CHAPTER 20: No Choice

957 32 9
                                    

I can't dedicate a chapter because of some internet issues, kaya special mention nalang muna, hehe.

Thank you JheiraCaizelElisteri kasi nag-sisimula palang ako, siya na yung first reader ko, hanggang sa matapos yung story. ❤Miss yah!

Chapter 20: No Choice

Third Person's Point of View

Bahagyang gumalaw si Aki sa kamang hinihigaan niya. Iminulat niya ang mga mata niya at luminga linga sa paligid.

Nasaan ako?! Anong nangyari?!

Bumalikwas siya ng bangon nang maka-ipon na siya ng lakas. Isang di pamilyar na kwarto.

Ang huli lang niyang natatandaan ay nasa mall siya kasama si Ken nang may lalaking kumausap sa kanya. Nakita din niya si King. Bigla nalang tinakpan ng lalaki ang ilong at bibig niya ng isang panyo na may kakaibang amoy kaya nawalan siya ng malay.

Sh*t, si Ken! Natataranta siya. Hindi na niya naisip ang sarili niya at kung nasaan siya. Iniisip niya si Ken, ang kasintahan niya. Siguradong nag-aalala na ito sa kanya ngayon.

Mabilis siyang pumunta sa pinto tsaka ito pinihit ngunit bigo siya, it's locked! She's locked up!

"Palabasin niyo ko dito!" sigaw niya habang malakas na kinakalampag ang pintuan ng kwartong kinalalagyan niya.

That man! Iisa lang ang taong nasa isip niya. Ang ama niya. Ang ama niyang kinamumuhian niya. Ano ba talagang gusto nito sa kanya? Bakit ba siya nito dinakip at kinulong?

"Buksan niyo 'to!" sigaw niya ulit habang patuloy sa pag-kalampag.

Bumalik muli siya sa kama, lahat ng gamit niya ay nawala. Lahat ng gamit niya ay kinuha nila!

Dahil sa galit ay hinulog niya lahat ng mga gamit na nakita niya sa buong kwarto. Ang mga vase ay nabasag, pati na rin ang mga painting sa paligid.

"Gising ka na pala. Mag-wala ka lang dyan hanggang gusto mo." rinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng pinto.

"Walangya ka! Palabasin mo ko dito!" sigaw ni Aki tsaka niya muling pinag-hahampas ang pinto.

"Sinasayang mo lang ang energy mo anak." mapang-inis na sabi nito.

Malakas niyang hinampas ang pinto. "Hayop ka! Anong kailangan mo sakin?!"

Narinig lang niya ang mahina nitong pag-tawa na mas lalo pa niyang kina-inis.

"I need you my daughter. At hinding hindi kita paaalisin dito kaya huwag ka nang mag-tangkang tumakas."

Nag-kuyom ang mga kamay niya. "Hayop ka! Hayop! Hindi ka pa nakuntento sa ginawa mo kay Mama! Ngayon ako naman yung pag-didiskitahan mo! Hayop ka! Pinatay mo yung Mama ko! Demonyo!"

Galit na galit na siya kaya hindi na niya alam ang mga salitang lumalabas mula sa bibig niya. Naiiyak na siya sa sobrang galit.

Maya maya pa ay tumunog ang doorknob at bumukas ang pinto. Pumasok dito ang ama niya at pabagsak na sinara ang pinto.

Galit din ang itsura nito. Agad niyang nilapitan si Aki at hinawakan ng mahigpit ang anak sa panga.

"Wag mo akong ginagalit Andrea, anak lang kita. Ngayong nasa pamamahay kita, lahat ng sasabihin ko ay susundin mo." nangingigil nitong sabi sa dalaga.

Naka-tingkayad si Aki habang hawak ang kamay ng ama. Nasasaktan siya dahil napaka-higpit ng hawak nito sa panga niya. Nahihirapan siyang huminga!

"H-Hayop k-ka. W-Wala ak-kong am-mang d-demonyo." pilit na nag-salita si Aki habang nag-hihirap sa pag-hinga.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora