Innocent •SB19 KEN• [COMPLETE...

By Nahhhlia

49.6K 1.5K 825

[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she... More

Innocent
PROLOGUE
CHAPTER 1: Puro Inocencio University
CHAPTER 2: Saved But In Danger
CHAPTER 3: Stay In
CHAPTER 4: The Deal
CHAPTER 5: Mom And Hair
CHAPTER 6: Langga
CHAPTER 7: Understanding Each Other
CHAPTER 8: Special
CHAPTER 9: For Safety
CHAPTER 10: Graduation Ball
CHAPTER 11: Proven
CHAPTER 12: Answered
CHAPTER 13: Maturity
CHAPTER 14: Scared
CHAPTER 15: Jealousy
CHAPTER 16: Last Lesson
CHAPTER 17: Mr. Innocent No More
CHAPTER 18: He's Back
CHAPTER 19: Captured
CHAPTER 20: No Choice
CHAPTER 21: Siblings
CHAPTER 22: Changed
CHAPTER 23: Escaped
CHAPTER 24: Stuck In Between
CHAPTER 25: Understanding
CHAPTER 26: Unwanted Message
CHAPTER 27: Got You
CHAPTER 28: Visit
CHAPTER 29: Best Part
EPILOGUE
Author's Note

Special Chapter: Reunion

1.1K 41 68
By Nahhhlia

To understand more of this chapter, kindly read my SB19 Series #1 to #4. Visit my account for easy finding! Thank you.

Special Chapter: Reunion

AKI SI STRUGGLING to zip her dress. She can't reach the back of it. Kanina pa siya sa harap ng salamin habang pinipilit na abutin ang zipper ng damit. Naiirita na siya! Argh! Suko na ko!

"Ken!" irita niyang sigaw.

Agad na lumabas sa banyo ang kasintahan niya. May hawak pa itong pang-ahit. Basa ang buhok nito dahil kakatapos lang nitong maligo.

"Why? May problema ba?" tanong nito.

She pouted then nodded. "Hindi ko maabot yung zipper. Will you zip it for me, please?" she did a puppy face.

"Okay, sandali lang." matapos nitong mag-paalam ay bumalik ito sa banyo. After a minute, he came back.

Agad itong pumwesto sa likod niya tsaka nito itinaas ang zipper. Sa wakas, nasuot din niya nang maayos ang damit niya.

"Bakit ba kasi kailangan ko pa mag-suot ng ganito?" irita niyang tanong.

"Justin said it's a formal party, kaya dapat formal ang isusuot natin." tumingin ito sa kanya sa salamin. "You look pretty on that dress." he lightly smiled.

She blushed.

She's wearing a fitted black dress. Sleeveless at under the knee ang haba.

Tumagilid siya sa salamin at sinipat ang sarili. Napansin niya ang munting umbok sa tiyan niya.

"Do I look fat?" she asked.

Hinawakan niya ang tiyan niya tsaka niya iyon hinimas.

"It's the baby, it's not fats." nilapitan siya nito tsaka nito ioinatong ang kamay sa kamay niyang naka-dikit sa tiyan niya.

A little baby bump.

Napa-ngiti siya sa isiping iyon.

"Okay. Mag-bihis ka na. It's already 6 PM. Baka kanina pa nila tayo hinihintay."

Matapos niyang sabihin iyon ay agad na sumunod sa kanya ang binata. Habang nag-bibihis ito ay inaayos naman niya ang sarili niya. Inilugay lang niya ang mahaba niyang buhok, nag-lagay lang siya ng press powder at lip tint. Done!

Saktong pagkayari niya ay tapos na ding mag-bihis ang binata. Pormang porma ito. Bumilis nanaman ang tibok ng puso niya dahil napaka-gwapo nito sa ayos niya.

"Come here Kenken, let me fix your hair." she said while smiling widely.

Agad namang lumapit sa kanya ang binata. Bahagya pa itong yumuko para maabot niya ang buhok nito.

Naka-titig lang sa kanya ang binata habang inaayos niya ang buhok nito. Hindi tuloy siya masyadong makapag-focus dahil kinikilig siya. She bit her lower lip to prevent her from showing her smile.

Nang makuntento na siya sa ayos ng binata ay ngumiti siya tsaka ito tinitigan.

"Yan, gwapo ka na." she said.

