Forever and Always BOOK 1 ( a...

By CallaLilywriter

1K 58 0

Alex and Erika were inseparable since childhood. They were best of friends, allies, best buddies who promised... More

PROLOGUE
NOT THE FIRST CHAPTER YET
Forever and Always - CHAPTER 1
Forever and Always - CHAPTER 3
Forever and Always - CHAPTER 4
Forever and Always - CHAPTER 5
Forever and Always - CHAPTER 6
Forever and Always - CHAPTER 7
Forever and Always - CHAPTER 8
Forever and Always - CHAPTER 9
Forever and Always - CHAPTER 10
Forever and Always - CHAPTER 11
Forever and Always - CHAPTER 12
Forever and Always - CHAPTER 13
Forever and Always - CHAPTER 14
Forever and Always - CHAPTER 15
Forever and Always - CHAPTER 16
Forever and Always - CHAPTER 17
Forever and Always - Book 1 FINAL CHAPTER

Forever and Always - CHAPTER 2

56 3 0
By CallaLilywriter

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Pepper habang nakatitig sa orasan. Nag-text si Alex na imbes sa studio nito ay sa school publication office gaganapin ang photo shoot. Mas pabor iyon sa kanya dahil may pasok pala siya ng hapong iyon. Kung bakit kasi nakalimutan niyang hanggang 4PM ang Chemistry subject nila. Naiinis siya sa sarili. Kung pwede lang niyang hilahin iyon gagawin niya. One minute to 4 o'clock. Baka ma-late siya sa photo shoot, or worse, baka wala na siyang maabutan. Parati pa namang on-time si Alex at lalo na si Lance. Napabuntong-hininga siya. Ang layo pa naman ng school pub office sa classroom nila.

Pagka-dismiss ng klase ay kaagad siyang napatayo at kumaripas ng takbo. Nagulat ang kaklase niya ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag ng mga ito sa kanya. Nakasalalay ang kinabukasan ng puso sa pagtakbo niya. Napangiti siya nang maalala ang guwapong mukha ni Lance at mas binilisan ang pagtakbo.

Hinihingal siya at pawis na pawis nang marating ang office. Ganoon na lang ang pagngingitngit niya nang makitang maraming estudyanteng nakaabang sa labas. Nakabusangot ang mukha niya dahil hindi naman siya katangkaran kaya't hindi siya makasilip man lang. Gusto niyang maiyak.

Biglang nag-ring ang phone niya. Si Alex iyon.

"Ano ba ang 4PM sa'yo? Malapit na kaming matapos."

"Paano ako makakapasok eh, andaming asungot!"

"Nasa labas ka na?"

"Kanina pa!" pagsisinungaling niya.

Wala isang segundo ay biglang nahawi ang estudyanteng nakaharang sa kanya.

"Eh, bakit hindi mo ako tinawagan?" ani Alex na kausap pa rin siya sa cellphone habang papalapit sa kanya.

"Kasi naiinis ako. Bakit andaming tao?" aniyang nakatingin rito habang kausap pa rin sa phone. Ibinaba niya iyon nang mahawakan nito ang kamay niya.

"Nakalimutan mo bang celebrity ang bestfriend mo?" bulong nito sabay ngiti sa mga babaeng naroroon.

"I love you, Alex!" sigaw ng babae sa likuran niya na sinuklian naman ng matamis na ngiti ng kaibigan.

Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ito at sinimangutan.

"Akala ko ba kanina ka pa? Eh, hingal ka pa o. Saka pawis ka pa. Hindi na bagay sa'yo ang Pepper dahil amoy suka ka na."

Na-conscious siya sa amoy kaya lalong nadagdagan ang inis niya. "Ang layo naman kasi nitong office n'yo," himutok niya.

Pagpasok niya sa office ay tila tumigil ang mundo nang magpang-abot ang mata nila ni Lance. She could feel butterflies in her stomach, swirling around making her feel sick. Pero nagawa niyang ngumiti rito kahit nanginginig ang labi.

Toughen up, aniya sa sarili nang bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Ginusto mo 'to, di ba? Plano mo 'to kaya pakatatag ka! Kulang na lang ay batukan niya ang sarili.

Kausap ni Lance si Hannah, ang editor-in-chief nila na parang tangang nakangiti habang ini-interview ito. Pero si Lance, nakatingin sa kanya. Sinuklian nito ang ngiti niya. Naparalisa siya bigla. Bumilis bigla ang tahip nga dibdib niya. Ohemgee! Aatakihin yata siya sa puso!

