Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

15.3M 451K 289K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Twenty-Three

325K 10.1K 9.8K
By elyjindria


Hindi ko alam kung dapat na ba akong kabahan.

"Papa, bakit po ang tahimik mo?" tanong ni Arkia habang nakatingin kay Mayor.

Hindi sumagot si Mayor at basta na lang pumasok sa silid namin habang dala ang bag namin. Nagtatakang napatingin naman si Arkia sa 'kin. Tipid na ngumiti na lang ako sa kaniya saka kinuha ang bag niya at hinawakan ang kamay niya. Pumasok na lang kami sa kuwarto niya at inayos ko na lang ang mga damit niya.

"Mama, galit ba sa 'kin si Papa?" tanong ni Arkia saka kumapit sa braso ko. Napatigil naman ako sa pag-aayos ng mga damit niya saka hinarap si Arkia.

"Hindi galit ang papa mo sa 'yo, nai-stress lang talaga siya dahil marami siyang naiwang trabaho," sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang pisngi niya saka ngumiti sa kaniya.

Tila wala ako sa sarili nang lumabas ako sa silid ni Arkia. Nagtungo ako sa kusina para magluto, kumain, o libangin ang sarili ko.

Alam ba ni Mayor ang ibig sabihin ng sinabi ko kagabi? Simula nang sinabi ko 'yon ay nanahimik siya at hindi kumibo, ni hindi niya tinanong sa 'kin ang ibig sabihin ng sinabi ko. Posible kayang naintindihan niya ang sinabi ko?

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at naiinis na binalatan ang banana chips na binili namin sa souvenir and food shop na nadaanan namin sa Cebu. Hindi naman talaga ako mahilig dito, hindi ko alam kung bakit gusto ko na nito ngayon.

Napakamot ako sa batok ko at sinubsob ang pisngi ko sa mesa. Napapraning na ako kaiisip kung ano ang problema ni Mayor sa 'kin.

Huminga ako nang malalim at tumayo saka nagtungo sa silid namin ni Mayor, naabutan ko siya na nakatutok sa laptop niya at todo type do'n. Sa pagkakataong 'to, gusto kong isipin na busy lang talaga siya at maraming naiwan na trabaho.

"Mayor," pagtawag ko sa kaniya saka umupo sa tabi niya. Natigilan naman siya at walang emosyon na tumingin sa 'kin.

"Hmm?" tanong niya saka muling ibinalik ang tingin sa laptop niya.

"May problema ka ba sa 'kin? O b-baka naman naintindihan mo ang sinabi ko kagabi?" kinakabahang tanong ko.

Napabuntonghininga siya at seryosong tumingin sa 'kin. Napalunok naman ako habang nakikipaglabanan ng titig sa kaniya. Nanghihina na naman ako. Lalong nakakapanghina na hindi ko nababasa ang laman ng isip niya, palagi akong nangangapa. Hindi ko siya maintindihan.

"I have a lot of work to do. I don't have time to play and fuck around. Whatever it is that you said last night, I'm not interested to know. I bet you just cussed at me or something," sabi niya saka muling ibinalik ang tingin sa laptop niya.

Natahimik na lang ako at napatango. Sanay naman ako na palagi niya akong sinusungitan pero hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon.

Play and fuck around? Laro lang ba ang tingin niya sa mga oras na nilalaan niya para sa 'kin? Hindi ba sincere ang mga 'yon?

Muli ko siyang binalingan ng tingin na abala pa rin sa ginagawa niya hanggang ngayon. Mukhang naiirita na si Mayor sa 'kin.

***

Maaga akong gumising para ihanda ang mga susuotin ni Mayor na nakasanayan ko nang gawin. Ipinagluto ko na rin si Arkia ng almusal.

"Mama, puwede bang magsimba uli tayo next week? Mas masarap po ang feeling kapag sa totoong church nagsisimba at hindi sa TV lang," sabi ni Arkia saka ngumiti sa 'kin. Napangiti na lang din ako at nag-thumbs up sa kaniya.

"Oo naman, beh. Magpapaalam tayo sa papa mo tapos magsisimba tayo uli."

Hindi ko lang talaga alam kung ayos nang magpaalam ako ngayon. Mukhang hindi pa rin maganda ang mood ni Mayor, e.

"Saglit lang, Arkia, pupuntahan ko lang ang papa mo, ha," sabi ko na lang saka iniwan siya sa dining room at nagtungo sa silid namin ni Mayor. Naabutan ko si Mayor na nagsusuot na ng necktie niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansing ibang necktie ang suot niya.

