The Journey of a Wimpy Girl

By dokayla

3.9K 930 392

She was bullied. She is a Wimpy. She was abandoned. She hated her life. She wanted to be strong. She wen... More

Author's note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
The End
Epilogue

Chapter 12

181 36 3
By dokayla

A/N: this chapter is dedicated to dwriterinthedark

Pagnabasa mo to...  Feedback naman jan. Hehe...   Miss you!

This chapter is inspired from my dream to find my real-life prince. Asan ka na ba kasi?  Haha. 

***

Hingal na hingal na siyang tumatakbo pero hindi siya tumitigil.  Isang halimaw na hayop ang humahabol sa kanya at siguradong lalapain siya nito kapag tumigil siya sa pagtakbo.

Ngunit pagod na pagod na siya at sa di inaasahang pangyayari ay natalisod siya ng isa niyang paa kaya nadapa siya.  Tumihaya siya at nakita ang halimaw na ilang hakbang na lang ang layo sa kanya.  Tumalon ito at deretso sa kanya. 

"ahhhhhhh" pawis na pawis na napabangon si Aviore.  Nananaginip pala siya.  Pinagmasdan niya ang paligid. Nasa kwartong huli niyang namulatan ang kanyang nakikita. 

Panaginip man ang halimaw na humahabol sa kanya pero hindi naman isang panaginip ang kinaroroonan niya ngayon. 

Pinagsalikop niya ang kanyang mga paa at ipinatong sa kanyang tuhod ang kanyang baba saka marahan na napahikbi.

'Bakit ba ako nandito? Ano ba itong pinasok ko? Anong mangyayari sa akin dito?  Dito na ba ako mamamatay?' Mga katanungang hindi masagot-sagot ng kanyang isip. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwa ang gwapong nilalang na si Remier. 

"Gising ka na.  Bakit ka umiiyak?" umupo ito sa tabi niya sa kama at pinahiran ang kanyang luha. Pinagmasdan niya ito.

"sabihin mo nga sa akin.  Bakit ba ako nandito?  Anong kailangan mo sa akin?  Papatayin niyo ba ako? Anong gagawin niyo sa akin?" tanong niya ng hindi pa rin nawawala ang paghikbi. 

Naawa naman si Remier sa dalaga.  Mukhang kailangan nga niyang magpaliwanag dito.  Sino ba naman ang hindi magugulat at mababahala kung sa isang iglap ay mapupunta ka na lang sa ibang mundo ng hindi alam ang dahilan.  Napabuntung hininga na lang siya. 

"natatandaan mo ba noong unang beses tayong nag-usap at sinabi ko sayong may isang bagay ka lang na gagawin at pumayag ka na kaya walang bawian?" tumango naman si Aviore. 

Huminga muna siya ng malalim. "ang gagawin mo ay ang pakasalan ako."

"ANO???" malakas na sigaw niya. Itinulak pa niya si Remier sa magkabilang balikat at tumayo sa kama. "BAKIT KITA PAKAKASALAN?" di makapaniwalang tanong niya. 

"sandali,  makinig ka muna.  Hinihingi mo ang aking paliwanag hindi ba?  Ngayon,  kung gusto mong marinig ay umupo ka." pinagpag pa niya ang kama bilang senyas na umupo na siya.  Pasalampak naman na naupo si Aviore. 

"Isa akong prinsipe at----" di niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita na naman si Aviore. 

"ISA KANG PRINSIPE? " namimilog ang mata na tanong ni Aviore. 

"oo at patapusin mo akong magsalita at makinig ka kung ayaw mong hindi masagot ang katanungang nasa isip mo." tumango-tango naman ito sa kanya. 

"isa akong prinsipe. Dalawa kaming magkapatid at iyon ay si Jemier na nakita mo kanina.  Ako ang ikalawa at gusto akong ipakasal ni inang reyna sa kanyang mga napupusuang babae na hindi ko naman gusto." napatango-tango ulit si Aviore. Hindi nga naman tamang ipagkasundo ka sa taong hindi mo gusto. "noong gumala ako sa labas sa bundok ng mga tao,  at nakita kitang hinahabol ng baboy ramo ay nilamon ako ng kuryusidad ko sa iyo kaya sinundan kita. Habang sinusundan kita ay mas lalo akong napahanga sa iyo dahil kinakaya mong mag-isa.  Kahit parati kang takot ay di mo pa rin naisipang sumuko at umuwi na lang.  At sa mga simpleng bagay tulad ng mga bulaklak at paglangoy sa ilog ay masaya kana."