Ngumiti din ito nang hindi labas ang ngipin.

"Tara na, malapit na mag 6:30." aya niya sa binata.

Kinuha muna nito ang coat sa kama tsaka nito hinawakan ang kamay niya. Magka-hawak kamay silang lumabas sa kwarto, bumaba sa hagdan, at lumabas sa bahay. Tsaka lang nag-hiwalay ang mga kamay nila nang sumakay na sila sa kotse.

Of course, they didn't forgot to bring a gift for the birthday celebrant. Ayon kay Justin ay 15th birthday ng isang dalaga ang pupuntahan nila. Kaya bumili sila ng regalong nababagay para sa celebrant.

After 10 minutes of driving, they finally came to the venue. Pinag-buksan siya ng Ken ng pinto at inilahad nito ang kamay sa kanya na agad naman niyang hinawakan.

"Sa table 1 daw sila Jah." ani Ken.

"Okay."

Sinundan nalang niya kung saan pumunta ang binata. Naka-angkla ang kamay niya sa braso nito. Nang maka-pasok sila sa loob ng mismong venue ay puno ito ng iba't ibang kulay ng mga ilaw, may mga bulaklak, at ang mga tela ay kulay dilaw na hula niya ay ang paboritong kulay ng celebrant.

May red carpet sa gitna at nasa dalawang gilid ang mga lamesa at upuan. Sa harap ay may stage at may dilaw na sofa sa gitna. Sa likod non ay may naka-lagay na salitang 'Happy 15th Birthday Jessie'.

Jessie pala ang pangalan ng may birthday. Grabe, may kaya siguro yung mga magulang niya. Bulong ni Aki sa isip niya.

"Ayun sila." ani Ken tsaka nito tinuro ang table na nasa pinaka-harap.

Agad niyang nakita si Justin at Jewel na naka-upo doon. May mga kasama ito sa table na hindi niya kilala.

Napansin sila ni Justin kaya kumaway ito sa kanila. Nagsi-tinginan naman sa kanila ang iba pa nitong kasama sa table.

Ngumiti siya nang maka-lapit na sila sa mesa. Nagsi-tayuan ang lahat ng naka-upo doon tsaka sila binati.

"Josh, best friend ko nga pala, si Ken. Fiancé niya, si Aki." pag-papakilala ni Jah sa kanilang dalawa ni Ken sa taong tinawag nitong Josh.

Nakipag-kamay si Ken kay Josh at nag-pakilala sa isa't isa. Ganon din ang ginawa niya.

"Aki. Nice to meet you." pag-papakilala niya.

"Josh, the celebrant's Dad." pag-papakilala nito.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Ito pala ang ama ng may kaarawan. Muka itong bata pa. Sa tingin niya ay mabait itong ama dahil nagagawa nitong bigyan ng magandang kaarawan ang anak nito.

"These are my friends." tinuro ni Josh ang lalaki at babeng nasa tabi nito na sa tingin niya ay mag-asawa. "The famous one, Paulo also known as Sejun." pag-papakilala nito sa katabi.

Bahagyang natawa si Paulo dahil sa sinabi ni Josh. Nakipag-kamay din ito sa kanila ni Ken.

"And his wife, Paulinathalia." pahabol ni Josh.

What a long name. Komento niya.

"Hi, Paulinathalia. You can call me Paula, Paulin, Paulina, Nath, Nathalia, Thalia, kayo na ang bahala." pag-papakilala nito.

She chuckled. "Paula nalang siguro." sagot niya.

"Sure."

Naupo na muli sila sa kanya kanya nilang silya. Pabilog ang mesa at may dalawang silya pang bakante.

Nasa kanan niya si Ken, sa kanan naman ni Ken ay si Josh, sa kanan ni Josh ay si Justin at katabi nito ang asawang si Jewel. Sa kaliwa naman niya naka-upo si Paulo at katabi nito ang asawang si Paula.

"Si Silvestre nalang pala ang hinihintay natin, asan na kaya 'yon?" biglang tanong ni Josh.

Hindi niya kilala ang pangalang binanggit nito kaya natahimik nalang siya.

"Malapit na daw, nag-text siya sakin." ani Paulo.

Mukang magkaka-kilala ang mga ito pati na rin ang tinutukoy nitong Silvestre. Sino kaya iyon? Bakit ganon ang pangalan niya? Nawe-weirdohan siya.