Napatingin ako sa damit niya na inihanda ko sa kama, hindi niya sinuot ang mga 'yon.

"M-Mayor, ayaw mo ba ng damit na pinili ko?" tanong ko saka kinuha ang damit niya sa kama at ibinalik 'yon sa cabinet.

Isinuot ni Mayor ang coat niya saka malamig na tumingin sa 'kin. "I'll wear what I want to wear," malamig na sabi niya saka kinuha ang phone niya at inilagay iyon sa bulsa ng coat niya.

Akmang aalis na siya nang lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Agad naman siyang napatingin sa 'kin saka inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"M-may problema ka ba, Mayor? May nagawa ba akong mali? Puwede bang sabihin mo sa 'kin dahil wala akong ideya kung anong masama ang nagawa ko sa 'yo. Kausapin mo naman sana ako."

Nanatili siyang nakatingin nang malamig sa 'kin na para bang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. "My problem? I just want you to fuck off and leave me alone, I'm too busy to handle your whims," malamig na sabi niya saka agad na umalis at iniwan ako sa silid.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko kasabay ng pag-uunahan ng mga luha sa pagdaloy sa pisngi ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama.

Bumibigat na naman ang dibdib ko, ang hirap na namang huminga. Ang sakit na naman, hindi ko maipaliwanag.

***

"Ekis na ba si Mayor?" tanong ni Wrena habang nakain ng ice cream na binili ko para sa kaniya.

"Hindi ko alam, baka wala lang siya sa mood," sabi ko na lang habang matamlay na nakain.

Bigla akong nawalan ng ganang kumilos at kumain. Sa harap na lang ako ni Arkia nagiging masigla dahil ayokong ipahalata sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon.

"Ano ba ang label ninyong dalawa? Mag-jowa na ba kayo o ano?" tanong niya.

Muli akong natahimik. Hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong niyang 'yon. Wala naman kaming 'label' ni Mayor. Paano ko sasabihin kay Wrena 'yon nang hindi napapahiya?

"Wrenashi!"

Natigilan kami at napatingin kay Aljen na basta na lang pumasok ng bahay saka tumabi kay Wrena. Mukhang hindi niya ako napansin dahil basta na lang siyang yumakap kay Wrena.

"Tangina naman, Aljen, mahiya-hiya ka nga kay Ayen!" pananaway ni Wrena saka hinampas si Aljen.

Gulat na napatingin naman sa 'kin si Aljen na tila hindi siya makapaniwala na nandito ako. Napatikhim na lang siya at lumayo nang kaunti kay Wrena. Natatawang napailing na lang ako habang nakatingin sa kanila.

"Parang dati lang, ako ang palagi mong napapansin, a. Nakakaselos naman," tila nang-aasar na sabi ko. Natigilan ako nang bigla na lang akong binato ng unan ni Wrena.

"Manahimik kang babae ka, tapos na ang moment n'yo ni Aljen. Past is past, me is present," sabi naman ni Wrena. Natawa si Aljen saka binatukan si Wrena. "Aray naman! Mapanakit ka, 'no?!" naiiritang tanong ni Wrena saka sinuntok ang braso ni Aljen.

"Ang bobo mo naman kasi, anong 'me is present' ang pinagsasasabi mo? Ang sakit sa tainga no'ng grammatical error na 'yon," napapangiwing sabi ni Aljen.

"E di ikaw na ang matalino, hiyang-hiya naman ako sa 'yo. 'Wag mo akong mahawak-hawakan, kairita ka," naiinis na sabi ni Wrena at itinulak si Aljen palayo.

"Joke lang, hindi ko na pala narinig ang kabobohan mo. Sabi nga nila, love is deaf," sabi ni Aljen at nagtaas-baba pa ng kilay saka muling niyakap si Wrena.

Sabi na nga ba at sa harapan ko sila maglalandian. Sinasadya talaga nilang inggitin ako at ipamukha sa 'kin na single ako. Pag-untugin ko silang dalawa, e.

"Ay 'wag tayong magpaka-sweet masyado, baka mainggit si Ayen at magsisi siya na binasted niya ako. Baka maging magkaribal pa kayo, ayoko namang mangyari 'yon," napapailing na sabi ni Aljen.

"Wow, poging-pogi ka sa sarili mo, 'no? May mayor na 'yang si Ayen," sabi naman ni Wrena saka inirapan si Aljen.

Naging seryoso ang mukha ni Aljen at napatingin sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Hindi niya talaga gusto ang ideya na nananatili ako sa bahay ni Mayor. Si Wrena naman ay mukhang walang kaalam-alam sa nalaman ni Aljen, buti na lang talaga at hindi niya sinabi kay Wrena. Kapag nalaman ni Wrena, siguradong hindi na niya ako pababalikin kay Mayor.

"Saglit lang, kukuha lang ako ng tsitsirya sa cabinet," sabi ni Wrena at tumayo saka nagtungo sa kusina.

Napaiwas ako ng tingin kay Aljen. Napabuntonghininga na lang siya at nanatiling nakatitig sa 'kin nang seryoso.

"Kailan matatapos ang pagsisilbi mo kay Mayor? 'Di ba sabi mo hindi ka naman permanente ro'n?"

"H-hindi ko alam, pero malapit na 'yon," sabi ko na lang at napakamot sa batok ko.

"Mahal mo na ba si Mayor?" tanong pa niya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at nanatiling nakatungo habang nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ako nakakasagot palagi kapag ganitong seryoso si Aljen, matagal ko na siyang kaibigan kaya para ng kapatid ang turing ko sa kaniya.

"Huy, bakit parang ang seryoso n'yo naman?" tanong ni Wrena nang dumating na siya bitbit ang mga tsitsirya na kinuha niya. Agad namang humablot ng isang tsitsirya si Aljen mula sa kaniya.

"Wala, pinag-uusapan lang namin kung bakit kita nagustuhan e hindi ka naman maganda," pang-aasar ni Aljen. Tiningnan naman siya nang masama ni Wrena saka hinampas siya sa braso.

"Ang kapal mo naman, para namang ang guwapo-guwapo mo. Umalis ka na nga at mag-aral na lang sa bahay mo, malapit na ang exam n'yo, 'di ba?"

Napakamot na lang si Aljen sa batok niya saka nagnakaw muna ng halik kay Wrena bago umalis. Natatawang napailing na lang ako. Masaya ako para sa kanila pero may nararamdaman akong inggit. Kailan kaya kami magiging gano'n ni Mayor?

"Ayen, okay ka lang ba talaga?" muling tanong ni Wrena.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango saka kumuha ng tsitsirya at binuksan 'yon para kumain. Kakain na lang ako nang kakain para mawala sa isip ko si Mayor kahit saglit lang.

Napaubo ako nang maamoy ang tsitsirya, agad kong tinakpan ang ilong ko at inihagis iyon palayo. Nagtatakang napatingin naman sa 'kin si Wrena saka pinulot ang tsitsirya, buti na lang hindi kumalat ang laman n'on sa sahig.

"Bakit mo naman hinagis 'to? Paborito natin ang tsitsirya na 'to, e," sabi ni Wrena saka kinain ang tsitsirya na inihagis ko. Napakunot na lang ang noo ko saka napangiwi.

"Ang baho, Wrena. Baka naman expired na 'yan. 'Wag mo nang kainin," nakangiwing sabi ko habang nakatingin nang masama sa tsitsiryang kinakain niya.

"Hindi, a. Ang lutong pa kaya. Saka hindi naman mabaho a, ang bango nga, e. 'Di ba paborito naman natin 'to noon pa? Bakit ayaw mo na ngayon?" nakakunot-noong tanong ni Wrena saka muling inilapit sa 'kin ang tsitsirya.

Napatakip ako sa bibig ko nang pakiramdam ko ay babaligtad ang sikmura ko nang maamoy iyon. Agad akong tumakbo sa kusina saka napaduwal. Agad namang sumunod sa 'kin si Wrena at hinaplos ang likod ko habang nasuka ako.

"Sabi na nga ba at may kakaiba talaga sa 'yo ngayon, e. Kaya naman pala ang putla mo at matamlay. Pupunta tayo sa ospital ngayon din, ipapa-check up kita."

Wala na akong nagawa nang dalhin ako ni Wrena sa ospital at agad na pina-check up kahit na ilang ulit ko nang sinabi sa kaniya na okay lang ako. Nagpumilit pa rin siya kahit na magsasayang lang kami ng pera.

"Ms. Macarios."

Napatingin kami ni Wrena sa doktor, mukhang lumabas na ang resulta ng mga test na isinagawa sa 'kin kanina. Inabot din yata kami nang mahigit dalawang oras sa paghihintay rito ng resulta ng tests. Ang OA talaga nitong si Wrena, sinabi ko na sa kaniya na hindi ko na kailangan pa ng gano'ng tests pero nagpumilit siya.

