Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 23

69 9 0
By aseener

Kabanata 23

Eight years later. . . .

Humikab ako at inayos ang dyaryo na nakatakip sa mukha ko. Ilang oras na ba akong nasa biyahe at nasa himpapawid pa din kami? Ilang minuto rin akong ganoon ng mauhaw, inabot ko ang tubig na nasa upuan ko at uminom doon matapos ay muli akong bumalik sa dating puwesto. Hindi pa ako nakakatagal ng makarinig ng ingay.

"We'd like to inform all the passengers. If there's a doctor, nurse or a member of a medical team on board. Please let the flight attendants know."

Napaayos ako ng upo ng umugong ang boses na 'yon sa kabuuan ng eroplano. Tinanggal ko ang earphone na nakakabit sa isa kong tainga.

"Excuse me Miss."

Nag angat ako ng tingin ng may lumapit sa akin na Flight Attendant saglit akong natigilan sa sobrang amo ng kaniyang mukha.

"You're a doctor, right?" tanong niya.

Umayos ako ng upo at seryoso siyang tinignan. "Why?"

"We have a patient on the plane who needs medical help."

Hindi ako nakasagot at nilingon ang kabuuan ng erplano natigil ako ng makita ang umpok ng tao sa may gilid.

"Aren't you a doctor?" tanong niya at sumulyap sa book na hawak "On the passenger list, it states that you are—"
Hindi ko na siya pinatapos, kinuha ko ang aking bag at saka siya nilagpasan. Mabilis ang lakad na nagtungo ako sa mga nagkakagulong tao. Tinabig ko ang ilan na nakaharang. Umupo ako sa may gilid ng lalaki.

"Sir, are you all right? Can you hear me?"


"Doc, ano po ang nangyari sa papa ko?" nalingon ako ng may lumapit na bata sa akin.

Hindi ko siya sinagot at pinagtuunan ng atensyon ang pasyente. Inilapit ko ang mukha sa kaniya upang tignan kung humihinga pa siya. Nang masigurado ay itinaas ko ang paa niya.

"Kumuha ka ng puwedeng pagpatungan ng mga paa niya," utos ko.

Nang maipatong ay binuksan ko ang coat na suot at ilang butones ng suot nitong polo, gayundin ang belt nito. Tumingin ako sa relo upang makita ang oras. Nang mag isang minuto ay hindi pa rin ito nagigising ay binuksan ko ang kaniyang bibig at sumilip doon. Hindi din nag tagal ay isinara ko 'yon.

Hinanap ng mata ko ang anak ng pasyente. "Sumuka ba siya?"

"Hindi po," sagot nito. Tumango ako, hinawakan ko ang mga kamay nito upang tignan kung gumagalaw, naghintay pa ako ng ilang saglit at nakahinga ng maluwag ng gumalaw ito.

Nilingon ko ang anak ng pasyente at nginitian, mukang nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon. "Okay na siya. Para makasigurado pagbaba natin ay dalhin mo siya sa pinaka malapit na hospital."

Matapos noon ay iniiwas ko ang mukha ng mapansin ang isang passenger na nag bi-video. Kinuha ko ang bag at saka saglit na nagbilin sa anak ng pasyente ng mga dapat nitong gawin. Matapos ay bumalik na ako sa pwesto ko hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Pinas.

Nang makalabas ng Airport ay tinanggal ko ang suot na shades at inilibot ang paningin, tipikal na itsura ng manila . Mainit at masakit sa balat na sikat ng araw, usok at alikabok na nanggagaling sa kalsada ang sumalubong sa akin.

"Ate!"

Nangiti ako ng makita si Audrey na bumaba sa sasakyan at saka ako sinalubong ng yakap. Ang laki na ng kapatid ko. Nilingon ko din sila Mommy at Daddy na naglalakad papalapit sa amin.

"Mom, Dad.." usal ko at bumeso

"Nakakatuwa naman at sa wakas umuwi ka din, wag ka na ulit aalis. Magtatampo na ako!" pag dadrama ni Mommy na ikinatawa namin.

"I'm not yet sure Mom," sambit ko na nginusuan lang niya.

Bumaling ako kay Daddy at ngumiti. "Dad.."

Yumakap siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "Welcome back anak."

Nag-aya ng umalis si Mommy kaya naman sumakay na kami upang makauwi. Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa may labas ng bintana. Halos 8 taon na rin ang nakalilipas at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na bumalik dito sa pilipinas.

Mapait akong nangiti ng maalala siya, ang tagal na rin kamusta na kaya siya? May pamilya na kaya siya? Siguro sila pa din ni Sachie, kung ganoon masaya ako dahil kahit papaano ay nag bunga ang pag-iwas ko sa kanila.

Nang makarating sa bahay ay ang gaan ng pakiramdam ko, nagkuwentuhan kami saglit sa may sala pero agad din akong nagpaalam dahil may jetlag pa ako. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko, binuksan ko 'yon at napangiti ng makita ang caller.

[Girl! Kamusta ang biyahe? I'm sorry, hindi na kita nahatid.]