"nandoon ka sa ilog? Ibig sabihin noong nagbihis ako ay---" nanlalaki ang mata na ini-ikis niya ang dalawang kamay sa kanyang dibdib habang humihingi siya ng kasagutan sa lalaki.

Napakamot naman ito ng batok at di alam kung sasagutin nga ang kanyang katanungan.

"bastos" sasampalin niya sana si Remier pero. Maagap nitong nahawakan ang kanyang kamay. 

Tinitigan siya nito sa mata.  "gusto kita!" napatigil at di nakasagot si Aviore. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Ngayon pa lang may nagsabi sa kanya na gusto siya. "nagustuhan kita dahil palaban ka, matapang, ginagawa ang lahat, may simpleng kaligayahan at nakatutuwa ka. Kaya mamaya, sa pagdiriwang ng aking kaarawan, gusto kitang ipakilala bilang aking napupusuan."

"Nababaliw ka na ba?" napatayo si Aviore at nagpalakad-lakad sa kwarto.  Hindi niya maproseso ang lahat ng nangyayari. Una ay kinailangan niya mamundok ng mag-isa tapos may halimaw,  tapos napunta siya sa isang magical na lugar tapos ngayon ay gusto siya ng prinsipe. Napadaan siya sa salamin at napatingin sa kanyang sarili.  Napabuntong hininga siya.  Ngayon ay may roon na rin siyang tengang mahaba katulad ng sa kanila. 

Si Remier naman ay tahimik lang siyang pinagmamasdan. "wag kang mag-alala.  Maganda ka pa rin kahit mahaba na ang iyong tenga." napatingin sa kanya si Aviore.  Tumayo naman siya at tumabi sa dalaga sa harap ng malaking salamin na kita ang buo nilang katawan.  "tingnan mo,  bagay tayo hindi ba? " nakangiting saad ni Remier.

"Hindi naman ako maganda." walang emosyon na saad ni Aviore habang pinagmamasdan ang repleksiyon nila sa salamin. 

"bakit mo nasabi?" takang tanong niya.

"dahil kung maganda ako, hindi sana ako iniwan lang sa tabi ng basurahan ng tunay kong magulang. Minahal din sana ako ng mga kinamulatan kong magulang at marami sanang nanligaw at kumaibigan sa akin kung maganda ako." malungkot na pahayag ni Aviore. Parang maiiyak na naman siya sa mga pangit na alaala. 

Pinihit siya ni Remier at pinaharap sa kanya. Tinitigan siya nito sa mata.  "kung ano man ang mga masamang nangyari sa iyo noong nasa labas ka ng kahariang ito ay kalimutan mo na.  Dito,  aalagaan kita! " seryuso nitong sabi.  Napuno naman ng galak ang puso ni Aviore. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagsabi sa kanyang aalagaan siya. 

"salamat" maiksing sagot niya at naglakad papunta sa kama at naupo doon. "ngunit ako ay isang tao.  Kailan man ay hindi ako magiging katulad ninyo." sumunod din sa kanya si Remier at naupo sa kanyang tabi.  "at kahit anong gawin ko, ang aking nakaraan ay parti na ng aking pagkatao at hindi ko na makakalimutan."

"kung ganoon ay ipinapangako ko sa iyo na pasasayahin kita habang nandito ka." ngumiti sa kanya si Remier at nasa mata nito ang pangakong tutuparin ang mga binitawang salita. Ngumiti lang din siya bilang sagot. 

"kailangan mo nang magbihis, may ipapadala ako ditong mag-aalalay sa iyo sa pagbibihis. "

"hindi pa ba ako bihis sa lagay na ito?" pinagmasdan ni Aviore ang sarili at sa palagay niya ay maayos na rin naman ito dahil dress ang suot niya.

Napatawa naman ng mahina si Remier. "iyan ay isang simpleng kasuotan lamang at hindi nababagay sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Ako ay aalis na at magbibihis na rin.  Pupuntahan na lang kita dito para sunduin ka. " tumango lang si Aviore bilang sagot.  Nakakunot ang kanyang noo dahil simple pa daw ang kanyang suot ngayon. Mas maganda pa nga ito kesa sa mga kasuotang nakikita niya sa tv na ginagamit ng mga tao sa mga okasyon.