"May sakit po ba ang kaibigan ko, Dok?" nag-aalalang tanong ni Wrena.

"Hindi, hija, walang karamdaman ang kaibigan mo. Ayon sa blood test result ni Ms. Macarios, there are human chorionic gonadotropin or hCG hormones present in her blood and urine," sabi ng doktor habang nakatingin sa mga kung ano-anong papel. Napakunot naman ang noo namin ni Wrena sa sinabi niya.

"Ahm, so ano po ang ibig sabihin n'on?" tanong ni Wrena saka napakamot sa batok niya.

"Congratulations, Ms. Macarios, you're four weeks pregnant," nakangiting sabi nito.

Pakiramdam ko ay literal na tumigil ang paggalaw ng oras dahil sa sinabi ng doktor, maski si Wrena na katabi ko ay natahimik din.

"Dok, seryoso ka ba? Baka naman nasa Wow Mali kami, ha? Hindi 'to funny," sabi ni Wrena saka pilit na tumawa.

Tulala ako habang kausap ni Wrena ang doktor. Nanginginig ang mga kamay na napahawak ako sa tiyan ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala.

Hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman, halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon, pero nangunguna sa 'kin ang kaba at takot.

Paano kung hindi matanggap ni Mayor ang anak namin?

***

Ayen, sabihin mo na kay Mayor ang tungkol sa anak n'yo kung ayaw mong sumugod ako sa city hall at sipain ang pagkalalaki niya!

Napabuntonghininga ako nang mabasa ang text ni Wrena. Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napahawak sa tiyan ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Mayor ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Nanginginig ang mga tuhod na nagtungo ako sa silid namin ni Mayor. Gabi na ako nakauwi. Kung hindi pa ako pinilit ni Wrena na bumalik dito, baka hanggang ngayon ay nandoon pa rin ako sa bahay nila.

Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob saka binuksan ang pinto ngunit natigilan ako sa nadatnan ko.

"Aahh, Arken, that's right, kiss me more. You're really the best," ungol ni Vierra habang hinahalikan ni Mayor ang leeg niya.

Nanghihinang napakapit ako sa pintuan nang makita ang hitsura nilang dalawa. Tanging pang-ibaba na lang ang suot ni Mayor habang si Vierra naman ay wala na ring pang-itaas. Nakapatong sa kaniya si Mayor habang nakahiga sila sa kama na tinutulugan namin habang mapusok silang naghahalikan. Lalong bumigat ang paghinga ko nang makita kung paano hawakan ni Mayor ang iba't ibang parte ng katawan ni Vierra.

Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pag-uunahan ng mga luha na dumaloy mula sa mga mata ko. Kusa nang bumigay ang mga tuhod ko at nanghihinang napaupo sa sahig. Naagaw ko naman ang atensiyon ni Vierra at napatingin siya sa 'kin.

"Arken, stop muna, may audience tayo," sabi ni Vierra at napahagikhik saka marahang itinulak si Mayor.

Saglit na napatingin sa 'kin si Mayor, pero ibinaling niya rin kaagad ang tingin kay Vierra.

"Don't mind her," sabi naman ni Mayor saka muling hinalikan si Vierra.

Tuluyan akong napahikbi sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay literal na nagunaw ang mundo ko. Pakiramdam ko ay wala siyang ni katiting na pakialam sa 'kin.

"I want you, Arken. But I don't want her watching us like a poor bitch. Talk to her first and we'll continue," tila nang-aakit na sabi ni Vierra saka tinakpan ng kumot ang halos hubo't hubad na niyang katawan.

Bumangon na lang si Mayor at hinablot ang coat niya saka lumapit sa 'kin. "Let's talk," sabi na lang ni Mayor saka lumabas ng silid.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit ko pa ring tumayo upang sundan si Mayor. Nakatungo lang ako habang patuloy na lumuluha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay habambuhay ko nang maaalala ang nasaksihan kong 'yon.

Natigilan ako nang lumabas ng bahay si Mayor, sumunod na lang ako sa kaniya. Napatingin ako sa bag na nasa sahig, pamilyar sa 'kin ang bag na 'yon. Napapitlag na lang ako nang sipain iyon ni Mayor palayo.

"M-Mayor, b-bakit n'yo ginawa ni Vierra 'yon? S-sabi mo hindi mo siya mahal, kaya . . . bakit?" naluluhang tanong ko saka marahas na pinahid ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

"Leave," malamig na sabi niya saka itinuro ang bag na hinagis niya. Marahil iyon ang mga damit ko.

Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang braso niya upang pigilan siya na umalis. Muli naman siyang humarap sa 'kin at malamig na tumitig sa mga mata ko.

"M-Mayor, mahal kita. M-mahal na mahal kita. W-wala akong pakialam kung nahuli ko man kayo ni Vierra sa gano'ng posisyon, handa akong kalimutan 'yon, Mayor. P-pakiusap, tanggapin mo 'ko, mahal na mahal kita."

Alam kong nagmumukha akong desperada ngayon sa ginagawa ko, pero sadya yatang nablangko na ang isip ko. Mahal ko si Mayor, mahal na mahal ko siya at ayokong lumayo sa kaniya.

"I know."

Natigilan ako sa sinabi niya. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"I know, you're pretty obvious, I'm not fucking stupid," malamig na sabi niya saka inilabas ang baril mula sa bulsa ng coat niya. "Hindi ka na lang sana umamin. I enjoyed playing with you. You're dumb, dense, and fucking easy to please," sabi niya habang pinaglalaruan ang baril sa kamay niya.

Ayaw paniwalaan ng puso ko ang mga sinasabi niya kahit na parang patalim ang bawat salitang sinasabi niya na tumatarak sa puso ko. Sobrang sakit, wala na yatang isasakit pa ang nararamdaman ko ngayon sa simpleng mga salita niya lang.

"I'll give you something that I don't easily give to anyone. I'm giving you a chance to escape, but you have to be fast."

Napapitlag ako nang barilin niya ang sahig na malapit sa paa ko. Nanginginig na napaupo ako sa sahig dahil sa gulat. Napatili ako nang muli siyang bumaril at muntik na iyong tumama sa hita ko. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo ako at napahawak sa tiyan ko.

Napatingin ako kay Vierra na nakatayo mula sa 'di kalayuan habang nakangising pinanonood kami.

Napasigaw ako nang muling paputukin ni Mayor ang baril niya, muntik na iyong tumama sa braso ko.

"Run, woman. Run like a fool, that will excite me," malamig na sabi ni Mayor saka muling nagpaputok ng baril.

Napasinghap ako at agad na tumakbo palayo habang nakahawak sa tiyan ko. Mabaril na niya ang lahat ng parte ng katawan ko, 'wag lang ang tiyan ko—'wag lang ang anak namin.

Patuloy ako sa pagluha habang tumatakbo palayo sa lugar na 'yon, habang patuloy pa rin akong hinahabol ng mga bala ni Mayor.

Hindi ako makampante at patuloy pa rin sa pagtakbo kahit na hindi ko na naririnig ang putok ng baril. Nanginginig ang mga tuhod na tumatakbo ako kahit na ilang beses akong nadapa.

Napahagulgol ako ng iyak habang patuloy sa pagtakbo. Nabuhayan lang ako ng loob nang matanaw ko na ang malaking gate pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo.

Laking pasasalamat ko nang kusang nagbukas iyon. Agad akong lumabas at tumakbo palayo sa lugar na 'yon.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig nang kusa nang bumigay ang mga tuhod ko. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng matinding pananakit sa tiyan ko. Umakyat ang takot sa dibdib ko nang makitang may dugo na dumadaloy sa binti ko.

Napahagulgol ako ng iyak habang nakahawak sa tiyan ko. Ang sakit ng tiyan ko, pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.

Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko.

"A-anak ko! Anak, 'w-wag, h-hindi! Tulong! T-tulungan n'yo 'ko!"

Gusto kong tumayo at manghingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil bumigay na ang mga tuhod ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at sumigaw habang umaasa na sana ay may tumulong sa 'kin, sa 'min ng anak ko. Hindi ko alam ang mangyayari sa 'kin, kung paano pa ako magpapatuloy kapag nawala ang munting buhay sa sinapupunan ko.

"Tulong! A-ang anak ko!" Nailing ako habang patuloy sa pagsigaw at pag-iyak. Nanginginig na ang boses ko dahil sa takot.

Nagsisisi ako. Sobrang pinagsisisihan ko na nakilala at minahal ko si Arken Zaviere.

Continue Reading

You'll Also Like

393K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
24.7K 105 11
Aaliyah Mae Almanzar thought of going on a vacation at Canada with her 1 year boyfriend Zavier Fuentes. She want to introduce it to her family. But...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...