Mageía High: Grimoire of Astr...

By suneowara

1.9M 110K 13.8K

A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And... More

Author's Note
Prologue
ANNOUNCEMENT!!! // REPRINT
Welcome, to world of magic
1. Mageía High
2. Test
3. Duel
4. First Day
5. History
6. Blue moon
7. Black forest
8. Howling woods
9. The Princess of Bernice
10. Summoning
11. New Lead
12. Company
13. Dream
14. Fate
14.5 Zero
15. Start of Adventure
16. Sydros
17. Childhood
18. Departure
19. Kanyes
20. Suicide
21. Who's the boss
22. Secret
23. Border
24. Last Town
26. Combination
27. Witnessed
28. Rest
29. Second Disciple
30. Witch
31. The greatest
32. The person I look up to
33. Broken
34. Back in time
35. For the second time
36. Festival
37. Wand
37.5 Wish
38. Destined
39. Back
40. Return
41. Descendant
42. Frencide
43. The plan
44. The culprit
45. Stick to the plan
46. The student
47. The future
48. Avenge
49. Trust
50. Believe
51. The greatest witch
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT

25. Against the Disciples

28.8K 1.8K 159
By suneowara

AGAINST THE DISCIPLES

[Zairah]

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng kababata ko. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gumamit ng isang Rank SS spell. Buong buhay na magkasama kami ay hindi ko siya nakitang magseryoso man lang.

Lumabas ang malaking ahas na sinummon ni Lei. Pare-parehong nakaangat ang tingin namin sa kaniya.

Body fulls of scales, eyes gold as the sun, fangs sharp enough to cut houses in half, and a tongue moving inside out—hissing.

Hindi kaagad nagawang makakilos ng mga Disciples sa ginawa nito.

"éspase ti gi," muling sambit ni Lei.

Nagsimulang gumalaw ulit at bumiyak ang lupa. Ngunit hindi katulad ng kanina ay mas malakas ito, sa puntong pakiramdam ko ay tinatalon-talon ako.

Kahit hindi ko pa rin magawang makapaniwala ay hindi ko rin mapigilang mapangisi.

Lei is no longer the stupid guy I knew. The kid that always follows me around no matter where I went.

Naging busy ako sa pagpapalakas at nakalimutan kong nag-i-improve rin siya. Hindi ko mapigilang ma-guilty dahil laging nasa tabi ko si Lei kapag meron akong mga bagong bagay na natututuhan, sa kabilang banda ay ni hindi ko man lang alam na kaya niyang gumawa ng ganitong spell.

Ang serpent na sinummon ni Lei ay pinalibutan ang matandang lalaking Disciple na may numerong lima sa dibdib.

Nabigla ako nang nawala ang epekto ng spell nito kay Raze, nahulog ito sa lupa.

That earth serpent had the ability to cancel any spells no matter what kind rank it is... a strong counter spell.

As expected to a Rank SS spell, looks like being the son of the ruler of Frencide was not just for show.

Dahil doon ay bumagsak si Raze na agad na tinulungan nina Xena at Tana.

"Takbo!" biglaang sambit ni Lei.

Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa at sinunod ko ang sinabi niya. Kinuha na namin ang chansang nawala ang atensyon sa amin ng mga Disciples.

Nagsimula na 'kong tumakbo nang matauhan ako. Habol-habol ko ang hininga ko nang lumingon ako sa mga kasama ko. No'ng una ay humanga na 'ko kay Lei. Pero mabilis ding naglaho 'yon.

That freaking jerk is running on the opposite direction!

Hindi ko alam kung sa sobrang kaba niya ay sa kabilang direksyon siya tumatakbo. Ang ikinabigla ko pa ay tumatakbo siya habang hila-hila si Xena. Habol-habol sila ng Disciple na pang limang pwesto.

Sa kabilang banda ay umiiyak din habang tumatakbo sa ibang direksyon si Tana at hila-hila rin nito ang nabiglang si Raze. Sumunod din sa kanila ang lalaking Disciple na pang walong pwesto.

Napaismid na lamang ako sa ginawa nila. Hindi ko sila magagawang sundan dahil habol-habol din ako ng babaeng Disciple na nasa pang ika-labindalawang pwesto.

Wala akong choice kung hindi magpatuloy sa pagtakbo. Hindi ko na kailangang mag-alala sa kanila.

I witnessed how strong they were. Ngayon nila sa akin ipakita kung hanggang saan ang makakakaya nila. If they really wants to find the Grimoire of Astria, there is no way that they'll lose to a mere Disciple.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pasimple kong sinisilip ang babaeng sumusunod sa akin. Hindi mawala ang ngisi sa labi nito na para bang batang nakahanap ng kalaro.

