Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 24

76 9 0
By aseener

Kabanata 24

Napahilot ako sa sintido dahil sumasakit ang ulo ko, hinubad ko ang coat na suot at isinabit 'yon. Pabagsak akong naupo sa sofa at saglit na pinagpahinga ang sarili. It's been a weeks simula ng makapili ako ng hospital na papasukan.

St.Letran Hospital

Hindi kasing laki ng ibang hospital na pinasukan ko sa ibang bansa pero 'yon talaga ang plano ko. Ayokong mag trabaho sa sikat at malalaking hospital dahil baka magkatagpo lang kami doon. Lalo na at ayon kay Charls doctor na rin ito ngayon.

Nang maging maayos ang pakiram ay tumayo ako nag tungo sa table ko at doon naupo. Kinuha ko ang tubig sa gilid at uminom habang binabasa ang chart na hawak. Napanguso ako ng makitang wala na akong naka schedule na operasyon ngayong araw. Tapos na rin akong mag rounds, tinignan ko ang pambisig na relo upang makita ang oras. Hapon na rin pala.

Kinuha ko ang bag at ang salamin, nag-ayos muna ako ng sarili dahil balak kong bumili ng bagong blouse. Nang makuntento sa ayos ay kinuha ko ang coat ko at isinakbit sa braso ko.

"Good afternoon doc."

"Good afternoon doctora."

Nginitian at binati ko pabalik ang mga nurse na nakakasalubong ko. May isang kumpulan pa ng mga nurse ang nag ingay ng ngitian ko 'yong isa nilang kasama ng batiin ako. Napailing na lang ako at lihim na natawa dahil sa inaakto nila.

"Well, hindi ko talaga alam kung doctor ka ba dito o artista. Kahit saang area matunog ang pangalan mo, sabihin mo nga doc may gayuma ka ba?"

Natawa ako at mahinang hinampas si Doc Bria. "Baliw ka talaga," natawa din siya sa sariling sinabi.

"Uuwi ka na?" tanong niya

"Yup, wala na akong naka sched ngayon. May pupuntahan din ako."

"Buti ka pa, sige na mag ra-rounds pa ako," paalam niya, tinanguan ko siya at kinawayan.

Nagsimula na ulit akong maglakad sa hallway ng hospital ng makita ko si Smut sa may nurse station habang may binabasa sa chart. Nangiti ako lumapit sa kaniya.

"Hi doc."

Nilingon niya ako at kinunotan ng noo, sinenyas niya ang office niya at naunang pumasok don. Lito man ay sinundan ko na lang siya sa loob. Nang makapasok ay nakita ko siyang nakasandal sa may sofa habang hinihilot ang sintido. Natawa ako sa ayos niya dahil madalas ay ganoon rin ako.

"Bakit?" tanong ko at tumabi sa kaniya.

Seryosong tinignan ko siya at halos mapasinghap ako ng may tumulong luha sa kaniyang pisngi. Mas lumapit ako sa kaniya, iniangat ang kaniyang ulo at nilagay sa balikat ko at saka ko siya niyakap.

"Anong problema?" tanong ko.

Kanina lang ay ang lakas-lakas ng dating niya tapos ngayon iiyak-iyak na parang bata na inagawan ng candy. Bumuntong hininga ako at dinamayan lang siya habang tahimik na umiiyak, hindi ko naririnig ang iyak niya pero umuuga ang balikat niya.

"Napapagod na ako, pero hindi ko kayang mawala siya," nabasag ang boses niya na ikinapikit ko.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ano ba ang dapat gawin ko? Sabihin na madami pang iba diyan? Anong karapatan kong payuhan siya ng ganoon, kung sa sarili ko hindi ko ma-apply?

Nang maramdaman na tumigil na siya ay inilayo ko siya at pinunasan ang mukha niya. Pumikit siya ng dampian ko ng tissue ang mukha niya, itinapon ko 'yon sa basurahan sa may gilid. Tinitigan ko siya at ng hindi makatiis ay pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ang iyakin mo naman po doc."

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko. "Doctor ako ng mga puso pero hindi ko kayang tanggalin ang sakit diyan sa puso mo, pasensiya ka na ha?" pabiro kong sabi.

Natawa siya doon na ikina-ikom ng bibig ko. "Alam ko, kung kaya mo, edi sana okay ka na 'di ba?"

Napasinghap ako at mabilis na kinuha ang unan sa may sofa at binato sa kaniya. "Letse ka talaga, iyakin naman!"