"Usap usap muna tayo." Josh chuckled. "Tropa tropa tayo dito, walang hiyaan."

"Tama tama." Paulo second the motion.

Lahat sila ay mahinang natawa dahil sa dalawa.

"Uy! Sorry! Late na ba kami? Tapos na ba? Hala, sorry ha. Umiiyak kasi si Vea eh."

Lahat sila ay lumingon sa taong nag-salita. Ganon nalang ang gulat niya nang makita ang isang pamilyar na muka.

"Stell?" tanong ng binata sa tabi niya.

Okay, here goes the fanboy.

"Ahm, hello." kumaway ito kay Ken. "Kilala mo ko?" tinuro pa nito ang sarili.

"Oo naman! Lagi akong nanonood ng videos mo sa YouTube. Ang galing galing mong sumayaw at kumanta. Idol nga kita eh." naka-ngiting sagot ni Ken.

"Si Stell kilala mo, ako hindi mo ako kilala?" biglang tanong ni Paulo.

"Kilala kita. Sikat na sikat ka eh. Mas active lang talaga ako kay Stell." sagot ni Ken.

"President 'to ng fans club oh." natatawang sabi ni Josh, tinuro pa nito si Ken.

And all of them chuckled.

"Siya yung sinasabi ko sa'yo." sambit ng babaeng kasama ni Stell.

She gasped. "Wow, what a small world. Hello po doktora." bahagya siyang kumaway sa OB niya.

"Just call me Stella, wala naman tayo sa clinic." sagot nito habang naka-ngiti.

"Oh, eh mag-kakakilala lang pala tayo eh." sabat ni Josh.

Lahat sila ay parang mangha sa mga pangyayari. Seems like they are all connected to each other.

"Upo na, usap usap tayo." ani Josh.

Nang maka-upo na ang lahat ay napa-lingon siya sa katabi niya. Malawak ang ngiti nito habang naka-tingin sa isang direksyon.

"Baka ipag-palit mo na ako niyan." bulong niya kay Ken tsaka lumingon sa tinitignan nito, kay Stell.

Lumapit ito sa kanya. "Hmm, selos ka?" mapang-inis nitong tanong.

Inirapan niya ang binata pero naka-ngiti parin siya. Umiling iling nalang siya.

"Joke lang, di naman kita ipag-papalit eh. Ikaw lang love ko." bungisngis nitong sabi tsaka nito hinalikan ang pisngi niya.

"Oy, hinay hinay naman diyan. May single dito oh." rinig nilang sabi ni Josh na ikina-tawa ng lahat.

"Single ka?" hindi na niya napigilang mag-tanong.

"Yeah. My fiancé passed away almost eleven years ago with our unborn child." sagot nito.

Napa-singhap siya sa narinig. Unti unti siyang kinain ng kahihiyan, hindi nalang dapat pala siya nag-tanong.

"Ahm." she gulped. "I'm sorry to hear that." mahina niyang sabi.

Ngumiti lang ito. "It's okay. Sanay na."

"Yeah, sanay ka na nga. But don't you sometimes think of, uhm, you know, having a partner. Having someone to love and to be loved. Someone who your daughter can call Mom. Hindi na tayo bumabata dre." Paulo said.

Natahimik ang buong mesa. Tsaka lang nabasag ang katahimikan nang mag buntong hininga si Josh.

"Hindi pa ulit pumasok sa isip ko yung bagay na 'yan, for almost eleven years. Pag-tatrabaho at pag-papalaki lang kay Jessie ang nasa isip ko." Josh said.

"Raising a child alone is a big responsibility man, I'm proud of you." tumatango-tango si Paulo habang nag-sasalita.

Sandali pa silang natahimik. Hanggang sa tumikhim muli si Josh.

"Mag-kwento naman kayo." masayang sabi nito.

Tinapik ni Josh ang balikat ni Justin. "Ito si Jah, idol 'to ng anak ko. Jessie loves his artworks. Gumawa talaga ako ng paraan para lang makausap siya, para maimbitahan siya dito. Minessage ko lahat ng account at page niya." natawa ito. "Syempre famous 'to, kaya hindi na ako umasang mare-reply-an niya ako sa dami ng fans niya. One week after, naka-tanggap ako ng reply galing sa kanya. Pupunta daw siya. Pagkatapos non, nadagdagan nang nadagdagan yung pag-uusap namin. At 'yan ang istorya kung paano kami nag-kakilala." both of him and Justin are laughing. "Next." anito.