Nagpaikot-ikot lang siya sa kwarto at pinagmasdan ulit ang mga gamit at palamuti. Ilang sandali pa ay may narinig siyang katok.  Pumasok ang dalawang babae na may bitbit na malaking parisukat na kahon at isang maliit na parisukat din na kahon na nakapatong doon.  Pinagtulungan nila itong buhatin. Sa palagay niya ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon ang mga ito.

"bibihisan ka na po namin binibini. Ako po pala si Matina at siya naman po si Namara" itinuro nito ang kanyang katabi.

"ahh, kaya ko nang magbihis. Ako na lang po" nahihiyang sagot ni Aviore. Naisip niyang nakakahiya namang magpabihis pa sa kanila. 

"Hindi po maari.  Pinagbilin po sa amin ng prinsipe na tulungan ka namin sa pagbibihis." napakamot na lang siya sa batok at napatango.

Binuksan nila ang box at ilabas ang isang sky blue na  long tube gown.

"wow! Ang ganda!" namamangha niyang saad. Kailanman ay hindi siya nakapagsuot ng ganito kagandang damit.  Hindi maman kasi siya nakakapunta sa mga pangsosyalan na mga event.  sunod nilang binuksan ay ang maliit na box at may laman itong-- "glass sandal? " tumingin pa siya sa dalawang babae na parang humihingi ng sagot. Napatawa naman ang dalawa dahil sa reaksiyon niya. May taas na dalawang pulgada lamang ang taas ng hills nito at may butas sa dulo nito. May mga maliliit na diamonds and sapphire stones na nakadikit sa sandal bilang palamuti.

"opo binibini! Ang sandal na iyan ay sukat na sa paa niyo at wag kang mag-alala dahil hindi iyan masakit sa paa." si Matina na ang sumagot.

"paanong sukat na sa paa ko?" nagtataka niyang tanong.

"habang tulog po kayo kanina ay kinuhanan na po namin kayo ng sukat. Pati po ang kasuotang ito ay sukat na rin sa inyo." si Namara naman ang sumagot ngayon. 

"ahh" ang tanging nasambit niya kahit na naiinis siya dahil sinukatan siya ng tulog. 'Di ba't parang pangit naman sa pakiramdam na may ginagawa sa 'yo ng wala kang alam? Hindi ba?'

Tinulungan na siyang mag-ayos ng dalawang dalaga.  Ipinusod pa nila ang kanyang mahabang buhok habang may ilang hibla ang nakalaylay sa magkabilang gilid ng kanyang mukha.  Inipitan din nila ng mga maliliit na palamuting bulaklak ang kanyang buhok at nilagyan din siya ng manipis na makeup na mula sa mga natural na bagay. Isinuot niya na rin ang kanyang gawa sa kristal na sandalya.  Pakiramdam niya ay siya si Cinderella.

Pagkatapos niyang ayusan ay pinaharap na siya sa salamin ng dalawa.  Napakurap-kurap si Aviore ng kanyang mata dahil parang ibang tao ang kanyang nakikita.  Kumaway pa siya sa salamin saka hinarap ang dalawang babae na natatawa sa ginagawa niya.  "ako ba talaga to? " tinuro pa niya ang repleksiyon niya sa salamin.  Napatango-tango naman sila sa kanya.  "wow" ang tanging naibulalas niya. 

Bigla namang may kumatok at pumasok ang isang gwapong nilalang.  Pareho silang napatigil at napatitig sa isa't-isa. Nakasuot ito ng isang napakagandang kasuotan. Kasuotang pang prinsipe talaga.

A/N: sorry,  di ko alam kung paano idescribe.  Haha.  See photo na lang po. 

_____Kayla_____

Yung iba ang nasa isip mo pero iba kinalabasan ng chapter na ginawa mo. Ito iyon eh. Haha...

Don't forget to vote 😘

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 641 14
Paano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kung kasama doon ang lalakeng pinakakinaiin...
13.9K 515 25
"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018
21.9K 419 18
Sinong mag aakala na may magiging pagibig sa isang eskwelahang puno ng enchants. Makakaligtas ba sila? Lalaban? Mamatay? Find out
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...