"Wow! Coming from you ha?" pang iinis niya

Inismidan ko lang siya at kinuha ko na ang mga gamit ko, at naglakad paalis. Nang nasa may pinto na ay nilingon ko siya, nirapan ko siya at dinilaan na ikinatawa niya ng malakas. Isinira ko ang pinto at natawa din sa sariling ginawa.

Nang makarating sa parking lot ay naglakad ako patungo sa kotse ko, napa iling na lang ako ng makita ang motor na katabi noon. Saan ka ba nakakita ng isang doctor na motor ang gamit tuwing papasok? Bukod tangi, nag-iisa, walang kapantay, ang abnormal na si Smut lang ang ganiyan.

Nang makarating sa mall ay dumiretso ako sa may paborito kong shop. Ilang oras din ang tinagal ko don at limang blouse at isang flat shoes lang ang nabili ko dahil hindi talaga ako mahilig mamili ng maramihan. Dumaan din ako sa isang coffee shop, dahilan para maalala ko ang isang tao na sobrang mahilig doon. Nang makuha ko ang order ay akmang lalabas na sana ako ng may makita na isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang mata ko ng makilala 'yon, pero natabunan siya ng mga taong pumapasok kaya naman saglit siyang natakpan. Hinintay ko na makaalis ang mga harang at napabuntong hininga na lang ng hindi na siya makita roon. Baka namamalikmata lamang ako. Pero todo parin ang pagkabog ng puso ko siguro dahil kinabahan ako.

Madilim na ng mapag pasiyahan kong umuwi, habang nasa biyahe ay binuksan ko ang sound, para kahit papaaano ay malibang ako. Nasa madilim na parte ako ng highway ng bagalan ko ang takbo ng sasakyan, kunot noo kong tinignan ng mabuti ang grupo ng mga lalaki sa kabilang kalsada.

Napasinghap ako at saka hininto ang sasakyan ng makitang may binubugbog ang mga ito. Mabilis kong hinalughog ang sariling bag at kinuha ang pepper spray ko sa bag bago lumabas.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila. Bigla ay gusto ko na lang tumakbo ng magtinginan ang mga ito sa akin. Limang lalaki sila at nag-iisa ako anong laban ko sa kanila kung pagtulung-tulungan nila ako? Kung ang lalaki nga na binubugbog nila hindi nakalaban ano pa kaya ako?

Gustuhin ko mang bumalik ay hindi ko na ginawa lalo na ng makita ang ayos ng lalaking binubugbog nila. Nanlaki ang mata ko ng naglakad papalapit sa akin ang dalawang lalaki.

Mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa at ng makapa ay inilabas ko 'yon at kunwaring may tinawagan.

"Hello? Police station may irereport lang ako...." sinadya kong lakasan ang boses ko upang marinig nila.

Natigilan sila sa paglapit at nagkatinginan, ilang saglit pa ay saktong may dadaan na police na nag papatrol kaya mabilis silang nagtakbuhan. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at pinuntahan ang lalaki na nakahiga na sa may kalsada.

Umupo ako sa tabi niya at napaiwas ako ng bahagya ng maamoy ko ang alak sa kaniya. Mukhang lasing na lasing siya, puro siya sugat sa mukha. Mayroon sa kilay sa labi may pasa din siya sa pisngi at nangingitim ang paligid ng kaniyang mga mata. Mukang napuruhan siya ng mga lalaking bumugbog sa kaniya.

Tinapik-tapik ko ang pisngi niya
"Sir..."

Umungol lang siya at akmang gagalaw ng mapabaluktot siya at sapuhin ang sarili niyang tiyan. Inalis ko ang hawak niya doon at iniangat ang t-shirt niya saglit akong natigilan ng makita ang abs niya. My god Marga!

Napapilig na lang ako ng ulo para matauhan at saka sinuri ang tiyan niya, wala naman siyang sugat pero namumula 'yon marahil ay nabugbog din 'yon. Iniangat ko ang ulo niya at pinatong sa aking hita.

"Sir! Gising! Naririnig mo ba ako?" malakas kong tanong sa kaniya.

Minulat niya ang mata pero napapikit din dahil siguro ay nasaktan siya. Inalalayan ko siyang maupo at hinawakan siya sa balikat.
"Sir, naririnig mo ba ako? Dadalhin kita sa hospital."

Nilingon niya ako na may mamasa-masang mga mata. "Bakit? Nandoon ba siya? Makikita ko ba siya doon?" putol-putol na tanong niya.

Napabuga ako ng hangin ng hindi siya maintindihan, hindi kaya broken hearted siya kaya nag lasing?