Napa-ngiti siya. Tinawag nitong Jah si Justin, ganon na sila ka-close?

"Ako naman." bahagya pang itinaas ni Paulo ang kanyang kamay. "Well, I'm an artist from VG entertainment. Sa VG din nag-tatrabaho si Josh at Stell bilang choreographer at teacher. Actually, yung latest song na ni-release ko, silang dalawa ang nag-choreo nun."

Tumango tango siya.

"And that's it. Since lagi kong nakikita yung pagmumuka nila sa office, naging close na kaming tatlo. Halos araw araw ko silang kasama. Minsan nag-sasawa na nga ako sa pagmumuka nila eh." pare-parehas silang natawa dahil sa huling sinabi ni Paulo.

"Wala na akong iku-kwento, nasabi niyo na lahat." si Stell naman ang nag-salita.

"Basta mag-kaibigan na kami ni Ken simula nung high school. Nakita ko siya noon sa isang contest sa school, music festival ata 'yon? Tapos kasali din siya sa dancing category, bale mag-kalaban kami non. Ako kasi yung representative ng school namin, ganon din siya." paliwanag ni Jah.

Nanlaki ang mata ni Sejun." Uy, music festival? Parang may sinalihan din akong ganon nung high school ako."

"Ay oo!" Stell clapped. "May nasalihan din akong ganon nung high school ako, hindi ko makakalimutan 'yon kasi nanalo ako don. Nasa bahay pa nga yung trophy ko galing doon eh." naka-ngiting sabi ni Stell.

"Anong pinerform mo non?" si Josh naman ang nag-tanong.

"Bale dalawang category kasi yung nire-represent ko, dancing at singing. Sa singing ako nanalo. The Power of Love yung kinanta ko non." sagot ni Stell.

"Hindi ko na maalala, pero feeling ko tayo yung magka-kalaban non." natatawang sabi ni Justin.

"Naaalala niyo pa ba kung sino yung nanalo sa dance category?" tanong ulit ni Josh.

"Ako." nag-taas pa ng kamay si Ken.

"Ay oo..." humalukipkip si Josh. "Olats ako don eh!" ani Josh tsaka ito tumawa.

What a coincidence.

"So matagal na pala talaga nating nakita ang isa't isa. Ngayon lang tayo pinag-tagpo lahat. What a really really small world." natatawang sabi din ni Paulo.

"Napaka-galing! Parang dati lang pa-contest contest lang tayo, kita mo nga naman ngayon, may sikat na satin." tinuro ni Stell si Paulo.

"Oo nga, kita mo nga naman, may artist na satin." tinuro ni Paulo si Justin at talagang diniinan nito ang salitang artist.

Napa-iling nalang si Justin habang tumatawa. Mukang mag-kakasundo nga silang lima.

Natigil lang sila nang tumunog ang telepono ni Josh. Pare-parehas silang na kay Josh ang atensyon.

Mukang may binasa ito. Ibinalik din nito ang telepono nito sa bulsa tsaka tumingin sa kanila.

"Ready na daw si Jessie. Puntahan ko lang muna ah? Enjoy lang kayo dyan. Excuse me." paalam ni Josh.

Lahat sila ay tumango. Sinundan nalang nila ng tingin ang papalayong bulto ni Josh.

Habang hindi pa nag-sisimula ang party ay nag-kwentuhan muna sila sa mga bagay bagay. Tungkol sa istorya kung paano sila nag-kakilala ng mga kapareha nila, hanggang sa mga sari-sarili nilang anak.

Nalaman nila kay Paulo na adopted lang pala si Jessie. Ito daw ang hiniling ng fiancé ni Josh bago ito mamaalam, ang alagaan at ituring na sariling anak ang bata.

Humanga si Aki sa binata. Hindi man niya naranasan, alam niyang mahirap mag-palaki ng anak nang walang kasama sa buhay.

After a few minutes, the party finally started. Lahat ng bisita ay tumayo at nag-palakpakan nang lumabas na ang celebrant. Jessie is a beautiful girl. She's wearing a yellow dress. Halatang alagang alaga ito ni Josh.

The party went well. There are different programs. Like speech giving, performances from Jessie's own father, Josh. Some games. And now, it's dinner time.

