Love Again [Acquisitive Billi...

By _Sodaaaaa

246K 5K 355

CURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yv... More

Prologue
Note
Acquisitive Billionaires Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1: The Wedding

Chapter 37

4.8K 60 5
By _Sodaaaaa

(Enjoy Reading!)

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Mabilis lumipas ang isang araw. Hindi ko na ito pinatagal pa, kung kaya't napagdesisyunan kong magtungo sa tirahan ng pamilya ni Xian. Magbabakasakaling mabigyan nila ng kasagutan ang tanong ko patungkol sa saktong lokasyon ni Xian ngayon nang sa gayon ay pagkakataon ko na upang ibalik at ibakita kay Xian kung gaano ko rin siya kamahal gaya ng kaniyang ginawa na pilit ko noong isinasawalang bahala. Iba na ngayon, iba na ang pagkakataon ko ngayon. Handa akong humabol, tumakbo at mapagod para lang makita siya at ibigay ang kapatawaran na tunay karapat-dapat niyang makamptan.

Bilang isang ina, hindi ko maaaring iwanan ang aking mga anak. Hindi naman dahil may edad na ang aking panganay ay makakampante ako. Iba na ang panahon ngayon, hindi na natin sigurado ang mga maaring mangyari sa paligid kung kaya't iniwan ko na muna sina Zekrom at Rigel kila Manang Marcela, sa kadahilanang yung dating nanny ni Rigel na kasalukuyang bumalik galing probinsya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, miss na miss ko na siya. Nangungulila ako sa kaniyang boses at presensiya. Nalulungkot ako ng sobra kapag wala siya sa tabi ko. Kaya ngayon, ako naman ang babawi sa kanya. Ako naman ang hahabol. Ako naman ang gagawa ng paraan para magka-ayos kami. Hindi rin nawala sa akin na sisihin ang aking sarili dahil sa naging resulta ng pagmamatigas ko. Kaya wala na ring dahilan pa para makaramdam ako ng hiya o pag-aalangan man na lumapit sa kaniyang pamilya, dahil ang relasyon namin na pareho naman naming nais ayusin ang nakasalalay rito.

Tinulungan ako ng isa sa mga body guards na ihatid sa mansion ng mga Villacer. Desperada na akong malaman kung nasaan siya, susundan ko si Xian.

"Nandito na po tayo Ma'am." sabi ni Rogelio na isa sa mga body guards.

"Salamat Rogelio, hintayin mo ako rito." sabi ko at bumaba na sa kotse.

Halos malula naman ako sa sobrang laki ng mansion ng mga Villacer, hindi ito kasing laki ng masilayan ko dati. Mas pinalaki pa nila ito at nagmukhang palasyo. Isang malaking kulay dyamante na na gate ang bumungad sa akin. Mayroon pa itong arko na may nakasulat na Palais de Villacer. Nababagay lang ang nakasulat sa arko dahil pawang katotohanan ito. Halos dalawang beses na tangkad ko ang gate nila, sa gate pa lang ay malulula na sa sobrang taas.

Pinindot ko ang kulay diyamante rin na doorbell. Ilang segundo lang ay bumukas na ito. Lumabas ang isang kasambahay mula sa loob. Nakasuot ito ng pormal na uniporme at mukhang malayo ang nilakbay sa sobrang hingal.

"Ano po ang pakay niyo, Miss?" tanong sa akin ng kasambahay.

"Nandiyan ba sila Mr. and Mrs. Villacer? Gusto ko sana silang makausap. Kilala nila ako kaya huwag kang mag-alala. I am no harm." sabi ko at tipid na ngumiti.

"Ano pong pangalan niyo? Para sabihin ko kay Madam Lira upang makasiguro." sabi niya.

"Tangerine Amara Menendrez." sabi ko at tipid muling ngumiti.

Ngumiti ito pabalik sa akin bago pumasok muli sa loob. Sa tingin ko ay dahil sa sobrang lawak ng kabuuang lupain ng mansyon ng mga Villacer ay ilang hakbang pa ang ginagawa ng mga kasambahay para lamang maglabas-masok sa dambuhalang mansyon. Ilang minuto ang tinagal niya bago bumalik. Naiintindihan ko naman dahil sobrang lawak ng mansyon, itsura pa lamang nito mula sa labas ang nakikita ko ngunit batid kong mas malawak pa ang kalooban nito.

Halos nawala ang lakas ng loob ko na inipon ko magmula pa kahapon nang makita ang kasama ng kasambahay na lumabas. Ang wangis ng taong naging dahilan para mas masira pa ang pamilya at tiwala namin ni Xian para sa isa't-isa.

