The Spark On Your Spike (Gamb...

By sieteclique

1K 186 3

Laikyn Velasquez is known as sports hater, not until he found out Aiken Jace Furrer. More

Warning
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilouge

Chapter 13

24 5 0
By sieteclique


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa toy kingdom sa mall. Nagtanong kasi sila kanina kung anong next na pupuntahan kaya nag suggest ako.



Magkaka-ayaan sila tapos mga wala naman silang plano. Kung wala pala ako eh ang bonding nila ay ang paglalakad sa lang sa mall.



Habang bumibili sila ng token ay nag ikot-ikot muna ako para mamili kung alin muna ang lalaruin ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Aiken sa tabi ko.



"Hi! Nalate ka ata kanina?" Bati ko sa kanya.



"Yeah, I forgot that's today." Sagot niya.



"Uhm okay." Sagot ko nalang at nag ikot-ikot pa.



"What's your relationship with Zayen?" Tanong niya habang nagiikot kami.



"Bestfriend?" Hindi ko sure na sagot ko.



"Ganun ka ba sa lahat ng kaibigan mo?" Tanong niya.



"Oo, bakit?" Balik na tanong ko.



"Then, can I be your friend?" Tanong niya.



"Ay, friend lang? Ayaw mo boyfriend?" Disappoited ko kunyaring tanong.



Natawa naman siya at napailing. Ang pogi pala ng lalaki na 'to kapag tumatawa. Ang cute din niya.



"Ang gwapo mo kapag tumatawa." Sabi ko na naging dahilan para mawala ang ngiti sa pabi niya.



Napaiwas naman ako ng tingin ng marealise ko yung sinabi ko. Pero hindi nawala sa tingin ko ang pamumula niya.



Ang cute!



Buti nalang at dumating sila Zayen para ibigay yung token ko. Kung hindi sila dumating baka hanggang mamaya awkward kami sa isat isa.



"Dun tayo sa may basketball kyn." Aya ni Zayen sa 'kin



Tumango naman ako at sinabayan siyang paglakad papunta sa sinasabi niyang basketball.



"Marunong ka ba?" Tanong niya.



"Hindi eh." Sagot ko naman.



"Sige turuan muna kita bago ako maglaro." Sabi niya.



Pumwesto naman agad siya sa likuran ko at hinintay na bumaba yung mga bola. Pagbaba ng mga bola agad siyang kumuha ng isa at pinahawak sa 'kin.



"Hawakan ko kamay mo ah?" Pagpapaalam niya.



Tumango lang ako sa kanya at umayos na ng tayo. Hinawakan naman niya ang kamay ko at itinaas iyon. Pinwesto niya yung kamay ko na parang isang tunay na basketball player.



"Hawakan mo ng ganyan tapos pag ishoshoot mo na ibend mo ng kaunti na likot saka mo ihagis." Paliwanag niya saka sabay naming hinagis yung bola.



Pumasok naman iyo sa ring at napa palakpak naman ako sa tuwa.



"Ang galing." Sabi ko sa kanya.



Ngumiti lang siya sa 'kin at inabutan ulit ako ng isang bola. "Try mo ikaw mag-isa." Sabi niya. Tumango naman ako at ginawa ko yung mga tinuro niya sa 'kin kanina.



Paghagis ko, pumasok iyon sa ring kaya napatalon naman ako sa tuwa. Mukhang mae-enjoy ko itong bonding nila ah.



Naglaro kami doon ni Zayen ng limang beses. Tawa naman ako ng tawa kapag nakikita kong mas marami akong na shoshoot kesa sa kanya.



"Lipat tayo dun sa may ticket." Sabi niya sa 'kin.



Tumango lang ako at naglakad na kami papunta sa sinasabi niya na may ticket daw na makukuha. Pagdating dun nandun din sila kuya pati si Aiken. Ang problema eh isa nalang ang bakante at walang naglalaro.



"Share nalang tayo." Sabi ni Zayen.



Wala naman akong nagawa kaya umupo nalang ako at siya naman at nakatayo sa gilid ko habang naka-akbay.



"Alternate tayo." Sabi ko sa kanya.



Tango lang ang sinagot niya saka naghulog ng token. Yung laro, kung saan pumasok yung bola sa mga butas na may numbers yun ang makukuha mong ticket.



"Hala! Ang galing, jackpot yung nakuha. Sanaol." Sabi ko habang naka pout.



Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko "Makukuha mo rin yun." Sabi niya.