Bumalik muna sa mesa si Josh para kumain. Ayon sa kanya ay nauna nang kumain si Jessie kanina, ngayon ay mag-papalit naman ito ng damit.

Napuno ng kwentuhan ang hapag-kainan. Lahat sila ay may kanya-kanyang kwento. Hanggang sa matapos na sila sa pag-kain.

Si Jewel ang bumasag sa katahimikan. "Mukang kailangan na naming umuwi." may pag-aalala sa boses nito.

"Ha? Bakit? Ang aga pa." Josh asked.

"Gusto kasing dumede sakin ni Justin." sagot ni Jewel.

Silence surrounded them. The ladies were shock and they felt second-hand embarrassment for Justin. While the gents were busy doing everything just to hold their laugh. Except for this one guy who's laughing loud like crazy.

"Jah, naka-aircon naman sana tayo dito. Pero kung hindi mo na mapigilan yung hotness na nararamdaman mo, ayun--" Ken pointed out the restroom. "--may banyo don. Pwede naman don pansamantala, ako pa yung mag-babantay ng pinto para sa inyo." tumataas taas pa ang kilay ni Ken habang naka-ngiti nang iba ang ipinapahiwatig.

"Ano bang sinasabi mo?! Si Justin! Yung anak namin! Hindi ako!" bakas ang hiya sa boses ni Justin. Tinakpan pa niya ang muka niya gamit ang dalawa niyang kamay dahil sa hiyang nararamdaman. "Jewel naman eh, pinapahiya mo ko." reklamo niya.

Jewel held Jah's face and buried it on the hollow of her neck. "Sorry bujing ko."

Ken, on the other hand, kept on laughing. "Sus, aminin, nakiki-hati ka sa anak mo. Maawa ka naman, yun na nga lang yung pagkain ng bata nakiki-hati ka pa." mapang-inis na sabi ni Ken.

Tumingin nang masama si Justin kay Ken. "Ewan ko sa'yo Ken! Nakakainis ka!" singhal nito sa binata, .

Umiling iling nalang ang ibang kalalakihan. Napuno ng saya at tawanan ang gabi nila. Hanggang sa tumuloy na ulit ang party.

Nang medyo lumalim na ang gabi, isa isa nang nag-paalam ang kaibigan nilang may mga anak na, baka daw kasi hinahanap na sila ng mga anak nila.

"Bago kayo umalis, I just want to invite you all to our wedding next month. You too Josh, isama mo si Jessie." aniya tsaka siya humawak sa kamay ni Ken.

"Oy congrats!" si Stell.

"Congratulations." si Paulo.

"Sure, pupunta kami." si Josh naman.

"Wala kasi kaming dalang invitation ngayon. Ibibigay ko nalang siguro sa inyo sa susunod. Kailan ba kayo pwede ulit?" she asked.

"Pwede kayong pumunta sa VG, halos araw araw kaming tatlo na nandoon." si Paulo ang nag-salita.

"Or, you could visit our home." Stella said.

She nodded. "Palitan nalang siguro tayong lahat ng numbers, para madali tayong makapag-communicate."

Dahil sa sinabi niya ay nag-palitan silang lahat ng numero.

"Babye na, hindi daw mapa-tahan ni Kuya si Eu. Hinahanap na si Jewel." si Jah naman ang nag-salita.

Isa isa na itong nag-paalam. Umalis na sila Justin at Jewel, Paulo at Paula, at si Stell at Stella.

They decided to stay until the party ended. Gusto nilang samahan si Josh dahil wala daw itong ibang ka-close sa party kindi sila lang.

Their night is so fantastic! They met new friends. Nadagdagan nanaman ang tropa nila.

Who would imagine that they all became friends just because of a party?

_______________

Eu is pronounced as 'Yu'. I'll be posting a special Chapter on Agonizing Desire (Justin's Fanfic) doon niyo makikilala si Eu o si Justin na baby. 😂🍼

- Nahhhlia

Continue Reading

You'll Also Like

69.8K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
22.1K 857 123
NCT Epistolary #6 belamour (n) one who is loved; a beloved person. Date Started: 03/23/21 Date Completed:
627 70 25
Growing up without the guidance of a child's parents is hard, and Ynarra Faine Salcedo can agree with that. Her childhood was her greatest nightmare...