Ang taksil at mang-aagaw kong kapatid. Si Amber. Tiyak ay gumawa na naman siya ng paraan para magdala ng lason sa utak ng mga taong naririto. Lason na kapag nagpadala ka ay mabubulag ka sa katotohanan at tanging kasinungalingan lang ang paniniwalaan.

"Look who's here, Tita Lira. The substitute. Ang pamalit ng mga magulang ko." nanunuksong saad nito. Hindi ko ito pinansin at bumaling kay Ma'am Lira. Ayokong ilabas ang mga galit ko sa kaniya dahil hindi naman ito ang tamang panahon para roon.

"Magandang Umaga po, Ma'am Lira." bati ko at bahagyang yumuko.

"Anong pakay mo dito?" parang tinakasan naman ako ng hangin sa katawan ng marinig ang paraan ng pagsasalita nito. Malamig iyon na para bang nasa isang disyerto ng yelo ang kinaroroonan ko. Napatigil ang mga paa ko at nanatili sa iisang puwesto.

"Gusto ko po sanang tanungin kung nasaan si Xian ngayon. Nabanggit po kasi ng isang kasambahay sa aming bahay na nasa France siya ngayon." sabi ko.

"At saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha hija?" napayuko naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito siya manalita, samantalang noon ay tuwang-tuwa siya sa akin at mahal na mahal niya ako kung aalalahanin.

"M-Ma'am, pasensya na p-po. Gusto ko lamang malaman kung nasaan ang ama ng mga anak ko." sabi ko sa kanya.

"Mga anak? May anak na naman kayo ng anak ko? You tricked my son again huh? Nagpapabuntis ka sa anak ko para balik-balikan ka niya, tama ba?" nanunuyang sabi nito sa akin na ikinasama ng loob ko.

"Hindi po ganoon ang pakay ko Mrs. Villacer." sabi ko.

"Eh ano? Pera? Kayamanan? Mana?" nang iinsulto na saad nito at bahagyang lumapit sa akin.

"Hindi po ako mukhang pera, Mrs. Villacer. Ang nais ko lang po kaya ako nagpunta rito ay ang lugar kung saan ni Xian. Nais ko pong malaman kung nasaan siya." sabi ko at lumaban sa talas ng kaniyang tingin sa akin.

"How dare you to say that, Tangerine. Hindi ba't tinaboy mo siya?" sigaw sa akin ni Amber. Matalim ko naman siyang tiningnan.

"Huwag kang makikialam dito, mang-aagaw." mariin na sabi ko.

"B*tch! How dare you to say that?! You're just a substitute. I'm the legal wife here." Dinuro niya ako habang sumisigaw.

"Hindi ikaw ang pakay ko rito kaya manahimik ka! Atsaka kung tutuusin ikaw ang may kasalanan ng lahat, kung bakit patuloy na nagiging magulo ang buhay namin ni Xian." sabi ko at muling bumaling kay Misis Villacer.

"Ma'am, parang awa niyo na po, sabihin niyo po sa akin kung saan ang mismong lokasyon  sa France ang kinaroroonan ng asawa ko" sabi ko at nagmamakaawa.

"Asawa mo? Wala kang asawa Tangerine! Asyumera ka! Sa akin si Xian! Pamalit ka lang!" sigaw ni Amber, pilit niya talagang inaabot ang dulo ng aking pasensiya.

"Sabi nang manahimik ka! Hindi ikaw ang pinunta ko rito dahil kahit kailan, wala na akong balak na makita ka!" sigaw ko rin pabalik sa sobrang galit.

"Don't you dare fight here ladies! You are in my house! Naka-apak kayo sa pamamahay ko." sigaw ni Misis Villacer.

Kaya kahit papaano ay natahimik kami. Parehong ayaw mapaalis sa mansyon, ngunit magkaibang rason. At ang kaniya ay batid kong ubod ng itim, dahil wala naman siyang ginawang tama magmula pa nang makauwi siya rito mula New York.

"Misis Villacer, I'm begging you..." sabi ko at lumuhod sa harap niya. Nangingilid na ang aking luha, bukod sa sakit ng paraan ng pakikitungo ng babaeng minsan kong tiningala at kasabay ng pag-aalala ko kay Xian.

Kung kaya ni Xian na lumuhod para sa akin, kakayanin ko rin. Kung kaya niyang idampi ang kaniyang mga tuhod sa lupa para sa akin, kaya ko rin para sa kaniya. 