If that's what you really want, then I'll play with you.

Dinala ko siya sa isang patag na parte ng bayan. Walang gaanong bahay sa paligid o kahit anong estraktura. Hindi ko kailangang magpigil dito.

"Oh? Napagod ka na bang tumakbo?" natatawang sambit ng babaeng kaharap ko nang huminto ako sa pagtakbo.

Hinabol ko ang mga tingin niya at matalim ko itong tinignan.

"Nah, I'm just done doing my warm up," balik ko rito.

Natawa ang babae sa sinabi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Isa ka bang noble? Anong klase kayang spell ang maipapakita sa akin ng isang mayamang katulad mo?" pang-aasar nito sa akin.

Napaismid ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nagagawang makasagot ay nagsalita ulit siya.

"Paniguradong estado mo lang sa buhay ang pinoproblema mo, ano? Paano mo 'ko magagawang matalo?"

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko sa sinabi niya. Masyado niya 'kong minamaliit.

Pero hindi ko siya masisisi. Halos lahat ng tingin ng mga tao sa mga nobles ay sarili lamang ang iniisip. Tanging estado lamang ang pinagbabasehan nila.

Pero hindi ako kasama sa mga taong gano'n. I hate myself for being a noble.

Itinapat ko ang kamay ko sa lupa at binanggit ang mga salita.

"Se kaleí dasikí alepoú," sambit ko.

Lumabas ang malaking bilog sa lupa at ang mga simbolo. Humampas ang hangin dahilan ng pagsiliparan ng buhok ko. A white fox with two tails appeared in front of me. A forest fox spirit.

Umalingawngaw ang tawa ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko. Napahawak siya sa tiyan at tinuro ang fox na sinummon ko.

"Ano 'yan? Sa tingin mo matatalo mo 'ko riyan?" natatawang sambit ng Disciple sa akin.

"At ang lakas pa talaga ng loob mong ganiyang rank ang gamitin ha? Hindi 'yan tulad ng spell na ginamit ng kasama mo kanina. Walang epekto sa akin 'yan," dagdag niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatiling nasa spirit ang tingin at atensyon ko.

I don't want to use this spell. Pero mukhang wala akong magagawa kung hindi gamitin ito. Kung gusto ko siyang matalo ay ito lang ang spell na naiisip kong kayang magawa ngayon.

I'm planning to use this to my stupid father first. To show him what I got. But it looks like that won't happen.

Tinapunan ko ng tingin ang babaeng kaharap ko at muli kong itinapat ang kamay ko sa lupa. Natigilan 'to sa pagtawa sa ginawa ko.

"Se kaleí fotiá aetós," muli kong sambit.

Lumabas ang bilog sa lupa at ang mga simbolo. Pareho kaming nakaramdam ng init. Naningkit ang mga mata niya at ginamit niyang pantakip ang braso niya sa mukha. Kasunod nito ay ang pagsulpot ng agilang napalilibutan ng apoy.

Naging seryoso ang ekspresyon ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko.

"You're out of your mind. You summoned two different kind of spirits," she said in a serious tone, trying to laugh—as if she was untroubled. Even though I can see in her eyes that she's curious and dismayed.

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. I summoned a fire and wind spirit. Wala akong spell na magagamit sa dalawang 'yon.

"Nasisiraan ka na talaga ng bait. Hindi ba sa inyo tinuro na walang spell ang maaring magamit kapag dalawang magkaibang spirit ang sinummon mo? Wala ka atang alam na spell," muling sambit ng babaeng kaharap ko.

Me? She told me that I don't know how to use a spell?

Patawa.

Dapat nga ay magpasalamat siya sa akin dahil siya ang unang taong makasasaksi ng spell na 'to. Tinanong niya sa akin kanina kung anong klaseng spell ang gagamitin kong panlaban sa kaniya.... Well, this is it.

"You said that there is no spell that can be use if you summon two different spirits," walang kaemo-emosyong sambit ko.

"Then I'll make one." Huminga ako nang malalim bago banggitin ang mga salita.

"fotiá anemostróvilos," sambit ko.

Gamit ang dalawang spirits na sinummon ko, lumabas ang isang buhawi na gawa sa apoy. Lumakas ang paghampas ng hangin, at tumriple ang init. Napaawang ang bibig ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko at hindi nito magawang makapagsalita.

Seryoso at nakapako ang tingin ko sa kaniya, habang nakaangat ang tingin niya sa buhawing gawa sa apoy.

I told myself that I'm going to be a great witch. This is my first step.

The first spell that I've made.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 80.6K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...
1.6M 64K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
2.2M 123K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...