din siyang mamili ng mga bibilhin niya. Meron pa nga na napagkakamalan kaming mag jowa. Pero ayos lang sa 'kin yun para walang lumandi kay kuya. Bata pa siya ano?! Batang batugan! Hahaha!




Pagkatapos mamili ni kuya ay ako naman ang namili, syempre para naman hindi masayang ang effort ko sa paglalakad na ginawa namin dahil sa napaka-arte niya mamili ng mga damit niya! Maarte pa sa 'kin mga bhie!




"Kuya sabihin mo pag maganda sa 'kin yung mga damit na isusuot ko ah?" Sabi ko sa kanya.




"Okay." Sagot niya saka umupo sa may harapan ng dressing room.




Panay ang palit ko dahil daw sa panget ang napili ko. May time pa nga na siya talaga ang kumukuha ng damit na isusukat ko.




"Gusto mo pa bang mag damit?" Seryosong sabi niya.





I'm wearing a dress na litaw ang buong likod ko at sa may harapan naman ay kita ang cleavage ko. Yes! Cleavage na wala ka! Chos!




"What's wrong? Maganda naman ah?" Sabi ko sa kanya habang tinitignan ang dress na suot ko.




"What's wrong?! Eh kulang nalang ipakita mo na lahat yang mga tinatago mo! Magpalit ka ayoko niyan." Inis na sabi niya. "Kinukulang na sa tela ang Pilipinas, huh?" Bulong pa niya.




"But—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagputol niya.




"No buts. Get change." Sabi niya.




Wala na naman akong nagawa kaya sinunod ko nalang siya baka sa huli eh ako pa ang magbayad ng mga nagustuhan ko, wait scratch that, nagustuhan pala ng kuya ko.




Lumabas ako na inaayos na ang damit ko na suot ko kanina papunta sa mall. Nagulat naman ako kay kuya na parang nagmamadali na ewan. Natatae siguro 'to! Hahaha!




"Kuya tara na babayaran mo pa yan." Sabi ko sa kanya.




Akmang titingin ako sa may likuran niya ng hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya ang mukha ko.




"Balikan nalang natin yan mamaya, may kailangan akong puntahan." Sabi niya.





"Saglit lang naman yan kuya." Sabi ko at tinanggal na ang kamay niya pero pinipigilan niya ako sa likod. Hindi naman ako nagpapigil kaya nakatingin ako sa may likuran niya kanina. Napako naman ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko, yung kaninang pagmamadali ko para magbayad ay nakalimutan ko.




Si Aiken..........




may kasamang babae?



-🤗

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...