"Sabihin niyo po sa akin kung nasaan si Xian...." sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya ngunit itinabig niya ito dahilan na mapahiga ako sa sahig.

"Don't beg lady! You look so desperate! You look so poor and low! Where's my grandchildren? Bring them here and go away from our lives!" sigaw nito sa akin. Nawala tuloy ang kaunting pag-asa na mayroon ako.

"N-No... Hindi ko po ibibigay ang mga anak ko. Please Mrs. Villacer. Just this one. Please. Mahal na mahal ko po si Xian. Maawa na po kayo" sabi ko sa kaniya at patuloy sa pagmamakaawa.

Hindi ko na inisip pa ang mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos nito. Humahagulgol ako dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sunod-sunod na masasakit na salita, pero kailangan ko itong tanggapin para kay Xian. Sa lalaking mahal ko. Kailangan kong tiisin ang lahat para sa makabawi naman ako sa kaniya sa pagkakataong ito.

Mahinang mahina ang tuhod ko habang nakaluhod pero mas nawalan pa ako ng lakas ng sampalin ako ni Misis Villacer. Sa sobrang lakas nito ay ramdam ko ang pagkapula nito. Napahawak ako dito at hinayaang magsinunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

"What's the meaning of this Lira?!"

Napabaling ako sa isang lalaki na papalapit sa amin. Kamukhang-kamukha ito ni Xian. Pero agad itong nawala sa paningin ko dahil sa panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luha. Nagpapasalamat ako sa dumating dahil napigilan nito ang panibagong sampal na nararapat na tumama pa sa aking mukha.

"Anton?! Huwag kang makialam dito! Tinuturuan ko lamang ng lekyon ang basurang ito!" sigaw ni Misis Villacer.

"At sa tingin mo matutuwa ang bunsong anak natin sa ginagawa mo?! You're hurting his love of his life! Siya ang ina ng mga apo natin! Hindi ka ba nakokonsensya?" sabi nito at lumapit sa akin. Inalalayan ako nito sa pagtayo.

"S-Salamat p-po sa i-inyo..." sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Honey, don't touch her. I don't care if she's the mother of my grandchildren. I want her out of this house! Out of our Lives!" sigaw nitong muli.

"Shut up Lira! I didn't know that you're that heartless." sabi ni Mr. Anton.

Akmang lalapit sa akin muli si Misis Villacer kasama si Amber upang hatakin sana ang buhok ko at sampalin sa mukha nang agad akong inilayo ni Sir Anton.

"Stop it Lira! Amber!" malakas na sigaw ni Sir Anton kaya napatigil ang dalawang babae. 

"Diyos ko! Ma'am Sir, may balita po akong narinig! Isantabi na po muna natin ang gulo. Ang senyorito Xian po. Si Senyorito Xian po ay nasa ospital ngayon. Ang sinasakyan niya pong e-eroplano mayroong nakasakay na isang lalaki na may baril. Diyos ko po. Nabaril po si Sir Xian."

Tila naman gumuho ang mundo ko dahil sa aking narinig. Halos mabingi ako dahil sa huling mga salitang narinig ko. Hindi ko na nga alam kung nasaan siya, nangyari pa ito. Mas lalo akong nag-aalala, hindi lang para sa relasyon namin ngunit higit sa kaligtasan niya.

Xian. Mahal ko. Hintayin mo ako. Alam kong mahal na mahal mo kami. Hindi mo kami puwedeng iwanan. Tuluyan akong magagalit sayo kapag iniwan mo kami. Mahal na mahal kita kaya kumapit ka lang diyan. Hihintayin ka namin nila Zekrom at Rigel. Pupuntahan kita kahit ano mang pagsubok ang harapin ko, kahit sino man ang humarang sa akin, hindi ako papayag na magkalayo pa tayong pamilya sa sandaling ito. Once I find you, I will let you stay and go back to our family, our home.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Continue Reading

You'll Also Like

197K 3.9K 45
Acquisitive Billionaires Series 4: Khael Andreiux Villareal Khael Andreiux Villareal is a Filipino and Italian doctor. One of the hottest bachelors i...
39.4K 315 23
Adalee hated all the girls na mapapalapit sa kanyang first love na si Axel. Kababata nya ito. Lahat ng pagtaboy ay ginawa nya sa mga babae nito. Unti...
5.2K 344 23
COMPLETED 🖤 I'm Avdiana Ezynlane Ortenzio, 22 years old, and I didn't know that I'm already 27 years old now. I thought the special day in my life w...
991K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.