Tulad ng sabi niya nahulog nga sa jackpot yung bola ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako. Ilang oras din kaming naglaro dun at puro tawa kami ni Zayen kapag nahulog yung mga bola namin sa mababang numero.



"Ang dami nating nakuhang ticket." Sabi ko sa kanya.



"Oo nga, mamaya papapalitan natin 'to dun." Sabi niya na nakaturo sa babaeng kumukiha ng mga ticket.



"Dun naman tayo sa may nakukuhang stuff toy." Aya ko sa kanya.



Pumayag naman siya kaya hinila ko na siya doon. Masaya naman palang kasama ang isang 'to. Walang arte, nakalimutan ko din yung ginawa niya sa 'kin nung isang gabi.



Panay ang hulog ko ng token sa machine dahil sa hindi ko makuha yung stuff toy na gusto ko. Nakita ko pa sila kuya sa likod namin ni Zayen na pinapanood kami. Mga wala na sigurong token 'to.



Halos maubos ko na yung token ko pero hindi ko pa rin makuha yung gusto kong stuff toy.



"Ang hirap naman nito!" Inis na sabi ko.



May mga times na nakukuha ko yung stuff toy pero kapag malapit na sa butas ay nahuhulog naman. Ang madalas pa hindi man lang sumasama sa parang kamay.



Naubos yung token ko na hindi ko man lang nakuha yung stuff toy. Nakasimangot tuloy akong humarap kay Zayen na nakasandal sa gilig machine ng pinaglalaruan ko. Natawa naman siya sa itsura ko.



"Ako na kukuha para sayo." Sabi niya ng nakangiti.



Para namang bituin ang mga mata ko na agad na nagsikislapan sa tuwa.



"Talaga?!" Masayang tanong ko.



Tumango naman siya sa 'kin. Napa palakpak naman ako sa tuwa at exited na tinignan yung stuff toy na gusto ko.



Makukuha rin kita.



"Pakitang gilas si lodi"



"Ang tamis mo naman bro!"



"Boto kana ba sa kanya bro?"



"Ang sweet naman ng boyfie niya."



"Sanaol!"



Rinig kong sabi nila kuya at ng ibang tao sa sa 'min.



Pumwesto na si Zayen at naghulog na ng token. Hanang ako naman ay nasa gilid niya ang pinagmamasdan siya. Sana makuha talaga niya yung stuff toy na gusto ko.



May limang token nalang si Zayen na natitira hinulog na niya yung isa so apat nalang. Sa unang try niya ay hindi niya nakuha. Ako naman tamang cheer lang para makuha niya yung stuff toy. Cheer na may halong pagbabanta ang ginawa ko.



"Dapat makuha mo yan kung hindi malalagot ka sa 'kin." Sabi ko.



Lalo ata siyang na pressure dahil sa sinabi ko kaya sa panggalawa, pangatlo at pang-apat ay hindi niya nakuha. Ibig sabihin last chance na niya para makuha yung stuff toy.



"Trust me. Makukuha ko yung stuff toy na gusto mo." Sabi niya na siguradong sigurado.



Hinulog na niya yung last token niya at iginalaw na yung parang kamay na bakal papunta dun sa gusto kong stuff toy.



Kabado ako habang bumaba yung kamay na bakal. Nang makababa na ay nanlaki ang mata dahil prenteng nakalagay sa kamay na bakal yung stuff toy. So ang resulta ay nakuha ni Zayen yung stuff toy.



"Wow, ang galing!" Masayang sabi ko at napayakap nalang ako sa kanya.



Rinig ko naman yung mga tili ng mga tao sa paligid namin. Humiwalay ako sa yakap para makuha ni Zayen yung stuff toy sa loob ng machine.



"Eto na." Abot niya sa 'kin ng stuff toy.



Agad ko namang kinuha yun at niyakap pagkatapos ay niyakap ulit si Zayen.



"Thank you so much!" Masayang sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.



"Fuck!"



"Sanaol may kiss!"



"Pakiss din kami!"



Rinig kong komento nila kuya. Hindi ko alam pero bigla nalang nalipat yung tingin ko kay Aiken. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at ng magtama ang mata namin ay agad siyang umiling at umalis.

-🤗

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
973 117 37
She's precious. She's complex. She's a gem. She's Ocean Aquiesha Marcos Alegre, the only woman who made my heart thump hard when she's around, whom I...
232K 4.1K 33
In a world where tradition binds hearts in arranged unions, theirs is a marriage painted with the colors of a distant passion. His heart carries the...
450K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...