"Okay ka lang?" untag ni Alex. Hindi siya makasagot at hindi siya makakilos dahil nakita niyang nagpaalam si Lance kay Hannah at lumapit sa kanila. Napaatras bigla ang isang paa niya.

"Hello, Erika," ani Lance sa baritonong tinig. "Nice to see you again."

Nalulon yata niya ang dila niya. Mas mukha na siyang tanga kesa kay Hannah ngayon. Say something! Sigaw niya sa sarili.

"T-Tumakbo ako," bigla niyang sabi. Pero huli na para mapigilan niya ang sarili. "para makita ka ulit."

Narinig niyang biglang napa-ubo si Alex. Dagli niyang sinipa ang paa nito. Tumalikod ito at yumuyugyog ang balikat. Namula ang buong mukha niya. Ano ba ang sinabi niya?

Nakita niyang lumuwang ang pagkakangiti ni Lance. "Kaya ka pala pinagpapawisan," anito na tila naaaliw. "Here," anito at inabot ang panyo.

Tumigil na naman ang mundo. Okay lang kahit na hinihingal siya, Okay lang kahit pawisan siya at nanlalagkit. Okay lang kahit pinagtatawanan siya ni Alex. Kasi nginitian siya ni Lance. At binigyan pa siya ng panyo.

"Thank you," aniyang tila nasa alapaap at dinala sa dibdib ang panyo. Ang saya-saya niya. Gusto niyang sumigaw.

"Are you free Saturday night?"

Pumalakpak ang tenga niya sa narinig. Tila laser beam ang mata ni Hannah na nakatutok sa kanya pero hindi niya pinansin iyon. Tumango siya kaagad. "Are you taking me out on a date?" aniyang hindi napigilan ang excitement sa tinig.

"Should we continue with the photo shoot?" sabad ni Hannah na hindi na maipinta ang mukha. Ngunit parang wala siyang narinig. Tila hindi rin ito narinig ni Lance. Parang sila lang dalawa ang narororon.

Lumuwang ang pagkakangiti ni Lance habang nakatitig sa kanya. "Yes. I've been planning to date you."

"Same here," aniyang natampal ang noo nang matanto kung ano ang sinabi dahil napatawa ang binatang kaharap. "I mean..." napabuga siya ng hininga. "Well, yeah," she let out a nervous laugh. "I mean it."

"I liked it that you meant it," ani Lance. "Really liked it."

I really like you... Gusto niyang isagot ngunit naunahan siyang magsalita ni Alex.

"Should we continue with the photo shoot?"

Inulit lang nito ang sinabi ni Hannah. Tiningnan niya ng masama si Alex na masama rin ang tingin sa kanya. Dapat niyang pigilan ang bibig. Saka na siya magtatapat kay Lance kapag silang dalawa na lang. Dahil masama rin ang tingin na ipinupukol ni Hannah sa kanya.

Kuntento siyang nakaupo habang pinagmamasdan si Lance. Panaka-naka niya ring inaamoy ang panyo nito. Ang bango. Napangiti siya. Alam niyang mukha siyang tanga pero wala siyang pakialam. Masaya siya. May date sila sa Saturday! Ilang beses niyang kinurot ang sarili para makumpirmang hindi siya nananaginip. Pakiramdam niya ulap ang inuupuan niya. Lalo pa't nginingitian siya ni Lance paminsan.
He is the one, aniya sa sarili habang dama ang lakas ng tibok ng dibdib. She was right about him that moment he said hello and held her gaze for a long time. Ngayon lang tumibok ang puso niya ng ganito kabilis. Ngayon lang siya naging ganito ka-inspirado at naging ganito kasaya.

"Can we also have a picture together?" bigla'y sabi ni Lance.

Namula ang pisngi ni Hannah sabay ngiti na kaagad din nawala nang mapansing nakatingin si Lance sa kanya.

"Please, Erika?" anito. His sweet smile and sweet voice.

"Sure," aniya at lumapit dito kahit na parang sasabog ang puso sa saya.

Gusto niya itong yakapin pero pinigilan niya ang sarili dahil baka mapagalitan siya ni Alex. Kita niyang nangangalit ang bagang nito lalo na nung akbayan siya ni Lance. Hindi ba ito masaya na masaya siya? Kung minsan, ang weird din ng bestfriend niya.