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang siyang umiyak at dumukdok sa tuhod niya. Bakit ang iyakin ng mga lalaki ngayon? Pangalawa na siya na umiyak sa harapan ko.

Nang kapusin siya ng hangin sa pag-iyak niya ay tumingala siya at muli nanamang umiyak. Napatingin ako sa sugat niya sa may kilay ng kasabay ng luha ay umaagos din ang dugo mula doon.

Inalalayan ko siyang tumayo at kinuha ang braso niya at iniakbay sa akin. "Dadalhin kita sa hospital."

Humiwalay siya sa akin at saka ako dinuro. "Ayoko, hindi ako papayag. Uuwi na ako," matigas niyang sabi at pagewang-gewang na naglakad.

Napasapo ako sa noo ko at mabilis siyang dinulugan ng muntik na siyang matumba. "Okay hindi kita dadalhin sa hospital, saan ba ang bahay mo?"

Saglit niya pa akong tinitigan bago ituro ang hotel na nasa harapan. Inalalayan ko siya pasakay ng kotse ko at nag drive sa parking lot ng hotel na 'yon.

Habang nasa elevator ay pinagmasdan ko siya, ngayon ko lang nasuri ng maayos ang kabuuan niya dahil madilim doon kanina. Mukang kaedaran ko lang siya at kahit na madumi ang mukha niya ay nag uumapaw ang kakisigaan doon. Nakapikit siya habang nakasandal sa may elavator habang ang kamay niya ay nasa aking bewang.

Nang isakay ko siya sa kotse ko kanina ay nagsimula na siyang dumikit-dikit sa akin habang sinasabi na 'wag ko daw siyang iwan. Mukang broken hearted din ang isang 'to, kaya hinayaan ko na lang.

Nang tumunog ang elevator ay inilalayan ko siya palabas. Room 303 ang kaniya, ayon na din sa staff kanina na nakilala ang lalaking kasama ko.

"Ano ang passwo—" natigilan ako at napailing. Hindi naman tama na tanungin ko 'yon.

"May susi ka ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot at mas lalong dumikit sa akin. Muntik pa kaming matumba dahil napunta sa akin ang lahat ng bigat niya. Kinapa ko ang bulsa niya at napabuga ng hangin ng walang makitang susi doon.

So paano ko siya maipapasok?

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng makarinig ng ingay sa loob ng room niya. Mukang may tao, siguro may kasama siya sa loob. Inayo ko ang akbay niya sa akin at ang hawak ko sa kaniya upang hindi kami matumba. Nang matapos ay mabilis akong nag doodbell.

Ilang saglit lang ay bumukas 'yon. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang lalaki na tutok ang mga mata sa cellphone niya.

"Shit! tanga naman pabuhat kayo mga gago!"

Nagulat ako sa biglaang pag sigaw nito kaya naman muntik ng mahulog ang lalaking kasama ko. Mukhang doon lang niya naalala ang presensiya namin sa harap niya. Natigil ako ng magtagpo ang mga mata namin, bigla ay naalala ko si Millicent dahil magkaiba rin ang kulay ng mga mata nito.

Nag angat siya ng kilay habang nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako at tinignan ang lalaking hawak ko. Sinundan niya 'yon ng tingin at mabilis na kinuha mula sa akin.

"Oh damn bro! Anong nangyari sa'yo?" tanong nito, nilingon niya ako ng nasa may loob na siya.

"Pasok ka," sambit niya, hindi na ako nakapag-isip ng maayos at sumunod sa kanila papasok.

Tinulungan ko siyang umalalay ng mapansin na nahihirapan siya. Inupo namin ang lalaki sa sofa ng makapasok.

"Anong nangyari?"

Nag-angat ako ng tingin at nilingon ang lalaki na naka upo sa may kabilang sofa. Bigla akong nanlamig sa mga tingin nito, kulay blue ang mga mata niya at nagsusumigaw ng lamig.

Katulad ng lalaking tinulungan ko ay puro sila magagandang lalaki. God nasa heaven na ba ako? Bakit ganito ang mga itsura ng nasa paligid ko.

"A-ano, may bumugbog sa kaniya diyan sa may harap ng hotel. Nakita ko lang siya at balak ko sana siyang dalhin sa hospital k-kaso hindi siya pumayag kaya dito ko na lang siya dinala," mahabang paliwanag ko, gusto kong kutusan ang sarili ng mautal ako.

"Tsk," sambit ng lalaking blue ang mata at hindi makapaniwalang tinignan lang nito ang kaibigan at muling bumalik sa pagbabasa ng hawak niyang libro.

Tinignan ko ang lalaking tinulungan ko at tinabihan sa sofa, hinawi ko ang mga buhok na tumatakip sa mga sugat niya. Natuwa naman ako dahil ang ganda ng pagkakakulot ng buhok niya. Nilingon ko ang lalaking nagbukas ng pinto sa amin at napasapo ako sa noo ng makita ito sa kabilang sofa na seryosong naglalaro.

Grabe, magkakaibigan ba sila? Hindi na ako magugulat kung magkaka-away sila dahil parang wala silang paki sa itsuta ng kaibigan nila.

Tumikhim ako upang kuhanin ang atensyon nilang dalawa. Pero nabigo ako ng hindi ako pansinin ng may blue na mata. Kaya naman sa lalaking gamer na lang ako nagtanong.

"Uh? Nasaan ang medicine kit? Gagamutin ko siya, baka ma-infection ang mga sugat niya kung hahayaan lang," paliwanag ko, tinanguan niya lang ako at saka siya umalis.

Gusto ko siyang sigawan na bilisan niya dahil tutok pa rin siya sa cellphone na hawak. Mga gwapo nga mga weird naman.

Nang makabalik siya ay sinimulan ko ng linisin at gamutin ang sugat nitong lalaki na nabugbog. Habang busy sa pag gagamot ay napahinto ako ng magtanong ang may blue na mata.

"Sino ka?" malamig na tanong niya. Gusto kong manlambot dahil muka siyang si daddy na mansesermon.

"Aubry," simpleng sabi ko at pinagpatuloy ang pag gamot.

"Awit! Talo!" nilingon ko 'yong lalak na gamer ng ibagsak nito ang sariling cellphone sa lamesa. Tumingin ito sa akin kaya naman mabilis akong nag-iwas at mag focus sa pag gagamot.

"Aubry hmmm," tatango-tango nitong usal "Call me Kaxtiel, si Gavin ang isang 'yon," turo niya sa masungit na lalaki "At 'yan si Tee,"

Tumango na lang ako at tipid na ngumito sa kanila. Nang matapos ang paggagamot ko sa lalaking nabugbog na Tee ang pangalan ay tumayo na ako.

"Uhm, mauuna na ako," paalam ko.

Hindi ako pinansin nung Gavin kaya naman napasimangot ako. "Hatid na kita," alok ni Kaxtiel na tinanguan ko.

Nauna siyang maglakad kaya naman sumunod ako, napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at binasa ang text dahil baka galing sa hospital 'yon. Agad ko ding ibinalik ng makitang si Charls lang 'yon at nag-aaya ng VC, sa bahay ko na lang siya rereplyan.

"Thank you," saad ni Kaxtiel

Nangiti ako at tumango na lang sa kaniya at saka nagsimulang maglakad. Dire-diretso lang ang lakad ko habang minamassage ang leeg ko, akala ko ay makakapag pahinga ako ngayong araw pero heto ang nangyari.

Tumingin ako sa relo ko at napahilamos ng makitang alas otso na. Binilisan ko ang paglalakad ng marinig na tumunog ang elevator, pero agad din akong napahinto ng makilala ang sakay non.

"Vio..." gulat na usal ko. Nakatingin siya sa cellphone na hawak kaya naman hindi niya ako napansin, ng mag-angat siya ng tingin ay mabilis akong tumakbo sa kabilang side at nagtago sa may pader.

Pigil ang hininga na hinintay ko siyang malagpasan ang puwesto ko, parang ang bagal-bagal ng oras ng sandaling 'yon nagwawala ang nasa dibdib ko. Pinaghalong kaba at tuwa na sa wakas after ng ilang taon ay nakita ko rin siya.

Ang laki na ng pinagbago niya. Nang makalagpas siya ay naghintay pa ako ng ilang saglit para masigurado na wala na siya roon kapag lumabas ako. Peke akong natawa at humawak sa dibdib ko.

"Walang kupas, Ang lakas pa din ng epekto mo sa pagkatao ko," napailing na lang ako.

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

15.4K 570 44
They call her the Picture Perfect. but in Zoe Mage Nicholas eyes, She's definitely an Epitome of Disaster. Highest Rank 🏆 #58 in Slice of Life Categ...
6.5K 238 40
To what extent can you do in order to forget someone?
7K 489 73
Zachariel is now a successful CEO and business owner too. Ang dating mayaman na ngayo'y mas yumaman pa lalo. Madalas na madaling nakukuha nito ang k...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...