Mageía High: Grimoire of Astr...

By suneowara

1.9M 111K 13.8K

A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And... More

Author's Note
Prologue
ANNOUNCEMENT!!! // REPRINT
Welcome, to world of magic
1. Mageía High
2. Test
3. Duel
4. First Day
5. History
6. Blue moon
7. Black forest
8. Howling woods
9. The Princess of Bernice
10. Summoning
11. New Lead
12. Company
13. Dream
14. Fate
14.5 Zero
15. Start of Adventure
16. Sydros
17. Childhood
18. Departure
19. Kanyes
20. Suicide
21. Who's the boss
22. Secret
23. Border
24. Last Town
25. Against the Disciples
26. Combination
27. Witnessed
28. Rest
29. Second Disciple
30. Witch
31. The greatest
32. The person I look up to
33. Broken
34. Back in time
36. Festival
37. Wand
37.5 Wish
38. Destined
39. Back
40. Return
41. Descendant
42. Frencide
43. The plan
44. The culprit
45. Stick to the plan
46. The student
47. The future
48. Avenge
49. Trust
50. Believe
51. The greatest witch
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT

35. For the second time

27.5K 1.7K 376
By suneowara

FOR THE SECOND TIME

[Raze]

Iniwan ako mag-isa ni Xena sa loob ng kwarto. Sunod-sunod na nagsipasok ang mga sinabi niya sa isip ko, hindi ko mapigilang mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano.

Pero kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay pilit kong kinalma ang sarili ko

Bwisit. Hindi ito ang panahon para manatili ako rito sa kama. Gusto kong tulungan si Xena...

Gusto ko siyang tulungan maghanap ng paraan para makaalis kami rito. Dahil sa umpisa pa lang naman ay kasalanan ko 'to.

Fuck that witch who brought us here. Kung kailan malapit na kami sa Frencide tsaka niya kami pinapunta rito.

Napaismid ako at kinuyom ang kamao ko.

Kainis. Dinamay ko pa si Xena.

Hindi hamak na mas mabuti ng ako na lang ang napunta rito mag-isa at hindi siya kasama. Dapat niyang mahanap ang Grimoire.

"Fotiá," mahinang sambit ko.

Hinintay kong may lumabas na apoy pero walang nangayari. Totoo nga ang nabanggit ni Xena na hindi kami makagagamit ng spell dito.

Fuck it. Paano kami makakaalis dito kung gano'n?!

Habang nagrereklamo at nag-iisip ay nakuha ng atensyon ko ng isang batang lalaking nakasilip sa pinto. For pete's sake kung hindi siguro tirik ngayon ang araw ay aatakihin ako sa puso sa kaniya.

"What the heck kid?!" inis na sambit ko.

Natulala ang batang lalaki sa sinabi ko. Doon ako natauhan at napahampas sa mukha ko.

"Ano po ang sinabi ninyo?" marahang tanong ng bata sa akin.

Nataranta ako sa tanong niya at mabilis akong nag-isip ng dahilan.

"A-Ah. Isang pambati 'yon sa lugar na pinanggalingan namin. Hehe," pagdadahilan ko.

I faked a chuckle, even though my eyes are twitching. Tinitigan lang ako ng batang lalaki at hindi man lang ito sumagot sa sinabi ko. Mas lalo akong kinabahan sa reaksyon niya.

What the heck? May sayad ba 'to? Mas lutang pa ata 'to kay Lei.

Nabigla ako nang yumuko sa harapan ko 'yong bata. "What the heck kid!" biglaang sambit nito.

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. "E-Eh?"

Muling humarap sa akin ang bata at deretso itong tumingin sa mga mata ko. "Kinagagalak ko rin po kayong makilala," muling sambit ng batang kaharap ko.

Napasinghap na lamang ako sa sinabi niya at napatakip sa mukha ko. Sumasama ata lalo ang pakiramdam ko.

"Kuya, anong pangalan mo?" biglaang tanong ng bata sa akin.

"Ha? Hindi ba dapat kapag nagtatanong ka ng pangalan ay ikaw muna ang nagpapakilala?" sarkastikong sagot ko.

Natauhan ang bata sa sinabi ko at muli itong yumuko.