Ilang minuto lang ay natapos na ang interview at photo shoot. Nalungkot siya bigla nang magpaalam si Lance.

"I'll see you Saturday, then?"

Tumango siya sabay matamis na ngiti. Wala siyang pakialam kahit na nanlilisik ang mata ni Hannah sa kanya at padabog na umalis. Mukha lang ni Lance ang nakikita niya.

"Hindi ako matutulog. Hihintayin kita," bulong niya habang papalayo ito. "Aw!" sigaw niya dahil kinutusan siya bigla ni Alex.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Para kang timang."

"Bakit? Ano'ng masama dun?" aniyang hawak ang noo at umarteng nasaktan.

Umiling ito habang nililigpit ang mga gamit. "Ni hindi ka man lang nag-isip. Bakit? Papayagan ka ba ni Tito at Tita na makipag-date?"

Natameme siya. Oo nga pala.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" mahinang sabi niya sabay tingin dito nagpapaawa.

"Hindi!" matigas na sabi nito.

Umawang ang bibig niya at shocked na napatingin sa kaibigan. Totoong galit ito. "Bakit ka ba ganyan? Panira ka naman ng moment," maktol niya. "Ang saya-saya ko tapos, ganyan ka."

Tiningnan siya nito na tila ba nagpipigil na singhalan siya. "Umuwi na tayo." tanging sagot nito, madilim pa rin ang mukha.

Pina-tirik niya ang mata. May sumpong na naman ang best friend niya. Ano ba ang ikinagalit nito bigla? Hinabol niya ito saka inakbayan. "Ano'ng gusto mong kainin? Libre ko!"

Ngunit inalis ni Alex ang kamay niya sa sa pagkakaakbay rito. "Hindi ako gutom."

She smiled sheepishly. Iniisip kung ano ang kahinaan ng kaibigan.

"Tigilan mo ang ngiting iyan, para kang nasasapian."

"Eh, bakit ka kasi ganyan?"

"Bakit nga ba Pepper? Ano bang meron sa Saturday?"

"Ano bang meron sa Saturday?" ulit na tanong niya. "Yung date namin ni Lance?"

Tiningnan siya nito ng masama saka walang salitang iniwan. Sinadya nitong bilisan at lakihan ang hakbang para maiwan siya. Napatakbo siya para mahabol ito. Ano bang ikinagalit nito? Teka, ano nga bang meron sa Saturday? Wala naman talaga!

Wait, ano ba ang date sa Saturday? Kinuha niya ang cellphone at sinilip ang date. October 23. Napamulagat siya. Natutop niya ang bibig nang maalala ang usapan nila sa Sabado. Well, hindi naman talaga usapan iyon. It's more of a habit. It's like a pact between them. Birthday ng Papa nito sa Sabado. Markado na sa kalendaryo niya ang birthdays ni Tito Jordan at Tita Dinah, wedding anniversary at foundation ng law firm ng mga Herrera. Nasasakal si Alex sa mga okasyon na kagaya niyon kaya hindi pwedeng mawala siya. Oh no!

"What to do?" Aniya na napahawak ang ulo. Paano ang date nila ni Lance? No... Paano si Alex?
Tumakbo siya para maabutan ang ang kaibigan. Ang Daddy niya ang sundo nila ng hapong iyon. Nag-aalala siyang baka isumbong siya ng kaibigan. Hindi man lang siya hinintay at nauna ng pumasok sa sasakyan.

"Hi, Dad!" aniyang pinasigla ang tinig sabay halik sa pisngi nito.

"Hello, baby," sagot ng Daddy Gino niya sabay gulo sa buhok niya.

"Dad naman," rekalamo niya.

Tumawa ang Daddy niya. "Stay at the back. May sasabay sa atin."

"O-Okay," alumpihit na tugon niya at napasulyap kay Alex na tahimik lang sa likod. Pagbaba niya ng sasakyan ay nagulat siya nang makita si Lance.

"H-Hi," kiming bati niya. Dinagsa ng kaba ang dibdib niya.

"Hello, Erika. Makikisabay ako ng uwi," anitong nakangiti. "Hello, Tito Gino," kinawayan nito ang Daddy niya.

Nanlaki ang mata niya. Nanginig bigla ang tuhod. Nagulat siya nang may humila bigla sa kamay niya.
"Sakay na daw, sabi ni Tito." ani Alex.

