CHAPTER 13: Maturity

1.4K 45 20
                                    

Chapter 13: Maturity

"KEN masakit!"

"Kaya nga binibilisan ko na."

"Siraulo ka ba? Bagalan mo lang!"

Hindi ko na napigilang bigyan siya ng masamang tingin nang bumagal siya, as in mabagal talaga. Lintik.

"Bakit ang bagal mo?!"

"Sabi mo bagalan ko, ano ba talaga?"

Jusko, mamamatay nalang ata ako sa sobrang sakit dito.

"Bahala ka na nga! Bilisan mo basta mag-ingat ka. Nag-dudugo parin yung sugat ko."

Langya naman kasi. Sino ba namang hindi matataranta kung kagatin ka ba naman ng bulldog? Sinong hindi matataranta? Sino?!

"Nandito na tayo."

Agad na bumaba si Ken sa kotse tsaka ako pinag-buksan ng pinto. Halata sa mga galaw niya na natataranta din siya pero hindi lang niya ipinapahalata.

Naiiyak ako habang naka-titig sa sugat sa braso ko. Ngayon lang ako nakagat ng aso sa buong buhay ko.

"Ano pong nangyari?" tanong ng isang nurse nang maka-pasok na kami sa loob ng clinic.

"Nakagat po siya ng aso. Please gamutin niyo na po siya, kanina pa po siya nasasaktan." nag-aalalang sabi ni Ken.

"Sumunod po kayo sakin."

Sumunod nalang kami sa nurse hanggang sa maka-pasok na kami sa isang kwarto. Pina-upo ako sa visitor's chair at naka-tayo naman si Ken sa likod ko habang naka-hawak sa balikat ko.

Kanang braso ang nakagat sa akin. Kalahating dangkal ang layo mula sa pulso ko.

Maya maya pa ay may dumating nang doktor at tinanong ako ng kung ano ano. Kung anong oras ako nakagat, bakit ako nakagat, at kung ano ano pa.

Pagkatapos akong tanungin ay nag-paalam muna ito saglit sa amin para kumuha ng first aid kit at anti-rabies shot. May naiwan namang nurse dito at tinulungan akong hugasan ang sugat ko.

Hindi ko maiwasang mapa-ngiwi dahil sa sakit. Nakakainis! Ako na nga itong nag-bigay ng pagkain dun sa aso, kinagat pa ko!

Nasa park kami kanina ni Ken dahil tinest drive namin ang kotse na binili ni Tita para kay Ken. Ilang buwan na din kasi mula nung sinimulan naming mag-aral mag-maneho. And yep, marunong na din akong mag-drive!

Nag-pahinga muna kami non sa isang tabi at may nakasalubong akong bulldog. Na-cute-an ako sa kanya kaya sinubukan ko siyang bigyan ng pagkaing kinakain ko. Naupo pa ako para malebel ko ang sarili ko sa kanya.

Nang maubos na niya yung una kong binigay, binigyan ko ulit siya, malay ko ba kung bakit biglang nagalit kaya ayun, sinakmal yung braso ko.

Mabuti nalang may mga tumulong sakin, ayaw pang pakawalan nung aso yung braso ko kaya takot na takot ako kanina. Simula ngayon, didistansya na ko sa mga aso.

Kasabay ng pag-upo ko sa visitor's chair ay ang pag-balik ng doktor na dala na ang mga gamit na gagamitin.

Nanuyo ang lalamunan ko nang makita yung syringe. I'm doomed. I hate syringes.

Naka-patong ang kanang braso ko sa lamesa ng doktor habang inaayos niya ang mga kailangan niyang ayusin. Ang tagal na nung huli kong naranasang maturukan, kinakabahan ako.

Tumingala ako kay Ken at nag-salubong ang mga paningin namin.

"Ken..." mahinang tawag ko sa kanya.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now