"It's okay, Charls, alam ko naman na naka straight duty ka," nakangiti kong usal at tumayo upang magpunta sa bathroom. Tumayo ako sa harap ng salamin, ni-loudspeaker ko ang phone ko at saka nagsuot ng headband.

[Yeah right, tumawag lang talaga ako baka nagtatampo ka na sa'kin.]

Natawa ako sa sinabi niya "Baliw."

[Basta tumawag ka, siguro mga next month makauwi na rin ak— Doc, pinapatawag po kayo sa ER.]

Malakas akong natawa, nang marinig ang boses ng nurse sa kabilang linya. Kinuha ko ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. Nawala saglit si charls sa linya kaya nag sipilyo muna ako. Hindi rin nag tagal ay nagsalita siya.

[Kaloka! Mababaliw na talaga ako! Sige na madami pa akong pasyente.]

Nagmumog ako saglit "Sige na, ingat," paalam ko at saka niya pinutol ang tawag.

One year simula nung umalis ako ay nagulat ako ng makita si Charls sa med school na pinapasukan ko. Katulad ko ay doon na rin siya nag stay dahil hindi niya na makayanan na mag stay dito sa Pinas. Nakakatuwa na sabay naming inabot ang mga pangarap namin, nakakalungkot lang dahil kulang kami. Madaming nangyari sa mga nagdaang taon, hindi ko akalain na malalagpasan namin 'yon.

"Mom, alam niyong wala akong hilig diyan.." sambit ko habang naka upo sa may sofa.

Tumabi sa akin si Mommy at saka humawak sa akin. "Anak naman pagbigyan mo na kami, maayos na ulit ang kumpanya natin isasabay natin ang pag se-celebrate sa pagbalik mo," pangungulit niya

Nilingon ko si Dad na nakaupo sa may kabilang sofa katabi si Audrey na nag a-Ipod. Tumingin ako sa kaniya na para bang nanghihingi ng tulong pero nagkibit balikat lang siya sa akin, sinasabi na wala siyang magagawa sa gusto ni Mommy.

Nilingon ko si Mommy. "Mom ayoko po, puwede naman tayo mag celebrate na tayo-tayo lang hindi na kailangan ng maraming bisita."

Ayokong mag celebrate, ayoko ng bisita dahil sigurado ako na darating siya. At isa 'yon sa ayaw kong mangyari, ang makita siya. Kahit taon na ang dumaan ay hindi pa rin ako sigurado na nakalimot na ako sa nararamdaman ko sa kaniya, gusto ko siyang makita pero natatakot ako. Paano... paano kung may nararamdaman pa din ako sa kaniya? Natatakot ako na mangyari 'yon kaya talagang iwas ako sa kaniya.

Bumuntong hininga si Mommy at napahawak sa sintido niya "Ano pa nga ba." pag suko niya na ikinangiti ko.

Tutok lang ang atensyon ko sa TV, nanunuod kami ngayon ng movie. Kinuha ko ang salad na inilapag ni Mommy sa table at nilantakan 'yon.

"Oh my god! Look Mom, Dad!"

Natigilan ako ng tumili si Audrey at pinanuod siya na lumipat sa sofa na inuupuan nila Mommy. Ipinakita niya ang Ipod at parang may ipanuod kila Daddy. Lito man ay hindi na lang ako nag tanong at muling nanuod.

"Oh god! Hon, si Aubry yan hindi ba?"

Napalingon ako sa kanila ng marinig ang pangalan ko, inilapag ko ang bowl na hawak at lumapit sa kanila. Nakiyuko ako upang makita ang pinapanuod nila, nagkibit balikat din ako agad at saka bumalik sa puwesto ko ng makita kung ano 'yon. Ayon ang nangyari kahapon sa eroplano. Kahit kailan hindi ko talaga nagustuhan ang social media.

"Kahit sa eroplano nag tatrabaho ka, baka naman mapaano ka na niyan Aubry," Napalingon ako ng seryosong mag salita si Daddy.

"Na sabi sa akin ni Mama, na madalang ka na umuwi sa bahay at halos doon na sa hospital tumira. Inaalagaan mo pa ba ang sarili mo ha? Baka puro pasyente na lang ang iniintindi mo," sermon niya.

Napakamot ako at tipid na ngumiti. "Dad, wala akong magagawa trabaho 'yon. Kailangan ako ng mga pasyente, hindi naman puwedeng unahin ko ang sarili ko habang may nag-aagaw buhay."

"Ang ibig kong sabihin, bakit hindi ka muna mag rest sa trabaho mo at intindihin ang sarili mo. Anak, mawawala ka na sa kalendaryo," sàbi niya pa

Hindi ako sumagot at itinuon na lang ang atensyon sa TV. "Kayo ba ni Smut? Kamusta kayong dalawa, ba't hindi pa kayo magpakasal?" 

Napasinghap ako sa sinabi ni Daddy at gulat siyang nilingon. "Dad! Magkaibigan lang kami ni Smut!"

"Magkaibigan daw..." sulsol ni Aubrey kaya naman inis ko siyang binalingan.

"Nako, Nadia ikaw na ang kumausap sa anak mo. Hindi naman ako iniintindi niyan," paalam ni Daddy at saka kami iniwan.