Sabay silang sumakay ni Lance. Napatingin siya ng masama kay Alex. Nagsumbong ba ito sa Daddy niya kaya kasama nila si Lance? She felt betrayed. Ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay nang makitang naiiyak siya sa inis.

"Nasa bahay kasi ang Ninang Betchy mo, nakiusap na isabay ko si Lance kasi may interview dito."
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng Daddy niya. Nang tingnan siya ni Alex, nangongonsensiya ang tingin nito. Nakagat niya ang labi pagkuwa'y napayuko.

Habang enjoy sa pag-uusap si Lance at Daddy niya'y hindi naman sila nagkikibuan ni Alex. Hindi tuloy niya ma-enjoy ang moment. Nagpasalamat siya nang mabilis silang dumating sa bahay.

Nagulat siya nang biglang nagpaalam si Alex. Nasa malapit lang ang bahay nito at nakaugalian na nitong magtambay sa kanila at makikain ng hapunan dahil palaging late umuuwi ang parents nito.

"Dito ka na maghapunan, hijo. Naghanda ang Tita Mushroom mo ng paborito mo."

"Salamat po, Tito, pero..." napakamot ito sa ulo habang nag-aapuhap ng idadahilan.

"Mag-i-edit ka pa ng pictures?" mataray na tanong niya.

"Ganoon nga po. Sige po," anitong hindi man lang siya tiningnan at paatras na naglakad at kumaway kay Lance.

"Nag-away ba kayo?" anang Daddy niya.

"Hindi po," aniya habang tinapunan ng tingin ang papalayong kababata. "Mag-aaway pa lang po," himutok niya. Nakita niya ang pagngiti ni Lance.

"Mauna na ho kayo sa loob, susunod ako."

"Samahan kita?" ani Lance.

Ngumiti siya sabay iling. "Next time na lang. Susunod ako," aniya at hinabol ang kaibigan.

Naiiling ang Daddy Gino niya at inakbayan si Lance papasok ng bahay nila. It was a perfect moment. Kung hindi lang nagmamarkulyo si Alex.

"Alex!" sigaw niya. Hindi man lang ito lumingon. Tumakbo siya at humarang sa dinaraanan nito.

"Go home, Pepper."

"I'm sorry, okay?" aniyang hinahabol pa ang hininga. Hinawakan niya ito sa balikat para tumigil ito sa paghakbang. "Nawala sa isip ko ang birthday ng Papa mo. Hindi mo naman pinaalala, di ba? Basta ka lang nagagalit."

Napabuga ito ng hininga. "Hindi ako galit." anito at inalis ang kamay niya at patuloy na naglakad.

"Eh, ano yang pinapakita mo ngayon?"

"Just let me be, Pepper."

"Pwede ko naman i-postpone yung date namin ni Lance."

Natigil ito sa paghakbang. "Talaga? Gagawin mo yun?"

Labas sa ilong ang Oo na sagot niya.

"Forget it, Pepper." anito at naglakad ulit.

"Bakit ba ang hirap mong kausapin? Can't you see I'm trying so hard so we won't argue?"

"There's no argument. You can have your date. Besides, I'm a grown up now. I don't need you anymore."

Napatigil bigla ang paghakbang niya. Kumunot ang noo niya sa narinig at tinitigan ito. What did he say?

"Go home, Pepper." anito at iniwan siya.

Gusto niyang habulin ito pero nanginginig ang tuhod niya. Hindi niya alam kung bakit ang sakit ng sinabi ni Alex. Hindi niya alam kung bakit ang bigat ng dibdib niya. At hindi niya alam kung bakit hindi maampat ng tulo ang luha niya.

Continue Reading

You'll Also Like

Fall for You By K.

Short Story

279K 7K 16
I am Tatiana Marie de Vega, and this is my story of love, heartache and reconciliation with Marcus Elliot Legaspi.
26K 401 22
Reese dela Vega is a sophisticated young woman who already achieved so much in her early age. Her aggressive and intimidating persona landed her in a...
1.4K 148 31
"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito k...
Palagi By AtashiaBliss

General Fiction

921 173 28
Minsan nakakapagod din ang magmahal. Kalakip nito ang sakit, takot, pangamba at panghihinayang. Panghihinayang sa mga panahong nasayang at panghihina...