"Ipagpaumanhin ninyo po ako. Ako si Marco! Kapatid ni ate Isabel!" pagpapakilala ng bata.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Sinong siraulo ang magpapakilala bilang kapatid ng ate niya.

"Ako si Raze. Raze L. Quelo," pagpapakilala ko.

Tumagal ng ilang segundo bago maproseso ng bata ang sinabi ko. Tila parang kumikislap na bituin ang mga mata ni Marco nang matauhan siya.

"Wah?! May apelyido ka? Ibig sabihin ay mag-asawa kayo ni ate Xena?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

Hindi kaagad na proseso ng utak ko sa narinig. Namilog ang mga mata ko at naapaawang ang bibig ko. "H-Ha?!"

Kumunot ang noo ni Marco sa sinabi ko. "Nagkakamali po ba ako? Hindi po ba mga kasal lamang ang mayroong apelyido?" marahang tanong nito sa akin.

Umangat ang dalawang kilay ko at mabilis akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya.

Nalintikan na.... Kasal?

Ganito ba sila noon sa nakaraan?!

Bakit naman kasi hindi ito nabanggit noon sa klase namin?! Anong klaseng patakaran 'yon?!

"A-Ah oo! Oo! Kaso kasi, bawal pa namin ipaalam sa iba ang tungkol do'n. Hehe," pagsisinungaling ko.

Napapikit na lamang ako sa sinasabi ko. Kainis talaga!

"Wah! Sabi na nga ba!" sambit ni Marco. Napapitik pa siya sa natuklasan.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko at mabilis akong napatingin sa kanya. "H-Ha? Bakit naman?"

Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Dahil walang taong gano'n mag-alala kung hindi ka importante sa kaniya."

Mas lalo akong naguluhan. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?"

Lumapit sa akin si Marco at umupo rin sa kama katabi ko.

"No'ng araw na nakita namin kayo ni ate Isabel. Pareho kayong nanghihina no'ng gabing iyon. Pero nang masilayan kami ni Ate Xena ay ang unang binigkas niya ay ang tulungan ka."

"Pinilit siya ni ate Isabel na tignan din namin at gamutin pero mabilis siyang tumanggi. Mas kailangan mo raw ng tulong kahit siya mismo ay nanghihina rin."

Nagbago ang ekspresyon ko sa narinig. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi nito napansin ang reaksyon ko dahil masaya itong nagkekwento sa akin.

"Doon pa lang ay napagtanto ko na. Dahil gano'n din ang ginagawa nina ama at ina. Mas inuuna nila ang mga taong mahal nila," nakangiting sambit ng batang katabi ko.

"Napakaswerte mo sa asawa mo kuya Raze!"

Humarap si Marco sa akin ng may malawak na ngiti. "Hindi ba?"

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. "Y-Yeah."

Bumaba sa kama si Marco at pumunta sa tapat ng bintana habang nanatili akong tahimik. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Doon ko naalala ang mga masasakit na salita na sinabi ko kay Xena nang malaman ko na siya si Astria. Nawala sa isip ko kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Wah! Si ate Xena!" biglaang sambit ni Marco.

Nakangiti itong nakatingin sa labas ng bintana. Bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba rin ako sa kama para sumilip sa bintana.

Doon ko nakita si Xena na nakikipag-usap sa mga mamamayan ng Gretta. Pasimple akong napaismid sa ginagawa niya.

Akala ko ba hahanap siya ng paraan para makaalis kami rito?

Nanatili akong nanonood kay Xena habang nakikipag-usap ito sa mga tao sa bayan. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na lang siya buong oras.

Tumutulong ito sa mga tagabayan sa pagbubuhat at sa pag-aasikaso. Mukhang may gaganapin na event o kung ano rito.

"Napakaswerte mo kuya Raze," muling sambit ni Marco.

Tulad ko ay nanatili rin itong nakatingin sa babaeng kasama ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

Tila nawala ang lahat ng sama na nararamdaman ko at gumaan ang pakiramdam ko. Watching her through the window, seeing her smile and talk... what a stunning sight.

What kind of spell did she used against me?

At this moment, I knew.

I fell in love for the second time.


Continue Reading

You'll Also Like

63.6K 2.7K 35
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...
5.8M 200K 74
"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifters and witches A unison of newborn keepe...
163K 6.8K 45
After discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must...
1.4M 81.1K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...