Napahilot ako sa sintido ko at sumandal sa sofa. Bakit ba pilit akong tinutulak ni daddy kay Smut, magkaibigan lang kami ng tao. Oo siya ang tumulong para hindi na ako magpakasal sa iba pero tumulong siya bilang kaibigan. Hindi siya nanghihingi ng kahit na ano kapalit ng pag iinvest ng pamilya niya sa kumpanya namin.

"Intindihin mo ang sinasabi ni Daddy mo, anak hindi ka na bumabata. Mabait na bata si Smut matagal na rin kayong magkaibigan walang mawawala kung susubukan niyo," nakangiting sabi ni Mommy at saka sinundan si Daddy.

Napaungol na lang ako sa inis. "Mom! Pati ba naman ikaw?!"

Magkaibigan lang kami ni Smut! Hindi ko pa nga alam kung naka move on na ako tapos subukan? Nababaliw na ba sila? At saka may babaeng gusto na din ang kumag na 'yon.

Mas lalo akong nainis ng marinig ang tawa ni Audrey kaya naman inis akong tumayo, inismidan siya at saka padabog na umakyat sa taas.

"Sir, naayos ko na po pero pinag iisipan ko po muna."

[That's good, mag email ka na lang sa'kin kung sigurado ka na at kung kailan ka mag sisimula.]

"Yes sir, thank you po."

[No problem, Dra. Mondragon. Alam ko na isa ka sa pinakamagaling na surgeon na kilala ko kaya hindi na ako makapaghintay na piliin mo ang hospital namin.]

Nahiya naman ako sa sinabi niya at ilang na tumawa. Hindi ako sanay na pinupuri ng ganoon. Nagpasalamat ako sa kaniya at saka nagpaalam.

Tinignan ko ang mga papeles na nasa table ko, inilagay ko sa isang enevelope ang mga requirements na ka-kailanganin ko kapag nakapili na ako ng hospital na pagtatrabahuhan.

Napatingin ako sa kalendaryo at mapait na ngumiti ng makita ang date ngayon. Itinabi ko muna ang mga kalat sa table ko at nag linis ng sarili bago bumaba.

Walang tao sa baba kaya naman dumiretso na ako sa garahe, at saka sumakay sa kotse ko na binili noong isang araw. Regalo sa akin 'to ni Daddy sa pagbabalik ko hindi pa ako makapaniwala dahil sa ang babaw na rason non para bilhan niya ako ng sariling sasakyan.

May sasakyan ako pero nasa Europe, balak ko sanang bumili ng sasakyan kapag kailangan ko na talaga pero inunahan niya na ako. Pinaandar ko ang kotse palabas, dumaan ako sa isang flower shop upang bumili. Umorder din ako sa malapit na fastfood ng pagkain na dadalhin.

Nang makarating sa balak puntahan ay maingat akong naglakad upang tignan ang bawat puntod. Halos kalahating oras na akong naglalakad ng hindi ko pa rin makita ang hinahanap. Nag text ako kay Charls at nagtanong.

Pinuntahan ko ang lugar na sinabi niya at malungkot na ngumiti ng makita ang puntod na hinahanap. Inilapag ko ang bulaklak na dala sa tabi ng puntod niya. Ibinaba ko ang aking bag at mga dala-dala at saka inalis ang balabal na nasa bewan ko at inilatag 'yon.

Nang mailatag ay doon ako umupo at pinagmasdan ang puntod sa may harapan.

"Kamusta hmmm? Pasensiya na ngayon lang ako dumalaw sa'yo," sumalampak ako, kinuha at inilabas ang mga pagkain na binili. Nagbukas ako ng sa akin at ng sa kaniya.

"Ayan, mag pi-picnic tayo huwag ka ng magtatampo sa akin. Babawi ako promise, hindi man araw-araw ay linggo-linggo kitang dadalawin."

Nagsimula akong kumain ng tahimik, kahit walang gana ay pinilit kong ubusin ang pagkain ko. Natigilan ako ng malakas na umihip ang hangin, ibinaba ko ang styro na hawak at saka hinaplos ang puntod niya.

"Alam mo ba? Doctor na ako ngayon. Pati rin si Charls, parehas kami ng school at hospital na pinasukan," malungkot kong kuwento.

"Siguro masaya ka na makita kaming naabot ang mga pangarap natin, kahit hindi ka namin kasama. Sa bawat operasyon na aming ginagawa ramdam namin na nandiyan ka..."

Pumikit ako at nagsimulang umiyak. Tumingala ako at malungkot na ngumiti. "Madaya ka, sabi mo future doctor tayo hindi ba? Kaya bakit imbis na sa hospital ay nandiyan ka?"

"Siguro, tambay ka sa gate diyan. Nag apply ka bang guard kay San Pedro ha? Siguro hindi mo pinapapasok ang mga taong ginagamot namin kaya nagtatagumpay kami," yumuko ako at tumingin sa puntod niya.

Asenna Karisse Lewis

"Best... namimiss na kita. Miss ka na namin ni Charls. Bakit mo ba kasi kami iniwan?"

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
411K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.